Professional Documents
Culture Documents
El filibusterismo(nobela)
Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun
na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si
Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun
na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang
layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos
ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baos, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang
kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay
mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain
dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan
na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala,
pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng
kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala
sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo
kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas
na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may
hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang
kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang
maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na
itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang
Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng
dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay
ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na
yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas
niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas
nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana
subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng
bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni
Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad
ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang
pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang
siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan
nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan
at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay
namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging
kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
Kung may kuwento noon na ang mga bagong panganak na sanggol ay dinadala ng tagak sa
pintuan ng bahay, ako naman napulot lang daw sa tae ng kalabaw.
Ganoon ang tukso nila sa akin noong bata pa ako. Naririnig ko sa mga nagtsitsismisan sa harap
ng tindahan ni Aling Ludy na takbuhan ko kapag nauubusan si Mamang Annie ng paminta na
binubudbod niya sa paborito niyang lutuing adobong baboy. Yung buo ha, hindi durog. Buo,
hindi durog, naaalala ko pang sabi niya. Inuulit-ulit ko yun sa utak ko habang naglalakad sa
daan papunta sa tindahan ni Aling Ludy. Buo, hindi durog. Buo, hindi durog. Buo, hindi durog.
Nakabuo na ako ng kanta.
Pagdating ko sa tindahan, tinutuktok ko ng barya ang rehas na may chicken screen at sinisilip
ko kung naroon ang may-ari. Pagbilan po ng paminta. Yung buo, hindi durog!
Eto ba ang anak ni Stella? maririnig kong sasabihin ng isang babae. Boses palengkera.
Ay siya, ang laki na ah! sunod naman ng isa pa.
Sayang, ano? Maagang naulila.
Anak sa pagkadalaga.
Wag kang maingay, baka marinig ka ng bata.
Nakakaintindi na ba yan? Ang bata-bata pa niyan ah.
Alam ba niya kung saan siya galing?
Napulot sa tae ng kalabaw.
Pagkatapos, maghahalakhakan sila. Patuloy sila sa pagtatawanan habang inaabot ko ang
bayad kay Aling Ludy at inaabot naman niya sa akin ang dalawang pakete ng paminta. Buo,
hindi durog. Hanggang sa pagtalikod ko, sa paglakad ko palayo sa tindahan ni Aling Ludy,
maririnig ko pa rin ang mga hagalpakan nila. Maiiwan sa akin ang alingawngaw hanggang sa
dumating ako sa bahay at iabot ko ang paminta kay Mamang Annie. Bakit ganyan ang mukha
mo? itatanong ni Mamang sa akin. Wala po, patay-malisyang isasagot ko.
Napulot nga ba talaga ako sa tae ng kalabaw? Im sure hindi ako nalaglag mula sa puwerta ng
kalabaw. Sino ang mag-iiwan ng sanggol sa tae ng kalabaw? Siguro isang inang hindi gusto
ang anak niya. Siguro ang inang isinusumpa araw-araw ang anak niya habang dala-dala niya
ito sa sinapupunan ng siyam na buwan. Pabigat nang pabigat araw-araw ang dala niya. Palalim
nang palalim ang kapit ng sumpa.
Pero ano yung sabi nilang anak ako sa pagkadalaga? Ang bahaging yun ang hindi malinaw sa
akin noong bata pa ako. May dalaga bang nanganganak nang basta-basta na lang? Alam ko,
may ganoon sa mga kuwento noong unang panahon. Nabuntis ng bula sa dagat. Nabuntis ng
sisne. Nabuntis ng kalapati. Hinugis mula sa luwad. Iniluwa ng kawayan.
Napansin siguro ng Mamang ko ang pagkabalisa ko. Nahulaan siguro niya na tungkol ito sa
pagkatao ko. Sa tukso ng mga tao sa akin. Kaya isang araw, ikinuwento niya ang nangyari.
Hindi ka napulot sa tae ng kalabaw, sabi niya. Hindi ka rin inilagay sa loob ng kahon ng
sapatos at iniwan sa kung saan.
Anak ka ng anak ko, sabi niya. Tunay kitang apo. Dugot laman ko rin dahil ang nanay mo ay sa
akin din nanggaling.
