You are on page 1of 5

CARATIHAN, Zayra Jane C.

BSEDEN 2-1

BALANGKAS NG NOBELA

A. PAMAGAT - Mga Ibong Mandaragit


B. MAY-AKDA - Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ang siyang nasa likod ng makasaysayang nobelang ito. Isa
siyang kilalang manunulat at aktibistang makalipunan na nagkamit na rin ng maraming
parangal dahil sa nobelang ito. Ang tanging hangad ni Hernandez nang isinulat niya ito ay
upang himukin tayo sa pagbabago sa sistema sa bansa. Sa kanyang panulat ay hinangad
niyang mabigyan ng pagbabago at maiangat ang katayuan sa buhay ng maraming tao sa ating
bansa

C. TAGPUAN - Sampitan, Infanta, Sierra Madre, Atimonan, Paris, Espanya, Amerika


D. KAILAN - 1969
E. MGA TAUHAN
1. Mando Plaridel gerilyero pagkat hawak niya ang gobyerno
- Alejandro Paminuan doon
- Pangunahing tauhan 7. Karyo - Isa sa mga kasamahan ni
- Nakahanap sa kayamanan ni Simoun, na Mando na nakatakas sa paglusob ng mga
itinapon ni Padre Florentino sa Hapon sa huling kuwartel ng mga
karagatang Pasipiko, sa tulong ni Tata gerilyang Pilipino sa may Tayabas, ang
Matyas Sampitan
- Punong patnugot ng Kampilan 8. Martin - Kasamahan nina Karyo at
2. Dolores Montero “Dolly” - Bugtong na Mando na mapanlinlang at madaling
anak ng pamilya Montero na nagging nasilaw sa
karelasyon ni Koronel Moto noong kayamanan ni Simoun na naging sanhi ng
Panahon ng Hapon at nabuntis ni Tiniyente kamatayan nito
Whitey sa Panahon ng Liberasyon 9. Andres - Lider ng mga Makapili sa
3. Don Segundo Montero - Ang madugas bayan nina Magat na nagawang
na negosyante at nagmamay-ari ng makipagtalastasan kay Magat kaya’t
Hacienda Montero naging kasamahan nila ito sa paglimbag ng
4. Donya Julia Montero - Asawa ni Don pahayagang Kampilan
Segundo na nahuhumaling sa dating 10. Iman - Batang reporter ng Kampilan
karelasyong si Gobernador Doblado 11. Rubio - Lider ng mga manggagawang
5. Tata Matyas - Ama-amahan ni Mando bumuo ng union sa lungsod; Dating
na isang rebolusyonaryo sa Tatlong magtitinda ng sigarilyo na sinubukang
Panahon ng Pananakop mula sa Kastila, papugutan ng ulo ng mga
Amerikano hanggang sa Hapon espiya ng Hapon, ngunit nakatakas at
6. Magat piñata ang mga espiya
- Isang lider sa Kalayaan na namumuno sa 12. Gobernador Oscar Doblado -
mga isang disiplinadong pangkat ng Kumpadre ni Don Segundo na siyang
bumabaluktot sa mga batas sa lalawigan amerikanong Negro; Naging masalimoot
kung nasaan ang Hacienda Montero ang buhay, matapos ang giyera, sa sariling
13. Obispo Dimas - Isang obispong bayan pagkat hindi kinikilala ang mga
pokerista na nakatalo sa istilo sa poker ni de-kolor ang kulay sa Amerika
Heneral Bayoneta 25. Mang Tumas - Pinuno ng mga
14. Heneral Bayoneta - Heneral na magsasaka sa hacienda Montero;
bantay-salakay sa army, pagkat siya ay Pinapatay ni Kapitan Pugot sa katigasan
kasama nila Don Segundo sa ilegal na ng loob
bentahan ng mga armas; Manugang ni Son 26. Danoy - Binatang anak-anakan ni
Tua Mang Tumas na tumatayong lider ng mga
15. Senador Bonti - Makatiyan na magsasaka sa kawalan ni Mang Tumas
mambabatas at ang layon lamang ay 27. Dr. Sabio - Presidente ng Freedom
manatili sa poder ng kapangyarihan University na nagnanais bilhin ang
16. Son Tua - Milyonaryong Insik na Hacienda Montero upang
Kumpadre ni Don Segundo at katipan niya mapagsaliksikan at makatulong sa mga
sa pagpopondo ng mga negosyo nila, legal magsasaka
man o hindi 28. Kapitan Pugot - Dating kolaborador ng
17. Judge Pilato - Pokeristang Husgado Hapon na naging enkargado ni Don
18. Pastor - Tiyuhin ni Mando sa ina; Ama Segundo
ni Puri; Naging katiwala ng hacienda ni 29. Helen - Kastilang ahente ni Mando ng
Don Segundo alahas sa Paris
19. Puri - Anak ni Pastor na marunong 30. Mike - Amerikanong ahente ni Mando
lumaban para sa tama; Kasintahan at 31. Koronel Mosca - Diplomatikong
pinsan ni Mando Latino-Amerikano na nakapangasawa ng
20. Koronel Moto - Lider ng mga Hapon multimilyonaryang Latina
na naging nobyo ni Dolly at kalaguyo ni 32. Presidente - Iba sa sinumang nanirahan
Lilibeth sa Malakanyang
21. Lilibeth - Kaibigang matalik ni 33. Senador Maliwanag - Mambabatas na
Dolly;Sekretarya na Koronel Moto; makabayan
Naging katipan ni Captain Green 34. Pong Tuason - Arkitektong anak ni
22. Tiniyente Whitey - Amerikanong Son Tuan a nagplano sa mansion ng mga
tumulong sa liberasyon at nakabuntis kay Montero
Dolly 35. Donya Ninay - Paralisadong asawa ni
23. Kapitan Green - Kasama ni Tiniyenta Gobernador Doblado
Whitey at naging nobyo ni Lilibeth 36. Tindeng - Kulasisi ni Gobernador
24. Steve - Nakasalamuha ni Mando sa Doblado na may dalawang anak
kampo ng mga gerilya na isang 37. Santi - Reporter

