You are on page 1of 6

MGA IBONG

MANDARAGIT
Ni amado v. Hernandez

Isaiah Kevin Jose

11 – CSS B

Sir. Russel Arcangel Sula-Ison


PAMAGAT

Mga Ibong Mandaragit – ang nobelang ito ay tungkol sa kasakiman ng tao sa kayamanan at sa
kapangyarihan, inihalintulad ito sa mga ibong mandaragit na gutom na gutom sa pagkain
tulad ng lawin, sapagkat ang tao naman ay gutom na gutom sa kayamanan, kaya
nagkakaroon ng hindi pantay-pantay sa lipunan. Si Don Segundo ay kumakatawan sa ibong
mandaragit, dahil kumakapi ito sa mga hapon para lamang makuha ang niyang gusto.

MGA TAUHAN
Mando Plaridel – girelyerong sumisid sa Pacific Ocean ng kabangbakal ng mga kayamanan ni
Simoun; isang lider sosyalist
Andoy – bago naging Mando Plaridel
Dolly Montero – anak na dalaga ng mayamang pamilyang Montero; maganda, makabago,
malikot sa pag-ibig
Puri – anak ng magsasaka, pinakamarilag na binibini sa mga baryong saklaw ng Hacienda
Montero sa Gitnang Luson; pinsan at kasintahan ni Mando
Don Segundo Montero – asendero at puno ng sindikato ng mga kontrabandista.
Tata Matyas – matandang rebolusyonaryo, na nakatira sa isang kubo sa Sierra Madre; nagging
ama-amahin ni Mando
Dr. Sabio – siyentipiko’t intelektuwal na pangulo ng Freedom University
Magat – matapang na lider ng mga gerilyang disiplinado sa Timog Luson; kaibigan ni Mando
Plaridel
“Ang Presidente” – (iba sa sinomang nanirahan sa malakanyang)
Senador Maliwanag – mambabatas na makabayan
Senador Botin – mambabatas na makatiyan
Capitan Pugot – dating kolaborador ng hapon na ngayo’y enkargador ng hacienda Montero
General Bayoneta – military na bantay salakay; manugang ni Son Tua
Gobernandor Doblado – isang baluktot na punong-lalawigan
Pastor – lider magsasaka at ama ni Puri
Mang Tumas – matandang lider ng mga kasama sa hacienda Montero
Danoy – binatang lider ng mga magbubukid
Andres – lider ng “makapili” sa panahon ng hapon na nagging katulong nina Mando at Magat
pagkatapos ng digmaan
Rubio – lider ng mga obrero industrial
Coronel Moto – punong hapones sa maynila sa panahon ng pagsakop, nagging nobyo ni Dolly
Montero
Doña Julia – asawa ni Don Segundo Montero
Son Tua – milyonaryong insik na nagkasalapi sa mga kontrabando
Pong Tua-son – anak na binata ni Son Tua, isang arkitekto
Lieutenant Whitey – abyador amerikano na nagging “boyfriend” ni Dolly
Captain Green – isa pang abyador amerikano
Lilibeth – isang mestisang kaibigan ni Dolly
Martin – gerilyerong naging kasamahan ni Mando
Karyo - gerilyerong naging kasamahan ni Mando
Obispo Dimas – isang pokerista
Judge Pilato - isang pokerista
Iman – reporter ng “Kampilan”
Donya Ninay – asawang ni Gobernador Doblado
Tindeng – kulasisi ni Gobernador Doblado
Santi – isa pang reporter ahente ng mga alahas sa Paris
Helen - ahente ng mga alahas sa Paris
Mike – ahenteng Amerikano ni Mando
Coronel Mosca – diplomatang Latino-Amerikano

TAGPUAN
Tahanan ng Montero – dito nag umpisa ang buhay ni Mando, isa siyang utusan ng mag-anak na
Montero lalo na kay Don Segundo, ditto niya rin nakilala si Dolly na muntikang mahalin
ni Mando.

Sierra Madre –ang tatlong gerilya ay pumunta sa tahanan ni Tata Matyas, at dito nag umpisa
kung bakit nais ng tatlo kunin ang kayamanan ni Simoun.

Hacienda Montero – Si Don Segundo ang may-ari ng Hacienda at ang katiwala nito si Pastor na
kasamahan ng mga magsasaka, subalit ipinalis sila nito at pumuntang baguio para
manirahan, kaya si Kapitan Pugot at bagong katiwala ng Hacienda.

Infanta – ito ay isang pangkalahatang kuta ng mga gerilya, dito nanatili si Mando at ang dalawang
gerilya, pinagusapan nila dito kung bakit sila’y naggerilya.

Bayan ng Kalayaan – dito ang unang pagkikita ni Mando at ni Magat ang lider ng disiplinadong
gerilya.

