You are on page 1of 3

JOHN CARLO L.

ALVAREZ
BSED FILIPINO 3-A

Sumipi ng talumpating binigkas ni Nelson Mandela: Bayani ng Africa.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Kilalanin ang may- akda


Si Nelson Mandela ay isang political lider, pilantropo at aktibista para sa mga
taong itim na naapi dahil sa kanilang kulay. Siya ang kauna-unahang president ng
South Africa, ang bansang pinangalingan niya. Kilala siya sa kanyang aktibong papel
sa pagtataguyod sa pagkakapantay- pantay ng mga tao sa South Africa na nooy
pinamumunuan ng isang racist . Siya rin ang pumawi sa apartheid system na naging
balakid para sa mga South African upang mamuhay ng mapayapa at maayos, malayo
sa diskriminasyon.
Si Nelson ay pinanganak noong July 18, 1918 sa Transkei, South Africa. Parte
siya ng Tembu tribe bilang anak ng kanilang lider. Di tulad ng kanyang ama, siya ay
takatangap ng pagkakataong mag-aral sa University Collage of Fort Hare. Dahil sa
pagiging matalisik na estudyante, siya ay nakakuha ng law degree noong 1942. Sa
panahon niya sa unibersidad, naging madilat na siya sa isyung racism na laganap sa
kanyang bansa. Kaya naman sa 1943, nag desisyon siyang sumali sa ANC o African
National Congress at tumulong pabagsakin ang apartheid system. Pero noong 1956, si
Nelson, kasama ang ibang miyembro ng ANC, ay ikinulong dahil sa kasong treason.
at pagkatapos ng mahabang proseso sa hukuman, sila y pinalaya na. Dahil
ipinagbawal na ang ANC, naisipan ni Nelson na gumawa ng panibagong grupo na
tinawag na Umkhonto we Sizwe na naging guerrilla act movement . Ngunit, nalaman
ng iba ang kanyang plano na pabagsakin ang gobyernong apartheid. Ito ang naging
dahilan ng muli niyang pagkakulong noong 1963 dahil sa pagtangkang isabotahe ang
apartheid system.
Nung siya y lumabas sa kanyang pagkakabilango, ipinagpatuloy ang kanyang
pakikipaglaban para pabagsakin ang apartheid system. Kaya naman sa 1993, siya at si
President FW de Klerk ang nanalo ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang
pagsasawalang bias sa apartheid system at sa paglalagay ng pundasyon para sa
makabagong demokratikong South Africa. Hinahangaan siya ng mga tao dahil sa
kanyang kabutihan, pagkumbaba at pagiging tunay na maginoo.
2. Kailan niya binigkas ang talumpati?
Binigkas ni Nelson Mandela ang kanyang Talumpati noong MAYO 10, 1994
ng siya’y maging pangulo sa Africa.

3. Bigyang kahulugan ang tinukoy na "kalayaan" ni Nelson Mandela sa kanyang


talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, lahi at isang bansa?
Pasa sa akin ang Tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang
Talumpati ay nagpakita ng pagsisikay upang makamit ang pagkakapantay-pantay ng
mga tao sa South Africa. Pinatunayan niya na maabot natin ang ating ninanais kung
tayo ay may tiwala sa ating sarili at patuloy na lalaban. At kahit mayroon paring
racism sa ating mundo, masasabi kong hindi para sa wala ang kanyang ginawa dahil
patuloy siyang nagiging inspirasyon sa ibang tao upang gumawa ng tamang
pagbabago sa ating mundo. Dapat nating gawing motibasyon ang kwento ni Nelson
Mandela upang magsimulang gumawa ng tama para sa ikabubuti ng lahat sa ating
mundo. Maituturing bayani ng Africa si Nelson Mandela

4. Anong katangian ni Nelson Mandela ang masasalamin mo sa kanyang


talumpati? Ganito rin ba ang mga katangiang taglay ng mga namuno sa ating
bansa? Maglahad ng patunay.
Sa aking sariling pananaw ay nasasalamin ang katangian ni Nelson Mandela
sa kanyang talumpati na mayroon siyang malasakit para sa katarungan,
pagkakapantay-pantay ng mga tao, at ang pagkakaroon ng dignidad. Kahit madaming
paghihirap ang kanyang naranasan, patuloy niyang ipinaglaban ang karapatan at
hustisya para sa nga South African. At ipinakita niya ang kanyang dignidad sapagkat
handa siyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang pinapaniwalaan. Siya rin ay
simbolismo ng pagkakaroon ng pagmamalasakit at sakripisyo para sa kapwa.
Masasabi ko na malayong malayo ang katangian ng namumuno sa ating bansa ngunit
masasabi din naman nating may malasakit sila sa bawat mamamayan. Sa una lamang
sila magaling at hindi nila ito dinadala hanggang sa matapos ang kanilang
panunungkulan, puro sila pangako ngunit mapapako lamang ang mga ito.
5. Ibigay ang mga kaisipan / Ideyang taglay ng akda.
Ang akdang ito ay ipinapakita ang sosyolohikal na pananaw sapagkat
ipininakita sa kwento ni Nelson ang estado ng kanyang lipunan noon. Trinato ng
gobyerno noon na mas maliit ang mga South African kaysa sa kanila. Patuloy na
lumaban si Nelson kasama ang iba pang South Africans upang ipasawalang bias ang
naging systema ng bansa nila noon. At dahil sakanilang pakikipaglaban, ang mundo
ay nasaksihan ang dinaranas ng mga tao sa South Africa. Ipinapakita din ng akdang
ito ang katapangan ni Nelson Mandela sa mga panahong pinahirapan siya. Nagpakita
siya ng tunay na kabaitan at pagmamalasakit para sa kanyang naaaping kapwa. At sa
kabila ng mga suliraning dinanas niya, nagsumikap parin siyang kamitin ang kalayaan
para sa mga tao ng South Africa. Ipinapakita din dito na nagnanais si Nelson Mandela
na magkaroon ng pagkakaisa maging puti man o itim upang malabanan ang hindi
pantay-pantay na pagtingin sa bawat mamamayan ng kaniyang bansa.

You might also like