You are on page 1of 20

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

GRADE
FILIPINO 9

LEARNING QUARTER 3
MODULE WEEK 7-8

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 1


MODYUL SA
FILIPINO 9

KUWARTER 3
LINGGO 7-8
ARAW 1-8

Rama at Sita
Mga Salitang Naglalarawan

Development Team

Writer: Jennifer D. Ragamat

Editors: Jane S. Dancel Allan M. Utleg

Reviewers: Richard M. Collado Zorayda S. Paguyo

Illustrator: Nestor Lucero

Layout Artist: Allan M. Utleg

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 2


Mahal na Mag-aaral,

Masaya ako na nasa huling dalawang linggo ka na ng iyong modyul. Sa


modyul na ito, India ang bansang iyong lilibutin. Lalo pa nating pauunlarin ang
iyong kaalaman at karunungan sa mga aral na hatid ng akda at ng araling
pangwika sa modyul na ito. Huwag mabahala dahil katuwang mo ako sa
paglalakbay mo. Paalala lamang, kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa
loob ng dalawang linggo kaya’t sikapin at gawin sa abot ng iyong makakaya para
tapusin ito.

Lubos na Nagmamahal,

Ang iyong guro

ALAMIN Narito ang mga layuning kailangan nating isaalang-alang


habang tinatapos ang aralin.
:

1. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring


napakinggan (F9PN-IIIg-h-54)

2. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa


epiko.(F9PB-IIIg-h-54)

3. Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na


bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya. (F9PS-IIIg-h-56)

4. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang


Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)

5. Naiisa-isa at napahahalagahan ang kulturang Asyano bunga ng nabasang


mga akdang pampanitikang Kanlurang Asyano. (F9PB-IIIi-j-55)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 3


SUBUKIN Tuklasin natin kung ang iyong ideya ay
tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Tayo na,
simulan mo na sa pamamagitan ng gawaing susukat sa
abot ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng paunang
pagtataya. Isulat ang letra ng sagot sa inyong sagutang
papel.

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong upang maibigay ang hinihingi ng bawat
isa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan


ng pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kaniyang pakikipagsapalarang
pinagdaanan at binibigyang-diin ang katangiang supernatural ng tauhan.
Nagtataglay siya ng pambihirang lakas na hindi kapani-paniwala.
a. Elehiya c. Awit
b. Epiko d. Tanaga

2. “Sige patayin mo siya!”sabi ni Rama. Ang pahayag ay ____________.


a.nag-uutos c. nakikiusap
b.nagmamakaawa d. nagpapaunawa

3. Ang lahat ng mga salita ay halimbawa ng salitang naglalarawan maliban sa


_________.
a.mahal ko siya c. matapang
b. malinamnam d. malusog

4. Sila ang mag-asawa sa epikong Rama at Sita.


a.Maritsa at Rama c. Rama at Sita
b. Maritsa at Lakshamanan d. Lakshamanan at Sita

5. Siya ang hari ng mga higante at demonyo.


a. Ravana c. Rama
b. Lakshamanan d. Maritsa

Nahirapan ka ba sa paunang pagtataya? Huwag kang mabahala dahil sa


pagpapatuloy mo sa modyul na ito, mas lalo mo pang mauunawaan at maiintindihan
ang ating aralin.
Kaya’t tara na, magsimula na tayo!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 4


BALIKAN Naaalala mo pa ba ang ating napag-aralan noong
nakaraang linggo? Ang tungkol sa alamat? Halika, balikan
natin at subukan mong gawin ang mga sumusunod na
gawain.

GAWAIN 1: IPAKAHULUGAN MO!

Sa kasunod na mga gawain, tutuklasin natin kung gaano na ang nalalaman mo


tungkol sa “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah”.Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang
panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay
Haring Rama V ng Thailand.

Mula sa graphic organizer sa ibaba ay sagutin mo ang hinihinging tanong mula sa


loob ng kahon. Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel.

Simula ng kuwento Kilos,gawi, o


karakter ng tauhan

Pangalan ng
Tauhan

Aral na mapupulot
sa alamat Wakas ng alamat

Magaling! Natapos mo na ang gawain! Ipagpatuloy mo lang.


