You are on page 1of 6

FOURTH GRADING HANDOUT NO.

ARALING PANLIPUNAN 3

ANG IBA PANG MGA BAYANI SA AKING LALAWIGAN AT REHIYON

BAYANI

➢ Noon: Sila ay mga taong namatay at nagbuwis ng buhay para makamit ang
kalayaan ng isang bansa.
➢ Ngayon: Sila ay mga buhay na karaniwang tao na nakagawa ng hindi
pangkaraniwang bagay na nakabuti sa kapwa at sa bayan.

MGA BAYANI MULA SA LUZON

❖ SA NATIONAL CAPITAL REGION


ANDRES BONIFACIO

➢ Siya ay taga-Tondo, Maynila.


➢ Siya ang nagtatag at namuno sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan (KKK), isang lihim na samahang lumaban sa mga Espanyol
para mapalaya ang Pilipinas.

GREGORIA DE JESUS

➢ Siya ay taga-lungsod ng Caloocan.


➢ Siya ay tinawag na “Lakambini ng Katipunan” dahil siya ang asawa ni Andres
Bonifacio.
➢ Naging bahagi rin siya ng himagsikan at kasamang nagsulong ng pag-aalsa para sa
pambansang kalayaan.

EMILIO JACINTO

➢ Siya ay taga-lungsod ng Maynila.


➢ Sa edad na 20 ay sumanib siya sa Katipunan at naging malapit na tagapayo at
kalihim ni Andres Bonifacio.

MELCHORA “TANDANG SORA” AQUINO

➢ Siya ay taga-lungsod ng Caloocan.


➢ Pinaglingkuran at inalagaan niya ang mga sugatan at may sakit na katipunero nang
sumiklab ang himagsikan.
➢ Ipinagamit niya ang kanyang bahay upang maging pahingaan ng mga katipunero.

❖ SA REHIYON 1
DIEGO SILANG

➢ Isinilang siya sa Aringay, La Union subalit nanirahan sa Lalawigan ng Ilocos Sur.


➢ Namuno siya sa kilusang rebolusyonaryo laban sa mga Espanyol subalit siya’y pataksil
na pinatay ng sarili niyang mga kaibigan noong siya ay 33 taong gulang lamang.

GABRIELA SILANG

➢ Siya ay taga-Ilocos Sur.


➢ Kinilala siyang “Joan of Arc” ng Ilocos. 1
➢ Ipinagpatuloy niya ang pamumuno sa Pilipinong rebolusyonaryo sa Ilocos na nag-alsa
laban sa mga Espanyol nang namatay ang asawa niya si Diego Silang.

JUAN LUNA

➢ Siya ay taga-Badoc, Ilocos Norte.


➢ Kinilala siya bilang isa sa pinakadakilang alagad ng sining.
➢ Siya ang lumikha ng Spolarium.
➢ Siya ay naging bahagi rin ng kilusang lumaban sa mga Espanyol.

ANTONIO LUNA

➢ Siya ay kapatid ni Juan Luna.


➢ Siya ay matapang na namuno at lumaban sa puwersang Amerikano kaya’t naging
mahirap para sa mga ito ang pagsakop sa mga lalawigang nasa hilaga ng Maynila.

ISABELO DELOS REYES

➢ Siya ay taga-Vigan, Ilocos Sur.


➢ Ginamit niya ang kanyang talino at husay sa pagsulat ng mga aklat, artikulo, at mga
komento para maipahayag ang hindi mabuting pamumuno ng mga Espanyol at
mabuksan ang isipan ng mga Pilipino sa kanilang kaapihan sa kamay ng mga
mananakop.

❖ SA REHIYON 3
MARCELO H. DEL PILAR

➢ Siya ay taga-Kupang, Bulacan.


➢ Siya ang nagtatag ng makabayang pahayagang Diariong Tagalog.
➢ Naging editor din siya ng La Solidaridad at isa sa nanguna sa Kilusang Propaganda,
isang samahan ng mga Pilipinong aktibong nangampanya para sa pagbabago.

ISIDORO TORRES

➢ Siya ay taga-Malolos, Bulacan.


➢ Kilala siya sa tawag na “Matanglawin.”
➢ Matapang siyang nakipaglaban nang maraming beses sa puwersa ng mga Espanyol
at maging sa hukbong Amerikano para makamit ang kalayaan.

TRINIDAD TECSON

➢ Siya ay taga-San Miguel, Bulacan.