F. MGA SULIRANIN
a. Mapurol na Pag-iisip c. Pera ang Nagdudulot ng Kasamaan
b. Bawal na Pag-Ibig sa Pinsan d. Diskriminasyon

Dito sa nobelang ito ay tinalakay ang mga nararapat na mapaglaanan ng malalaking


kayamanan, sa pagtulong sa mahihirap at sa pagsasaad ng katotohanang walang bahid ng
madungis na kamay ng makakapangyarihan na ginagamit nila sa pagpapaganda ng kanilang
mga pangalan, habang sila’y nananatili at gumagrabe sa kadiliman ng kasalanan at
pagpapayaman. Iyan ay pinakita ni Mando at Tata Matyas sa tamang pagwaldas ng
sangkatutak na alahas at brilyante ni Simoun sa pahayagan, telebisyon at radyo ng Kampilan,
sapagpondo sa union ng obrero at magsasaka, at sa paglalagak ng ilan dito sa mga bangko at
negosyong mapagkakatiwalaan. Nabanggit dito na ang mga bayani natin ay hindi sadyang
mga bayani sa kanilang mga sarili kundi kinailangan lamang ng panahon kaya’t sila’y
natawag na ganoon. Tulad ni Rizal, na kung hindi lang sana siya piñata sa Bagumbayan ng
mga Kastila, sana ay si Andres Bonifacio ngayon ang siya nating pambansang bayani. Kaya’t
sa tamang panahon lamang nakikilala ang mga dakila, ang mga bayani pagkat kung hindi
nangangailangan ang tao ng simbolong siyang tutularan ay wala ring maghahanap ng mga
kagaya nila bilang siyang sandigan sa mga kilusang makabayan.
Likas sa isang tao na saka lang kumikilos pa gang mga pasakit na nadaranas ay di na
matiis pa, diyan lumalabas ang bugso ng damdamin upang gumawa ng isang simulaing
susundin at isasakatuparan hanggang sa ito’y maglaho sa puso ng tao. Iyan ang bagay na
ipinapasa ni Amado V. Hernandez sa katapusan ng nobelang Mga Ibong Mandaragit, kung
saan ang mga natira sa bawat pangkat; si Danoy para sa mga magsasaka, si Rubio para sa
mga obrero sa lungsod, si Dr. Sabio para sa mga intelektwal, si Senador Maliwanag para sa
mga mambabatas, at si Mando para sa isang tipikal na Pilipinong nakaranas ng sakit, pighati
at pang- aari ngunit matalino, may kinabukasan at marunong lumaban. Sila ang kumakatawan
sa bawat Pilipino, maging bata man o matanda, mahirap man o mayaman, na siyang
makapagdidikta sa sariling kinabukasan, kung ipagpapatuloy ba natin ang pakikibaka para sa
katotohanan at katarungan o makikiayon sa agos ng kadiliman at kabuknutan ng isip ng
sugabang mga tao? Iyan ay desisyong nakahatol sa ating mga kamay, tumayo ka Pilipino!

