You are on page 1of 19

MATAAS NA PAARALANG RIZAL

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Nobyembre 21-December 2, 2022
UNANG ARAW-TUKLASIN
Petsa: __________________________

I. A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-
iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang
maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang
panrehiyon.

B. PAMANTAYANG PAGGANAP
Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng
awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal. (F7WG-IIa-b-7)

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


1. Naibibigay ang salita, konsepto o ideya na maiuugnay sa wika
2. Nababatid ang kahulugan at kahalagahan ng wika
3. Nailalahad ang kahalagahan ng wika sa tahanan, paaralan at bansa

II. NILALAMAN (PAKSANG ARALIN)


Kahalagahan ng Wika

III KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: SLM 1, PPT, Laptap, mga larawan internet at bidyo mula sa Youtube
B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban

B. Balik-aral

G-O-O-G-L-E…. GULU-GULU.
Panuto: Isaaayos ang mga titik upang mabuo ang tamang salita. Gamiting gabay
ang katapat na pahayag sa pagsasaayos ng mga ito.
Salita Pahayag
1. T G A W N G I I – Y B A A N Nagsimula bilang mga tulang may
sukat at tugma subalit sa
kalaunan ay nilapatan ng himig upang
maihayag nang pakanta.

2. I N A B O M A S T Awit ng pagtatagumpay.

3. N D I A O Y Awit sa panahon ng pamamanhikan o


kasal

4. M N D A I U K N Ito ang mga awit ng pag-ibig sa mga


Tagalog.

5. L N G O U B Karaniwang sinasambit ito sa


pagpapasintabi kapag napaparaan sa
tabing ilog at sa iba pang lugar na
pinaniniwalaang tirahan ng mga
engkanto, lamang-lupa o maligno.

6. M N G U I N M K A T Awit ng pakikipagdigma o
pakikipaglaban.

7. N A G A P N G U L W A A Awit sa araw ng patay ng mga Tagalog.

8. T L D A I Awit na panrelihiyon o himno ng


pagdakila sa Maykapal.

9. Y Y I A O Awiting panghele o pampatulog ng


bata na tinatawag na
lullaby sa Ingles.

10. T D W I A M P A A G U M A Isang paraan ng paglalahad ng sariling


ideya, palagay o opinyon tungkol sa
isang paksa bilang pagpapaliwanag na
maaaring pasulat o pasalita.

C. Paghahabi ng Layunin ng Aralin (Pangganyak)


Pagbibigay ng salita, konsepto, ideya maiuugnay sa salitang “WIKA” gamit ang
graphic organizer na word webbing.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


1. Paglalahad ng mga dapat matutuhan sa aralin:
Pagpapanood ng bidyo ng isang spoken poetry kaugnay sa kahalagahan ng
wika.

https://www.youtube.com/watch?v=pDk3mCYDYyQ

Gabay na Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng wika?

2. Bakit mahalaga ang wika?

3. Bilang kabataang Pilipino, paano mo mapapahalagahan ang iyong sariling wika?

2. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Pangkatang Gawain
Magsagawa ng isang maikling iskit na nagpapakita ng kahalagahan ng
wika sa tahanan, paaralan at bansa.

* Pag-uulat /Pagtatanghal ng bawat pangkat sa isinagawang gawain.


* Pagbibigay ng input ng guro sa ginawang gawain ng bawat pangkat.
* Pagbibigay ng puntos sa bawat pangkat gamit ang itinakdang rubrik.
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG PANGKATANG GAWAIN

E. Paglalagom:
#POTD Pulot of the Day i-share mo.

F. Paglalapat/Sintesis:
Ipaliwanag ang mensahe ng islogan na ““Wika ang magbibigkis tungo sa pagkakaisa,
pagkakaunawaan at pag-unlad ng isang bansa.”

G. Kasunduan:
1. Basahin at unawain ang aralin sa Modyul 3.
2. Ibigay ang kahulugan at pagkakaiba ng Impormal at Pormal na Antas
ng Wika batay sa pormalidad?
3. Magbigay ng halimbawa ng tig-3 ng balbal, kolokyal, lalawiganin,
pambansa, at pampanitikan.

IKALAWANG ARAW-PAUNLARIN
Petsa: __________________________

I. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

1. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng


awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).(F7WG-IIa-b-7)
2. Nakikilala ang iba’t ibang antas ng wika batay sa pormalidad.
3. Natutukoy ang antas ng wikang ginamit sa isang awiting-bayan at dayalogo

II. NILALAMAN (PAKSANG ARALIN)


MODYUL 3- Antas ng Wika Ayon sa Pormalidad

III . KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: SLM 1, PPT, Laptap, mga larawan internet at bidyo mula sa Youtube
B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban

B. Balik-Aral
Bakit mahalaga ang wika?

C. Paghahabi ng Layunin ng Aralin (Pangganyak)


Panuto: Suriin ang mga salita at pahayag na may salungguhit sa dayalogo.

