You are on page 1of 31

PANG-ARAW-ARAW NA BANGHAY

ARALIN sa FILIPINO
Baitang 6

Paaralan Porta Vaga Elementary School Baitang/Antas 6


Guro Gng. Marie Grace E. Rodriguez Asignatura Filipino
Petsa/oras Markahan Ikalawa

UNANG LINGGO

A. Pamantayang Pangnilalaman

Pakikinig
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Pagsasalita
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

Pagbasa
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.

Pagsulat
Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

Panonood
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.

Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan


Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t
ibang uri ng panitikan.

B. Pamantayan sa Pagganap

Pakikinig
Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan.

Pagsasalita
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan.

Pagbasa
Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang
teksto.

Nagagamit ang iba’t ibang babasahin ayon sa pangangailangan.

Pagsulat
Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal, lathalain o balita.

DLP F6 Q2 Wk1 p.1


Panonood
Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula.

Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan


Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa
aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at kuwento.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F6PN-IIa-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

F60L-IIa-e-4
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon

F6RC-IIa-4
Nailalarawan ang tauhan at tagpuan sa binasang kuwento

F6SS-IIa-6
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan.

UNANG ARAW

I. LAYUNIN
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-IIa-g-3.1

II. NILALAMAN
 Pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
 Haraya 6 Pagbasa at Wika pah. 246.
 http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pista_ng_Pahiyas

B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo


Tsart, metacards, activity sheet, kagamitang pansining

IV. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Balik-aralin ang tinalakay na aralin.

1. Paunang Pagtataya

(Ang guro ay magbibigay ng paunang pagtataya upang malaman ang kahandaan ng mga mag- aaral.)
PANUTO: Alin sa mga icons ang tumutugon sa inyong pang-unawa sa mga katanungang makikita sa
projector.

DLP F6 Q2 Wk1 p.2


- - Lubos na sumasang-ayon

- Sumasang-ayon Hindi
- sumasang-ayon
- Lubos na hindi sumasang-ayon

1.) Gumagamit ng salitang naglalarawan upang mailahad ang katangian ng tauhan sa kuwento.
2.) Kinakailangang tandaan ang mahahalagang detalye sa kuwentong napakikinggan upang masagot
ang mga kaukulang tanong mula sa teksto.
3.) Matalas na pakikinig ang dapat linangin upang lubos na maunawaan ang teksto.
4.) Maaari kang makipag-usap sa iyong katabi habang nakikinig sa tekstong binabasa ng iyong guro.
5.) Mahalaga na magtala ng mga impormasyong pinakikinggan.
6.) Pang-uri ang tawag sa salitang naglalarawan.
7.) Pang-uring pamilang ang tawag sa salitang naglalarawan na tumutukoy sa bilang ng
inilalarawang pangngalan o panghalip.
8.) Pang-uring panlarawan ang uri ng pang-uri kung inilalarawan nito ang pandiwa sa
pangungusap.
9.) Ang pahayagan ay isang uri ng pangkalahatang sanggunian.
10.) Ang paggamit ng google sa pamamagitan ng internet ay maituturing ding paggamit ng
pangkalahatang sanggunian.

2. Vocabulary Knowledge Scale


Alamin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga salita sa ipakikita sa projector.
(Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng bawat emoticon.)

PANUTO: Pumili ng icon na tutugon sa iyong pang-unawa sa mga salitang makikita sa projector.

- Alam ko ang salitang ito at kaya ko itong gamitin sa pangungusap.

- Alam ko ang salitang ito at ang ibig sabihin nito ay…

- Nakita ko na ang salitang ito at sa aking palagay ito ay…

- Nakita ko na ang salitang ito dati ngunit hindi ko alam kung ano ibig sabihin.

- Hindi ko pa nakita ang salitang ito.

1.) Salot
2.) Kapilya
3.) Kura
4.) Debosyon

DLP F6 Q2 Wk1 p.3


5.) Minyatura

3. Talasalitaan

PANUTO: Pag-ugnayin ang mga salita at ang kahulugan na may larawan sa loob ng kahon. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1.) Salot –

2.) Kapilya -

3.) Kura –

4.) Debosyon –

5.) Minyatura –

- seremonyang - dahilan ng paglikha ng - maliit na simbahan


panrelihiyon o kapahamakan.
pagsamba.

- pinakapuno ng - pinaliit na anyo ng


simbahan ng isang isang bagay.
purok o paroko.

DLP F6 Q2 Wk1 p.4


B. Paghahabi ng layunin ng aralin
1. Pagganyak
PANUTO: Pag-ugnayin ang mga larawan na may kauganayan sa pagdiriwang ng pista at ang
pangalan ng lugar kung saan ito ipinagdiriwang. Piliin ang inyong sagot mula sa kahon at isulat sa
patlang pagkatapos ng larawan.

1.
PANAGBENGA
FESTIVAL

PAGODA FESTIVAL

ATI-ATIHAN FESTIVAL
2.
MORIONES FESTIVAL

PAHIYAS FESTIVAL

3.

4.

DLP F6 Q2 Wk1 p.5


5.

Pagganyak na tanong
Bilang Pilipino, ano ang kahalagahan ng pagdiriwang ng pista?

Pamantayan sa Pakikinig
Ipabanggit sa mga mag-aaral ang pamantayan sa pakikinig.

2. Paglalahad/Pagmomodelo

PANUTO: Basahin at unawain ang tula tungkols sa isang pagdiriwang sa bansa.

PAHIYAS
Pula, dilaw, berde, rosas at bughaw,
Ang hugis-dahon na pinatuyong galapong;
Maingat na pinalulutong at ginagawang dekorasyon, Sa mga
bahay ng magigiliw na taga-Lucban, Quezon.

Kiping ang tawag sa animo kapis na maninipis, Malalapad,


malalaki at may iba’t ibang hugis,
Pabitin-bitin kasama ng iba pang sariwang gulay at prutas, Na
taos-pusong iniaalay sa Araw ng Pahiyas.

Ang prusisyon di’y nagaganap sa araw na dakila,


Higanteng manika na mag-asawang magsasaka ang kamukha, Ito’y
simbolo ng kanilang sarili at masikap na paggawa,
Kasa-kasama sa prusisyong masaya at mahaba.

Ang juego de toro ay bahagi rin ng pagdiriwang, Mga


kalabaw itong yari sa papel na pinananabikan. Ng mga
batang sa prusisyon ay nakaabang, Pagkat sa loob nito’y
may mga kwitis na sisindihan.

Pasasalamat ito sa butihing patron ng mga magsasaka, Si San


Isidro Labrador na bukal ng buhay na sagana, Pananim nito’y
iniligtas sa salot at pagkasira,
Yaman ng lupa’y sa kanila ipinaubaya.

3. Tanong na Pang-unawa (HOTS)


1. Tungkol saan ang tinalakay ng tula?
2. Anong lugar sa ating bansa ipinagdiriwang ang Pahiyas?
3. Bakit nagdiriwang ng pista ang bayan ng Lucban, Quezon?

DLP F6 Q2 Wk1 p.6


4. Paano ipinagdiriwang ng taga-Lucban ang kanilang pista?
5. Sagutin ang tanong pagganyak.

4. Paglalahat
Mayaman sa iba’t ibang pagdiriwang ang mga Pilipino. Ito ay repleksyon ng mga kaugalian at
tradisyong sariling atin. Bawat panig ng bansa ay may kanya-kanyang kultura na karapat-dapat
ipagmalaki. Iisa lamang ang nais iparating ng mga ganitong pagdiriwang- ang pagbuklurin ang
sambayanang Pilipino at ipagmalaki ang sariling atin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pinatnubayang Pagsasanay)

Gawin Natin 1
Tumawag ng piling mag-aaral upang basahin ang kasaysayan ng Pista ng Pahiyas. PANUTO:
Pakinggang mabuti ang kasaysayan ng pista ng Pahiyas.

