You are on page 1of 2

MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI NELSON MANDELA:

NELSON MANDELA

❖ Pinakadakila, hinahangaan, iginagalang, at minamahal na lider.


❖ Aktibong papel - nagtaguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao sa South Africa na
dating may sistemang apartheid (racism - pag-uuri ukol sa kulay ng tao).
❖ 28 taon - nanguna sa kampanya para sa mapayapang pakikipaglaban sa racism.
➢ 27 taon - pagkabilanggo niya dahil dito
❖ Nobel Peace Prize noong 1993 - dahil sa mga ginawa niya para mapabagsak ang
sistema.
❖ 1994 - kauna-unahang Itim na Pangulo ng South Africa.

Ayon kay JOHN CARLIN

❖ Isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief ng London Independent sa


South Africa. (1989-1995)
❖ Kinakapanayam niya si Mandela isang buwan pagkatapos nitong manalo.
❖ Babaeng pumasok sa opisina na may dalang tray ng tsaa at tubig:
➢ Dating empleado ng pangulong naging malupit at nagdiskrimina sa mga Itim
na tulad niya.
➢ Mabuti at mainit ang trato at pinakitaan ng paggalang o pagpapahalaga ni
Mandela ang babae.
❖ Walang pinaalis na dating empleado ng nagdaang administrasyon at minahal at
hinangaan nila ang kabutihan ng pangulo nila.
❖ Chief of Protocol - Malaking lalaki at naglingkod sa mga naunang pangulo ng 13 taon.
➢ Napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at kagandahang loob na
ginawa ni Mandela para sa kanya.

Ayon kay JESSIE DUARTE

❖ Deputy Secretary-General na naging personal assistant ni Mandela. (1990-1994)


➢ Sinabihan ang pangulo na huwag itiklop ang tinulugan dahil ang mga
tagapagligpit ang dapat magligpit ayon sa kultura doon.
➢ Maaaring makainsulto kung ito ay hindi sunurin.
❖ Mandela - nakasanayan ang pagtiklop at pag-aayos ng kanyang pinagtulugan.
➢ Pinatawag ang manager para ipaliwanag ang rason niya sa pag-ayos ng
kanyang tinulugan dahil ayaw niyang mainsulto ang damdamin ng iba dahil sa
kaniya.
❖ Hindi niya pansin kung ang “mataas” ay masaktan sa kanyang mga ginagawa subalit
ayaw niyang may “maliit” na sumama ang loob dahil sa kanya.

Ayon kay JOHN SIMPSON


❖ Mamamahayag at World Affairs Editor ng BBC News.
❖ Nagtungo sa dating paaralan ni Simpson si Mandela sa Cambridge bilang
tagapagsalita. (Mahusay si Mandela na tagapagsalita)
❖ Mandela - nagbigay ng tatlong dahil kung bakit siya’y kinakabahan sa pagsasalita.
➢ Una: Dahil siya’y isang matandang pensionado.
➢ Pangalawa: Dahil wala siyang trabaho. (Hindi pa katagalan noong bumaba
siya bilang pangulo)
➢ Pangatlo: Dahil mayroon siyang napakasamang criminal record.
❖ Malakas ang hagalpakan at tawanan ng mga tao noong marinig nila ito ay halos
bumasag ito ng mga bintanang salamin ng bulwagan.

Ayon kay MATT DAMON

❖ Isang kilalang aktor sa Amerika.


➢ Kasama sa mga aktor ng Invictus (pelikula tungkol sa buhay ni Mandela).
➢ Nagtungo sila sa South Africa kung saan makikilala nila si Mandela. (Para sa
shooting ng pelikula)
❖ Si Gia na walong buwang gulang at si Isabella na dalawang taong gulang noong
isinama sila ni Matt sa shooting.
❖ Noong nagkita sila, magiliw silang sinalubong ni Mandela habang hindi mapaknit ang
paningin ng dalawang bata sa kanya.
➢ May taglay siyang halina kaya’t parehas na bata at matatanda ay batid na
isang hindi pangkaraniwang tao si Mandela.

Ayon kay RICK STENGEL

❖ Nakasama niya si Mandela ng halos dalawang taon habang sinusulat niya ang Long
Walk to Freedom na talambuhay ng dating pangulo.
❖ 1994 - noong nangangampanya si Mandela para sa pagkapangulo ay sumakay siya s
eroplanong patungong Natal para magbigay ng talumpati sa mga tagasuporta niyang
Zulu.
❖ Dalawang minuto na lang at lalapag na ang eroplano noong biglang nagkaaberya ang
isa sa mga manika at nag-panic ang mga pasahero nito.
➢ Kumalma sila noong nakita nilang si Mandela ay tahimik na nagbabasa ng
diyaryo.
➢ Nagkaroon ng emergency landing at nailapag nang ligtas ang eroplano.
❖ Noong nakasakay na sila sa bulletproof na BMW na magdadala sa kanila sa rally ay
lumingon si Mandela at sinabing “Pare, natakot ako sa nangyari sa itaas kanina!”

APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO:


➔ Gramatika - Pagsasalita
➔ Sosyo-lingguwistik - Lugar at Sitwasyon
➔ Diskorsal - Pagsulat
➔ Strategic - Senyas o Kumpas

You might also like