Professional Documents
Culture Documents
Baitang/Pangkat/Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling
kuwento mula sa Cotabato gamit ang mga retorikal na pang- ugnay
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento (F7PS-ld-e-4)
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit
sa akda (F7WG-lf-g-4)
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: TUKLASIN- ANG REYNANG MATAPAT
(Maikling Kuwento mula sa Cotabato)
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari at Retorikal na
Pang-ugnay
B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Unang Markahan
Dibisyon ng Maynila Modyul 5-Unang Markahan
TAONG PANURUAN 2023-2024 LP BLG. 32
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, speaker, whiteboard,
cartolina, pentel pen, sipi ng akda mula sa Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=-APNqJUae1k
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa maikling kuwento bilang akdang
pampanitikan
E. Integrasyon ng mga Kasanayan: Edukasyon sa Pagpapahalaga,
Araling Panlipunan
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1.1 Kawangis ito ng nobela subalit iilan lang ang pangunahing
tauhan nito.
A. Alamat B. Dula C. Maikling Kuwento D. Epiko
1.2. Ang mga sumusunod ay katangian ng maikling kuwento
maliban sa isa ______.
A. May iilang tauhan lamang
B. May suliraning kinakaharap
C. Hindi ito nahahati sa kabanata
D. May mga idyomatikong pahayag
1.3. Dito makikita sa bahagi ng kuwento ang paglutas sa suliranin.
A. Tunggalian B. Katapusan C. Kakalasan D. Panimula
1.4. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang may maling
pagkakaayos ng pangyayari sa kuwento?
A. panimula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan
B. Kasukdulan, kakalasan, tunggalian, katapusan
C. tunggalian, kasukdulan, kakalasan, katapusan
D. panimula, tunggalian, kasukdulan, katapusan
1.5. Alin sa mga akda ang hindi napapabilang sa maikling kuwento?
A. Ang Kalupi C. Kalayaan
B. Reyna Matapat D. Nagmamadali ang Maynila
2. Balik-aral/Tukoy-alam
RAMBOLETRA
Panuto: Ayusin ang mga nakarambol na letra upang matukoy ang
tamang sagot
O K E I P
B N A U G T A N
❖ Ang nagsasabi kung bakit nangyari ang kilos
D A L I H A N
A G N U B
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig magbasa ng mga kuwento? Bakit? Ano ang
naidudulot sa inyo ng pagbabasa ng mga kuwento? (SEL
Integration)
MAIKLING KUWENTO
3. Ginabayang Pagsasanay
____________________________________
____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Rubriks sa Pagmamarka
Facebook Status
Create Post
________
Mensahe sa lahat
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
IV. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang akdang” Reynang Matapat” Modyul 7-Q1-Filipino 7 ph.30-32
1. Sino si Reyna Sima at ano ang mga katangian niya?
Inihanda ni:
MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I
Baitang/Seksyon/Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling
kuwento mula sa Cotabato gamit ang mga retorikal na pang- ugnay
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento (F7PS-ld-e-4)
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit
sa akda (F7WG-lf-g-4)
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: LINANGIN-PANITIKAN- ANG REYNANG MATAPAT
(Maikling Kuwento mula sa Cotabato)
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari at Retorikal na
Pang-ugnay
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
angkop na sagot at isulat sa kuwaderno.
1.1. Nakaiwan ng isang supot ng ginto sa mesa ang
mangangalakal na Intsik sa kaharian ni Reyna Sima. Hindi ito
pinagalaw sa kanyang mga tauhan upang muli itong
matagpuan ng Intsik kung saan niya ito naiwan. Ang
pangyayari sa kuwento ay nasa bahagi ng _______.
A. tunggalian C. kasukdulan
B. tagpuan D. kakalasan
1.2. Si Reyna Sima ay kilala at iginagalang na pinuno dahilan sa
kanyang katapatan, katalinuhan at maayos na pamamalakad sa
nasasakupan. Ang ganitong pangyayari ay matatagpuan sa
bahaging ________.
A. Suliranin C. katawan
B. Simula D. kasukdulan
1.3. Ang pangyayaring angkop na ilagay sa wakas ay _______.
A. Mahigpit na pinatutupad ni Reyna Sima ang mga batas sa
kaniyang nasasakupan
B.Kilala si Reyna Sima sa kaniyang kaharian at karatig lugar sa
kaniyang maayos na pamamalakad
C. Mula noon ay higit na napabalita ang kaharian ni Reyna Sima
dahil sa kabutihang loob ng kaniyang nasasakupan at mga
batas lalo ang katapatan.
D. Patuloy na pagtanggi ng bata na wala siyang kinuhang kalupi.
1.4. Ang pangyayari na tumutugon sa suliraning kinaharap ng
pangunahing tauhan sa kuwento ay ______.
A. Pag-iwan ng mangangalakal na Intsik ng isang supot na ginto
B. Mahigpit na pagpapatupad ni Reyna Sima sa kaniyang mga
batas.
