You are on page 1of 13

Goyo: The Boy General

(Pelikula)

I. Introduksyon
 Inilahad ng pelikulang ito ang tungkol sa pinaka batang heneral
ng ating kasaysayan na si Heneral Gregorio Del Pilar noong
panahon ng reblusyon.Magtagumpay kaya siya o mabigo sa
kanyang laban?
II. PAMAGAT
 Literal- ang literal na ibig ipahatid ng pelikulang ito ay ang buhay
ni Goyo na isang heneral.
 Konotasyon-Ito ay hinango sa ating kasaysayan at iniaalay sa
pinaka batang heneral Gregorio Del Pilar na nag tanggol sa ating
bansa noong panahon ng rebolusyon
III. MAY AKDA/AWTOR
 Si Jerrold Tarog ay ipinanganak sa Maynila noong Mayo 30, 1977, at
lumaki sa Canlubang, Laguna. Siya ay nag-iisang anak ng mga
magulang na si Jose, isang Overseas Filipino Worker na mula sa
Bicol, at Aurora, na nagmula sa Leyte. Sa edad na anim na
natutunan ni Tarog na maglaro ng mga tambol, at kumuha siya ng
mga aralin sa piano sa edad na pitong taon. Nagtapos si Tarog
mula sa University of the Philippines Rural High School sa Los Baños,
Laguna para sa kanyang pangunahing edukasyon at ginugol ang
dalawang taon sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños upang pag-
aralan ang pamamahala ng agribusiness para sa kanyang
pangalawang edukasyon; kalaunan ay lumayo siya mula sa huling
paaralan na hindi maganda ang nangyari.Kalaunan ay lumipat
siya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kung saan nagtapos siya ng
isang degree sa komposisyon ng musika mula sa paaralan ng
College of Music sa unibersidad. Madalas siyang dumalo sa
International Academy of Film and Television sa Cebu City.
IV. BUOD
o Nagsimula ang kuwento ilang araw matapos paslangin si Heneral Antonio
Luna ng mga tauhan ni Aguinaldo. Inatasan si Goyo na siguraduhing huli
na si Luna, at wala nang mag-aaklas pa sa pamumuno ni Aguinaldo.
Nagawa naman ito ni Goyo kung kaya’t agad siyang ginawaran ng
promosyon bilang Governador Militar ng Pangasinan at siya’y
mamamalagi sa Dagupan kung saan niya nakilala si Remedios Nable Jose
at ito ang nagsilbing kanayang inspirasyon. Nahirapan sa simula si Goyo
sa panunuyo kay Remedios, ngunit nahulog din ang loob nito sa kanya
ngunit hindi buong-buo dahil sa kinakaharap na giyera ni Goyo. Makalipas
ang limang buwan ng inaakala nilang kapayapaan, nilusob sila ng mga
tropa ng Amerikano upang dakpin si Emilio Aguinaldo. Dito nagsimula ang
matinding hamon kay Goyo,kung paano nila matatakasan at matatalo sa
labanan ang hukbong militar ng mga dayuhan at maprotektahan ang
buhay ni Aguinaldo at sampu ng kaniyang pamilya at maging ng
kanyang pulutong sa ngalan ng pagmamahal sa bayan. Habang tahimik
ang Hukbo ng Pilipinas,ang mga puwersa ng Amerika ay naghahanda
para sa pangalawang pag-atake, si Heneral José Alejandrino, isang
kaalyado ni Luna,ay nakipagpulong kay Apolinario Mabini, na nagbitiw
mula sa gabinete ni Aguinaldo pagkatapos ng pagkamatay ni Luna.