Sagutin ang mga katanungan kaugnay dito.


Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga salita at pahayag ang may salungguhit sa mga
dayalogo?
2. Sa ano-anong pagkakataon o saan-saan lugar mo maaaring marinig
ang mga salita na chibog, tipar, erpat, ambot, arat, pre, tanan maging ang
mga pahayag na may kutsarang ginto sa bibig at animoy isang tala sa
kagandahan?
3. Sa iyong palagay, alin kaya sa mga salita at pahayag ang gagamitin sa
pormal na pagkakataon tulad ng sa mga panitikan, paaralan at alin naman
kaya mas ginagamit ng mga magbabarkada samantalan alin naman ang
mga salitang ginagamit sa mga lalawigan.
Isaisip

Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mga tao,


mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit sa
lugar, okasyon, panahon gayundin sa taong kausap. Halimbawa, kapag may mga
nakasalubong ka sa umaga ay maaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan
o pormalidad sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa,
kung ang principal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na “ Magandang
umaga po” ang sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigan mong matalik o BFF
mo na ang makasalubong mo. Maaaring maging “ Kumusta, Tol!” o kaya’y “ Uy
Pre!” na may kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


1.1 Paglinang ng Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin ayon sa gamit nito
sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

_______________1. Humahalimuyak ang bulaklak.


_______________2. Nang makita ka na’y anong galak ang nadarama.
_______________3. Ikaw ang pang-aliw sa tuwina.
_______________4. Ang madlang nandito ang siyang saksi ng aking pagmamahal.
_______________5. Ikaw ang aking panghiyas na di ko maipagpapalit kanino man.

1.2 Pagtalakay sa nilalaman ng Aralin:


Pagpaparinig ng awiting “Dalagang Pilipina” at Bebot

https://www.youtube.com/watch?v=NKsDVrbfj30 https://www.youtube.com/watch?
v=u3UbdgoT6_Q
Gabay na Tanong:
1. Pansinin ang pamagat ng dalawang awit. Kapwa kanino tumutukoy
ang mga salitang ito? Masasabi mo ba paano ito nagkaiba?
2. Saan at anong pagkakataon maaaring marinig ang salitang “dalagang
Pilipina” at ang salitang “Bebot”?
3. Alin sa dalawang salita ang ginagamit sa pormal at impormal na
pagkakataon?

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong
dinadaluhan.
Pagpapanood ng bidyo kaugnay sa aralin tungkol sa Antas na Wika ayon sa Pormalidad

https://www.youtube.com/watch?v=QYAsTTV6D2E
Gabay na Tanong:
1. Paano gagamitin ang mga salitang pormal at di-pormal sa isang usapan?
2. Ano-ano ang mga uri ng mga salitang pormal?
3. Ano-ano ang mga uri ng mga salitang di- pormal?
4. Paano nakatutulong ang paggamit nang antas ng wika batay sa pormalidad
sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon?

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


(Pangkatang Gawain)

Para sa pangkat 1 at 2 magsasagawa ng isang maikling iskit ang mga mag-aaral


batay sa ibibigay na sitwasyon ng guro. Ipapakita ng mga mag-aaral ang
paggamit ng iba’t ibang antas ng wika ayon sa pormalidad. Iisa-isahin ang mga
ginamit na antas ng wika sa dayalogo.

 P1 -Panliligaw ng isang binata sa isang dalaga (Pormal-pampanitikan)

 P2- Pagkikita ng magkaklase sa isang batch reunion ng kanilang


eskwelahan (impormal-balbal/kolokyal)

 P3- Pagsusuri sa antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa mga awitin.


Suriin ang mga salita na nakadiin at ginamit sa mga linya ng awit. Gawing gabay ang
bahagi ng awit sa pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang balbal, kolokyal,
lalawiganin o pormal. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Mga Salita Mula sa mga awit Kahulugan

* Pag-uulat /Pagtatanghal ng bawat pangkat sa isinagawang gawain.


* Pagbibigay ng input ng guro sa ginawang gawain ng bawat pangkat.
* Pagbibigay ng puntos sa bawat pangkat gamit ang itinakdang rubrik.
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG PANGKATANG GAWAIN

F. Paglalahat (Sintesis)

Dugtungan ang pahayag

Natutunan ko na_____________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________

G. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Piliin sa loob ng kahon ang akmang
sagot para sa paglalarawan dito.

lispu dalagang Pilipina datung anak dalita yosi

1.______________________
4.______________________

2.______________________

5.______________________

3.______________________
V. MGA TALA:
Takdang Aralin:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
1. Basahin at unawaing mabuti ang Modyul 4.
2. Ibigay ang kahulugan ng alamat.
3. Isa-isahin ang mga elemento ng alamat.
4. Ilarawan ang mga tauhan sa “Alamat ng Kawayan”.
5. Ano ang paghihinuha?