Ang susunod na bahagi ay susukatin ang iyong kasanayan sa
paghula sa mga pangyayari.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 5


TUKLASIN Para sa susunod nating gawain, isulat ang iyong
saloobin kung ano ang ipinapahiwatig ng nasa larawan.

GAWAIN 2: SALOOBIN MO, IPAHAYAG MO!

Panuto: Masdang mabuti ang bawat larawan. Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa
ipinapahiwatig ng larawan.Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1.______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______

https://images.app.goo.gl/dqiDuM6HrBVC2dcB7

2._____________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
________

https://images.app.goo.gl/UWrtaHvSpYD7hCbh8

3.______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______

https://images.app.goo.gl/TU8h3EZDtnBQdZPF7

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 6


GAWAIN 3: HULA MO, SAGOT MO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag mula sa akda.Isulat sa kanang
bahaging “Mahuhulaan mo ba”? ang posibleng maging kahihinatnan ng mga tauhan batay
sa nabasang pangyayari sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PANGYAYARI MULA SA AKDA MAHUHULAAN MO BA?

1. “Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni


Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang
naging higante.”
2. “Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni
Sita.Para patunayang mahal niya ang
kapatid, agad siyang sumunod sa
gubat.Wala siyang kamalay-malay na sa
labas ay naghihintay si Ravana”.
3. “Nagyakap sina Rama at Sita nang
mahigpit at muling nagsama nang
maligaya.”

SURIIN Alam mo ba na ang Epiko ay isang uri ng pasalaysay


na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kaniyang
pakikipagsapalarang pinagdadaanan at binibigyang-
diin ang katangiang supernatural ng
tauhan.Nagtataglay siya ng pambihirang lakas na
hindi kapani-paniwala. Ngayon ay basahin mo ang
isang kabanata mula sa bansang India na
pinamagatang “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino
ni Rene O. Villanueva.ng

RAMA AT SITA
Isang Kabanata sa Epikong Hindu-India
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng
mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi
maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 7
siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.
Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis
na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang
pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang
espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw
ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana
para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa
gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin
daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako,
Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala naman si
Ravana sa kuwento ng kapatid.pumayag siyang ipaghiganti ito.Ipinatawag ni Ravana si
Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang
malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong
tumulong. “kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa. “Kailangang umisip tayo ng
paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi
naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa.
Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng
mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil
mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “Huwag mong
iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang
sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni
Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito.
Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw.
Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw paring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.
“Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,” sabi nito kay
Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya
ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay
naghihintay si Ravana.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 8


Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap
naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na
roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng
limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka!,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita
at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni
Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong
may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim
na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga
bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay Makita iyon ni Rama para masundan
siya at maligtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon
ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa
lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng
magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng
mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at
demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi
ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang
naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang
bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari
ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang
kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.

-Mula sa Panitikang Asyano:Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

Nagustuhan at naunawaan mo ba ang binasa mong akda? Para malaman ko kung


naintindihan mo talaga ito, naghanda ako ng mga katanungan na kailangan mong
sagutin. Gawin ito sa sagutang papel..

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 9


GAWAIN 4: ILARAWAN MO!

Panuto: Balikan mo ang epikong Rama at Sita. Mula sa epiko ay may mga kulturang
Asyano na nangibabaw mula sa akda. Ngayon, ikaw bilang kabataang Asyano, ilarawan
mo ang mga ibat- ibang kultura na nakita sa akda na may kaugnayan sa iyong pamumuhay
ngayon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Dugtungan:
Bilang isang kabataang Asyano, ang ibat-ibang kultura na nakita sa akda na may
kaugnayan sa aking pamumuhay ngayon ay…

GAWAIN 5: BAYANI MO! KATANGIAN NIYA, ITALA MO!


Panuto: Kopyahin ang pormat ng gawain. Isulat sa loob ng puso ang pangalan ng idolo o
kilala mong bayani mula sa Kanlurang Asya. Itala naman sa bilog ang kaniyang mga
katangian at sa kahon naman ay ang dahilan kung bakit siya ang napili mong idolo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 10


PAGYAMANIN Sa bahaging ito, kailangan mong pagyamanin ang
iyong talasalitaan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

GAWAIN 6: TALASALITAAN MO! PAGYAMANIN MO!

