You are on page 1of 16

TAUHAN

AT TAGPUAN
NG DULA
TAUHAN
Sa mahabang dula, maya’t maya ay may
ipinakikilalang tauhan upang patakbuhin ang
kuwento. Kung kaya’t masasabing hindi
kataka-taka ang pagkakaroon nito ng kahit
sandosenang tauhan.
Sa maikling dulang may habang 30 hanggang
45 minuto, karaniwang sapat na ang dalawa
hanggang tationg tauhan.

Halimbawa nito ang mga dulang Dalawang Gabi ni


Maynard Manansala, Si Maria Isabella at ang
Guryon ng mga Tala ni Eljay Deldoc, Wendy
Wants To Be a Housewife ni Ricardo Novenario,
at Joe Cool: Aplikante ni Joshua Lim So.
TANDAAN!

Bagaman maikli, kailangan pa ring maging


sapat ang karakterisasyon sa maikling
dulang iisahing yugto upang makaugnay sa
kaniya ang mga manonood.
Ngunit may ilang maikling dulang
nangangailangan ng maraming tauhan.

Masasabing nagtagumpay rito ang mga


dulang Anonymous ni Liza Magtoto, Ang
Naghihingalo ni Raymund Reyes, Isa pang Soap
Opera ni Reuel Molina Aguila, Kung Paano Ako
Naging Leading Lady ni Carlo Vergara,
at Hayop ng inyong lingkod.
Sa maikling dula, karaniwang isang
pangunahing tauhan ang dinidebelop nang
husto, ngunit maaari din namang bigyan ng
pantay na dimensiyon ang dalawa o tatlong
tauhan.
Mga dapat isaalang-alang sa karakterisasyon sa
pagsusulat ng maikling dulang iisahing yugto:
1. Kailangang kapani-paniwala o natural ang
lahat ng tauhan upang maging makatotohanan
sa mga manonood ang kanilang mga motibasyon
at reaksiyon. Sa pamamagitan nito, tatatak sa
mga manonood ang tauhan dahil nakauugnay sila
sa kaniya at kaniyang mga karanasan.
2. Dapat sa simula pa lamang ay ipinakilala na
ang tauhan. Gawin ito nang mabilis at
deretsahan.
3. Pagtuunan ng pansin ang paraan ng
pagsasalita at paggalaw sa entablado ng tauhan.
Sa dula, ang pinakamabisang paraan ng
pagpapakilala ng tauhan ay sa pamamagitan ng
kanilang salita, kilos, ekspresiyon ng mukha, at
reaksiyon.
4. Bigyan ng lalim at lawak ang pangunahing
tauhan sa pamamagitan ng pagpapakita ng
kaniyang mga motibasyon o pagnanasa.
Ibubunyag nito sa mga manonood ang panlabas
at panloob na pagkatao ng tauhan.
5. Kung maaari, ang suliraning kahaharapin ng
tauhan ay magdudulot ng pagbabago sa kaniya,
positibo man o negatibo. Kung wala mang
pagbabago matapos niyang harapin ang
kaniyang mga problema, nagtagumpay man o
nabigo, kailangang maging makatotohanan ito.
TAGPUAN
Kailangang linawin kung saang lugar at anong
panahon ang pangyayarihan ng tagpo ng dula
upang magkaroon ng ideya ang direktor kung
paano paaartehin ang mga aktor at kung ano
ang disenyo ng entablado.
Maaaring ilarawan ang panahon katulad ng
mga sumusunod:
 “One Sunday morning, at about eleven”
(Wanted: A Chaperon ni Wilfrido Ma.
Guerrero)
 ”Gabi” (Ang Paglilitis ni Mang Serapio ni
Paul A. Dumol),
 ”Magaganap ang dula noong mga 1986”
(Lulusubin Namin ang Malacanang ni
Aguila).
Ang tagpuan ng dulang itatanghal ay
kailangang umayon sa mga pisikal na limitasyon
ng entablado. Makatutulong kung iniisip ang
entablado at kung paano kumikilos dito ang
mga aktor habang isinusulat ang iskrip ng dula.
Pansinin ang paglalarawan sa tanghalan sa mga
sumusunod:
 

Magbubukas ang entablado at makikita ang


mahabang print-out ng HAPPY 30!” BIRTHDAY
ATE LENY, nakapaskil sa dingding sa sentro,
napapagitnaan ng dalawang pinto; isa para sa
kusina at isa para sa silid. Isang litrato ni Leny
ang katabi ng print out na ito.
Sa ibaba nito ay isang mesa na kakikitaan
ng birthday cake na may kandilang hindi
pa nasisindihan. May mga pagkaing nagalaw
na, tanda nang papatapos nang handaan.

Sa gawi ng manonood, gawing kanan ay ang ipinapalagay


na bintanang umaabot tanaw sa ibaba, harapan ng
bahay. May maliit na mesa at dalawang silya rito. Sa
kaliwa ang pintong papalabas. Sa kanan ay papunta rin
sa isang silid. Ilang gamit ang nakaempake sa may
pintong papalabas.

You might also like