C. Maunlad na kalakalan sa kaharian ng Kutang-Bato
D. Pagbalik sa Intsik ng supot ng ginto
1.5. Patuloy na dumarating ang mga mangangalakal sa Kutang
Bato upang makipagkalakal sapagkat balita sa karamihan ang
katapatan ng kaniyang mga tauhan. ang ganitong pangyayari
ay makikita sa bahaging _______.
A. Simula B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Katawan
2. Balik-aral/Tukoy-alam
#PASAPORTE SA PAGLALAKBAY
❖ Anong salita ang nabuo ninyo? Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating
aralin?
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino na sa inyo ang nakarating ng Mindanao partikular sa Cotabato? Saan
kaya hango ang salitang Cotabato?
TRIVIA
2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Suriin kung wasto ang pagkakagamit ng mga salitang may
salungguhit na ginamit sa pangungusap. Kung ito ay mali, isulat ang
wastong salita.
Pangkat 1- Pagsunod-sunurin Mo
Isulat ang hinihingi sa bawat elemento ng maikling kuwento
Pangkat 4- MMK
Sumulat ng maikling salaysay sa pangunahing kaisipang nais
iparating ng maikling kuwentong natalakay
➢ Pag-uulat ng bawat pangkat
➢ Pagbibigay ng feedback
➢ Pagmamarka (Numeracy Integration)
Rubriks sa Pagmamarka
Nabatid ko ___________________________________________
Napatunayan ko na ______________________________
Nabigyang-halaga ko na ___________________
2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang angkop na sagot at
isulat sa kuwaderno.
A. Pagkilala sa tauhan
B. Pagtukoy sa lugar o tagpuan
C. Paglalahad ng suliranin
D. Pakikipagtunggali ng tauhan sa kanyang suliranin
Inihanda ni:
MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I
Baitang/Pangkat/Seksyon
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwento mula
sa Cotabato gamit ang mga retorikal na pang- ugnay
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento (F7PS-ld-e-4)
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa
akda (F7WG-lf-g-4)
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: LINANGIN-GRAMATIKA-RETORIKAL NA PANG-UGNAY
B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Unang Markahan
Dibisyon ng Maynila Modyul 5-Unang Markahan,
Kayumanggi 7, ph. 34-35
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
angkop na sagot at isulat sa kuwaderno.
1.1 Walang imposibleng pakikinggan tayo ng Panginoon kapag
ang tao’y taimtim na lumalapit sa Kanya. Ang ginamit na
retorikal na pang-ugnay sa pangungusap ay ______.
A. wala B. tayo C. kapag D. kanya
1.2 Maiiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan ______ ang
bawat isa ay marunong tumanggap ng pagkakamali. Ang angkop
na gamiting retorikal na pang-ugnay ay ________.
A. kung B. sapagkat C. dahil D. maaari
1.3 _________ nasa Alert Level 1 na ang ating bansa, hindi
nangangahulugan na Malaya na nating magagawa ang anumang
naisin nating gawin. Ang angkop na pang-ugnay sa patlang ay
________.
A. dahil B. sapagkat C. bagaman D. subalit
1.4 Tumutunog ang batingaw ng simbahan sa bawat oras ng misa,
kung gayon, hudyat ito na magsisimula na ang seremonya. Ang
ginamit na retorikal na pang-ugnay sa pangungusap ay ______.
A. kung gayon B. hudyat C. bawat D. ito
1.5 Magkatuwang ang pamahalaan saka Kagawaran ng Kalusugan
sa pagsugpo ng lumalaganap na Covid 19 sa bansa. Ang ginamit
na pang-ugnay sa pangungusap ay ________.
A. ang B. ng C. sa D. saka
2. Balik-aral/Tukoy-alam
Pagtambalin ang nasa hanay A sa hanay B. A
A B
2.1 Ang pinakamaaksyong bahagi
ng maikling kuwento A. Simula
2.2 Ang kinahinatnan ng kuwento
kung masaya o malungkot B. Tunggalian
2.3 Dito ipinakikilala ang tauhan at
suliranin sa kuwento C. Kasukdulan
2.4 Dito makikita ang pakikipagtunggali
ng pangunahing tauhan D. Kakalasan
2.5 Nakasalalay dito ang kawilihan
ng mambabasa E. Wakas
Tanong:
1. Sang-ayon ka ba sa inilahad ng Panginoon sa alipin upang
mabayaran siya nito?
2. Ano ang naging reaksyon ng alipin nang makita ang tulad niyang
alipin na may pagkakautang din?
3. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng alipin sa kapwa niya alipin na may
pagkakautang din sa kanya? Pangatwiranan
Pag-uugnay sa Gramatika
1. Paano ginamit sa bawat pangungusap ang mga salitang may
kulay pulang sulat? Ipaliwanag
2. Paano nakatutulong ang mga salitang ito sa pagsulat ng buod ng
isang akda?
3.Pagbibigay-input ng Guro
5.Pangkatang Gawain
Pagsasanay 1- GUHIT-UGNAY
Salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit sa bawat
pangungusap at ipaliwanag kung paano ito ginamit.
1. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng
habag sa mga kasamahan mo.”, ang sabi ng amo sa katulong.