Panuto: Punan ng nawawalang letra ang patlang na walang nakasulat upang mabuo ang
kahulugan ng salitang nakapalihis.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. -__ __ u __ o __ __

2. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita. -b __ __ __ g

3. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita. - __ i __ __ a __

Mahusay! Nabigyang-kahulugan mo ang mga salita!

ISAISIP Binabati kita! Ngayon ay pag-aaralan naman


natin ang tungkol sa “Salitang Naglalarawan”.
Basahin at unawain itong mabuti dahil
pagkatapos nito ay mayroon kang gagawin.

Alam mo ba na…

napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang gamit ng mga
salitang naglalarawan? Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at angkop kapag alam natin
ang gamit ng mga salita. Nakatutulong ng malaki sa pagbibigay ng hugis, kulay, anyo
sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran ang wastong paggamit sa salitang
naglalarawan. Maaari ding tiyak na makapaglarawan sa katangian at ugali ng isang tao
o hayop ang paggamit ng angkop na salitang naglalarawan. Samakatwid, nakatutulong
nang malaki ang mga salitang naglalarawan upang bigyang katangian ang isang bagay
o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari sa ating kapaligiran.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 11


Halimbawa:

May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa tao na hindi naman


maaari sa bagay. May mga pangyayari rin naman na kapag ginamit na ang salita sa
pagbuo ng taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi gaanong napalilitaw ang nais
ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang salita. Halimbawa na lamang ay sa
salitang matangkad na bagama’t ito ay tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring
gamitin sa paglalarawan sa taas ng gusali.

Mga Halimbawa:

1. Nakatatakot ang magpatayo ng matatayog na gusali sa lugar na may malambot


na lupa tulad ng Baguio.

2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na labing apat na


taong gulang.

Mapapansin na ang mga salitang “matatayog” at “matatangkad” ay parehong


tumutukoy sa taas (height) ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit sapagkat hindi
aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring maging matangkad na gusali at matayog
na anak. Kapag ginamit ang “matayog” sa anak upang ilarawan ang taas nito,
makapagbibigay ito ng ibang paglalarawan sa anak.

Naintindihan ba ang talakayan tungkol sa Salitang Naglalarawan? Ngayon ay


mayroon akong inihanda na kailangan mong sagutin.

ISAGAWA Sa bahaging ito, may mga kailangan ka pang isagawa


para mas lalo pang mahasa ang iyong kakayahan.
Alam kong kayang-kaya mo iyan. Gawin mo na!

GAWAIN 7: SUBUKAN MO!


Panuto. Basahin ang isa pang epikong pinamagatang “Epiko ni Gilgamesh”. Mula sa akda
ay piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang ginamit sa paglalarawan ng mga
tauhan. Pagkatapos , mula sa napiling sagot ay gamitin sa pangungusap sa ibaba.

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na
ang dalawang katlo ng pagkatao ay Dyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 12


makapangyarihan. Ngunit 1. (mabait, mayabang, matulungin) siya at abusado sa kanyang
kapangyarihan.dahil sa kanyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kanyang mga
nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kanya. Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal.
Nagpadala ito ng isang taong 2. (kasinlakas, kasinhigpit, kasinyabang) ni Gilgamesh, si
Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa
nang sila ay nagkita.Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na
magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa
kanyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong
nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang
siraan ang Diyosang si Ishtar na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito
ang toro ng kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa.Nagapi
nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang
kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si
Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

Pangungusap:

1. ___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

Napakahusay! Nasagutan mo ang mga pagsasanay na aking ibinigay. Ngayon ay


malapit mo ng matapos ang ating modyul.

GAWAIN 8: PANGWAKAS NA GAWAIN

Panuto: Kopyahin ang pormat sa sagutang papel. Magbasa ng isang akdang pampanitikan
mula sa Kanlurang Asya. Maaaring maghanap sa internet ng babasahin.At suriin mula sa
binasang akda ang mga sumusunod na nasa ibaba.Isulat sa kanang bahagi ng kahon ang
sagot.

