You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay, Maynila
Seksyon ng Filipino
MATAAS NA PAARALANG MANUEL G. ARAULLO
Daang Taft., Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 7


IKALAWANG MARKAHAN- UNANG LINGGO

Petsa: NOBYEMBRE 13, 2023- LUNES

Antas/Pangkat/Oras

Grade 7- Mabini 12:15-1:00 Grade 7- Osmeña 2:45- 3:30

Grade 7- Malvar 1:45- 2:30 Grade 7- Lakandula 3:30- 4:15

Grade 7- Luna 4:15- 5:45

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga bulong at awi
ting -bayan sa Visayas ganoon din ang pagtalakay sa antas ng wika
batay sa pormalidad
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ang sariling bulong at/o awiting-bayan na naglalaman, sumasalamin sa
tradisyon ng mga taga-Visayas
C. Kasanayang Pampagkatuto
Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng
napakinggang bulong at awiting-bayan (F7PN-lla-b-7)
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na
sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Visayas (F7PB-lla-b-7)

MGA TIYAK NA LAYUNIN


1. Natutukoy ang awiting-bayan at bulong ng mga taga-Visayas
2. Napahahalagahan ang patuloy na pagpapalaganap sa mga awiting-bayan at bulong sa
kasalukuyang henerasyon
3. Nabubuo ang sarling paghahatol sa ideya sa talakayan

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: TUKLASIN- AWITING-BAYAN AT BULONG MULA SA
KABISAYAAN

TAONG PANURUAN 2023-2024 LP BLG. 51

B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Ikalawang Markahan


Dibisyon ng Maynila Modyul 1-Ikalawang Markahan,
Kayumanggi 7
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, speaker, whiteboard, whiteboard
marker
D. Pagpapahalaga: Patuloy na pagpapalaganap sa mga awiting-bayan at bulong sa
kasalukuyang henerasyon
E. Integrasyon ng mga Kasanayan: Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin at isulat sa kuwaderno ang
titik ng tamang sagot.
1.1 ________ pasalitang nagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
A. Awiting-bayan C. Salaysay
B. Alamat D. dula
1.2 Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan, isang paraan ng pagsasalita ng mahina at karaniwan sa
pamamagitan ng hininga lamang.
A. Nobela C. Awitng-bayan
B. Bulong D. Kuwento
1.3 Tabi-Tabi po! Makikiraan lang po!. Ang pahayag ay isang
halimbawa ng ________.
A. Bulong C. Sambotani
B. Hele D. Kumintang
1.4 Lawiswis kawayan ay isang halimbawa ng awiting-bayan, saang lugar ito
kilala?
A. Samar B. Cebu C. Aklan D. Iloilo
1.5 Pinakamababang uri ng antas ng wika.
A. Lalawiganin C. Pambansa
B. Balbal D. Kolokyal

2. Balik-aral/Tukoy-alam
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng panitikan ang tinutukoy sa bawat bilang.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Pabula Kuwentong-bayan Alamat

Epiko Maikling Kuwento Dula

__________2.1 Ito ay isang panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop na


nagsasalita na parang tao.

__________2.2 Isa itong akda tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

_________2.3 Ito ay mga akda na nagsasalaysay sa paraang maili, madali at


masining.

_________2.4 Nilalaman ng akdang ito ang tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay at maging ng mga pook.

_________2.5 Pinapaksa nito ang tungkol sa hindi pangkaraniwang pangyayari at


sa mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng diwata, engkantada at
iba pa.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
 Saan kaya sa Pilipinas matatagpuan ang nasa larawan?

Mac Arthur Landing Memorial San Juanico Bridge


National Park connect Leyte at samar

 Itala ang mga salitang maiuugnay sa salitang nasa bilohaba


Word Association

AWITING-BAYAN

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay input ng Guro)

. Ang Panitikang Bisaya ay hitik sa panitikan sa sumasalamin sa


kulturang umiikot sa isang pamayanan.