Medyo nandiri ako sa pag-imagine na lumalabas sa kanya ang ulo ng nanay ko habang umiire
siya. At lumalabas din ang ulo ko sa pagitan ng mga hita ng nanay ko. Mali! Suhi nga pala ako.
So dapat una ang mga paa.
Delikado raw ang panganganak ng nanay ko. Kahit nung buntis pa siya, ipinaalam na sa kanya
ng doktor na magiging kalbaryo ang pagdaraanan niya. Niresetahan siya ng sangkatutak na
gamot. Pero dahil kapos kami kahit noon pa, hindi nila nabili yun lahat. Dinaan na lang nila sa
prutas. Tamang diyeta. Tamang pangangalaga ng katawan. Sapat na tulog. Bawal magpagod.
Ganoon naman daw talaga kapag nagbubuntis. Ang isang paa mo ay nakabaon na sa hukay.
Ganoon kahirap ang panganganak. Buwis-buhay daw talaga. Para kang umiire ng pakwan.
Hindi makukuha ng palangis-langis lang para dumulas. Pero may problema talaga sa piyesa ng
nanay ko. Malakas ang ulan noong pumutok ang panubigan niya. Kumukulog at kumikidlad
nang isugod siya sa ospital. Parang pa-welcome sa akin ni Inang Kalikasan. O babala sa
sansinukob. Heto na si Angelo Ballesteros, iluluwal na ng nagdala sa kanya ng ilang buwan.
Siguro nagbubunyi ang mga engkanto nang mga oras na yun. Nakapaligid sa nanay ko.
Tinutulungan siyang umire.
Siyempre biro lang yun. Ipinanganak ako noong August 27, 1990. Sa ilalim ng zodiac sign na
Virgo. Double-bodied tulad ng Gemini (kambal), Sagittarius (taong kabayo), at Pisces
(dalawang isda). Ako naman, maiden and bird. Babae at ibon. Babaeng may ibon? Joke. Sabi
sa nabasa ko, ito raw ang mga katangian ko: introvert, practical, associated with change.
Si Mamang Annie ang nagdala sa amin sa ospital. Kasama niya si Kagawad Jun, ang
kapitbahay namin. Sinabihan na sila ng doktor na 50-50 ang laban. Isa lang ang kaya niyang
buhayin. Pinapili si Mamang: ako o ang nanay ko. Kung ang nanay ko ang pipiliin, baka
manganak pa siya in the future. Ng maraming-marami. Kung ako ang pipiliin, well, hindi ko alam
kung bakit ako ang pipiliing buhayin. Sanggol lang ako noon. Partida, suhi pa. Baka nakatulong
yung pagiging suhi ko. Suwerte raw kasi sa pamilya ang suhi. Siya ang nagtatanggal ng tinik sa
lalamunan.
Nang iluwal ako ng nanay ko, umiyak daw ako agad. Hindi na kailangang paluin pa ng nurse.
Pumadyak-padyak pa ako.
Pero hindi na nailigtas ang nanay ko. Sabi ko, baka kaya ako umiyak agad eh dahil alam ko na
ang mangyayari. Alam ko nang kapalit ng buhay ng nanay ko ang buhay ko. May nagbuwis
agad ng buhay para lang sa akin sa unang araw ko sa mundo. Nanay ko pa. Tumatak yan sa
isip ko hanggang sa pagtanda ko. Magsasakripisyo rin ako para sa iba.
Dahil wala akong ina at mahalaga ang gatas ng ina sa sanggol, may naganap na himala sa
maternity ward. Habang hinahanda ang katawan ng nanay ko para sa burol, naroon ang mga
bagong panganak na ina, nagbigay sa akin ng tulong. Ibinigay nila sa akin ang biyaya ng
kanilang mga dibdib. Pinasuso nila ako. Pinasuso ako ng buong maternity ward. Bawat isa sa
kanila, nagbigay sa akin ng gatas.
Kaya lahat sila ay nanay ko. Hindi lang iisa ang nanay ko, na siyang nagluwal sa akin. Pati na
rin silang lahat na nagpasuso sa akin. Hindi ko na alam kung paano sila matutunton para
makapagpasalamat.
At sobra talaga ang pagpapasalamat ko. Marami akong naging nanay. Pati si Mamang Annie.
Lalo na si Mamang Annie na siyang nagpalaki sa akin.