You are on page 1of 19

Apat na Sangkap

ng Kasanayang
Komunikatibo
Mayroong apat na na
sangkap upang malinang ang
kasanayang
pangkomunikatibo. Ito ay
makatutulong para lalo ka
pang maging bihasa sa
pagsulat man o sa pagsalita.
Ang kasanayang komunikatibo ay
ang abilidad na magamit ang wika
sa maayos na paraan sa anumang
pagkakataon, na isinaalang-alang
ang gamit at pagkakaiba-iba ng
mga wika.
Ang kasanayang komunikatibo ay
makatutulong sa ating lahat sa pagiging
isang mahusay na tagapagsalita dahil ito
ang isa sa pinakamahalagang kasanayan
na pwede mong matutunan dahil ito’y
magagamit mo kahit saan at kahit kailan.
Narito ang mga uri o mga sangkap ng
Kasanayang Komunikatibo:

1. Gramatikal
2. Sosyo-lingguwistik
3. Diskorsal
4. Strategic
1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-
kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa
wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na
kanyang ginagamit at kung angkop ng kanyang ginagamit
na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang
magka-intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring
maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan kapag hindi
wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo
ng salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa
pagbibigay kahulugan ng salita.
2. Sosyo-Lingguwistik – ito ang sangkap na magagamit
nang nagsasalita ang kalawakan ng kanyang
vocabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika. Dapat alam ng nagsasalita ang
paggamit ng angkop anumang pagkakataon. Dito
makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay
lang magsalita kompara sa isang katutubong
nagsasalita ng wika.
3. Diskorsal – ito ay ang sangkap na nagbibigay
kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe
upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang
salita upang mas maunawaan ang salita at
mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
4. Strategic – ito ay ang sangkap na nagagamit ng
nagsasalita ang mga berbal na pananalita upang wasto
niyang maipahayag ang kanyang mensahe at maiwasan
o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa
komunikasyon. Nakatutulong din ng mga hindi berbal na
hudyat sa pagsasalita kagaya ng kumpas ngkamay,
tindig, at ekspresyon ng mukha upang mailahad ang
tamang mensahe.
PARAAN NG PAGLALAHAD SA
DISKORSAL
- Diyalogo – aside – ito ay pasaring,
patama, pabulong na mga salitang
nakatuon sa ibang tao ngunit hindi sa
taong pinatungkulan. Ito rin ang mga
salitang binibigkas nang mahina na ang
nakaririnig lamang ay isang tao o isang
grupo at hindi naririnig ng mga
kasamahan.
A. Solilokwi (Soliloquy) – ang actor
ay nagpapahayag ng kanyang
iniisip sa mga manonood at hindi
naririnig ng iba pang tauhan;
nagsasalita ang actor sa kanyang
sarili at sinasabi niya ito nang
malakas.
B. Monologo –
madamdaming pananalita
na sinasabi ng isang actor
nang nag – iisa at walang
ibang tao sa tanghalan.
GAWAIN 2 Laro Tayo!
Sumulat ng diyalogo
batay sa sumusunod
na sitwasyon gamit
ang mga speech
balloon.
Sitwasyon 1: Nakita mo ang iyong crush na dumaan. Gusto mong
magpakitang- gilas sa kanya. Ano ang sasabihin mo para mapansin ka
niya?
Sitwasyon 2: Tulala kang nanaginip na balang araw ikaw ay maging
isang mayaman…… mayroon kang mansion, marami ang iyong
katulong at ang lahat na gusto mo ay nakukuha mo.
Sitwasyon 3: Isang gabing madilim, nakarinig ka ng isang kaluskos sa may
pintuan ng inyong kusina. Dahan – dahan mo itong binuksan. At sa gulat mo
nakabulagta sa iyong harapan ang isang maitim na pus ana nakatingin sa iyo.
Sagutin mo ang mga tanong.
1. Ano ang naramdaman mo dahil
nakapaglahad ka ng iyong damdamin
gamit ang mga diyalogong iyong
ginawa?
2. Paano nakatutulong ang mga kaalaman
mo sa gramatika at retorika sa
pagpapahayag at pag – unawa sa
kulturang Africa at Persia?
LIKHANG GAWAIN
Gamit ang iyong kaalaman ukol
sa anekdota at ang mga sangkap sa
kasanayang pangkomunikatibo,
inaasahang gagawa ka ng iyong
orihinal na likha ng anekdota.
LIKHANG GAWAIN
Gawin mong komiks ang
anekdotang iyong ginawa. Malaya
kang makakaguhit o mag –
download ng blangkong komik –
istrip sa internet ayon sa iyong
kagustuhan.

You might also like