You are on page 1of 14

WELCOME

To our presentation...

Here is where our presentation begins

03
Start Presentation Now…

S TA R T !
OUR TEAM

Dylan Kristoff Angela Luhzia Christine Rose


Dela Cruz Salvador
Cultivo

Eloisa Mae Jhyrro Renzo


Palang Rosario

Lance Edwin Miriam Princess Shalani


Nogal Quino Gegare
Mga Bayaning Pilipino ng
Digmaang Pilipino-Amerikano
Nakipaglaban ang mga Bayaning Pilipino noong
Digmaang Pilipino-Amerikano. Nagpamalas ng
kagitingan upang makamit ang minimithing
kalayaan. Nagbuwis sila ng buhay para sa bansa.
Hinangaan ang kanilang husay at katapangan sa
pakikipaglaban. Bagamat iba-iba ang kanilang
naging pamamaraan ng pakikipaglaban ang layunin
nila ay iisa at ito ay kalayaan para sa bansa.
Heneral Emilio Aguinaldo
Sya ang kauna-unahang pangulo ng bansa nang
itatag ang Unang Republika ng Pilipinas. Buong
tapang siyang namuno sa mga Pilipino laban sa mga
Amerikano. Bagamat may kakulangan sa puwersa,
armas at taktikang pangmilitar ay buong katapangan
naman niyang hinarap ang malakas at
makapangyarihang mananakop na Amerikano.
Nagwakas ang kaniyang pagkapangulo nang tuluyan
siyang mahuli ng mga Amerikano noong Marso 23,
1901 sa Isabela. Nanumpa siya ng katapatan sa
Amerika noong Abril 19, 1901.
Heneral Antonio Luna
Sya ay isa sa pinakamahusay na heneral na Pilipino sa digmaan
Pilipino-Amerikano. Kasapi sya ng Kilusang Propaganda at nagsulat ng
mga akda laban sa mga Espanyol. Naging maghihimagsik at
naglingkod sa hukbo ni Aguinaldo noong 1898. Pinangunahan niya ang
hukbo ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano sa engkuwentro sa
Caloocan, Bulacan at Pampanga.

May katangian sya ng pagiging istrikto at mapagparusa sa mga


pagkakamali ng kanyang mga tauhan. Noong Hunyo 5, 1899 nagtungo
si Luna sa Cabanatuan Nueva Ecija pagkaraang makatanggap ng liham
kay mula kay Aguinaldo. Pagdating sa lugar nagalit sya dahil wala si
Aguinaldo at ang naroon ay mga sundalong Pilipino ng Kawit na
kanyang kinagalit at inalisan ng armas. Dito sya binaril at pinaslang ng
dati nyang mga kasamahan. Ang pangyayaring ito ay isa sa malungkot
na bahagi sa kasaysayang Pilipino.
Apolinario Mabini
Naging tagapayo sya ni Aguinaldo noong 1898.
Siya rin ang punong ministro at kalihim ng ugnayang
panlabas noong 1899. Nagpakita ng katapangan sa
pammagitan ng pagsulat laban sa pananatili ng mga
Amerikano. Hindi naging hadlang ang kapansanan
upang makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong
para sa kabutihan ng bansa. Dahil dito, kinilala siya
bilang “Utak ng Himagsikan”at “Dakilang Lumpo”.
Ipinatapon siya ng mga Amerikano sa Guam mula
1901 hanggang 1903.
Gregorio del Pilar
Kinilala bilang “Batang Heneral”, isa sya sa
pinakabatang heneral ng digmaan. Magiting niyang
ipinagtanggol ang Tirad Pass upang maprotektahan at
makalayo si Pangulong Aguinaldo mula sa mga
tumutugis na Amerikano. Nakapasok sa Tirad Pass
ang mga Amerikano at dito na natalo ang mga
Filipino. Nabaril si del Pilar at kaagad nasawi.
Tinagurian siya sa kasaysayan bilang “Bayani ng
Tirad Pass.
Heneral Pio del Pilar
Si Heneral Pio del Pilar ay tubong Makati.
Umanib siya sa Katipunan noong 1896. Naging
heneral siya ng himagsikan at digmaan laban sa mga
Amerikano. At ipinagtanggol ang Bulacan at Nueva
Ecija sa kabila ng pagiging malakas ng puwersang
Amerikano. Siya ay nahuli noong 1901 at ipinatapon
sa Guam kasama sina Mabini at Artemio Ricarte.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1931.
Miguel Malvar
Isa siyang Pilipinong heneral na naglingkod
noong Himagsikan ng Pilipinas at kalaunan sa
kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Ginampanan niya ang pamamahala ng
panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas
noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si
Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano. Pinagpatuloy
nya ang pakikidigma sa mga Amerikano sa Batangas.
Napilitan siyang sumuko noong Abril 16, 1902 dahil
sa kalagayan ng pamilya at kapwa sundalo.
Simeon Ola
Siya ay Taga-Bicol. Pinakahuling heneral na
sumuko sa hukbong Amerikano noong Digmaang
Pilipino-Amerikano. Nadakip siya noong Setyembre
5, 1903. Noong Setyembre 25, 1903, sumuko sina
Ola at ang kaniyang mga tauhan. Hinatulan si Ola ng
30 taon sa bilangguan bagaman pinalaya rin siya
niyong sunod na taon.
Macario Sakay
Sya ay dating kasapi ng Katipunan at lumaban
noong himagsikan ng 1896 hanggang sa digmaan
laban sa mga Amerikano. Ipinagpatuloy niya ang
pakikidigmasa mga Amerikano. Noong 1904,
tinagurian niya ang sarili bilang pangulo ng
“Republika ng Katagalugan”. Nang mahuli sya ng
mga Amerikano, siya ay ikinulong at hinatulan ng
kamatayan sa salang panunulisan. Binitay siya noong
Setyembre 13, 1907.
THE END

THANK YOU FOR LISTENING

You might also like