IKATLONG ARAW ( PAGNILAYAN )


Petsa: __________________________

I. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


1. Nabibigyang-hinuha ng kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
Kabisayaan. (F7PB-IIc-d-8)
2. Nakapagbibigay ng hinuha tungkol sa binasang alamat.
3. Natutukoy ang mga elemento ng alamat.

II. NILALAMAN (PAKSANG ARALIN)


MODYUL 4 – Alamat ng Kabisayaan

III . KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: SLM 2, PPT, Laptap, mga larawan internet at bidyo mula sa Youtube
B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban

B. Balik-aral
Kanta ulit tayo!
Tukuyin sa likhang-awit ang mga salita ayon sa antas at uri nito.
Mag- aral Muna
(Leron-leron )
Mag-aral ka sinta Kayo’y tumalima
Buhay mo’y gaganda Sa erpat at ermat
Angat ka sa iba Gintong payo nila
Bongga ka talaga Gabay mo sa buhay
‘Wag munang mag jowa Magtiwala ka lang
Dehins pa dapat ‘yan Sa ating Maykapal
Dahil bagets ka pa Gagabayan ka Niya
Munti pang talaga Sa buhay mong hiram

C. Paghahabi ng Layunin ng Aralin (Pangganyak)

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


1. Panonood sa video – Alamat ng Kawayan
https://youtube.com/watch?v=B64k0BqC96g&feature=share

Mga gabay na tanong:


1.Bakit kaya sinansabing biyaya ng Diyos ang isang anak na katulad
ni Aryan sa kanyang mga magulang?
2.Ano ang sanhi o dahilan ng panunukso kay Aryan ng kanyang
mga kaklase? Bakit kaya makapal ang balahibo ni Aryan sa kanyang
katawan?

3. Sa iyong palagay, ano ang iba pang dahilan upang tuksuhin tayo
ng ibang tao?
2. Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng nasa Hanay A.
Gamitin ito sa pangungusap.
Hanay A Hanay B
_______1. Nakayuko a. ipinagmamalaki
_______2. Patpatin b. nakaukmot
_______ 3. Ipinagyayabang c. payat
_______ 4. Tumubo d. malaking unggoy
_______ 5. Bakulaw e. umusbong

3.Pagtalakay sa Nilalaman ng Aralin:


Panonood ng bidyo
Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
https://youtube.com/watch?v=yDQWgFPQmT4&feature=share

Mga gabay na tanong:


 Batay sa napanood ninyong bidyo ano ang kaligirang pangkasaysayan
ng alamat?
 Ano ang kahulugan ng alamat? Anu- ano ang layunin nito?
 Ano ang tinataglay ng alamat at mga elemento nito

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Pangkatang Gawain-
P1 – Pagkilala sa katangian ng tauhan
P2 - Pagsusuri sa alamat ng Kabisayaa

P3 – Pagsusuri sa mahahalagang pangyayari sa alamat.

P4 – Pagbibigay ng hinuha o palagay batay sa binasang alamat.


Ano kaya ang nangyari kay Aryan? Bakit kaya siya biglang naglaho na parang
bula?

RUBRIKS SA PAG-UULAT:
F.Paglalahat (Sintesis)
Ibigay ang wastong salita upang mabuo ang talata.
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang latin na ______.
Nagsasaad kung paano nagsimula ng mga bagay-bagay ang ______. Elemento ng alamat ang
_______ kung saan ito ay nagpapakita ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Nagbibigay-buhay sa tema ng alamat ang mga tauhan at nag-iiwan naman ng mensahe sa
mambabasa ang ______.

G. Pagtataya sa Aralin:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Biyaya ka ng Diyos sa amin, kaya ipinagmamalaki ka namin ng inay mo.


Bakit sinabi ito ng ama ni Aryan sa kanya?
a. Dahil napagtanto niya ang kanyang pagkakaiba sa mga kaklase.
b. Dahil siya ay nalulungkot sa kanyang sitwasyon.
c. Dahil siya ay nag-aalinlangan sa kanyang sarili.
d. Dahil hindi siya masaya sa kanyang itsura.