G. MGA PANGYAYARI
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa
Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga
gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay
Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni
Simoun. Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya,
sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na
patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni
Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay
nagpabalatkayong si Mando Plaridel. Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan,
ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng
bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na
mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong
maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si
Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na
siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang
susulat sa mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don
Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang
ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando
si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa
Maynila. Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa
isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay
ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando
na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga
naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan. Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata
Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan
Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa
asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na
ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang
mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka.
Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang
kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik
ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng
political Science sa U.P. Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap
ni Puri ang pag-ibig sa Mando.
Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong
kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong
kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri. Minsan ay dumalo si
Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly
na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at
nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na
dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando
ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

H. KINALABASAN
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando,
patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni
Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando
hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

II. PAGPAPAHALAGA SA TAUHAN


Sa unang tingin ay mapapaisip ka kung kailangan ba itong basahin ng mga
estudyante. Maraming mga magulang ang tumututol sa pagpapabasa ng librong ito sa mga
estudyante. Nagkaroon pa nga ng mga debate kung nararapat ba itong mabasa ng mga
kabataan. Ito ay sapagkat may mga pangyayari sa librong ito na hindi masyadong kaayaaya
malaman tulad na lamang ng pagtaga ni Martin kay Mando at pagkamatay ni Martin sa
pamamagitan ng kamao ni Mando. Hindi ba ito makakasama sa mga mag-aaral?
Ayon sa aking sariling pagkukuro-kuro ay hindi naman ito makasasama sa mga
batang estudyanteng babasa nito. Hindi maitatangging may mga nasulat ditong mga bagay na
marahas at hindi masyadong kaayaaya ngunit hindi naman sa karahasan umiikot ang
mahabang salaysaying ito. Ang karahasan na mababasa sa kuwento ay nagpapakita lamang
ng katotohanan sa buhay- ang katotohanan na hindi lahat ng tao ay nasa itaas at mahirap
mamuhay sa mundong ito. Pinapakita nito ang ideyang kapag gumawa ka ng masama o
naghangad ka ng masama ay babalik ito sa iyo.
Maraming katotohanan ang makikita sa librong ito. Katulad na lamang ng pagkapit ng
mga taong naghahangad ng kapangyarihan at yaman sa mga nakatataas. Makikita ang
ideyang ito sa mga ginawa ni Don Segundo sa kuwento. Makikita rin sa nobelang ito na kahit
maliit ay may laban pa rin. Si Mando ay isa sa mga patunay na ang mga maliit ay dapat hindi
dapat minamaliit. Matatanto rin sa nobelang ito na ang kayamanan ay pinaghihirapan. Sa
kuwento’y namatay pa si Karyo para lamang makamit nila Mando ang hinahanap nilang
yaman.

III PAGPAPAHALAGA SA KATAYUAN SA BUHAY


Ang tatlong namamayaning diwa sa nobela ay nasyonalismo, paghangad ng
katarungan at kapangyarihan ng katotohanan. Ang nasyonalismo ng bawat Pilipino sa
panahon ng giyera ay nasubukan. Ilan ang pumiling lumaban sa mananakop, ilan din ang
sumama sa kasalukuyang mananakop sa katwirang mas mabuti raw ang maihahatid sa atin
kaysa sa nauna rito, habang ang iba’y hindi rin naman namili at hinintay lang silang dumating
sa bansa at inabuso ang mga pagkakataon upang busugin ang sarili sa mga luho at kayamanan
habang tinatapakan ang kanilang kapwa.
Ang mga mandaragit sa lipunan na umaasa sa mga nangangamatay na katawan ng
mga naghihikaos at nagpapakahirap sa paggawa na mga karaniwang Mamamayan. Pawis,
panahon at dugo ang pinuhunan ng mga mga manggagawa ngunit sa huli’y wala pa ring
pagbabago sa sarili nilang mga buhay pagkat ang dapat na pinapantustos nila sa sariling
kayarian ay sinisipsip na parang dugo ng mga abusadong tao at siyang lubos na ikinabubusog
ng mga ito. Sa di makatarungang pagtrato ng malalaking tao sa kanilang mga manggagawa
ang siyang nakapagbubuklod sa samo’t saring mga maralita upang tumayo bilang iisang
katauhang handing magtumba sa mga nagtataasang pader sa gobyerno sa kagustuhan
maramdaman rin ang pag-unlad na nararanasan ng mga mayayaman.

IV. PAGPAPAHALAGA SA MAGAGANDANG KAISIPAN.


a. Maliit man ang langgam , Marunong namang lumaban
b. May nakalaang panahon para sa bawat pangyayari, ngunit nasa atin ang desisyon upang
baguhin ito
c. Walang kasamaang hindi pinagbabayaran
d. Katotohanan ang pinakamabisang armas ng mamamayan
e. Likas sa taong piliin ang pinakamagandang kinabukasan na nakalaan sa hinaharap
f. Hindi nakukuha ang pagmamahal sa mga simpleng sarap at ligaya na matutunghayan sa
katawan ng tao

V. TEORYANG GINAMIT SA AKDA.


● Realismo - Ang “Mga Ibong Mandaragit” na likha ni Amado V. Hernandez ay isang
nobelang naglalaman ng napakaraming ideya tungkol sa buhay ng mga mamamayang
Pilipino lalong lalo na sa mga salat, naghihikahos o mga nakakawawa sa lipunan
ngayon at noon ng ating bansa.

You might also like