You are on page 1of 22

IDOLO KO SI

KAP
Idolo Ko Si Kap
Basahin ang ilang bahagi ng talaarawan
ni Jay Sabino. Alamin kung bakit sa
maikling panahon ay napahanga na siya
ng isang opisyal ng pamahalaan.
Agosto 26, 2015
Mahal kong diary,
Gabi na. Buong maghapon man akong
tumulong sa pag – aayos ng aming mga
kagamitan at pagsasalansan ng mga damit,
hindi pa rin ako makatulog. Magkahalong
lungkot at kasabikan ang nararamdaman ko sa
kasalukuyan.
Lungkot dahil lilisanin na namin ang lugar na
kinalakihan ko sa loob ng labindalawang taon
at siyempre ang aking mga kalaro, mga kamag
– aral, at mga kaibigan. Kasabikan dahil mula
rito sa amin sa Bambang, Nueva Vizcaya ay
makikipagsapalaran kami sa Maynila. Doon
na kasi magtatayo ng maliit na negosyo ang
aking mga magulang.
Iba – iba ang naririnig kong balita tungkol sa
lugar na ito. May mabubuti at may masasama,
ngunit mas marami ang hindi kanais – nais.
Sana ay mali ang aking sapantaha. Tila
napipikit na ako. Magpapahinga na ako.
Maaga pa kaming luluwas bukas.

Jay
Agosto 27, 2015
Mahal kong diary,
Salamat sa Diyos pagkatapos ng mahigit
apat na oras na biyahe ay nakarating na kami
sa Tondo, Maynila. Inikot ko ang aking
paningin. Mula sa mga larawang nakita ko na,
ito na nga ang Maynila.
Nagtataasan ang mga gusali rito samantalang
mas maraming puno at tanaw ang kabundukan
sa amin sa Nueva Vizcaya. Sinalubong kami
ng pinuno ng Barangay 250, si Rogelio
Bacani. Kasama niya at ipinakilala ang
kaniyang mga kagawad. Sabi ni Papa, malayo
raw namin siyang kamag – anak.
“Kap” na lamang daw ang itawag naming sa
kaniya. Ito ang bansag sa kaniya rito.
Tumulong sila sa pagbaba ng aming mga
kagamitan mula sa trak na aming inarkila.
Magtatanghalian na nang matapos
panandaliang pag – aayos sa apartment.
Magtutungo na sana kami sa isang malapit na
restoran nang kumatok ang isang tauhan ni
Kap at inimbitahan kaming magtanghalian sa
bulwagan ng barangay. Pagkatapos ng
tanghalian, binanggit ni Kap na huwag kaming
mag-atubiling sumangguni sa kaniya kung
may maitutulong siya.
Nagpasalamat kami kay Kap maging sa
kaniyang mga tauhan sa mainit nilang
pagtanggap sa amin sa Barangay 250. bumalik
kami sa bahay at muling naglinis at nag –
ayos, Hay, pagal talaga kami ngayong araw na
ito.

Jay
Oktubre 5, 2015
Mahal kong diary,
Mahigit isang buwan na kami rito sa
Maynila. Nakapagsimula na sina Papa at
Mama sa kanilang negosyong tindahan ng
mga gulay at prutas. Nakalipat na rin kaming
magkapatid sa paaralang malapit ditto. Sa
lahat ng mga ito, tumulong si Kap sa amin.
Sa napakaikling panahon pa lang na inilalagi
naming ditto, marami na akong nasaksihan at
naririnig na mabubuting Gawain ni Kap. Sa
ilalim ng kaniyang pamumuno, napabantog
ang aming barangay at pilit na tinutularan ng
mga karatig barangay dahil sa pagiging
maayos, mapayapa, at organisado.
Hindi na mabilang ang mga proyektong
kaniyang inilunsad para sa mga senior citizen,
out of school youth, single parents, at iba pa.
gayundin ang pag – oorganisa niya ng mga
programa tungkol sa kalinisan ng kapaligiran
at ang paniniguro ng kaligtasan ng bawat isa.
Bawal ang sistemang “palakasan” sa kaniya.
Pantay – pantay ang pagtingin niya sa
lahat. Mapagbigay si Kap. Kahit na nga
galing pa sa sarili niyang bulsa ay
ipinamamahagi niya. May mga
pagkakataong kailangan na niyang
matulog at magpahinga ay tumutugon pa
rin siya sa mga humihingi ng saklolo.
Idolo nga siya ng mga tao rito.
Maging ako ay mataas na ang
pagtingin sa kaniya dahil sa
kaniyang disposisyon. Sa
hinaharap, gusto kong tularan si
Kap.
Jay
Oktubre 6, 2015
Mahal kong diary,
Masayang – masaya ako ngayong araw na ito.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang
aking idolo. Bahagi ito ng aking takdang – aralin
sa aming paaralan. Pagkatapos ng aking
pakikipanayam sa kaniya, itinanong ko kung ano
ang mga plano niya sa susunod na halalan.
Aniya, hindi na raw siya kakandidato bilang
chairman. Kailangan daw bigyan ng
pagkakataon ang iba na mamuno. Sa kabila
nito, hindi naman daw siya titigil sa
paglilingkod sa Barangay 250. “Hindi
kailangang magkaroon ng katungkulan upang
makapagsilbi sa mga tao.
Ako pa rin ang inyong “Kap,” maaaring
maging kapatid, kapamilya, kapanalig , o
kapuso. Bahagya akong natawa, iyon pala ang
ibig sabihin sa kaniya ng “Kap,” ang buong
akala ko ay mula sa pinaikling “kapitan.” Sana
lahat ng nanunungkulan sa pamahalaan ay
katulad ni Kap, ang aking idolo.
Jay
Pagtalakay
1. Mula sa lalawigan ngf Nueva Ecija, saan na
nanirahan ang pamilya nina Jay?

2. Ano sa palagay ni Jay sa Maynila bago sila


pumunta rito?
3. Sino ang kaniyang hinahangaang pinuno ng
barangay?

4. Bakit “Kap” ang taguri sa kaniya?


Sagutan ang Kasanayang
Pantalasalitaan pahina 234
Sagutan ang Kasanayan sa
Pagbasa 235

You might also like