You are on page 1of 33

MGA TANYAG NA PILIPINONG

MANUNULAT SA PANAHON
NG KASTILA.
Cecilio
Apostol
• ay isang pangunahing makata, mananaysay, tagasalin, at
editor sa wikang Español.
• Nagtapos siya ng batsilyer sa Ateneo Municipal de
Manila noong 1894 at pagkaraan ay kumuha ng
abogasya sa Universidad de Santo Tomas.
• Nakapagsulat siya sa mga pahayagang nasyonalistiko
tulad ng La Patria, La Fraternidad, La Democracia, El
Renacimiento, at La Union.
• Naging manunulat at tagasalin sa city attorney’s office ng
Maynila noong 1903 hábang ipinagpapatuloy ang
kaniyang abogasya sa UST
• una niyang tula gaya ng “El tenor de los Mares Indicos”
ay lumabas sa El Comercio noong 1895. Ang mga tanyag
niyang katha ay mayroong temang patriyotiko gaya ng
“Los martires anonimos de la patria,” “Al Yankee,” at
“Rizal” noong 1899.
Bayaning walang kamatayan,
kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.
Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay
tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay Rizal!
Ang ngalan niyang kabanalan
na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy sa talino ng
pantas ay ilaw ng kaisipan,
sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman
Graciano López
Jaena
• isang Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at
pambansang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, na
nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad".

• Nakilala rin siya sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘Butod’


ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din
ito ng balbal na “tabatsoy”.
• Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't
ibang pahayagan.

• Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat


upang ipaglaban ang makatao at makatarungang
karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang
Kastila.
• Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez
Jaena noong 1874 tungkol sa isang paring Espanyol na
ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba
at upang busugin ang sarili sa pagkain, salapi, at babae.
Ang pangalan ng fraile ay hango sa salitang Hiligaynon
na “botod” na nangangahulugang bundat o malaki ang
tiyan dahil sa sobrang pagkain.
• Isa itong katawa-tawang paglalarawan ng tao na isinagawa sa
pamamagitan ng diyalogo ng isang Filipino at ng liberal na
kaibigang Espanyol. Pinagusapan nilá ang masamâng ugali ng
fraile sa iba’t ibang sitwasyon, gaya ng pagsusugal, pagdaraos ng
misa at pista, pamumulitika, pagsisinungaling at pagyayabang,
grabeng katakawan sa pagkain, mahabàng pagtulog sa tanghali,
at pagpaparusa. Ilan sa mga ipinakitang ugali ay ang
pagkakaroon nitó ng relasyong inmoral sa mga batàng babae,
pananakot at pagpaparusa sa mga estudyante, pagpapabaya sa
kaniyang responsabilidad bilang pari para makapagsugal, at
malupit na pagpaparusa sa isang manggagawang Indio na hindi
nakapagtrabaho sa kaniya nang tatlong araw dahil sa asawang
maysakit.
• Sinabing ang mga pagbisita ni Lopez Jaena sa mga
mahirap at karaniwang tao sa Jaro, Iloilo noong kabataan
niya ang nagmulat sa kaniya sa mga kawalan ng
katarungan sa paligid at nagtulak sa kaniyang isulat ang
Fray Botod sa edad na 18.
THANK YOU !!!

You might also like