Kasaysayan ng Pista ng Pahiyas

Ayon sa mga naitalang kasaysayan ng Lucban, ang piyesta ng San Isidro Labrador ay naunang
ipinagdiriwang ng mga Katagalugan na naninirahan sa paanan ng Bundok Banahaw noong panahon ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Lucban noong 1500. Ang mga mamamayan sa Lucban sa panahong
iyon ay nagdiriwang sa pamamagitan ng isang simpleng pag-aalay sa mga Anito para sa kanilang
masaganang ani.

Sa panahon ng ani, nakaugalian ng mga magsasaka na ipunin ang kanilang ani sa loob ng kapilya
("Tuklong") kung saan sila nagtitipon-tipon at kumakain. Matapos nito ay iinom sila ng tuba na nagmula
sa katas ng bulaklak ng niyog, buri o cabo negro (kaong). Naniniwala ang mga katutubo na sa
pamamagitan ng pagdiriwang ng ganitong kasiyahan ay magkakaroon silang muli ng masaganang ani sa
susunod na taon.

Nang maipatayo ang kauna-unahang simbahan, sa panahon ni Kapitan Lukas Martin (1630) sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. Alfonso de San Miguel (1628), naging mas hayag ang pagiging Kristiyano ng mga
katutubo. Naging matulungin ang mga katutubo sa Kura Paruko. Pagsapit ng anihan, dinadala ng mga
magsasaka ang kanilang mga napiling produkto sa loob ng bago at mas malaking simbahan, kung saan
naroon ang kura upang basbasan ang mga ani bilang pasasalamat sa Panginoon. Bunga nito, naging
masagana ang kanilang ani sa mga sumunod na taon at ito ang nagpatibay sa kanilang debosyon kay San
Isidro Labrador bilang tagapag-ugnay sa Panginoon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1 (Pinatnubayang


Pagsasanay)
Gawin Natin 2
Maghahanda ang guro ng limang katanungan na isa-isang ipakikita sa powerpoint. Ang unang limang
mag-aaral na nakasagot ng tama ang siyang magiging lider ng bawat pangkat na bubuuin sa susunod na
gawain.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2 (Pagpapalawak


ng Kasanayan)
Gawin Ninyo 1
Irerekord ng guro mula sa rekorder ang Pagdiriwang ng Pahiyas at ipakikinig ito sa mga mag- aaral.

DLP F6 Q2 Wk1 p.7


Magpapakita rin ang guro ng halimbawang larawan ng mga bahay na ginagayak tuwing Pahiyas.

PANUTO: Pakinggang mabuti mula sa recorder kung paano ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon ang
Pahiyas. Maaaring magtala ng mga mahahalagang impormasyon na makukuha mula sa seleksyon.

Pagdiriwang ng Pahiyas

Lahat ng bahay ay napapalamutian ng mga makukulay na kiping. Ang pinaka-tradisyunal at kaakit-akit sa


mga palamuti ay nagmula sa "Kiping." Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang
dahon ng "caba" at iba pang mga dahon na kinukulayan ng matingkad tulad ng pula, fuschia, dilaw, berde
at iba pang matingkad na kulay. Pinagpapasiyahan ng mga hurado ang may pinakamagandang palamuti at
ito ang tatanghaling panalo. Bawat taon, nililibot ng mga dayuhan ang lugar upang masaksihan ang
paglalagay ng mga palamuti. Tradisyon ng mga taga- Lucban tuwing Pahiyas Festival ang magsabit ng
kanilang produktong-bukid sa kanilang mga bintana at pintuan bilang pasasalamat sa kanilang patron.

Isang bahagi din ng pagdiriwang ang pagbabasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang
kanilang mga kalabaw patungong simbahan upang mabasbasan ng pari sapagkat pinaniniwalaang
malalayo sila sa sakit at maging ang kanilang alagang kalabaw kung mababasbasan ang mga ito.

Sa pagdiriwang, nagpapamalas ang mga magsasaka ng kanilang mga ani tulad ng sayote, labanos,
paminta at mga butil ng palay. Mayroon ding mga minyatura na kilala sa tawag na "Anok", prutas, gulay,
at longganisa. Ang ibang mga residente na may ibang kabuhayan ay nagpapamalas din ng kanilang
produkto sa pagpapasalamat. Ang isang nahango sa mga gawaing pangkamay ay naglalagay ng palamuti
sa kanyang tahanan gaya ng mga buri hats, bag at iba pa samantalang ang isang manlilitson ay nagsabit
ng isang ulo ng litson sa kanyang bintana.

Noong Mayo 1963, ang Art Club ng Lucban, kasama ng tagapag-tatag at presidente nito na si Fernando
Cadeliña Nañawa, ay nag-organisa ng isang pista na bumubuo ng pagpapalitan ng produkto, palabas
kultural, at iba't ibang patimpalak, parada at pagtatanghal upang gawing mas magara ang pagdiriwang ng
Pahiyas. Ang layunin ng pistang ito ay ang ipagmalaki ang Lucban at ipakilala ang selebrasyon ng Pista
ng San Isidro.

Si Nañawa rin ang unang gumamit ng salitang "Pahiyas", na hango sa salitang lokal na "Payas" na ang
ibig sabihin ay "palamuti."

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Pagpapalawak ng


Kasanayan)
Gawin Ninyo 2
Malayang ipagawa ang gawain sa mga mag-aaral. Ipaalala sa bawat pangkat ang pamantayan sa
pangkatang gawain.
Ipahanda ang mga kagamitang pansining tulad ng makukulay na papel, krayola, pandikit at manila
paper.
PANUTO: Ipakita kung paano ginagayak ng taga-Lucban ang kanilang mga tahanan tuwing may
Pahiyas. Gamitin ang mga kagamitang pansining upang maging malikhain sa paggawa.

Bubuo ang guro ng rubrics sa pagbibigay ng marka sa gawain.

DLP F6 Q2 Wk1 p.8


Pagkatapos ng pangkatang gawain:
• Ano ang inyong napagtanto mula sa gawain? Sagutin ang mga tanong sa ibaba? (Sa
pamamagitan nito ay malalaman ng guro ang kahinaan ng bata sa gawain).
• Naisagawa ba ng bawat pangkat ang kani-kanilang gawain?
• Anong kasanayan ang inyong nalinang upang magawa ang gawain nang wasto?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay (Malayang Pagsasanay)


PANUTO: Sagutin ang sitwasyon sa sariling pangungusap.
Nagbabakasyon ang iyong pinsan mula ibang bansa kasama ang iba niyang mga dayuhang
kaibigan. Tinanong ka nila kung saan magandang mamasyal dito sa ating bansa. Anong
lugar ang iyong imumungkahi sa kanila at bakit?

