You are on page 1of 34

Paano ba maging isang

mabuting pinuno o lider?


Bakit mahalagang magkaroon
ng isang mabuting pinuno?
Ibigay ang kahulugan ng mga salita
1. Minamahal
2. Mahalin
3. Nagmamahal
4. Nagmamahalan
5. Mamahalin
Hulyo 18
• Pagkilala sa buong mundo bilang Mandela
Day (kaarawan)
h e
s a
“ang bawat tao ay may kakayahan at
e n
tungkuling baguhin ang mundo para sa
M
ikabubuti ng kapwa”
4 na paraang binibigyang-diin sa Nelson
Mandela Foundation
1. Pagtulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng
pagkain
2. Pagtulong sa pamamagitan ng edukasyon at literasi
3. Pagtulong sa pamamagitan ng pabahay at
imprastruktura
4. Pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng
serbisyo at pagboboluntaryo
Anekdota sa Buhay ni
Nelson Mandela
Jessie Duarte
John Carlin

Sino si
John Simpson Matt Damon
Nelson Mandela?
• Ano-anong anekdota ang naaalala ng mga tao kaugnay
ni Nelson Mandela?
• Ano-anong katangian ni Mandela ang masasalamin sa
mga anekdotang ito?
• Anong katangian kaya ang taglay niya na nagiging
dahilan kung bakit maging mga bata ay nahahalina sa
kanya?
• Bakit minahal at iginalang hindi lang ng kanyang mga
kababayan sa South Africa kundi maging buong
mundo si Mandela?
• Alin-alin sa mga katangian ni Mandela ang gusto mo rin
sanang maging katangian ng mga pinuno o lider sa ating
bayan? Bakit?
• Ano ang masasabi mo sa panananaw niyang hindi siya
apektado kung ang “matataas ” na tao ay masaktan o
masagasaan sa kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban
subalit ayaw niyang may “maliliit” na taong sumama ang
loob o masaktan nang dahil sa kanya? Sa paanong paraan
naiiba ang pananaw na ito sa ginagawa ng mga lider o
pinunong kilala mo?
1.“ang matapang na tao ay hindi natatakot
magpatawad sa ngalan ng kapayapaan”

2. “Makabubuting mamuno mula sa likuran at


ilagay ang iba sa harapan lalo na kung
ipinagdiriwang ang tagumpay o kung magaganda
ang mga nangyayari. Subalit sa harap ng
panganib, ang pinuno ay dapat nasa harapan”
3. “Ang isang mahusay na ulo at mabuting puso
ay napakainam na kombinasyon. Subalit kung
idaragdag pa rito ang matalinong dila at panulat,
taglay mo na ang napaka-espesyal na handog”

4. “Huwag mo akong husgahan batay sa aking


mga tagumpay kung hindi sa mga pagkakataong
ako ay nadapa at muling bumangon”
5. “Natutuhan kong ang katapangan ay hindi
ang kawalan ng takot kundi ang
pagtatagumpay laban dito. Ang matapang na
tao ay hindi iyong taong di nakararamdam ng
takot, kundi ang taong napaglabanan ang
takot”
Isang Linggong Plano ng Kabutihang Gagawin para sa Kapwa
Araw Petsa Ang Para kay/kina Komento
Kabutihang (nagawa, hindi
Gagawin nagawa, iba
pang nangyari)
         
         
         
         
         
         
Ikalawang
Bahagi
“kapag kinausap mo ang ang tao sa wikang
kanyang naiintindihan, mapupunta ito sa
kanyang ulo.
Kapag kinausap mo siya sa wikang
ginagamit, mapupunta ito sa kanayng
puso.”
-Nelson Mandela
1. Ano ang pananaw mo ukol sa sinabing ito
ni Mandela?
2. Bakit kaya niya nasabing sa puso
mapupunta ang sinasabi mo kapag
ginamit mo ang katutubong wika ng
taong ito?
3. Ano ang iyong katutubong wika? Ano-ano naman ang
iba pang wika o lenggwaheng naiintindihan subalit
hindi mo gaanong kabisado? Kung makikipag-usap ka,
sa aling wika ka higit na magiging komportable?Bakit?
4. Kung sakali namang makikipag-usap ka gamit ang
wikang naiintindihan mo subalit hindo mo gaanong
kabisado, ano-ano ang gagawin mo upang matiyak na
maipaabot mo mensahe at nagkakaunawaan kayo ng
kausap mo?
Apat na Komponent o
Sangkap ng Kasanayang
Komunikabo
ayon kina Micheal Canale at
Merril Swain
Komponent na
nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang
Gramatikal epektibong
makipagtalastasan gamit
ang angkop na mga
tuntuning panggramatika
Mga tanong na sinasagot ng
Gramatikal Komponent