Sinabihan ni Mabini si Alejandrino na alamin ang totoong sanhi ng
pagkamatay ni Luna. Samantala, si Aguinaldo ay sumama kay del Pilar sa
Bulacan at napromote siya bilang Major-General ng Pangasinan,
pagtapos non nagsimula ng ligawan ni Gregorio si Remedios, ang mailap
na anak na si Don Mariano.Noon din nakilala ni Aguinaldo si Mabini at
inalok niya ito upang kanyang maging post ng Chief Justice pero
tumanggi si Mabini.Pumunta si Alejandrino sa Maynila upang makipag-
usap kay General Elwell Otis at General Arthur MacArthur Jr. at tinggiham
siya ng mga ito. Di-nagtagal, ang resibo ay nagpapatuloy at ang panig
ng Pilipino ay nahuli-bantay. Inutusan ni Aguinaldo ang martsa ng Heneral
sa Pozorrubio upang makipagkita kay Heneral Manuel Tinio at mag-ayos
ng isang puwersa ng labanan. Dahil sa pagkatalo ni Tinio sa mga
Amerikano, napilitan si Aguinaldo na umatras sa hilaga. Ang malakas na
pagmartsa at pag-escort kay Aguinaldo sa bulubunduking lupain ng
Cordilleras, araw-araw rin na pag-atake ng Amerikano at patuloy na
pag-igting sa pagitan ng mga sundalo ng lumang yunit ni Luna,
pinapahina ang kanilang panlaban laban sa mga puwersang Amerikano
na umaatake sa kanilang likuran at dinakip ang ina ni Aguinaldo at anak.
Malapit na dumating ang tropa sa Mount Tirad, kung saan naglilikha si
Heneral Goyo ng isang pagkaantala na diskarte upang kunin ang oras ni
Aguinaldo upang makatakas. Kasama ang dating Luna Sharpshooter
Lieutenant García, ang mga pinatibay na trenches ay hinukay sa ruta ng
bundok. Ang sumunod na araw, mabilis na nakuha ng mga Amerikano
ang isang bayan sa bandang bundok . Ngunit sa tulong ng kanilang
gabay na Tingguian igorot, ang 500 o higit pang mga Amerikano, na
karamihan sa 33rd Volunteer Infantry Regiment sa ilalim ni Major Peyton C.
Marso, nakadaan sila sa lihim na daan papunta sa tuktok ng bundok, sa
likod ng mga trenches. Si Del Pilar ay nagkaroon ng isang pangitain na
naiimpluwensyahan ng kanyang PTSD, ay nagpasya na tapusin ang
laban, ngunit nabaril siya at napatay ng isang Amerikanong sniper. Dahil
dito, nasira ang kanyang hukbo at mabilis na sumuko ang mga ito,
habang tumakas si Aguinaldo.Nakatakas din sina Joven at Kiko, anak ni
Garcia, ngunit bumagsak si Joven sa bangin matapos ang isang
engkwentro sa isang sundalong Amerikano. Pagtapos non ay hinubaran
ng mga amerikano si del Pilar ng kanyang uniporme at walang awang
inilibing sa Tirad Pass. Si Aguinaldo ay nakuha ng mga Amerikano sa
Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at epektibong tinapos ang
giyera.Itinuring syang bilanggo matapos ang digmaan sa
Malacañang,binisita siya ng kanyang dating aide-de-camp na si Manuel
Quezon. Sumuko si Quezon sa mga Amerikano dahil sa utos ng kanyang
Heneral Tomás Mascardo, At binisita si Aguinaldo upang mapatunayan
ang kanyang pagkuha at konsulta kung si Mascardo ay dapat sumuko.
Sinabi ni Aguinaldo kay Quezon na ang desisyon para sa pagsuko ni
Mascardo ay nasa kay Mascardo mismo.Si Mabini ay nahuli ng mga
Amerikano at ipinatapon sa Guam kung saan binigkas niya ang kanyang
sariling salaysay ng giyera na pinamagatang La Revolución Filipina (The
Revolution Revolution). Ang kanyang mga akda ay tumuturo sa kabiguan
ni Aguinaldo bilang isang hindi epektibo na pinuno ng Pilipinas. Ang
posisyon ni Heneral Alejandrino ay nasobrahan din. Tumatanggap siya ng
sulat mula kay del Pilar at doon ito natapos.

V. MGA GABAY NA TANONG


1) Sino ang tinutukoy na batang heneral sa pelikula?