➢ Kilala siya bilang “Ina ng Biak-na-Bato.”
➢ Sumanib siya sa Katipunan at nakipaglaban kasabay ng mga lalaki. Ilang beses din
siyang nasugatan sa mga labanang sinamahan niya pero muli’t muli siyang
bumabalik upang makipaglaban kapag magaling na ang kanyang mga sugat.

GREGORIO DEL PILAR

➢ Siya ay taga-Bulacan, Bulacan.


➢ Kinilala siya bilang “Batang Heneral” dahil siya ang pinakabatang heneral na
lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano,
➢ Namatay siya sa Pasong Tirad nang magpaiwan siya at ang kanyang hukbo para
abangan ang mga sundalong Amerikanong tumutugis kay Heneral Emilio Aguinaldo.

2
MARIANO LLANERA

➢ Siya ay taga-Cabiao, Nueva Ecija.


➢ Naging pinuno siya ng mga katipunerp sa Gitnang Luzon at nakilala sa matapang na
pakikipaglaban sa mga Espanyol sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac, Pampanga,
at Nueva Ecija.

❖ SA REHIYON 4-A
JOSE RIZAL

➢ Siya ay taga-Calamba, Laguna.


➢ Gumamit siya ng panulat at naglathala ng dalawang aklat sa halip na dahas.
➢ Isinulat niya ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo na nagbukas sa mga mata
ng mamamayang Pilipino sa pagmamalabis ng mga Espanyol.

EMILIO AGUINALDO

➢ Siya ay taga-Kawit, Cavite.


➢ Ipinahayag niya ang kalayaan ng ating bansa mula sa balkonahe ng kanyang
tahanan.
➢ Siya ay heneral ng rebolusyon at kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas.

APOLINARIO MABINI

➢ Siya ay taga-Tanauan, Batangas.


➢ Kinilala siya bilang “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Himagsikan.”
➢ Napatunayan niyang kahit may kapansanan ay puwede pa ring maging kapaki-
pakinabang sa kapwa at sa bayan.

❖ SA REHIYON V
JOSE MA. PANGANIBAN

➢ Siya ay taga-Mambulao, Camarines Norte.


➢ Naging bahagi siya ng Kilusang Propaganda.
➢ Sumulat din siya sa pahayagang La Solidaridad gamit ang sagisag panulat na
Jomapa at JMP.
➢ Isa siya sa malalapit na kaibigan ni Jose Rizal.

WENCESLAO QUINTO VINZONS

➢ Siya ay taga-Vinzons, Camarines Norte.


➢ Siya ang pinakabatang naging delegado sa 1935 Constitutional Convention sa edad
na 24 at naging gobernador ng Camarines Norte sa edad na 29.
➢ Isa siya sa namuno sa mga gerilyang lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
➢ Naging matagumpay ang marami nilang pagsalakay hanggang sa mahuli siya
noong Hulyo 8, 1942 dahil sa pagtataksil ng isa niyang dating kasamahan.
➢ Dahil sa kanyang kabayanihan, isinunod sa pangalan niya ang kanilang bayan
gayundin ang isa sa mga gusali sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos
ng abogasya- ang Vinzons Hall.

3
MGA BAYANING MULA SA VISAYAS

GRACIANO LOPEZ JAENA

➢ Siya ay taga-Jairo, Iloilo.


➢ Isa siya mamamahayag, rebolusyonaryo, at propagandista.
➢ Siya ang naging patnugoy ng La Solidaridad, ang pahayagang inilathala ng mga
Pilipinong nag-aral sa Espanya na nagparating sa hindi magandang kalagayan ng
mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.

TERESA MAGBANUA

➢ Siya ay taga-Patotan, Iloilo.


➢ Isa siyang guro na nagmula sa mayamang pamilya pero mas piniling makipaglaban
sa himagsikan.
➢ Nagamit niya ang kanyang husay sa pangangabayo at pagbaril sa pamumuno at
pagwawagi sa maraming labanang kanyang sinalihan.

LAPU LAPU

➢ Siya ay taga-Mactan, Cebu.


➢ Siya ang kinikilalang kauna-unahang bayaning Pilipino.
➢ Siya ang pumatay kay Magellan.

TAMBLOT

➢ Siya ay taga-Bohol.
➢ Siya’y isang babaylan o katutubong pinuno ng relihiyon na nagpasimuno sa pag-
aalsa sa Bohol laban sa mga Espanyol.
➢ Ang kanyang ipinaglaban ay may kaugnayan sa relihiyon at paniniwala.