AWITING-BAYAN
 Tinatawag ding kantahing- bayan
 Nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
 Kalauna’y nilapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling
matandaano maisaulo
 Ang karaniwang paksa nito ay ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa
isang lugar.
BULONG
 Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas

 Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang hingan ng paumanhin ang mga


lamang-lupa

 Binibigkas rin para mabigyang babala ang mga nilalang na hindi nakikita na may
daraan para maiwasang sila’y matapakan o masaktan

 Ginagamit bilang pagbibigay galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook at iba


pang pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa

 Gamit rin sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang magtatawas sa napaglaruan


ng lamang-lupa, namamaligno o kaya’y sa mga nakukulam.

3. Ginabayang Pagsasanay

Panuto: Piliin ang kung SANG-AYON at

kung DI- SANG-AYON sa mga pahayag na inilahad sa


bawat bilang.
3.1 Ang mga awiting-bayan at bulong ay dapat na laging inaawit at sinasambit.
3.2 Makatutulong ang bulong bilang pangontra sa mga taong may galit sa iyo.
3.3 Malaking tulong ang mga awiting-bayan upang makilala ang uri ng
pamumuhay ng mga Pilipino.
3.4 Bawat linya o taludtod ng awiting-bayan at bulong ay makahulugan.
3.5 Salamin din ng kagandahang -asal ang awiting-bayan at mga bulong.

4. Pangkatang Gawain (SEL Integration)

Pangkat 1- Ibigay ang dati nang kaalaman kaugnay ng mga larawan

Pangkat 2 - OPEN-YON!
Unawaing mabuti ang nakasulat sa mga kahon, pagkatapos ibigay ang
kaisipang nais ipahayag

Kaisipan
Huwag magalit kaibigan, _______________________
aming pinuputol lamang _______________________
ang sa ami’y napag-utusan. _______________________
Kaisipan
Matulog ka na bunso, _________________________
ang ina mo ay malayo _________________________
Hindi naman masundo, _________________________
may putik at balaho.

kaisipan
Sitsiritsit alibambang ________________________
Salaginto’t salagubang ________________________
Ang babae sa lansangan ________________________
Kung gumiri’y parang tandang.

Kaisipan
Dagang malaki, ______________________
dagang maliit, ______________________
Heto ang ngipin kong sira, ______________________
Palitan mo ng mas maganda.

Pangkat 3- LISTING
Magtala ng ilang bulong at awiting-bayang karaniwang naririnig lalo
na sa matatanda.

Bulong Awiting-bayan

Pangkat 4- Iskor Mo, Show Mo!

 Pag-uulat ng bawat pangkat


 Pagbibigay ng feedback
 Pagmamarka (Numeracy Integration)

Rubriks sa Pagmamarka

(DIMENSYON) NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN


(10) (8) (6)
PAGKAKAISA Aktibo ng nakilahok Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok
ang lahat ng mga ang nakarami ang ilang kasapi
kasapi

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di- gaanong malinaw


PAGSASALITA AT pagbigkas at paghatid ng mensahe ang mensahe
PAGBIGKAS paghahatid ng mensahe

Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Di- gaanong nagging


PAGKAMALIKHAI ng pagkamalikhain paghahanda malikhain sa
N sapaghahanda paghahanda

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

1. Pagninilay/Sintesis (SEL Integration)

Gamit ang PMI (Plus, Minus, Interesting), isa-isahin ang kaisipang/


kaalamang natutuhan. Isulat ang mga sagot sa tsart.

PLUS MINUS INTERESTING


Dapat pahalagahan Di-dapat bigyang-pansin Kawili-wili

2. Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pahayag at lagyan ng tsek (/)


ang patlang kung ito ay nagsasaad ng katotohanan
tungkol sa araling tinalakay.

Masasalamin ang pamumuhay ng mga taga-Visayas sa mga


bulong

Tungkol lamang sa Ligaya ang paksa ng mga awiting-bayan


ng mga Visayas

Ang awit at bulong ay repleksyon sa kultura at tradisyon ng


mga taga-Visayas

Dapat palitan na ang mga awiting-bayan at bulong

Ang awiting-bayan ay nilalapatan ng himig.


IV. TAKDANG-ARALIN
Kapanayamin ang iyong lola, lolo o sinomang nakatatanda sa inyong pook na may alam ng mga
awiting-bayan at bulong. Alamin kung anong okasyon at kailan ito isinasagawa?
Magsaliksik ng mga uri ng awiting-bayan at bulong.

Inihanda ni:

MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I

You might also like