H. Pagtataya ng aralin (Malayang Pagsasanay)


PANUTO: Sagutin ang mga tanong mula sa tula. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pistang Pahiyas ay ipinagdiriwang sa anong lugar dito sa ating bansa?
a. Meycauyan, Bulacan c. Kalibo, Aklan
b. Cebu City d. Lucban, Quezon
2. Ang mga makukulay at hugis-dahon na ginagamit pandekorasyon sa mga bahay tuwing Pahiyas
ay gawa sa anong materyal?
a. papel c. galapong
b. gulay at prutas d. kapis
3. Ano ang sumisimbolo sa mga higanteng manikang magsasaka na isinasama sa prusisyon?
a. mapagmahal c. maawain
b. masikap d. matulungin
4. Sa papaanong paraan naman nananabik ang mga bata tuwing Pahiyas?
a. Pagdaraos ng Juego de toro c. Tuwing prusisyon
b. Mga dekorasyong gawa sa gulay at prutas d. Mga pabiting yari sa kapis
5. Anong pagpapahalaga ang ipinamamalas sa pagdiriwang ng Pahiyas?
a. Pagiging maasikaso ng mga Pilipino
b. Pagmamahal sa ating kapwa
c. Pagiging maka-Diyos ng mga mamamayan ng Lucban
d. Pagpapasalamat sa masaganang ani ng mga taga-Lucban

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remediation


(Ipagagawa ng guro ang differentiated activity sa tatlong pangkat ng mag-aaral ayon sa resulta ng Index
of Mastery).

Gawain para sa tatlong pangkat ng mag-aaral:

May Kasanayan
PANUTO: Magsaliksik ng iba pang mga lugar sa ating bansa na may katangi-tanging paraan ng
pagdiriwang ng pista ng bayan. Ilahad ito sa klase.

Tumutugon
PANUTO: Magsaliksik kung paano ginagawa ang kiping na ginagamit pandekorasyon sa Pahiyas.

DLP F6 Q2 Wk1 p.9


Nagsisimula
PANUTO: Mangalap ng limang larawan na may kinalaman sa pista ng Pahiyas. Ipakita ito sa klase at
ipaliwanang ng bahagya ang nilalaman ng larawan.

V. Mga Tala
Bilang ng mga mag-aaral: 27
5- 13 65
4- 11 44
3- 2 2
2- 1 2
1- 0 0
0- 0 0
27 x 5 = 135 117/135= 86%

VI. Pagninilay – Isasagawa araw-araw.

A. Bilang ng mag-aaral 24 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya


na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na 3 mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang Nakatulong ang remediation sa 2 mag-aaral.
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D Bilang ng mag-aaral na 1 mag-aaral ang magpapatuloy pa sa remediation.
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Malaki ang naitulong ng pangkatang gawain sa pagpapatatag ng kasanayan
estratehiyang pagtuturo na sa araling ito.
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking Madalas ay kinukulang ang mga mag-aaralsa oras upang tapusin ang
naranasan na solusyon sa pangktang gawain. Maaring maging solusyon ang pagbibigay ng mga
tulong ng activity sheets na pupunan na lamang ng mga bata.
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang Paggamit ng bata ng rubriks upang markahan ang kamag-aral.
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

DLP F6 Q2 Wk1 p.10


IKALAWANG ARAW

I. LAYUNIN
 Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon F60L-IIa-e-4

II. NILALAMAN
 Paggamit nang wasto ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon (Pang-
uri at uri ng Pang-uri)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
 Haraya 6 Pagbasa at Wika pah. 246.
 http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pista_ng_Pahiyas
 Filipino 6 Wika at Pagbasa (Diwa Textbooks) pah. 249-250.

B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo


Mga larawan ng produkto ng Lucban, Quezon, sipi ng tula,

IV. Pamamaraan
A. Balik-Aral
Balik-aralin ang paksang tinalakay kahapon. Ano ang kahalagahan ng pagdiriwang ng pista sa mga
Pilipino? Anong mabuting pag-uugali ang ipinakikita rito?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin


1. Pagganyak
Pangkatin ang klase sa lima.
Ipakita muli ang sipi ng tulang “Pahiyas” na tinalakay kahapon. Magkaroon ng paligsahan sa
pagbigkas ng tula. Ang pangkat na may maayos na pagbigkas ng tula ang siyang mananalo. Bigyan
ng dalawang minuto ang bawat pangkat upang mabasa nang mabilisan ang sipi ng tula.
PANUTO: Sabay-sabay na basahin ang tula nang may damdamin, wastong tono at diin.
PAHIYAS
Pula, dilaw, berde, rosas at bughaw,
Ang hugis-dahon na pinatuyong galapong;
Maingat na pinalulutong at ginagawang dekorasyon, Sa mga
bahay ng magigiliw na taga-Lucban, Quezon.

Kiping ang tawag sa animo kapis na maninipis, Malalapad,


malalaki at may iba’t ibang hugis,
Pabitin-bitin kasama ng iba pang sariwang gulay at prutas, Na
taos-pusong iniaalay sa Araw ng Pahiyas.

Ang prusisyon di’y nagaganap sa araw na dakila,


Higanteng manika na mag-asawang magsasaka ang kamukha, Ito’y
simbolo ng kanilang sarili at masikap na paggawa,
Kasa-kasama sa prusisyong masaya at mahaba.

DLP F6 Q2 Wk1 p.11


Ang juego de toro ay bahagi rin ng pagdiriwang, Mga
kalabaw itong yari sa papel na pinananabikan. Ng mga
batang sa prusisyon ay nakaabang, Pagkat sa loob nito’y
may mga kwitis na sisindihan.

Pasasalamat ito sa butihing patron ng mga magsasaka, Si San


Isidro Labrador na bukal ng buhay na sagana, Pananim nito’y
iniligtas sa salot at pagkasira,
Yaman ng lupa’y sa kanila ipinaubaya.

2. Paglalahad/Pagmomodelo/Pagtalakay
Pagkatapos tumula talakayin muli ang nilalaman nito. Itanong:
 Ano ang sinasabi tungkol sa Pahiyas?
 Ano ang paglalarawang inilapat dito? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara).
 Ano ang tawag sa mga salitang ito?
 Tatalakayin ng guro ang uri ng pang-uri.
 Pag-aralan ang mga pahayag sa pisara.
1. Ibinibitin ang mga sariwang gulay at prutas sa labas ng bahay upang maging
dekorasyon.
2. Libo-libong tao ang dumarayo sa Lucban tuwing pista.
3. Napakasarap ng longganisang Lucban.
 Itanong:
1. Pansinin ang mga salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
2. Ano ang inilalarawan sa unang bilang? Ano ang gamit ng salitang inilalarawan sa
pangungusap?
3. Paano naman inilarawan ang pangngalan sa pangungusap bilang dalawa?
4. Ano ang masasabi mo sa ikatlong pangungusap? Ano ang kaibahan nito sa unang
dalawang pahayag.
5. Ilahad sa klase ang tatlong uri ng pang-uri.
1. Panlarawan – naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip.

Hal.: a. Matamis ang tsokolate. b. Siguro malaki na siya ngayon.

2. Pamilang - Nagsasaad ng bilang at dami ng pangngalan o panghalip.

Hal.: a. Nagpadala kami ng dalawang pakete.

b. Kaunting Pilipino lamang ang nakatira rito sa Sweden.