-Heneral Gregorio Del Pilar
2) Ano ang promosyong nai gawad sakanya ?
-Governador Militar ng Pangasinan
3) Sino ang babaeng niligawan niya?
-Remedios
4) Kung ikaw si Aguinaldo tatakas ka rin ba at hahayaan mo ang
iyong hukbo?
-hindi,dahil tungkulin ng isang pinuno na pangalagaan ang
bayuan at wag lang isipin ang sarili
5) Sa tingin mo dapat bang magbuwis ng buhay para sa iyong
bayan?
-oo,dahil ito ang iyong lupang sinilangan kaya dapat lang na
ipagtanggol ito.
VI. BISANG PAMPANITIKAN
 ISIP- humanga ako kay Heneral Gregorio dahil sa tapang at
dedikasyon nya sa pagtatanggol sa bayan kahit alam niyang
kapalit nito ang kanyang buhay.
 DAMDAMIN-mas lumalim pa at napaigting nitong pelikulang ito
ang aking pagmamahal para sa ating sariling bayan.
 ASAL-igalang ng sobra ang alaala at naiambag ng ating bayani
upang makamit natin ang kalayaang tinatama sa natin ngayon.
VII. MENSAHE
 Maging isang makabayan at ipagtanggol ang sariling bayan kung
kinakailangan.Huwag basta basta sumuko at maging matapang
upang makamit mo ang iyong ninanais.
VIII. APLIKASYON SA RERALIDAD
 Mahalin,igalang,pahalagahan at huwag ibaon sa limot ang mga
bayaning tulad ni Heneral Del Pilar na nakipaglaban at
ipinagtanggol ang Pilipinas laban sa mga dayuhan.
IX. BIBLIOGRAPHY
 https://www.netflix.com/ph/title/81031181
 https://en.wikipedia.org/wiki/Jerrold_Tarog
 https://www.goodnewspilipinas.com/netflix-streams-goyo-the-boy-
general-in-january-2019/
Ang Kwento ni Mabuti
(Maikling Kwento)
I. INTRODUKSYON
 Ang kwentong ito ay tungkol kay Mabuti.Tinawag siyang mabuti
dahil sakanyang kabutihang loob.Ngunit sino nga ba si Mabuti?

II. PAMAGAT
 Literal- ito ay ang kwento ng tauhan na nagngangalang Mabuti.

 Konotasyon-ibig nitong ipahiwatig ang kabaitan at kabutihang


loob ng tauhan dito kaya sakanya umikot ang kwento.Ang mabuti
na tinutukoy ay ang isang huwarang guro.

III. MAY AKDA/AWTOR


 Si Genoveva Edroza-Matute ay isang kilaláng
kuwentista, mananaysay, at guro sa
Filipino.Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915
kina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon.
Naging asawa si Epifanio Gar. Matute, ang
lumikha ng sikat na programa sa radyo at serye sa
telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada
50. Nag-aral siyá sa Manila North High School
(ngayon ay Arellano High School), Philippine Normal School (PNS),
Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University
ngayon), at University of Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa
mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at Arellano
High School, at naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa
PNC.Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-
taking” at “Land of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday
Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan
sa kaniyang mga kuwentong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at
hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,”
“Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling
kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan
pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento
1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng
Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa
sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento,
Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.Kinilala ang husay ng
kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak
ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding
PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at
Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang
Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong
1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.Namatay siyá sa
edad na 94 noong 21 Marso 2009 habang natutulog.

