Professional Documents
Culture Documents
•El Filibusterismo
• Sa Aking mga Kabata
• Ang Una Kong Salamisim
• Sa Edukasyon matatamo ang Liwanag ng Bansa
• Isang ala-ala sa Aking Bayan
• Sanggunian ng mga Bathala
• Sa tabi ng Pasig
• Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Pinatula Ako
• Para sa Bulaklak ng Heidelberg
• Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos
• Kay Binibining Consuelo Ortega
• Awit sa Paggawa
FERNANDO MARÍA GUERRERO
• Si Fernando Maria Guerrero ay isinilang noong 30
Mayo 1873. Siya ay anak nina Lorenzo Guerrero,
isang kilalang pintor at guro ng Sining at
Clemencia Ramirez, na may likas na hilig sa
musika. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad
ng Santo Tomas.
• Naging konsehal siya ng Maynila nang may ilang taon. Noong 1907 ay
nahirang siyang maging miyembro ng First Philippine Assembly,
kinatawan ng South District ng Maynila. Sa kanyang pagkamatay
noong 12 Hunyo 1929 sa edad na 56 ay nag-iwan siya ng di malilimot
na pamana-mga tulang sinulat niya sa wikang Kastila na nagpapatunay
sa buong mundo na ang isang Pilipino ay buong husay ding
makapagsusulat sa isang dayuhang wika (Kastila).
MGA AKDA
•Mi Patria
•Where is My Way
•Come to Me
•Far from Thee
•Forevermore
AURELIO TOLENTINO
(13 OKTUBRE 1867-5 HULYO 1915)
• Isang mandudula, makata, at mangangatha, si Aurelio Valenzuela
Tolentino ang sumulat ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1903), isang
drama simbolika at pinakasikat sa mga dulang sedisyoso noong panahon
ng Americano. Isa siyáng Kapampangan ngunit sumulat sa mga wikang
Kapampangan, Tagalog, at Español. Aktibo siyáng Katipunero at kasáma
ni Bonifacio sa kuweba ng Pamitinan noong 10 Abril 1895 sa isang
lakaran para sa kalayaan.
• makabuluhan ang kaniyang dulang Bagong Cristo (1907) dahil
sa paksang manggagawa. Ang kaniyang nobelang Ing Buak
nang Ester (1911) sa Kapampangan ay may saling Ang Buhok
ni Ester (1914015). Nása Tagalog din at Kapampangan ang
Maring (193 at 1914). Nása Español naman ang komedyang La
Venganza de Robdeil (1891) at ang sarsuwelang Rizal y los
dioses (1901). May mga tula siyáng tinipon sa Dakilang Asal
(1907)
• Si Tolentino rin ang nagtatag ng Katimawan noong 1910, ang
kauna- unahang kooperatiba ng mga manggagawa sa bansa, at
El Parnaso Filipino, isang paaralan na nagtataguyod ng wika,
panitikan at kulturang Filipino. Nangasawa ni Tolentino si
Natividad Hilario noong 1918 at nagkaroon silá ng apat na
anak. Namatay siyá noong 5 Hulyo 1915.
• -Ang ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan.
• Banaag at Sikat
• nobela
JOSÉ CORAZÓN DE JESÚS
• (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932)
• kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang
Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang
ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging
malaya noong panahon ng pananakop ng Estados
Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito"
noong kanyang kapanahunan.
HARI NG BALAGTASAN
• Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog
na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang
pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2.
Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla.
Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o
isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920.
Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.
MGA HULING TAON
• Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas
noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental
Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong
iyon (Atang dela Rama at [Maria Santos]). Kasama rin sa kast
ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na naging aktor sa
ilang mga pelikulang Pilipino.
MGA ILANG AKDA
• PAKPAK
• PAKIUSAP
• BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN
• ARIMUNDING-MUNDING
• DALAGANG PILIPINA
• ISANG PUNONG KAHOY
• ANG PAMANA
• MANGGAGAWA
• ANAK NG DALITA
• AKING BAYAN
• AKING BAYAN
• BAYAN KO
JULIÁN CRUZ BALMACEDA
• Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng
panitikang Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa
sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula,
kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika.
Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.
• Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral
siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong
pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay
nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita,
isang dulang musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin
ni Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo,
kagalingang-bayan at pangkasaysayan.
• Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating,
tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin
sa kanyang panitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi
ng Manggagawa, Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at
iba pa. Sa nobela ay mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at
Tahanang Walang Ilaw. Ang katipunan ng mga tulang kanyang
nasulat ay tinawag niyang Pangarap Lamang.
• Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa
Bayan ni Plaridel, Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila,
Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit niya ang
sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli
niyang naisulat ay isang tula na ang pamagat ay
Punungkahoy.
•Siya ay binawian ng buhay noong 18
Setyembre 1947 sa gulang na 52.