3. Pantangi– ito ay may anyong pangngalang pantangi.

Hal.: a. Produktong Sweden


b. gawang Marikina
c. biyaheng Bicol

DLP F6 Q2 Wk1 p.12


3. Paglalahat
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Mayroon itong tatlong uri:
Panlarawan, Pamilang at Pantangi.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pinatnubayang Pagsasanay)


Gawin Natin 1
Gabayan ang mga mag-aaral na tukuyin ang salitang naglalarawan sa pangungusap. PANUTO:
Tukuyin ang salitang naglalarawan sa pangungusap.
1. Makukulay ang mga dekorasyong isinasabit sa mga bahay tuwing Pahiyas.
2. Patunay lamang na ang mamamayan ng Lucban ay malikhain.
3. Dinarayo ng maraming tao hindi lamang ng kapwa Pilipino kundi maging mga dayuhan ang
Pahiyas.
4. Nagpapasalamat ang mga magsasaka sa masaganang ani sa kanilang bayan.
5. Mayaman sa iba’t ibang pagdiriwang ang mga Pilipino.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1 (Pinatnubayang


Pagsasanay)
Gawin Natin 2
Magpakita ng mga larawan na may kaugnayan sa Pahiyas. Ipalarawan ito sa mga mag-aaral. Mga
halimbawang larawan: (Maaaring palitan ang mga larawan kung nais ng guro)
PANUTO: Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa iba’t ibang produkto ng Lucban,Quezon. Gamitin ang
tatlong uri ng pang-uri sa pagbuo ng pangungusap.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2 (Pagpapalawak


ng Kasanayan)
Gawin Ninyo 1
Pangkatin ang klase sa lima at malayang ipagawa ang gawain.
Ang guro ay maghahanda ng tig-limang salitang ilalarawan ng limang pangkat. Laro:
Ilalarawan ko, huhulaan mo.
Mekaniks ng laro: Ang bawat isa ay bubunot ng papel sa loob ng kahon at ilalarawan ang salitang
nabunot habang hinuhulaan ng ibang miyembro ng pangkat ang salita. Ang bawat pangkat ay may tig-
limang tanong at may tig-dalawang minuto upang tapusin ang laro. Ang pangkat na may
pinakamaraming nasagot na salita ang mananalo.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Pagpapalawak ng


Kasanayan)
Gawin Ninyo 2
PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa hanay ng tsar tang hinihingi nito.
1. Kayo sana’y nasa mabuting kalagayan.
2. Magaling na ba siya?
3. Mahusay ba siya sa Ingles?
4. Para sa inyo ang limang VCD.
5. Matutuwa siya sa sampung tsokolate.

DLP F6 Q2 Wk1 p.13


6. Gustung-gusto naming umuwi sa Disyembre para sa ikapitumpong kaarawan ni Papa.
7. Napakamahal ng pamasahe naming tatlo!
8. Pitong mansanas ang nakalagay sa mesa.
9. Hindi ko pa rin nalilimutan ang puto bumbong at tsokolateng malapot.
10. Namamasko pa tayo noon kina Ninong Boots at Ninang Libby.

Pang-uri Salitang Bahagi ng Uri ng pang-uri


binibigyang-turing pananalita
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Pagkatapos ng pangkatang gawain:


• Ano ang inyong napagtanto mula sa gawain? Sagutin ang mga tanong sa ibaba? (Sa
pamamagitan nito ay malalaman ng guro ang kahinaan ng bata sa gawain).
• Naisagawa ba ng bawat pangkat ang kani-kanilang gawain?
• Anong kasanayan ang inyong nalinang upang magawa ang gawain nang wasto?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay (Malayang Pagsasanay)


PANUTO: Bumuo ng dalawa o tatlong pangungusap na pahayag ng kahalagahan ng
pagdiriwang ng pista sa ating bansa. Gumamit ng angkop na pang-uri sa pangungusap.

H. Pagtataya ng aralin (Malayang Pagsasanay)


PANUTO: Piliin ang angkop na salitang naglalarawan sa loob ng panaklong sa pangungusap.
1. (Mayaman, Malungkot, Mataba) sa kultura ang ating bayan.
2. (Mataas, Sagana, Malayo) tayo sa mga kwentong-bayan, alamat at salawikain.
3. (Mahahaba, masisipag, matatayog) ang mga magsasaka sa pagtatanim ng iba’t ibang produkto.
4. – 5. Nakilala ang mga Pilipino hindi lamang sa pagiging (maasikaso, malawak, malago) kundi pati rin
sa pagiging (mabato, matarik, malikhain).

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remediation


(Ipagagawa ng guro ang differentiated activity sa tatlong pangkat ng mag-aaral ayon sa resulta ng Index
of Mastery).
Gawain para sa tatlong pangkat ng mag-aaral:
May Kasanayan (nakakuha ng 80%-100)
Tumutugon (nakakuha ng 75%-79%) Nagsisimula
(nakakuha ng 74%-pababa)

May Kasanayan
PANUTO: Bumuo ng isang patalastas na nanghihikayat sa mga tao na bumisita sa Lucban tuwing
Pahiyas. Gumamit ng mga salitang naglalarawan sa pagbuo ng patalastas.

DLP F6 Q2 Wk1 p.14


Tumutugon
PANUTO: Humanap ng larawan na may kaugnayan sa Pahiyas at bumuo ng pangungusap gamit ang
salitang naglalarawan.

Nagsisimula
PANUTO: Tukuyin ang salitang naglalarawan sa pangungusap.
1. Matigas na galapong ang ginagamit na pandekorasyon sa kani-kanilang mga bahay.
2. Hindi magkamayaw ang mga taong pumupunta sa Lucban tuwing Pahiyas dahil sa mga
makukulay na disenyo ng mga bahay dito.
3. Maging ang mga malulusog na kalabaw ay lumuluhod sa harap ng simbahan upang
magbigay pasasalamat sa Panginoon sa araw ng pista.
4. Sikat ang produktong longganisa sa bayan ng Lucban.
5. Sariwa ang mga prutas at gulay na ikinakabit bilang pandekorasyon sa mga kabahayan.

Mga Tala

Bilang ng mga mag-aaral: 27


5- 13 65
4- 11 44
3- 2 2
2- 1 2
1- 0 0
0- 0 0
27 x 5 = 135 117/135= 86%

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na 24 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya


nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na 3 mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang Nakatulong ang remediation sa 2 mag-aaral.
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D Bilang ng mag-aaral na 1 mag-aaral ang magpapatuloy pa sa remediation.
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Malaki ang naitulong ng pangkatang gawain sa pagpapatatag ng kasanayan
estratehiyang pagtuturo na sa araling ito.
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang Madalas ay kinukulang ang mga mag-aaralsa oras upang tapusin
aking naranasan na ang pangktang gawain. Maaring maging solusyon ang pagbibigay ng mga
solusyon sa tulong ng activity sheets na pupunan na lamang ng mga bata.
aking punungguro at

DLP F6 Q2 Wk1 p.15


superbisor?
G. Anong kagamitang Paggamit ng bata ng rubriks upang markahan ang kamag-aral.
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

IKATLONG ARAW

I. LAYUNIN
 Nailalarawan ang tauhan at tagpuan sa binasang kuwento F6RC-IIa-4

II. NILALAMAN
 Paglalarawan ng tauhan at tagpuan sa binasang kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Yaman ng Pamana, Aklat sa Wika at Pagbasa pah. 160-167.
Yamang Filipino 6 pah. 120-121.

B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo


Larawan ng punong Balete at magsasaka, powerpoint presentation, tsart at activity
sheets

IV. Pamamaraan

A. Bago Bumasa

Balik aralin ang Pang-uri. Ilarawan ang pagdiriwang ng Pahiyas sa Lucban, Quezon. Ano ang
masasabi ninyo sa paraan ng kanilang pagdiriwang?

1. Vocabulary Knowledge Scale


Ipakita ang mga salitang bibigyan ng kahulugan. Ipaliwanag din sa mga mag-aaral kung paano
sasagutin ang bawat salita sa ibaba gamit ang Vocabulary Knowledge Scale.
a. nagpupuyos
b. kahambugan
c. pagaspas
d. paismid

Gamitin ang Vocabulary Knowledge Scale upang mataya ang kaalaman ng mga bata sa talasalitaan.
5- Alam ko ang salita at kaya ko itong gamitin sa pangungusap. 4-
Alam ko ang salita at alam ko ang kahulugan nito.
3- Nakita ko na ang salitang ito at palagay ko ito ang kahulugan.
2- Nakita ko na ang salitang ito ngunit hindi ko alam ang kahulugan. 1-
Hindi ko pa ito nakita at hindi ko alam ang kahulugan nito.