IV. BUOD
 Tinalakay nito ang kwento ng buhay ng isang guro na kung
tawagin na kanyang mga estudyante ay Mabuti dahil sa buong
araw hindi nya nakaligtaang banggitin ang salitang Mabuti.Siya ay
isang huwarang guro at isa si Fe sa kanyang mag aaral na
humahanga sakanya.Ngunit sakabila nito ay may tinatago rin
siyang kahinaan at dahil doon ay hindi niya naitago ang kanyang
lihim.Nakikita ni Fe ang sarili niya sakanyang guro pero batid niya
na mas malaki ang suliranin nito kaysa sakanya.Isang
hapon,naabutan ni gurong mabuti si Fe na umiiyak sa sulok at
tanging nabanggit lang nito ay "Mabuti at may makakasama
akong umiyak".Dahil don ay mas lalo pang humanga si Fe sa
kanyang guro at tuwing mag tuturo ito ay labis ang kanyang
tuwa.Madalas ikwento ng kanyang guro a si mabuti ang kaisa isa
nitong anak at ang nais nito na ang kanyang anak ay maging
isang manggagamot tulad ng ama nito.Nagtapos ang kwento
noong malaman ni Fe na ilang lamang ang nakalilipas ay
pumanaw na ang ama ng anak ng kanyang mahal na guro.Ngunit
si Fe ay nagtaka kung bakit hindi sa tirahan ni gurong mabuti ito
ibinurol.Nalaman niya ang kattotohanan na hindi pala ang
kanyang guro na si mabuti ang unang asawa nito.At kahit sa
paglipas ng panahon nakatatak padin sa puso ni Fe ang kanyang
guro na si Mabuti at ginawa niya itong inspirasyon sa buhay.
V. MGA GABAY NA TANONG
1) Sino ang estudyanteng labis na humanga kay Mabuti?
-Si Fe
2) Ano ang trabaho ni Mabuti sa kwento?
- Guro
3) Paano nagkakilala si Mabuti at si Fe?
-Si Fe ay isang estudyante ni Mabuti sa paaralan.
4) Sa iyong palagay lihim ba ang relasyon ni mabuti sa ama ng
kanyang anak?
-oo dahil ito ang kanyang lihim na ayaw nyang mabunyag
5) Kung ikaw si Fe at nalaman mo ang lihim ng paborito mong
guro magbabago ba ang tingin mo sakanya?
-hindi dahil batay sa kwento si mabuti ay isang huwarang
guro at ina at marahil hindi niya ginusto ang nangyari.
VI. BISANG PAMPANITIKAN
 ISIP-pumasok sa aking isip ang hirap ng pinag dadaanan ng mga
guro sa loob at labas ng paaralan.
 DAMDAMIN- mas lalo pa akong humanga at naantig sa
katatagan ng bawat guro.
 ASAL- karapat dapat lamang sila na bigyan ng halaga,respeto at
pagmamahal dahil hindi madali ang kanilang propesyon.
VII. MENSAHE
 Bawat tao ay may pinag dadaanan sa buhay ngunit hindi ito
dapat maging hadlang sa bawat araw ng pamumuhay dahil
maraming dahilan upang lumaban sa mga problemang ito.At nais
nitong iparating na walang kahit anong sikreto ng hindi
nabubunyag.
VIII. Aplikasyon sa Realidad
 Maging matatag sa buhay anumang hamon ang kinakaharap at
ito ay malulutas din naman at gawin na lamang itong inspirasyon
upang patuloy na lumaban.
IX. BIBLIOGRAPHY
 http://markjan-markjan.blogspot.com/2012/07/ang-kwento-ni-
mabuti-ni-genoveva-edroza.html
 https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-
genoveva/
 https://en.wikipedia.org/wiki/Ang_Kwento_Ni_Mabuti
El Presidente
(Pelikula)
I. INTRODUKSYON
 Hango sa tunay na buhay ng kauna
unahang Presidente ng Republika ng
Pilinas na si Heneral Emilio
Aguinaldo.Halina't alamin ang
makasaysayang pangyayari ng kanyang
buhay.Nagampanan niya kaya ng mabuti
ang kanyang pagkapinuno?
II. PAMAGAT
 Literal – sa espanya ang kahulugan ng El
Presidente ay "Ang Presidente".Ito ay
naglalahad ng tungkol sa isang Presidente.
 Konotasyon- Ito ay naka pokus lamang sa buhay ni Heneral Emilio
Aguinaldo na nagging kauna unahang president ng Republika ng
Pilipinas.
