Professional Documents
Culture Documents
aktor
dayalogo
direktor
iskrip
manonood
tanghalan
tema
Pagbibigay Kahulugan:
Dula:
Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong
maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay
matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga
dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat
bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o
script writer.
Kahulugan ng Dula: brainly.ph/question/189674
Uri ng Dula:
Ayon sa Anyo:
komedya
melodrama
trahedya
Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o
katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad
ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa
iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang
ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?”
Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas
para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng
mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga
pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at
minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay
karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang
pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay
MaraClara.
panlansangan
pantahanan
pantanghalan
Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa
lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan.
Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa
tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamanhikan.
Kahalagahan ng Dula:
Sa pamamagitan ng dula naitatanghal ang totoong buhay.
Taglay ng dula ang mga katangiang umiiral sa buhay
tulad ng mga tao at suliranin.
Inilalarawan ng dula ang damdamin at pananaw ng mga
tao ng isang tiyak na bahagi ng kasaysayan.