You are on page 1of 13

PAG-AAYOS NG PERSONAL

NA SINULAT ( Anekdota ,
Awtobiographiya , Repleksiyon)
Inihanda ni : MARY GRACE M . LICUDAN
• Ang ANEKDOTA ay isang maikling salaysay ng isang
tanging pangyayari na lubhang kawili-wili. Ang
anekdota’y isinasalaysay upang makalugod o magbigay-
kawilihan. Ang tauhan nito ay karaniwan tanyag o kilala.
Karaniwang may aral na napupulot sa uring ito ng
salaysay.
Sa pagsulat ng anekdota ay dapat na isaalang-alang
ang mga sumusunod:
1.       Dapat maging makatotohanan
2.       Dapat maging tunay na karanasan.
3.       Dapat ay may isang paksa lamang.
4.       Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-
alang ang kakintalang maiiwan ng mga mambabasa.
HALIMBAWA
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay
maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng
tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita
nang hindi aatakihin sa puso ang tumama.

Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano


ang magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay
tumama sa suwipistik.

Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya


ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso.
AWTOBIYOGRAPHIYA
• Isang akdang naglalahad ng mahabang kasaysayan ng
mahahalagang tala ng buhay ng isang tao.
• Mula sa salitang griyego na “autos” na nangangahulugang
sarili at ‘’bios” na nangangahulugang buhay na may literal na
pagpapakahulugan na pagsulat ng sariling karanasan sa
mahahalagang pangyayari sa buhay
Payak na paraan na pagsulat

1. Unang linya: pangalan

2. Ikalawang linya: 2-4 na pang-uri na naglalarawan sa sarili o sa


taong inilalahad

3. Ikatlong linya: mga magulang

4. Ikaapat na linya: mga kapatid

5. Ikalimang linya: mga hilig at gusto

6. Ikaanim na linya: mga kinatatakutan

7. Ikapitong linya: mga pangarap


REPLEKSIYON
• ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw
• Isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa anyong tuluyan o
prosa
• Ito ay nangangailangan ng opinyon at riserts ng isang
manunulat
• Isang masining na pagsulat na may kauganayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari
PAGSULAT NG REPLEKSIYONG PAPEL
• MGA INIISIP AT REAKSYON
Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literatura o
karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa
binasa o karanasan
• BUOD
Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong
papel. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip.
ORGANISASYON
• Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba
pang uri ng pormal na sanaysay
Gabay sa pagsulat ng Repleksyong Papel
• 1.Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.

• 2. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyon.

• 3. Inaasahang hindi na magpapaliguy-ligoy pa.

• 4. Maaaring gumamit ng wikang pormal, o kumbensyonal.

• 5. Magbigay ng mga halimbawa o aplikasyong natutuhan sa klase.


• 6. Laging isaisip na ito ay gagraduhan batay sa talas ng inyong
pagmumuni-muni.

• 7. Huwag balewalain ang mga mahalagang tuntunin bagaman ito ay


isang personal na gawain.

• 8. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga


konseptong tinalakay.

• 9. Banggitin ang mga sangguniang galing sa iba't ibang sources.

• 10. Maaaring maglagay ng pamagat.


REPERENSIYA
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Anekdota
• https://www.tagaloglang.com/halimbawa-ng-anekdota/
• https://www.tagaloglang.com/anekdota/
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Autobiograpiya
• https://brainly.ph/question/369046
• https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-repleksyon/
•MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG !

You might also like