III. MAY AKDA/AWTOR
 Si Mark A. Meily ay isang direktor ng pelikula, taga gawa at isang
tagapagturo ng pelikula na nagsimula sa kanyang karera sa
Pilipinas. Naigawa niya na ng patalastas ang ilang kompanya tulad
ng Procter & Gamble, Colgate-Palmolive, Coca-Cola, DocuSign, at
FICO. Ang kanyang mga tampok na pelikula ay ipinakita sa mga
festival ng pelikula ng Deauville, Hawaii, Seattle, Goteborg,
Marrakech, Montréal, Busan, Fukuoka at Brussels. Kasalukuyan
siyang chairman ng Filmmaking program ng De La Salle-College St.
Benilde sa Maynila. Si Meily ay ipinanganak sa lungsod ng Maynila,
Pilipinas. Nag-aral siya sa University of the Philippines College of Fine
Arts, ang Mowelfund Film Institute at sa Ecole Supérieure d'Etudes
Cinématographiques bilang French Government Scholar.
IV. BUOD
 Ang kwento ay nagsimula sa flashbacks bilang "Emilio Aguinaldo
salamat sa US pamahalaan para sa pagbibigay sakanya ng
pagkakataon na dumalo ang buong pagpapanumbalik ng
Philippine pagsasarili sa Hulyo 4, 1946".Ang pelikula ay nagsisimula
sa kanyang pagkuha ng Philippine at US forces sa ilalim ng
Frederick Funston sa utos noong 1901 , pagkatapos ay flashback
noong 1886.Sila ni Candido ay tagapaningil ng buwis.Nag punta
sila sa isang bahay upang maningil ng buwis ngunit walang perang
pambayad ang isang matandang babae.Sa halip ay binigyan siya
nito ng kapiraso ng tela at hinulaan siya.Sinabi ng matanda na
magiging hari siya baling araw ngunit maraming aagaw nito
sakanya at hindi naman magtatagumpay.Makalipas ang sampung
taon, si Aguinaldo naging kasapi ng KKK na pinamumunuan ni
Andres Bonifacio.Inatasan siya ni Bonifacio na pamunuan ang
katipunan kasabay ng pagiging alkalde ng Cavite El Viejo . Noong
Agosto 1986,sinubukan ni Aguinaldo na siguraduhin na ang
panlalawigang pamahalaan ng espanya na hindi manghihimasok
sa kanyang coverty marshals sa kabila ng kakulangan sa
armas.Napag aralan na ni Bonifacio kung paano ilagagay ang
pwersa ng katipunan sa Maynila at si Aguinaldo naman sa
Cavite.Nagtagumpay si Aguinaldo at naging Malaya ang Cavite El
Viejop at ilang mga probinsya sa kamay ng mga
espanyol.Samantala ang pwersa naman ng katipunan sa Maynila
ay natalo.Pagkalipas ng ilang araw ay nagpulong ang Magdalo at
Magdiwang na grupo.Napag usapan nila na mag halal ng isang
republikang pamahalaan.Si Andres Bonifacio ang namuno sa
halalang ito ngunit si Aguinaldo ang nanalo sa pagka presidente.Si
Mariano Trias naman bilang bise presidente.At si Bonifacio bilang
Interior Minister subalit tumutol si Daniel Tirona sa pagkakahalal niya
sa pwesto dahil wala daw mataas na pinag aralan si
Bonifacio.Labis itong ikinagalit ni Bonifacio kaya siya ay umalis.Si
Heneral Crispulo ay dali daling nagtungo kay Aguinaldo at ibinalita
na siya ang nanalong Presidente at kinumbinsi siya nito na dumalo
sa panunumpa ng tungkulin niya.At si Heneral Crispulo ang namuno
sa labanan sa Pasong Santol subalit namatay siya at natalo dahil
walang dumating sa backup.Dahil naman sa galit ni Bonifacio ay
nagtatag ito ng kanyang sariling Rebolusyonaryong
