You are on page 1of 27

ALAMAT

Ang alamat ay isa sa mga


kuwentong- bayan ng bans ana
inilahad sa paraang pasalin – dila
ng ating mga ninuno. Ito ay
kinapapalooban ng mga kawili
-wiling kuwento na kadalasang
tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay – bagay sa paligid at sa
daigdig.
Mga Bahagi ng Alamat
Basahin at tandaan ang sumusunod
na mga bahagi ng alamat.
1. Simula
Ito ay bahagi ng alamat na naglalahad ng
mga tauhan na gaganap sa kuwento, mga
lugar at oras na pinangyarihan ng bawat
tagpo, at ang suliranin na kahaharapin ng
mga pangunahing tauhan.
a.Tauhan – inilalarawan dito ang mga
magbibigay buhay o gaganap sa
kuwento.

b. Tagpuan – binabanggit dito ang


mga pook at oras na pinangyarihan
ng bawat tagpo sa kuwento.
c. Suliranin – Tinatalakay dito
ang problema o dagok na
nararanasan ng mga
pangunahing tauhan.
c. Suliranin – Tinatalakay dito
ang problema o dagok na
nararanasan ng mga
pangunahing tauhan.
a. Saglit na kasiglahan –
ipinahihiwatig dito ang panandaliang
kasiyahan na mararamdaman ng
mga pangunahing tauhan sa
kuwento bago matuklasan ang
problema.
b. Tunggalian – inilalarawan
dito ang pakiikipagsapalaran
ng mga panunahing tauhan sa
pagharap ng suliranin sa
kanilang buhay.
c. Kasukdulan –
ipinapakita rito kung paano
binigyang kasagutan at
solusyon ng mga
pangunahing tauhan ang
suliranin na nagpahirap sa
kanila.
3. Wakas
- ito ay bahagi ng alamat na
naglalahad ng mga huling kaganapan o
pangyayari sa kuwento. Isinasaad dito
kung ang mga pangunahing tauhan ay
nagtagumpay o nabigo at nakaranas
ng kasiyahan o kalungkutan.
a.Kakalasan – ipinapakita rito ang
kahihinatnan ng bawat tagpo sa
kuwento.

b. Katapusan – inilalahad dito ang


mga panghuling pahayag bilang
pagwawakas ng kuwento.
MGA ANGKOP NA
PAHAYAG BILANG
PANIMULA, GITNA, AT
WAKAS NG
PAGLALAHAD
Ang isang talata ay dapat
nahahati sa mga bahaging
panimula,gitna, at wakas. Ito
ay kailangang nagtataglay ng
mga kaisipan at saloobin
tungkol sa isang paksa.
Sa paraan ng pagpapahayag,
nararapat na ito ay kapalooban
ng mga angkop na salita na
magbibigay linaw sa mensahe
na nais iparating.
Ang panimulang talata ay
dapat maging malinaw, madaling
maunawaan at mabisa dahil
nagsisilbi itong daan patungo sa
isang mahusay na paglalahad ng
mga pahayag tungkol sa
particular na paksa.
Ito ay kadalasang
ginagamitan ng pahayag
tulad ng noong unang
panahon, sa araw ng.
Ang gitna naman ay ang
pinakakatawan ng talata. Sa
bahaging ito matatagpuan ang mga
nilalaman, kaalaman, at
karagdagang kaalaman tungkol sa
mga pahayag na nabanggit sa
panimulang talata.
Ito ay binubuo ng mga
talatang kinapapalooban ng
mga pangunahing kaisipan at
mg apantulong o pamunong
detalye na maayos ang
pagkakahanay – hanay o
pagkakasunod – sunod.
Ginagamitan ito ng mga
pahayag gaya ng
pagkaraan ng isang
taon, makalipas ang
isang araw at iba pa.
Ang wakas ay ang pasiya
o kahihinatnan sa
pagtalakay ng partikular na
paksa batay sa mga
katibayan at katuwirang
inisa – isa sa gitnang
bahagi.
Ito ay kailangang mag – iwan
ng kakintalan o bisang
pangmatagalan. Ginagamitan
ito ng mga pahayag tulad ng
mula noon, simula noon at iba
pa.
Halimbawa:
 
Panimula
Noong unang panahon, may isang
makisig na prinsipe na nagpasiyang
maglakbay upang humanap ng lunas sa
sakit ng kaniyang ama. Sa kaniyang
paglalakbay ay dala niya ang pag – asa na
magtatagumpay sa misyon.
Gitna
Pagkalipas ng sampung
buwan ay nagbalik ang
prinsipe dala ang
pangakong lunas para sa
kaniyang ama.
Wakas
Nagtungo agad ang prinsipe sa silid
ng ama at dali – daling ibinigay dito
ang dalang lunas. Matapos nito ay
lubos na nagpahinga ang hari.
Kinabukasan ay nanumbalik na ang
lakas nito. Mula noon ay naging
masigla na ang hari at ang buong
kaharian ay muling nagsaya.
Gawain
Magsaliksik ng isang halimbawa
ng alamat ng Luzon. Pagkatapos
ay gamitin ang angkop na mga
pahayag sa panimula, gitna at
pangwakas na pangyayari gamit
ang story map.
_____________________________

Pamagat ng Alamat
Gawain 2
Sumulat ng sariling kuwento
tungkol sa isang karanasan na
hindi mo makakalimutan.
Pagkatapos gumamit ng mga
salitang hudyat sa panimula,
gitna at wakas na pangyayari.

You might also like