FRANCISCO DAGOHOY

➢ Siya ay taga-Bohol.
➢ Siya ang nagpasimuno sa Dagohoy Revolt, ang pinakamahabang pag-aalsa laban
sa mga Espanyol sa ating kasaysayan na tumagal nang halos 85 taon.

MGA BAYANING MULA SA MINDANAO

MUHAMMAD DIPATUAN KUDARAT

➢ Siya ay mula sa Maguindanao.


➢ Siya ay kilala sa tawag na Sultan Kudarat.
➢ Sa ilalim ng kanyang pamumuno’y nagpagkaisa niya ang iba pang pinuno sa
Mindanao kaya’t hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop nang lubusan
ang kanilang teritoryo.

4
AMAL PAKPAK

➢ Siya ay mula sa Marawi, Lanao del Sur.


➢ Kilala siya bilang Datu Akadir.
➢ Namatay siya habang ipinagtatanggol ang Marawi laban sa 5,000 sundalong
ipinadala ng mga Espanyol upang sila ay lusubin.

PRINSESA PURMASSURI

➢ Siya ay mula sa Sulu.


➢ Ginamit niya ang taglay na kagandahan para malibang ang mga sundalo kaya’t
nagtagumpay ang mga mandirigmang Muslim na salakayin at talunin ang lahat ng
mga sundalong Espanyol sa kanilang kuwartel.

MGA BAGO AT BATANG BAYANI

EFREN PENAFLORIDA

➢ Siya ay mula sa Cavite.


➢ Pinarangalan bilang CNN Hero of the Year noong 2009 dahil sa nagawa niyang
pagtulong at pagtuturo sa mga batang kalye sa pamamagitan ng kanyang “Kariton
Klasrum.”

CRIS “KESZ” VALDEZ

➢ Siya ay mula sa Cavite.


➢ Isang dating batang kalye na nagwagi ng 2012 International Children’s Peace Prize
mula sa Kids Rights Foundation para sa mga ginawang pagtulong sa mahihirap na
kabataan ng foundation na itinatag niya, ang “Championing Community Children.”
➢ Siya ay 13 taong gulang lang noon.

SAJID BULIG

➢ Siya ay mula sa Bocaue, Bulacan.


➢ Siya ay 12 taong gulang na batang nakapagligtas ng mga taong nalulunod sa
lumubog na pagoda sa Pista ng Bocaue, Bulacan.
➢ Sa huli’y siya naman ang nalunod at namatay.

RONA MAHILUM

➢ Siya ay mula sa Sagay, Negros Occidental.


➢ Sampung taong gulang siya nang mailigtas niya ang limang nakababatang kapatid
mula sa sunog sa kanilang bahay.
➢ Napatay rin niya ang sunog kaya’t kalahati lang ng bahay nila ang tuluyang natupok
ng sunog.

CHRISANTA SEBOC

➢ Siya ay mula sa Jordan, Guimaras.


➢ Siya ay apat na taong batang babae na nakapagligtas sa kanyang mga kapatid
mula sa nasusunog nilang bahay.

5
ARIS CANOY ESPINOSA

➢ Siya ay mula sa Lanao Del Norte.


➢ Siya ay 13 taong gulang na batang iskawt. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay nang
dinapaan niya ang isang granada upang mailigtas ang mga batang kalaro niya.

RONNIE CABAMUNGAN

➢ Siya ay mula Pikit, Cotabato.


➢ Siya ay isang batang naging saksi sa isang krimeng ginawa sa isang bata.
➢ Buong tapang siyang tumestigo at sinabi ang lahat ng kanyang nakita sa kabila ng
mga pananakot at banta sa kanyang buhay.

MGA OFW (Overseas Filipino Workers)

➢ Sila ang mga taong nangingibang bayan at nagsasakripisyong mapalayo para lang
makapaghanapbuhay at mabigyan ng mas magandang buhay at kinabukasan ang
kani-kanilang pamilya.

MAGIGITING AT TAPAT NA SUNDALO AT PULIS


➢ Sila ang mga taong humahanap sa masasamang loob at mga kaaway ng bansa.
➢ Ipinagtatanggol nola ag mga mamamayan at pinoprotektahan ang ating kalayaan
kahit pa ang maging kapalit nito ay sarili nilang bahay.

You might also like