2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa
kaniyang pagkakautang.
3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan
nila ang amo para makapagsumbong.
4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng
kaniyang amo.
5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin
sana ay hindi na niya ito kinaawaan.
Pagsasanay 2-TUKOY-UGNAY
Tukuyin ang mga nakasalungguhit na salita sa loob ng pangungusap. Piliin
sa loob ng bilohaba ang tamang sagot.
Pagsasanay 3- KUWENTO-SAYSAY
Isulat at isalaysay ang buod ng maikling kuwentong SI INANG PIPANG, ANG
MAPRINSIPYONG LOLA, Kayumanggi, ph.33 nang maaayos at may kaisahan ang
mga pangungusap. Gumamit ng retorikal na pang-ugnay.
Pagsasanay 4- SUMPA NG KATAPATAN (SEL Integration)
Bilang isang anak at isang mag-aaral, magbigay ng limang magandang
maidudulot sa iyo ng pagiging matapat. Gumamit ng retorikal na pang-ugnay sa
pagbuo ng pangungusap.
1 2
3 4
5
C.Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)
1. Pagninilay/Sintesis
Gamit ang estratehiyang K-W-L, ilahad ang natutuhan sa araling
tinalakay.
K W L
Natuklasan ko na … Nais kong malaman ang Natutuhan ko na …
…
2.Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Punan ang patlang ng angkop
na retorikal na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng mga pahayag. Titik
lamang ang isulat.
IV. KASUNDUAN
Magsaliksik pa ng mga maikling kuwento ng mga taga-Mindanao. Suriin
ang mga ito batay sa pagkakalahad ng sunod-sunod na mga pangyayari.
Humanda sa pangkatang gawain bukas.
Inihanda ni:
MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay, Maynila
Seksyon ng Filipino
MATAAS NA PAARALANG MANUEL G. ARAULLO
Daang Taft., Maynila
Baitang at Pangkat/Oras
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwento mula
sa Cotabato gamit ang mga retorikal na pang- ugnay
B.Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento (F7PS-ld-e-4)
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa
akda (F7WG-lf-g-4)
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: PAGNILAYAN AT UNAWAIN
B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Unang Markahan
Dibisyon ng Maynila Modyul 5-Unang Markahan,
Kayumanggi 7, ph. 34-35
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, laptop, speaker,
cartolina, pentel pen
D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paggamit ng retorikal na pang-
ugnay sa mga pangungusap
TAONG PANURUAN 2023-2024 LP BLG. 36
E. Integrasyon ng mga Kasanayan: Edukasyon sa pagpapahalaga
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Magbigay ng (5) limang retorikal na pang-ugnay
Inang Pipang
Simula
Kasukdulan
Suliranin
Wakas
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Lubos ng naintindihan ang aralin? Handa na ba sa ating mga
gawain ngayon?
2. Ginabayang Pagsasanay
➢ Pangkatang Gawain (SEL Integration)
Pangkat 1- KUWENTO-KUWENTA
Magsalaysay ng kuwentong kaugnay ng kaisipan sa
akda.
KUWENTO
KUWENTA
Rubriks sa Pagmamarka
IV. KASUNDUAN
Humanda sa pagsulat ng awtput
Inihanda ni:
MARISSA E. SUASBA
Dalubguro
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay, Maynila
Seksyon ng Filipino
MATAAS NA PAARALANG MANUEL G. ARAULLO
Daang Taft., Maynila
Baitang at Pangkat/Oras
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwento mula
sa Cotabato gamit ang mga retorikal na pang- ugnay
B.Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento (F7PS-ld-e-4)
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa
akda (F7WG-lf-g-4)
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: ILIPAT-RETORIKAL NA PANG-UGNAY SA PAGBUO NG KUWENTO
B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Unang Markahan
Dibisyon ng Maynila Modyul 5-Unang Markahan,
Kayumanggi 7, ph. 34-36
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, speaker, cartolina, pentel
pen, whiteboard
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Punan ng wastong retorikal na pang-ugnay ang patlang
upang mabuo ang maikling kuwento
2. Balik-aral/Tukoy-alam
Ihanay sa kolumn ang mga pang-ugnay ayon sa uri nito
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang napasali na sa mga pagkukuwento o may kakayahan
sa pagsulat ng isang maikling kuwento?
2. Pagbasa sa Sitwasyon
Awtput Blg.4
• Nakabubuo ng maiikling
kuwento batay sa larawan 5
• Nagagamit nang wasto
ang retorikal na pang- 5
ugnay
• Malinis at maayos 5
Kabuuan 15
4. Ginabayang Pagsasanay
• Pagsubaybay ng guro sa pagsasagawa ng mag-aaral
• Pagpapabasa sa ilang nakatapos
• Paglikom ng papel
C.Paglalahat
1. Pagninilay/Sintesis (SEL Integration)
I-SHOUTOUT MO1
Magsaliksik:
1. Ano ang dula?
2. Paano nakatutulong ang dula sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa
kultura ng mga Muslim?
Inihanda ni;
MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I
Filipino 7