DLP F6 Q2 Wk1 p.16


2. Talasalitaan
PANUTO: Buuin ang crossword puzzle.
1. 2.
1.

2.

Pababa: Pahalang:
1. nagagalit 1. kayabangan
2. galaw ng mga dahon kung hinihipan ng 2. pairap
malakas na hangin.
Mga sagot: Pababa:
1. nagpupuyos Pahalang:
2. Pagaspas 1. Kahambugan
2. Paismid

3. Pamantayan sa Pagbasa
Ipabanggit sa mga mag-aaral ang pamantayan sa pagbasa.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin

1. Pagganyak
Kanta.
Pangkatin ang klase sa lima. Pangalanan ang bawat pangkat ng ASO, IBON, BABOY,
PUSA, PATO at KAMBING.
Kantahin sa tono ng (Mary had a little lamb)

Ang puno ay mahalaga-mahalaga-mahalaga Ang


puno ay mahalaga sa kapaligiran.
(Kantahin muli ang awit ayon sa tunog ng hayop ng inyong pangkat.) Gawin
itong round song.

2. Pangganyak na tanong
Paano natin pinahahalagahan ang mga bagay na nasa ating paligid?

3. Paglalahad/Pagmomodelo
Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento.
PANUTO: Basahin nang tahimik ang kuwentong “Si Bunchukoy at si Balete” at humanda sa
talakayan.

DLP F6 Q2 Wk1 p.17


Si Bunchukoy at si Balete

May buhay ang mga bagay sa ating kapaligiran. Kabilang dito ang mga
punungkahoy na nasa kagubatan. Alam mo bang maging edad at kasaysayan ng
matatandang punungkahoy ay nakikilala sa kanilang mga katawan? Alamin ang iba
pang bagay tungkol sa buhay ng punungkahoy.

Noong unang panahon, may isang punong balete malapit sa isang sakahan. Malaki at
malabay ang puno nito. Dahilan ito upang maraming magsasaka o pastol ng mga hayop-bukid
ang payapang namamahinga rito kapag kainitan ng araw.
Isa si Bunchukoy sa madalas mamahinga sa lilim ng balete. Hindi kaiba ang Sabadong
iyon sa dating ginagawa ni Bunchukoy. Umupo siya sa lilim ng puno at nagpahinga. Malilim
sa paanan ng puno at malamig ang simoy ng hangin. Namimigat na ang talukap ng mga mata
ni Bunchukoy nang siya ay mapatingala sa mga sanga. Napagmasdan niya ang maliliit na
bunga ng punong balete.
May kahambugan si Bunchukoy. Madalas niyang ipagyabang ang kanyang talino at tikas
ng katawan. Nang pansinin niya ang bunga ng punungkahoy, paismid niyang sinabi,
“Napakaliliit naman ng mga bunga mo, Balete. Kinatatakutan ka pa naman ng lahat, e, ang
liit-liit naman ng mga buto at bulaklak mo!” Nagpatuloy si Bunchukoy. “Alam mo, maliit
man ako, higit akong matalino. Balang-araw, ang bunga ng talino ko ay hindi mo na
mapapantayan! Marami akong magagawa na di mo kayang gawin.”
Malinaw na narinig ni Balete ang sinabi ni Bunchukoy ngunit pinili nito ang manahimik
nagpupuyos man ang loob niya. Pinagalaw ni Balete nang marahan ang kanyang mga sanga.
Sa simoy ng hangin at sa saliw ng pagaspas ng kanyang mga dahon, nakatulog si Bunchukoy.
“Tok!” Tumama sa pagitan ng mata ni Bunchukoy ang isang maliit na bunga. “Ano ba!”
naiinis na singhal niya kay Balete. “Wala ka bang magawang matino?”
“Binibigyan lang kita ng aral. Pinagtatawanan mo kasi ako,” wika ni Belete. “Talaga
namang di ka marunong! Di gawain ng matino ang manakit at manggising
ng natutulog,” wika ni Bunchukoy.
“Di naman gawain ng matalino ang magyabang,” wika ni Balete. “Huwag mong
hamakin ang aking katangian pagkat lahat ng bagay sa bawat isa sa atin ay isinasaayos ng
kalikasan. Kung sinlaki ng buko ang bunga ko, marahil ay sumalangit nawa ang kaluluwa mo
ngayon,” wika nito.
Natahimik si Bunchukoy. Hindi niya naisip agad iyon.
“Dapat ay matuto kang makipag-kaibigan sa mga bagay sa paligid mo. Kailangan natin
ang isa’t isa. Tulad ko. Kaibigan ko ang mga bubuyog pagkat tinutulungan nila akong maging
bunga ang aking mga bulaklak. Namumugad ang mga ibon sa aking mga sanga na
napagkukunan nila ng mga higad na makakain. Ibinibigay ko naman sa mga higad ang dahon
ko upang sila ay may makain. Ang mga ibong nakikinabang sa akin ay pinakikinabangan mo
rin. Sila ang pumupuksa sa mga peste ng inyong pananim.
“Oo nga, ano? Dapat nga pala ay magpasalamat ako sa iyo, Ginoong Balete,” magalang
nang wika ni Bunchukoy.
“Tingnan mo ang mga ugat ko. Unan mo pa iyon kapag mahihiga ka sa lilim ko. Ang
mga ugat kong iyon ang sumisipsip ng tubig kapag malakas ang buhos ng ulan. Sa tulong ng
aking ugat, hindi sinasalanta ng baha ang inyong sakahan,” mahinahong paliwanag ni Balete.
“Kapag binuksan mo ang katawan ko, makikita mo ang mga singsing na palatandaan ng
aking edad. Matanda pa ako sa lolo ng iyong tatay. Nakilala ko silang lahat ngunit wala sa
kanila ang hambog na tulad mo!” patuloy ng puno.

DLP F6 Q2 Wk1 p.18


“Ikinalulungkot kong pinagtawanan kita. Patawarin mo ako, Ginoong Balete,”
nagsisising wika ni Bunchukoy.
“Wala iyon. Humayo ka at magbago ka ng ugali mo,” utos ni Balete.
Magmula noon ay nawala ang kahambugan ni Bunchukoy. Naging mahalagang leksyon
sa kanya ang sinabi ni Balete. Nasa isipan niya lagi na ang bawat bagay sa kalikasan ay may
sariling kapakinabangan.

4. Tanong na Pang-unawa (HOTS)


1. Ano ang ugali ni Bunchukoy?
2. Paano siya napagbago ni Balete?
3. Paano nakikipagkaibigan si Balete sa ibang bagay sa paligid?
4. Pagsagot sa tanong pagganyak.

5. Paglalahat
Gumagamit ng mga angkop na salitang panlarawan upang wastong mailarawan ang mga
tauhan at tagpuan sa nabasang kuwento.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pinatnubayang Pagsasanay)

Gawin Natin 1
Gagawa ang guro ng larawan ng isang lalaking matikas ang katawan at isang puno ng
Balete.
Gabayan ang mga bata sa pagsagot sa mga tanong.
PANUTO: Idikit sa larawan ang mga katangian ng tauhang nakasulat sa loob ng kahon.