__________2. Sa mga katangiang inilahad kay Aryan sa alamat ng kawayan alin dito ang
dito ang pinakanagustuhan ng kanyang magulang?
a. Siya ay isang batang mabait sa magulang
b. Siya ay may mababang kalooban
c. Siya ay isang batang masunurin
d. A at B

__________3. Ang halamang nakayuko ay katangian ni Aryan. Ano ang nais ipahiwatig nito sa
mga mambabasa na mabuting katangian ni Aryan na palaging payo ng kanyang
magulang sa kanya?
a. Magkaroon ng mababang kalooban sa lahat ng pagkakataon
b. Palaging nakayuko sa lahat ng pagkakataon
c. Maging masunurin sa magulang
d. Maging mahiyain sa mga tao
__________4. Kung naramdaman mo na ayaw sa iyo ng karamihan dahil sa panlabas na
kaanyuan mo,ano ang mas tamang gawin?
a. Papatunayan ko sa kanila na hindi nasusukat ang katangian ng tao sa panlabas na
kaanyuan lamang
b. Iiwasan ko na lng sila upang hindi ko maramdaman na ayaw nila sa akin
c. Nanaisin kung maging katulad ni Aryan na maging kawayan na
d. Kalalabanin ko ang mga taong ayaw sa akin

__________5. Sa palagay mo ano ang sumasalamin sa alamat na pinamagatang


“Alamat ng kawayan” sa buhay ng tao?
a. Dapat nating ipagmalaki kung ano ang nararating natin sa buhay
b. Manatiling mapagkumbaba kahit gaano na katayog ang naabot natin
c. Pagiging tapat sa lahat ng panahon
d. Maging mapagmahal sa kapwa

__________6. Paano ipinakita ni Mang Andoy at Aling Lilian ang pagmamahal nila kay Aryan?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa lahat ng gusto ng anak
b. Hindi nila ito ikinahihiya at kinalimutan hanggang ito ay naging halaman
c. Sa pamamagitan ng pagtatanggol nito tuwing ito ay kinukutya ng mga kaklase
d. Ipinagmamalaki nila ito sa mga kaibigan at kakilala.

__________7. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan naganap ang alamat
a. alamat c. tagpuan
b. banghay d. tauhan

_________8. Bahagi ng banghay na inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat.


a. katawan c. simula
b. banghay d. wakas

_________9. Dito inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip kaugalian ng bawat
tauhan at paraan ng pagharap sa suliranin.
a. katawan c. wakas
b. banghay d. Tagpuan
_________10. Ito ay bahagi ng banghay na nag-iwan ng mensahe sa mambabasa.
a. simula c. katawan
b. tauhan d. wakas

V. MGA TALA:
Kasunduan: Sumipi ng isang alamat at humandang magbigay ng hinuha tungkol sa kinahantungan
ng paguahimg tauhan.

IKAAPAT NA ARAW (PAGLILIPAT)


Petsa: _____________________

I. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


1. . Nabibigyang-hinuha ang kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa siniping alamat
2. Nakagagamit ng iba’t ibang antas ng wika sa pagbibigay ng hinuha.
3. Nakatutugon ang mga mag-aaral sa napagksunduang gawain

II. NILALAMAN (PAKSANG-ARALIN)


Pagbibigay-hinuha sa Kinahinatnan ng Tauhan sa Alamat
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: SLM4, PPT, Laptap, internet, youtube, TV mga larawan
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
*Panalangin
*Pagbati
*Pagtatala ng liban
B. Balik-aral
C. Paghahabi ng Layunin ng Aralin (Pangganyak)
Sa inyong palagay, anong alamat ang natatago sa isang magandang bulaklak?

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pagbibigay – Hinuha
Ang hinuha ay pagbibigay ng sariling opinyon mula sa
impormasyong nabasa. Sa pagbibigay ng hinuha ang mahalagang
sangkap ang paggamit ng dating kaalaman at karanasan.
Nakapagbibigay ng tamang hula ang mag-aaral kapag marami siyang
nakaimbak na dating kalaman at karanasan na naiuugnay niya sa
bagong impormasyon.

Gawin ito sa papel.


1. Basahing muli ang siniping alamat
2. Bigyang-tuon ang wakas nito at ibigay ang iyong palagay o hinuha sa
kinahinatnan ng pangunahing tauhan.
3. Sa pagbibigay ng hinuha, gumamit ng iba’t ibang antas ng wika.

Rubriks sa Paglalahad:
Nakapaglahad ng maayos na paghihinuha_________________10
Nakagamit ng iba’t iibang antas ng wika __________________10

Kabuuan ________________20

F.Paglalagom:

Pagbibigay ng bisa sa isip at sa damdamin ng Modyul 3 at 4.

G.Paglalapat/Sintesis:

Pagbibigay ng iba pang katawagan sa Paghihinuha


V. MGA TALA:

Kasunduan:
 Basahin at unawaing mabuti ang Modyul 5 at Modyul 6

You might also like