You are on page 1of 5

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Kataas-taasan,


Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK
at itinuturing na “Ama ng Himagsikan”. Tinagurian siyang
Supremo ng Katipunan dahil siya ang Pangulo ng
Kapisanang Mapanghimagsik. Maagang naulila si Bonifacio at ang
mga kapatid nito. Sa edad na 14, binuhay niya ang kanyang mga
kapatid sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga bastong kawayan
at papel na abaniko at nagtatrabaho siya bilang mensahero.
ANTONIO LUNA

Si Antonio Luna ay isang magiting na heneral at pinuno ng


hukbong Pilipino na nakipaglaban rin para sa inaasam na
kalaayan ng bansa. Natatangi siya sa ibang pinuno sapagkat
kinakitaan siya ng talino, lakas, bilis at higit sa lahat ay husay sa
taktikang militar. Dahil sa taglay na karunungan, naging
manunulat din si Luna kasama ang iba pang nakapag-aral na
Pilipino noon. Kalaunan ay naging kaanib siya ng Katipunan,
kasama ang kanyang kapatid na si Juan Luna.

Bilang isang disiplinado, masipag, matalino at matapang na


heneral, nagbigay daan ito upang kilalanin siya ng kanyang mga
kalabang Amerikano noong panahon ng digmaan sa pagitan ng
Estados Unidos at Pilipinas. Subalit noong Hunyo 5, 1899, pinatay
siya ng mga sundalo ni Aguinaldo.
JOSE RIZAL

Si Dr. Jose Rizal na isa sa mga kinikilalang bayani ng bansa


ay tubong Calamba, Laguna. Siya ay sumulat ng dalawang nobela,
ang Noli Me Tangere at El Filibusterimo na kapwa naglalahad ng
pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino at nagbubunyag sa
maling pamamalakad ng mga ito. Noong Hulyo 3, 1892, itinatag ni
Rizal ang samahang La Liga Filipina. Ang samahan ay may
layunin na pagkaisahin ang mga Pilipino at itaguyod ang pag-
unlad ng komersyo industriya at agrikultura. Subalit dahil sa
samahang ito, ipinakulong siya sa Fort Santiago at kalaunan ay
ipinataponNsa Dapitan. Sa panahon ng pamamalagi niya rito,
nanggamot siya ng mga maysakit at hinikayat ang mga tao rito na
paunlarin ang kapaligiran. Noong Disyembre 30, 1896, hinatulan
si Rizal ng kamatayan dahil napagbitangan siyang nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila at binaril sa Bagumbayan (ngayon
ay Luneta o Rizal Park).
APOLINARIO MABINI
Si Apolinario Mabini ay ipinanganak sa baryo ng Talaga,
Tanauan, Batangas. Siya ay kilala bilang “Dakilang Lumpo” at
“Utak ng Himagsikan”. Nagsilbi rin siyang tagapayo ni Pang.
Aguinaldo. Nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija
at kalaunan nadakip ng mga Amerikano at ipinatapon sa Guam
kasama ng iba pang mga Pilipino. Namatay si Mabini sa gulang na
39 dahil sa kolera.
GREGORIO DEL PILAR

Bayani ng “Tirad Pass” ang taguri kay Hen. Gregorio del Pilar.
Sa kanyang murang edad ay itinalaga siya ni Pang. Emilio
Aguinaldo bilang pinakabatang heneral.

Umaga ng Disyembre 2,1899, sinugod ang Pasong Tirad ng


mga Amerikano sa pangunguna ni Major Payton C. March. Bilang
kanang kamay ni Aguinaldo, nanguna si del Pilar sa paghadlang sa
makipot na daan sa Pasong Tirad upang maantala ang pagtugis
kay Aguinaldo ng mga Amerikano. Noong una ay napigilan ng mga
sundalong Pilipino ang pag-atake ng mga kaaway ngunit isang
taksil na espiya, si Januario Galut ang nagkanulo sa mga
sundalong Pilipino kaya nakapasok ang mga kalaban. Sa araw
ding iyon, nabaril at binawian ng buhay si Hen. Gregorio del Pilar,
ang pinakabatang heneral sa gulang na 24.

You might also like