pamahalaan.Dahil dito ay dinakip ng mga tauhan ni Aguinaldo si
Bonifacio at ang kapatid nito na si Procopio at hinatulan sila ng
kamatayan.Ilang buwan ang nakalipas pagtapos non ay umalis si
Aguinaldo sa Cavite at ang kanyang pwersa.Nagtungo sila sa biak
na bato kung saan sila nag kaisa.Sinuportahan at kinilala ng
Amerika ang bagong Republika ng Pilipinas.Nagbalik si Aguinaldo
sa Pilipinas at pormal na ideneklara ang kalayaan mula sa
Espanya.Si Felipe Agoncillo ang kumatawan sa bansa para sa
Treaty of Paris.Noong Pebrero 1899,si Antonio Luna ang inatasan
bilang maging kumander ng Pilipino-Amerikano na
digmaan.Nagpasya si Aguinaldo na tumakas at si Heneral Gregorio
Del Pilar ang naiwan upang makipaglaban sa Tirad Pass.Makalipas
ang ilang buwan at nakaalis na ang mga amerikano.Nagpakasal si
Aguinaldo kay Hilaria noong 1921 at nagkaroon ng tahimik na
buhay.At sa huling sandal ng kanyang buhay ay nakita muli ang
matandang babaeng nag bigay sakanya ng kanyang propesiya
V. MGA GABAY NA TANONG
1) Sino ang kauna unahang president ng Republika ng Pilipinas?
-Emilio Aguinaldo
2) Anong posisyon niya sa pamahalaan ng Cavite El Viejo?
-Alkalde
3) Ano ang naging dahilan ng pagkapanalo niya sa halalan?
-dahil sa mahusay niyang pakikipaglaban upang maging
Malaya ang Cavite .
4) Tama ba ang naging pasya ng pamahalaan na paslangin si Andres
at Procopio Bonifacio?
-hindi,dahil walang katotohanan ang ibinibintang nila kay
Bonifacio.
5) Kung ikaw ang tatanungin dinaya ba talaga si Bonifacio sa
halalan?
-oo dahil maraming opisyal at mayaman na ayaw sakanya
dahil lang wala siyang mataas na pinag aralan.
VI. BISANG PAMPANITIKAN
 ISIP-dumami ang aking kaalaman tungkol sa kaysaysayan lalo na
sa Unang Republika ng Pilipinas.
 DAMDAMIN-nalungkot ako sa nangyari kay Bonifacio ngunit sa
kabilang banda ay natuwa dahil sa wakas ay nakalaya na rin ang
Pilipinas sa kamay ng Espanya.
 ASAL-maging magalang sa matatanda gaya ng ginawa ni
Aguinaldo at mahalin ang bayan.
VII. MENSAHE
 Ang mensahe nito ay ang pagiging makabayan.Maraming tao
ang naglaan ng kanyang buhay para makamit natin ang
kalayaan.Ngunit wag na nating ipagpatuloy ang pagiging taksil na
nasaksihan dito sa pelikulang ito.
VIII. APLIKASYON SA REALIDAD
 Matutong ipaglaban at manindigan para sa bayan sa ngalan ng
pagmamahal ditto.
IX. BIBLIOGRAPHY
 https://www.youtube.com/watch?v=e9jUe4qc8w0
 https://en.wikipedia.org/wiki/Mark_Meily
Seven Sundays
(Pelikula)
I. INTRODUKSYON
 Tungkol ito sa isang pamilyang
humina ang pagsasama dahil sa
problema at hindi
pagkakaunawaan.
II. PAMAGAT
 Literal-ito ay tumutukoy sa pitong
lingo ng mag anak
 Konotasyon-nag ugat ito sa
masamang balitang natanggap
ng ama ng isang pamilya at inakala
niya na mayroon na lamang siyang 7
linggo sa mundong ibabaw
III. MAY AKDA/AWTOR
 Si Catherine Rosales Garcia-Molina (ipinanganak noong
Nobyembre 28, 1971) ay isang pelikulang Pilipino at direktor sa
telebisyon na pinakilala sa pagdidirekta ng mga romantikong
komedya na pelikula na ginawa at ipinamahagi ng Star Cinema.