MALAKI HAMBOG MATALINO MALAGO


MALILIIT ANG BUNGA MATIKAS ANG KATAWAN

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


(Pinatnubayang Pagsasanay)

DLP F6 Q2 Wk1 p.19


Gawin Natin 2
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawain.
PANUTO: Mula sa binasang kuwento, magbigay ng mga salitang maglalarawan sa tagpuan ng
kuwento at gamitin sa pangungusap.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2


(Pagpapalawak ng kasanayan)

Gawin Ninyo 1
PANUTO: Basahin ang kuwento ng “Ang Leong Maysakit”. Sagutin ang word organizer sa ibaba.

Ang Leong Maysakit

Ang manakit ng kapwa na sadyang walang laban ay malaking karuwagan.

Sa mga huling sandali ng kanyang buhay, pinilit ng leong makaipod sa may pinto ng yungib na
kanyang kinaroroonan upang masilayan kahit saglit ang kagubatang kanyang pinagharian sa loob ng
mahabang panahon. Nanlalabo na ang kanyang paningin.
Nasa gayon siyang kalunus-lunos na anyo nang siya’y lapitan ng mga hayop na kanyang kampon
na sa mga mukha’y nakalarawan ang paghihiganti.
Pagdaka’y sinuwag siya ng toro, sinugod ng mabagsik na baboy-ramo at pinagkakagat ng
matatalas na pangil nito. Ang lahat ng hayop na naroroon ay nagsasamantala sa pagkakataong iyon.
Walang nagawa ang leong dati’y sagisag ng kapangyarihan. Nang makita ng kabayong malapit nang
malagutan ng hininga ang leon at sadyang walang munti mang pinsalang magagawa ang dating
panginoon, pinatamaan niya ng lamakas na sikad ang mukha nito.
Bago nalagutan ng hininga ang kahabag-habag na leon, naisumbat din niya sa mga taksil ang
ganitong pasaring:
“Anong pait na kamatayan! Mga duwag lamang na katulad ninyo ang naghihiganti sa inyong
dati’y itinuturing na haring nasa bingit ng kamatayan.”

PANUTO: Ilarawan ang tauhan at tagpuan ng kuwento.

TAUHAN
TAGPUAN

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

DLP F6 Q2 Wk1 p.20


Gawin Ninyo 2
PANUTO: Basahin ang maikling kuwento. Ibigay ang detalyeng hinihingi upang mabuo ang larawan ng
grapiko.

Isang tanghali, sa kainitan ng araw ay may dumaang kalesa sa harap ng aming


bahay. May inihagis ang kutsero na isang maliit na papel. Binuksan ko iyon at binasa
ang nakasulat dito. Isa ko raw siyang dating kaibigan. Nagbabakasyon lamang siya sa
aming lugar at naalala niya akong kumustahin. Hinihiling niyang magkita kami bukas sa
plasa sa bayan sa bandang hapon at lubog na ang araw.

lugar oras lugar oras

Tagpuan 1 Tagpuan 2

panahon kondisyon panahon kondisyon

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay


PANUTO: Magbigay ng mga salitang maaaring maglarawan sa salita sa loob ng kahon.

BAYANI PARKE

H. Pagtataya ng aralin (Malayang Pagsasanay)


Gawin Mo

DLP F6 Q2 Wk1 p.21


PANUTO: Ilarawan ang tauhan sa bawat sitwasyong ibinigay. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Si Roy ay isang batang palaboy. Palagi siyang napagagalitan ng kanyang ama dahil sa hindi
sumusunod at hindi nakikinig sa bilin ng magulang. Siya’y nagbubulakbol sa pag- aaral.
Madalas itong sumasama sa mga barkadang naglalagi sa daan sa lansangan. Si Roy ay
a. Masunurin b. sinungaling c. masikap d. matigas ang ulo
2. Maaga pa’y nasa tabing simbahan na si Lina upang magtinda ng kandila at sampaguita. Ibinibigay
niya sa kanyang ina ang kanyang kinikita sa araw-araw. Si Lina ay
a. Matulungin b. masayahin c. responsable d. maagap
3. Si Karen ay bunso sa limang magkakapatid. Hindi siya nagpapabilli ng bagong damit at iba
pang gamit dahil para sa kanya sapat na ang mga pinagliitan ng kanyang mga kapatid. Si Karen
ay
a. Maunawain b. maawain c. matipid d. masikap
4. Nalaman ni Lorie na ampon lamang siya sa pamilyang napamahal na sa kanya. Labis siyang
nasaktan. Bunga nito, nagsimula siyang magrebelde at magpabaya sa pag-aaral.
Si Lorie ay
a. Madamdamin b. masasakitin c. bukas ang isip d. mapagmahal
5. Aktibo si Rene sa pagsali sa mga programang pangkabataan na may adhikaing isulong ang mga
halimbawa ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Buhay pa rin sa kaibuturan ng
kanyang puso na siya ay kabilang sa pag-asa ng Inang Bayan. Si Rene ay .
a. aktibista b. makabayan c. palakaibigan d. marunong makisama

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remediation


( Mga gawain para sa tatlong pangkat ng mag-aaral.)
Gawain para sa tatlong pangkat ng mag-aaral:
May Kasanayan (nakakuha ng 80%-100) Tumutugon
(nakakuha ng 75%-79%) Nagsisimula (nakakuha ng
74%-pababa)

Mahuhusay na mag-aaral
PANUTO: Magbasa ng isang uri ng kuwentong bayan at ilarawan ang tauhan at tagpuan ng kuwento.
Iguhit ito sa manila paper at humandang ilahad ito sa klase.

Katamtamang mag-aaral
Pandalawahang gawain
PANUTO: Magbasa ng isang uri ng parabula at ilarawan ang katangian ng tauhan at tagpuan ng
binasang kuwento. Buuin ito gamit ang dayagram at makukulay na papel.

Mahihinang mag-aaral
PANUTO: Ilarawan ang tauhan sa sitwasyon.
1.) Si Cindy ay nasa ikaanim na baitang at panganay sa pito pa niyang kapatid. alas-sinko pa lamang ng
umaga ay bumabangon na siya upang tumulong sa kaniyang ina sa paghahanda ng kanilang agahan.
Pagkatapos nilang kumain ay agad naman niyang hinuhugasan ang kanilang pinagkainan habang
hinihintay ang ilan niyang mga kapatid upang maghanda sa pagpasok. Anong katangian mayroon si
Cindy? Sagutin sa kumpletong pangungusap.

2.) Malamig, masukal at madilim ang kagubatan. Wala kang ibang maririnig kundi mga huni ng hayop
sa paligid. Kapag tumingin ka sa itaas, tila may mga nagliliyab na mga matang

DLP F6 Q2 Wk1 p.22


nakatingin sa iyo na anumang oras ay handa kang sakmalin. Ilarawan ang tagpuan sa sitwasyon.
Sagutin sa kumpletong pangungusap.

V. Mga Tala

Bilang ng mga mag-aaral: 27


5- 13 65
4- 11 44
3- 2 2
2- 1 2
1- 0 0
0- 0 0
27 x 5 = 135 117/135= 86%

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral 24 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya


na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na 3 mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang Nakatulong ang remediation sa 2 mag-aaral.
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D Bilang ng mag-aaral na 1 mag-aaral ang magpapatuloy pa sa remediation.
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Malaki ang naitulong ng pangkatang gawain sa pagpapatatag ng kasanayan
estratehiyang pagtuturo sa araling ito.
na nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang Madalas ay kinukulang ang mga mag-aaralsa oras upang tapusin ang
aking naranasan na pangktang gawain. Maaring maging solusyon ang pagbibigay ng mga
solusyon sa tulong ng aking activity sheets na pupunan na lamang ng mga bata.
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang Paggamit ng bata ng rubriks upang markahan ang kamag-aral.
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

IKAAPAT NA ARAW

DLP F6 Q2 Wk1 p.23


I. LAYUNIN
 Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan F6SS-IIa-6

II. NILALAMAN
 Paggamit ng pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
Pluma 6 Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino. Pah. 44. Haraya 6
Pagbasa at Wika pah. 80.
Filipino sa Pakikipag-ugnayan Wika at Pagbasa pah. 385-386.