1. Anong salita ang angkop gamitin?


2. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa
mga parirala at pangungusap?
Komponent na
nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang
Sosyo- magamit ang salitang
linggwistik naaangkop sa sitwasyon at
sa kontekstong sosyal o
lugar kung saan ginagamit
ang wika
Mga tanong na sinasagot ng
Sosyo-linggwistik

1. Anong salita o parirala ang angkop sa partikular


na lugar at sitwasyon?
2. Paano maipahahayag nang maayos at hindi
mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang
inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan,
paninindigan atbpa.
Mga tanong na sinasagot ng
Sosyo-linggwistik

3. Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang


taglay ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang
kanyang ginagamit?
Komponent na
nagbibigay-kakayahang
magamit ang wikang
binibigkas at wikang
ginagamit sa pagsulat sa
Diskorsal
makabuluhang paraan
upang maipabatid ang
mensahe at maunawaan
din ang tinatanggap na
mensahe
Tanong na sinasagot ng
Diskorsal

Sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at


pangungusap ay mapagsasam-sama o mapag-uugnay-
ugnay upang makabuo ng maayos na usapan,
sanaysay,talumpati,e-mail,artikulo atbpa.
Komponent na
nagbibigay-kakayahang
magamit ang berbal at
hindi berbal na mga
hudyat upang maihatid
Strategic
nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan o
maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan sa
komunikasyon
Mga tanong na sinasagot ng
Strategic

1. Paano ko malalaman kung hindi ko pala


naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung
hindi niya nauunawaan ang gusto kong iparating?
Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos
ito?
Mga tanong na sinasagot ng
Strategic

2. Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang


hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking
sasabihin kung hindi ko alam ang tawag sa isang
bagay?
GAWAIN:

Tukuyin kung alin sa mga component ng


kasanayang komunikatibo ang ginagamit o
kailangang gamitin ng mga tauhan sa sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang gramatikal, sosyo-
linggwistik, diskorsal, o strategic.
1.Mula sa Iloilo ay lumipat sina Daniel sa Maynila.
Isang araw habang naglalaro sila ng basketball ay
napatingala si Daniel sabay sabing “May ‘pating’
sa court.” Nagtawanan ang kanyang mga kalaro.
Ang kahulugan pala ng pating sa salitang Ilonggo
ay “kalapati.” Napakamot na lang ng ulo si Daniel,
alam na niya ngayong hindi gagamitin ang salitang
pating kapag nasa Maynila siya kung ang ibig niya
palang sabihin ay “kalapati.”
2. Pumasok si Ella sa palikuran ng isang mall.
Nang maghuhugas na siya ng kamay ay wala
siyang makitang sabon. “Hayun.” Ang sabi ng
babae, habang nakaturo ang kanang kamay at
nakaturo rin ang nguso sa direksyon ng lagayan ng
liguid soap na nakadikit pala sa gilid ng dingding.
3. Lumaki sa Davao si Jen kaya’t nang mapunta na siya sa
Maynila upang mag-aral ay naging maingat siya sa paggamit
ng tamang gramatika tulad na lang ng mga panlaping
nakasanayan niya para mas maintindihan siya ng mga
kaklase at mga kaibigan. Halimbawa, sa halip na ang
nakasanayang:
Gi basa mo na ba ang libro? Ay inaayos niya sa
Nabasa mo na ba ang libro?
O kaya nama’y
Makainis talaga ang traffic, uy! Ay ay inaayos niya sa
4. Sumusulat si Allen ng isang sanaysay at ngayo’y
pinag-aralan niyang mabuti kung paano niyang
mapagsasama-sama ang mga naiisip niyang salita,
parirala, at pangungusap upang mabuo at
maipahayag nang maayos ang mensaheng nais
niyang ipabatid sa mga mambabasa.
5. Mula sa Cebu ay nagbakasyon sa Manila si Alex.
Sinundo siya ng pinsang si Jamie sa airport. Sumakay
sila sa taxi. Habang nagbibiyahe ang taxi ay malakas na
sinabi ni Alex “Tabi na tayo.” Ana ibig palang sabihin ay
“Magkwentuhan o mag-tsismisan na sila ni Jamie.”
Subalit nang marinig siya ng Manong drayber ay bigla
nitong itinabi o ipinara ang taxi dahil ang akala niya’y
pinatatabi na siya ni Alex.
Maraming
Salamat!

You might also like