Dagat Pasipiko – dito sumisid ang sina Mando, Karyo, at Martin upang kunin ang kaban ng
yaman, ngunit nagkaroon ng suliranin matapos kunin ito.
BUOD
Noong 1944, namayani ang kapangyarihan ng Hapones na paalisin ang mga
Amerikano. Si Alejandro Pamintuan ay isang ulila na naninirahan sa tahanan ng Montero, Andoy
ang kaniyang palayaw. Utusan siya ni Don Segundo at ng buong mag-anak, isang hardinero,
tagapamili, tsuper, at tagalinis. Madalas tumanggap ng sampal, pingol, tungayaw ng mag-anak.
Wala siyang sahod maliban sa pagkain at maramot na pera sa pag-aaral. Ang pinagtitimpi ni Andoy
na utusan siya na Don Segundo sa pagmamaneho upang makipagkita sa isang pinuno ng Japanese
Army, bumati si Andoy sa wikang Ingles sa isang sundalo, ngunit sinaktan siya nito, sapagkat
hindi siya sumaludo at nag salita ng Ingles na parang nanghahamon. Si Don Segundo ay natuwa
sa pagkagulpi kay Andoy ngunit nagalit dahil muntikang hindi matuloy ang transaksyon. Kaya
inireport niya si Andoy sa Kempetai dahil isa siyang gerilya, mabilis na nakatakas si Andoy.

Iniba ni Andoy ang kaniyang pangalan sa Mando Plaridel, at may nakasama siyang
dalawang gerilya na sina Karyo at Martin. Umakyat sila ng bundok upang makapunta sa Sierra
Madre na kung saan duon nakatira si Tata Matias. Nag usap sina Mando at Tata Matias tungkol sa
El Filibusterismo na kung saan itinapon ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun sa dagat
pasipiko. Kumain ang apat at tinanong ni Mando kung bakit hindi niya sinisid nung malakas pa
siya, ang sagot niya ay dahil hindi natin na nakamit ang Kalayaan.

Umalis na sila sa tahanan ni Tata Matias upang hanapin ang kayamanan ni Simoun. Habang
sila'y nag lalakbay, pinagusapan nila kung bakit sila nag gerilya, ang sabi ni Karyo ay pumasok
ang mga hapon at pinatay ang kaniyang asawa, si martin naman ay kumabit aa gerilya upang iligtas
ang sarili, at sabi naman ni Karyo na isa siyang pilipino. Pumunta sila sa isang tirahan ng
matandang lalaki, at dun sila pinaghandaan ng pagkain. Ang sabi ng matandang lalaki na puntahan
nila ang bayan ng kalayaan sapagkat hindi ito hawak ng mga hapon.

Sa bayan ng kalayaan dito nakilala ni Mando si Magat ang lider ng gerilya, nakakuwa sila
ng mga armas pang sisid at tumungo na sila sa wakas sa dagat pasipiko upang kunin ang
kayamanan ni simoun. Gumamit sila ng bangka para sumisid, si Mando ay may hawak na sibat at
si Karyo ay may hawak na gulok, habang si martin naman ay nasa ibabawa lamang ng bangka
dahil hindi ito marunong lumangoy. Nakuha na rin nila sa wakas ang kaban ng yaman, ngunit na
huli si Karyo ng pating kaya ginamit ni Mando ang sibat sa pagpatay sa pating, agad nila ginamot
si Karyo ngunit na bawian ito ng buhay. Kaya si Mando at si Martin na lang ang magkakasama,
ngunit nang gabing iyon, nais kunin ni Martin ang kaban ng yaman ng patago, subalit nahuli ito ni
Mando, lumapit si Martin kay Mando at itinaga ang hawak niyang gulok sa mukha nito, kaya
sinipa ni Mando ng malakas ang tagiliran ni Martin at nauntog sa malaking bato at namatay.
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang
si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na
nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa
kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa
karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang
si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay
tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na
mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya
ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy
siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa
nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang
Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang
pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban
sa administrasyon ang Kampilan.

Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga
magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.

Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si


Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando
nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at
nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang
nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo.
Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo
ang dalaga at pinagpag-aral.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa
Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong
kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak.
Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.

Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga


pahayagan. Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni
Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa
siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin
iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy


na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si Don
Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo
niya si Don Segundo.

BISA
Bisa sa Isip – ang nobellang ito ay may temang sosya-politikal kung saan inilahad ang kalagayang
political at panlipunan ng bansa. Ito ay naglalarawan sa totoong buhay ng isang tao na
kumakatawan sa lipunan.

Bisa sa Damdamin – Pagkatuwa dahil nag tagumpay ang mga Pilipino upang makamit ang tunay
na Kalayaan ng ating bansa, nagawa nil ana gawing pantay-pantay ang ating lipunan.

Bisa sa Asal – maging bigyan halaga ang mga bagay na iyong nakukuha tulad ni Mando na
binigyan niya ng halaga ang nakuha niyang kaban ng yaman sa pagbebenta nito sa mabuting
halaga. Iwasan natin maging sakim tulad ni Don Segundo na gutom na gutom sa kayamanan.

REKOMENDASYON

Ang nobelang ito ay kailangan basahin ng ating mga kapwa pinoy, upang malaman nito ang
suliranin na naranasanng ating bayan. Malalaman niyo din kung paano ba tayo nag tagumpay sa
tunay na Kalayaan at sa pantay-pantay na lipunan.

You might also like