B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo


Metacards, activity sheets, tsart/powerpoint presentation, pictures

IV. Pamamaraan

A. Balik-aral
Balik-aralin ang paksang tinalakay kahapon. Paano inilalarawan ang mga tauhan at tagpuan sa
kuwento? Maliban sa mga aklat na inyong binabasa, anong uri pa kaya ng babasahin ang maaari
ninyong gamitin upang makakuha ng impormasyon?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin

1. Pagganyak
Pangkatin ang klase sa lima at Ipabuo ang picture puzzle sa bawat pangkat. Pangalanan
kung anong uri ng babasahin ang nabuong larawan.
PANUTO: Buuin ang puzzle at pangalanan kung ano ang nabuong larawan sa puzzle.

Photos of mapa, globo


at pahayagan

Ano kaya ang tawag natin sa mga babasahing ito?

2. Paglalahad/Pagmomodelo

DLP F6 Q2 Wk1 p.24


Mula sa mga larawang nabuo ng bawat pangkat gabayan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng
mga nilalaman ng bawat sanggunian.

Sabihin: Ano kaya ang datos o impormasyong makikita sa bawat babasahing iyan? Tukuyin
natin ang nilalaman ng bawat babasahin.

Isusulat ng guro ang mga nilalamang impormasyon na makikita sa bawat sanggunian sa


metacards at hayaan ang mga mag-aaral na ilagay ito sa angkop na larawan.

Binubuo ng kalipunan ng mga aklat na Naglalaman ng kalendaryo ng mga araw


nagbibigay ng panlahat na impormasyon sa isang taon na kinasusulatan ng mga
tungkol sa iba’t ibang kaalaman sa paksa oras sa iba’t ibang mga pangyayari at
na nakaayos nang paalpabeto. katotohanan tulad ng anibersaryo,
pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago
ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig,
at iba pa.

Aklat ng mga mapa na nagsasaad ng Aklat na nagsasaad ng pagbabaybay,


lawak, distansya, at lokasyon ng mga pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng
lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- pananalita na kinabibilangan ng salita.
tubig at anyong lupa na matatagpuan sa Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang
isang lugar. mga kahulugan ng isang salita.
Impormasyong naglalaman ng araw-araw Nakahanay nang paalpabeto ang mga
na pangyayari sa loob at labas ng bansa. salita rito.

Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral at ibigay ang ilan pang mga halimbawang pangkalahatang
sanggunian tulad ng mapa at globo.

3. Paglalahat
Ang pangkalahatang sanggunian tulad ng ensayklopedia, atlas, almanac, pahayagan, mapa,
globo at diksyunaryo ay mga kagamitang nakatutulong sa paghahanap ng mahahalagang
impomasyon tungkol sa isang paksa.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pinatnubayang Pagsasanay)

Gawin Natin 1
Isulat kung anong sanggunian makikita ang mga sumusunod na paksa:
1. Tamang baybay ng salita.
2. Libro ng mga mapa
3. Kalagayan ng panahon ngayong araw.
4. Datos ng pinakamahabang ilog sa buong mundo.
5. Kahulugan ng salitang dalisay.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


(Pinatnubayang Pagsasanay)

DLP F6 Q2 Wk1 p.25


Gawin Natin 2
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng gawain.

PANUTO: Tingnan ang set ng encyclopedia at sagutin ang kasunod na mga tanong.

1. Sa anong volume mababasa ang tungkol sa computer?


2. Saang volume malalaman ang tungkol sa X-ray?
3. Sa anong volume mababasa ang tungkol sa Mohammedism?
4. Sa anong volume naroon ang tungkol sa circulatory system?
5. Saang volume matatagpuan ang tungkol sa Philippines?
6. Saang volume naroon ang tungkol sa paglalakbay ni Magellan?
7. Sa anong volume mababasa ang tungkol sa larong volleyball?
8. Sa anong volume makikita ang tungkol sa Christianity?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2


(Pagpapalawak ng kasanayan)

Gawin Ninyo 1

Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Bigyan ang bawat pangkat ng iba’t ibang uri ng sanggunian.
Bigyan ng tig-tatlong minuto ang bawat pangkat upang suriin ang nilalaman ng sangguniang hawak
nila. Pagkatapos, ipa-ikot ang mga babasahin at ulitin ang pagsusuri hanggat makaikot lahat sa lahat
ng pangkat. Sagutin ang talahanayan pagkatapos ng gawain at ilahad ang napag-usapan sa klase.
PANUTO: Sa loob ng tatlong minuto, suriin ang nilalaman ng sangguniang hawak ng inyong
pangkat. Pagkatapos ay ipaiikot ang sanggunian sa bawat pangkat hanggang matapos ang
lahat. Isulat at sagutan ang talahanayan sa manila paper.
Pangkat 1: Diksyunaryo
Pangkat 2: Atlas
Pangkat 3: Almanac
Pangkat 4: Encyclopedia Pangkat 5:
Mapa at globo

Pangalan ng sanggunian Mga nilalamang impormasyon


1.
2.
3.
4.
5.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawin Ninyo 2
Papagdalhin ang mga mag-aaral ng diksyunaryong tagalog para sa gawain ito. Maghahanda ang
guro ng mga salitang pabibigyan ng kahulugan ng bawat pangkat. PANUTO: Gamit ang
diksyunaryo, unahan sa paghahanap ng kahulugan ng mga salitang ibibigay ng guro. Unang
pangkat na makatapos sa gawain ang mananalo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay

DLP F6 Q2 Wk1 p.26


Gamit ang iyong kaalaman sa pangkalahatang sanggunian, paano mo ito mapakikinabangan
bilang isang mag-aaral? Ano ang maitutulong nito sa iyong pang-araw- araw na pamumuhay bilang
mag-aaral?

H. Pagtataya ng aralin (Malayang Pagsasanay)

Gawin Mo
PANUTO: Tukuyin ang uri ng sangguniang angkop gamitin sa sumusunod na paksa.
1. Wastong bigkas ng salita.
2. Bilang ng bansa sa South America
3. Kultura ng Pilipino
4. Kahulugan ng mga salita
5. Kabisera ng mga bansa

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remediation


( Mga gawain para sa tatlong pangkat ng mag-aaral.)

Mahuhusay na mag-aaral
Gamit ang google, magsaliksik tungkol sa kalagayan ng ekonomiya ng Singapore. Bakit sila ang
nangungunang maunlad na bansa sa Asya?

Katamtamang mag-aaral
Gamit ang encyclopedia, kumuha ng isang impormasyon na makukuha mula rito. Ilahad ito sa klase.

Mahihinang mag-aaral
Gamit ang pahayagan, kumuha ng mga pangunahing balitang tampok sa araw na ito.

