You are on page 1of 2

Mga Anekdota sa Buhay ni Nelon Mandela

Ayon kay John Carlin

Ayon sa pagsasalaysay ni John Carlin, isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief ng
London Independent sa South Africa mula 1989 hanggang 1995, kinapanayam niya noon si Nelson
Mandela isang buwan matapos nitong manalo bilang pangulo ng South Africa nang makarinig sila ng
katok sa pinto. Isang puting babae ang pumasok sa opisina ng Pangulo na may dalang tray na may tsaa
at tubig.

Nang makita ni Nelson ang babae ay ni hindi nito tinapos ang sinasabi, agad tumayo at
nakangiting kinumusta ang babaw, saka ipinakilala si John Carlin. Nagpasalamat si Nelson sa tubig at tsaa
at umupo lang muli nang makaalis ang babae.

Ang labis na nagpahanga kay John Carlin ay hindi lang ang naging mabuti at mainit na pagtrato ni
Nelson Mandela sa babae kundi sa katotohanang ang babaeng ito na pinakitaan niya ng paggalang at
pagpapahalaga ay dating empleyado ng mga pangulong naging malupit at nagdiskrimina sa mga itim na
tulad niya. Katunayan, walang pinaalis ni isa si Mandela sa mga dating empleyado ng nagdaang
administrasyon. Nanatili silang lahat at nang makilala nila ang likas na kabutihan ng bago nilang pangulo
ay minahal at hinangaan nila ito nang labis pa kaysa sinuman sa mga putting pangulo ng kanilang bansa.
katunayan, ang kanyang chief of protocol na isang malaking lalaki at naglingkod sa mga nagdaang
pangulo nang mahigit labintatlong taon ay napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at
kagandahang-loob na ginawa ni Mandela para sa kanya.

Ayon kay Jessie Duarte

Ayon naman sa kuwento ni Deputy Secretary-General Jessie Duarte na naging personal assistant
ni Mandela mula 1990 hanggang 1994, nakasanayan na raw ni Mandela ang pagtiklop at pag-aayos ng
kanyang mga pinagtulugan. Minsan daw, nang sila ay nasa Shanghai,China ay tumuloy sila sa isang
napakalaki at napakagandang hotel. Sinabihan ni Duarte ang pangulo na huwag tiklupin ang kanyang
pinagtulugan dahil ayon daw sa kultura ng nasabing bansa, ang mga tagapagligpit ang dapat magligpit at
maaaring makainsulto sa kanila kung ang bisita ang mag-aayos ng kanyang tinulugan.

Dahil dito’y ipinatawag ni Mandela sa kanilang manager ng hotel ang mga babaeng tagapagligpit
sa silid upang kausapin at paliwanagan kung bakit siya ang nagtitiklop at nag-aayos ng kamang kanyang
tinulugan. Ayaw niyang mainsulto o masaktan ang damdamin ng mga ito nang dahil lang sa paggawa
niya sa nakasanayan. Ayon pa kay Duarte, hindi niya pansin kung “matataas” na tao ay masaktan o
masagasaan sa kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban subalit ayaw niyang ang “maliliit” na taong
sumama ang loob o masaktan nang dahil sa kanya.

Ayon kay John Simpson

Ayon naman sa kuwento ni John Simpson, isang mamamahayag at World Affairs Editor ng BBC
News, ang isang hindi niya malilimutang karanasan kaugnay ni Mandela ay nang magtungo ito sa dating
paaralan ni Simpson sa Cambridge upang maging tagapagsalita. Kilala si Mandela bilang isang mahusay
na tagapagsalita. At sa pagkakataong iyon, sinabi raw niya ang sumusunod: “Ako’y labis na kinakabahan
sa pagsasalita rito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil ako isang matandang pensionado.” Mahinang
tawanan ang naging sagot ng tagapakinig. Hindi nila malaman kung nagbibiro o sadyang ibinababa
lang’ni Mandela ang sarili. “Pangalawa, dahil ako’y walang trabaho.” Ngayo’y mas malakas ang naging
tawanan dahil alam ng lahat na hindi pa katagalan nang bumaba siya bilang Pangulo. “At pangatlo, dahil
mayroon akong nakapasamang criminal record.” Ang lakas ng hagalpakan ng mga tao pagkarinig sa
sinabi ng Pangulo ay halos bumasag sa mga bintanang salamin ng bulwagan.

Ayon Matt Damon

Ipinakita naman ng karanasan ni Matt Damon , isang kilalang artista sa Amerika ang halina ni
Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa mga bata. Kasama si Damon sa mga artistang
gumanap sa pelikula tungkol sa buhay ni Mandela, ang Invictus. Nang magpunta raw sila sa South Africa
para magshooting ng pelikula ay sinabihan silang makikilala na nila si Mandela at pwede nilang dalhin
ang mga anak nila. Dinala niya ang mga anak na si Gia, na noo’y walong taong gulang at si Isabella, na
noo’y dalawang taong gulang naman. Habang naghihintay silang makapasok ay nagtanong si Isabella
nang ganito: “Daddy, sino po ang nasa likod ng pinto?” Hawak daw ni Damon ang kamay ng noon at
marahil ay nadama nito ang mabilis ma pagtibok ng kanyang puso na puno ng pananabik sa mangyayari.
Sinagot niya ang anak at sinabing:”Si Ginoong Madela, isang nakapaespesyal na tao. Makikilala natin siya
at maghehello tayo sa kanya.” Nang makapasok sila ay magiliw silang sinalubong ni Ginoong Mandela
habang hindi mapaknit ang paningin ng dalawang bata sa kanya. Mag taglay siyang halina kaya’y maging
ang mga bata ay batid na isang hindi pangkaraniwang tao ang nasa harap nila.

You might also like