Nag-direksyon din siya ng ilang mga serye sa TV, na naipalabas sa
ABS-CBN. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay itinuturing na top-
grossers sa Pilipinas. Siya ang bunsong anak ng yumaong Sikatuna
Antonio Garcia (1929-1919) at Luisa Rosales Garcia. Siya ay ikinasal
kay Engineer at Technical Director na si Philip Rey "Epoy" Molina (na
namatay mula sa aksidente sa sasakyan noong 2009) kasama ang
dalawang bata
IV. BUOD
 Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating
kapitan ng kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa
bahay ay si Jun.Siya ay mayroong apat na anak na sina
Allan,Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang mga ito ay di
nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang
kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay,
ngunit ano ang kanyang magagawa may kanya kanya ng buhay
ang mga ito.Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigan doktor.
Dito ay napag-alaman niya na siya ay mayroong malubhang
karamdaman ( Lung kanser). Ito ay dagli nyang ipinagbigay alam
sa kanyang mga anak.Dumating ang kanyang mga anak at pinag-
usapan ang problemang kinahaharap. Hindi na pumayag si
Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t siya
ay humiling sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong
Linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, Ang
mga anak at ang pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw
ng Linggo upang makapiling ang amang may sakit.Masalimuot
man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay
naging maayos din kung kaya’t ang ama ay nanghihinayang na
mawala ang masayang pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi nya
maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng
kanyang medikal.Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga
anak, lumabas ang mga hinanakit ng bawat miyembro sa bawat
isa’t isa. Dito napag alaman din na ang kanilang ama pala ay
walang malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang
nagsi alisan ang mga ito.Sa paglalabasan ng mga hinanakit
napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang nagawa. Kung
kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli
ang pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na
si Bryan upang humingi ng paumanhin at makipagkasundo dito.
Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo sila na
puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa
pamilya.At sa huli ang kanilang ama naman ang kanilang
pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo sundo ang bawat isa.
Kaya’t ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay nalutas na.
Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito.
Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan sa pamilya ito kanilang
inayos upang sila ay magkasundo sundo.
V. MGA GABAY NA TANONG
1) Sino ang haligi ng tahanan ng pamilya dito sa kwento?
-Manuel Bonifacio
2) Ano ang masamang balita ang natanggap ng pamilya?
-May lung cancer ang kanilang ama na si Manuel.
3) Sino ang panganay na anak nito?
-Si Allan (Aga Mulach)
4) Kung ikaw ang nakatanggap ng balita sa doctor mo na
ikaw ay may cancer ano ang gagawin mo?
-Maghahanda na si posibleng mangyari at
susubukang magpagamot at mananalig sa may kapal.
5) Kung sa ama mo iyon mangyari ano ang iyong
mararamdaman?Ipaliwanag.
-Malulungkot ako at mag aalala dahil delikado na
ang buhay niya.
VI. BISANG PAMPANITIKAN
 ISIP-huwag hayaang masira ang pagsasama ng pamilya.
 DAMDAMIN-mahalin at pahalagaan ang pamilya at magulang
dahil hindi mo alam kung gaano pa sila tatagal sa mundo.
 ASAL-laging igalang ang bawat miyembro ng pamilya.
VII. MENSAHE
 Pahalagahan at huwag isantabi ang pamilya.Lagi silang
bigyan ng oras dahil walang nakakaalam kung ano ang
pepwedeng mangyari sa bawat isa kaya bigyan sila
parati ng oras nang sa gayon ay wala kang pagsisishan
dahil walang kang sinayang na panahon.
VIII. APLIKASYON SA REALIDAD
 Palaging mag laan ng oras para sa pamilya.
IX. BIBLIOGRAPHY
 https://www.viu.com/ott/ph/
 https://en.wikipedia.org/wiki/Cathy_Garcia-Molina

You might also like