V. Mga Tala

Bilang ng mga mag-aaral: 27


5- 13 65
4- 11 44
3- 2 2
2- 1 2
1- 0 0
0- 0 0
27 x 5 = 135 117/135= 86%

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na 24 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya


nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na 3 mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang Nakatulong ang remediation sa 2 mag-aaral.
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
DLP F6 Q2 Wk1 p.27
D Bilang ng mag-aaral na 1 mag-aaral ang magpapatuloy pa sa remediation.
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Malaki ang naitulong ng pangkatang gawain sa pagpapatatag ng kasanayan
estratehiyang pagtuturo sa araling ito.
na nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang Madalas ay kinukulang ang mga mag-aaralsa oras upang tapusin ang
aking naranasan na pangktang gawain. Maaring maging solusyon ang pagbibigay ng mga
solusyon sa tulong ng aking activity sheets na pupunan na lamang ng mga bata.
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang Paggamit ng bata ng rubriks upang markahan ang kamag-aral.
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

IKALIMANG ARAW

I. LAYUNIN
 Nasasagot nang may 80%-100% tagumpay ang mga tanong sa lingguhang pagsusulit.

II. NILALAMAN
 Pagsagot nang may 80%-100% tagumpay ang mga tanong sa
 Lingguhang pagsusulit.

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Mga ginamit na sanggunian mula sa isang linggong aralin.

B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo


Papel para sa pagsusulit at sagutang papel

IV. Pamamaraan

A. Balik-aral
Magbalik-aral sa mga araling tinalakay mula noong Lunes hanggang huwebes.

B. Panapos na Pagtataya
1.) Pamamaraan
a. Ihanda ang mga mag-aaral sa lingguhang pagsusulit.
b. Ipabanggit sa mga mag-aaral ang mga pamantayan sa pagsusulit.
c. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto.
d. Ipamahagi ang sagutang papel.

2.) Pagtataya

DLP F6 Q2 Wk1 p.28


I. PANUTO: Alin sa mga icons ang tumutugon sa inyong pang-unawa sa mga katanungang makikita
sa projector.

- - Lubos na sumasang-ayon

- Sumasang-ayon
- Hindi sumasang-ayon
- Lubos na hindi sumasang-ayon

1. Gumagamit ng salitang naglalarawan upang mailahad ang katangian ng tauhan sa kuwento.


2. Kinakailangang tandaan ang mahahalagang detalye sa kuwentong napakikinggan upang
masagot ang mga kaukulang tanong mula sa teksto.
3. Matalas na pakikinig ang dapat linangin upang lubos na maunawaan ang teksto.
4. Maaari kang makipag-usap sa iyong katabi habang nakikinig sa tekstong binabasa ng iyong
guro.
5. Mahalaga na magtala ng mga impormasyong pinakikinggan.
6. Pang-uri ang tawag sa salitang naglalarawan.
7. Pang-uring pamilang ang tawag sa salitang naglalarawan na tumutukoy sa bilang ng
inilalarawang pangngalan o panghalip.
8. Pang-uring panlarawan ang uri ng pang-uri kung inilalarawan nito ang pandiwa sa
pangungusap.
9. Ang pahayagan ay isang uri ng pangkalahatang sanggunian.
10. Ang paggamit ng google sa pamamagitan ng internet ay maituturing ding paggamit ng
pangkalahatang sanggunian.
II. A. PANUTO: Kilalanin ang pang-uring ginamit sa pangungusap.
11. Masaya si Mila sa biglaang pagdating ng kaniyang ama mula Amerika.
12. Pinalipad ni Benjie ang makulay niyang saranggola.
13. Isinabatas na ang pagtatapon ng basura sa maraming lugar.
14. Tinahak niya ang masukal na gubat makauwi lamang sa kanilang bahay.
15. Binigyan si Marcy ng isang banyerang isda.
B. PANUTO: Kilalanin ang uri ng pang-uring nakasalungguhit na ginamit sa pangungusap.
16. Madami kaming pumunta sa Tagaytay.
17. Malakas na ang aking tatay pagkalabas ng ospital.
18. Sumakay kami ng bus na biyaheng Baguio upang makarating ng Olonggapo.
19. Napakalamig ng Pasko sa Amerika.
20. Bumili kami ng puto Biñan.
III. PANUTO: Tukuyin ang angkop ng sangguniang dapat gamitin sa sumusunod na aralin.
21. Kinalalagyan ng mga bansa sa Southeast Asia.
22. Karatig-bansa ng Cambodia
23. Gamit ng salita
24. Mga pulo sa bansa
25. Mga laro sa bansa
IV. 26-30. PANUTO: Basahin ang alamat at ilarawan ang tauhan at tagpuan sa kuwento gamit ang
dayagram.

DLP F6 Q2 Wk1 p.29


Ang Alamat ng Kasoy
Noong araw, ang buto ng kasoy ay nasa loob ng bunga. Masaya siya sa loob.
Hinihintay niya na mahinog ang bunga at kainin ito ng mga tao. Doon pa lamang niya makikita kung ano
ang nasa labas ng bunga.
Isang araw, narinig niyang nagkakasayahan ang mga hayop. Nagtatawanan at nagkakantahan
sila. Bigla siyang nainggit. “Sana ay makalabas na ako. Gusto kong makita kung ano ang nangyayari,”
sabi niya.
Narinig siya ng isang diwata. Hinaplos ng diwata ang bunga ng kasoy. Unti-unti ay lumabas ang
buto. Natuwa siya at nagpasalamat sa diwata. Nakita niya ang mga hayop. Kumakanta at sumasayaw
sila. Ang iba naman ay nagtatawanan. Nakita niya ang iba’t ibang puno at mga bulaklak.
Nasisikatan na siya ng araw. Sa gabi, nakikita niya ang magandang buwan. Nakikita niya ang
makikislap na bituin. Tuwang-tuwa ang buto ng kasoy.
Isang gabi, biglang umulan nang malakas. Kumidlat at kumulog din. Ang mga hayop ay nagtakbuhan.
Umuwi sila sa mga bahay nila. Naiwang nag-iisa si Kasoy.
Takot na takot siya. Basang-basa siya. Giniginaw rin siya. Sumigaw siya. “Diwata! Diwata!
Ibalik mo na ako sa loob ng bunga!” Dumating naman ang diwata. Sinabi niya kay Kasoy,
“Ikinalulungkot ko. Hindi na kita maibabalik sa loob ng bunga.”
Umiyak si Kasoy. Nakiusap siya sa diwata. Nagmakaawa rin siya. Pero ang sabi lang ng diwata
sa kanya, “Sana ay hindi ka nainggit sa iba. Hindi sana nangyari iyan sa iyo.” Naglaho ang diwata at hindi
bumalik.
Simula noon, nasa labas na ang buto ng prutas na kasoy.

Katangian Katangian

Unang tagpuan Ikalawang tagpuan Ikatlong tagpuan

V. Mga Tala

DLP F6 Q2 Wk1 p.30


Bilang ng mga mag-aaral: 27
5- 13 65
4- 11 44
3- 2 2
2- 1 2
1- 0 0
0- 0 0
27 x 5 = 135 117/135= 86%

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na 24 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya


nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na 3 mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang Nakatulong ang remediation sa 2 mag-aaral.
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D Bilang ng mag-aaral na 1 mag-aaral ang magpapatuloy pa sa remediation.
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Malaki ang naitulong ng pangkatang gawain sa pagpapatatag ng kasanayan
estratehiyang pagtuturo na sa araling ito.
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang Madalas ay kinukulang ang mga mag-aaralsa oras upang tapusin ang
aking naranasan na pangktang gawain. Maaring maging solusyon ang pagbibigay ng mga
solusyon sa tulong ng aking activity sheets na pupunan na lamang ng mga bata.
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang Paggamit ng bata ng rubriks upang markahan ang kamag-aral.
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

DLP F6 Q2 Wk1 p.31

You might also like