Mga susuriing bahagi Sagot

Pamagat ng AKda
(5 Puntos)
Mga Tauhan
(5 puntos)
Katangian ng mgaTauhan
(10 puntos)
Ilarawan ang Kulturang
Pinapahalagahan mula sa akda
(10 puntos)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 13


TAYAHIN Ikaw na ang mahusay! Ngayon, magkakaroon ka
ng maikling pagsusulit sa kabuuan ng aralin.
Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
________________

_______________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

1. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na pinapalinaw at bumubuo ng mas konkretong


larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.
a. Paghahambing c. Pagsasalaysay
b. Pagpapakahulugan d. Paglalarawan

2. Isa sa mga ito ay halimbawa ng pangungusap na naglalarawan.


a. May nakita kaming aso na napakalaki kanina.
b. Pupunta kami mamaya sa parke para mamasyal.
c. Tinawag ni tatay si kuya para magsalok ng aming inumin
d. Bababa kami mula sa bundok para bumili ng aming mga kailangan.

3. Bihagin mo si Sita. Ano ang kahulugan ng salitang bihagin?


a. Ikulong c. Hulihin
b. Bitagin d. Akitin
4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang
nakumbinsi ay nangangahulugang ____________.
a. Napasunod c. Napasubaybay
b. Napaniwala d. Napapayag

5. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.”Mahalin


mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,:sabi ni Ravana. Pero hindi
niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang
_________.
a. natatakot
b. mahal niya ang kanyang asawa
c. hindi si Ravana ang kanyang gusto
d. naniniwala sa milagro

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 14


KABUUANG Matagumpay mong naisagawa ang mga
PAGSUSURI gawain. Ngayon, susubukin natin ang inyong
kahusayan sa pamamagitan ng pagtugon sa
kabuuang pagsusuri ng aralin.

I. WRITTEN WORKS
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyong nailahad. Para sa pagtugon,
dugtungan ng mga kaisipan ang mga impormasyong hinihingi nito. Pakatandaan,
kailangang malinaw at makabuluhan ang mga idinugtong na kaisipan. Tiyakin ding
maipaliwanag nang mabuti ang mga tugon. Kopyahing maayos sa sagutang papel ang
pormat ng gawain para sa iyong kasagutan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (U)


1.Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at
bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
SITWASYON:
Ikaw ay likas na mapagkuwento at mahilig magsulat. Kaya naman para maiba, sa
iyong talaarawan o diary ay naisip mo na ikuwento at ibahagi ang pagmamahal mo sa
kultura ng ating bansa, sa pamamagitan ng paglalarawan sa kulturang kinagisnan na
ng ating mga ninuno at kalakip nito ay ibabahagi mo rin ang iniidolo mong isang bayani
mula sa kanlurang Asya, sa pamamagitan ng paglalarawan ng kanyang katangian. Ang
isinulat mo mula sa talaarawan mong ito ay ibabahagi mo sa iyong guro at kamag-
aral.Isaalang-alang mo ang nilalaman, orihinalidad, gramatika, at kaangkupan ng mga
salitang naglalarawan.
TANONG AT MALIKHAING SULATIN:
Ipakita ang pagmamahal sa kultura at sa bayaning iniidolo mo. Kaya naman sa isusulat
mo sa iyong talaarawan o diary, ano-anong paglalarawan ng mga kultura at katangian
ng iyong iniidolong bayani ang iyong isusulat?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 15


MGA HALIMBAWANG PANIMULA (SAMPLE PROMPTS/OUTLINE

Petsa

Mahal kong Diary,


Kamusta ka? Alam mo bang sadyang _________ ang
bansang ______. ___________ ang mga gusali roon.
____________ ang mga kalsada. At alam mo bang ang
bayaning iniidolo ko ay si__________. Siya ay sadyang
_________, matalino, _________,________Pinupuri ko ang
kanyang mga ____________________.
Hanggang dito na lang ulit. Paalam!
Ang iyong kaibigan,
__________________

STUDENT’S WRITTEN OUTPUT:


Magsulat sa talaarawan o diary ng mga paglalarawan ng kultura ng ating bansa, at
paglalarawan din ng katangian sa bayaning iniidolo mo. Isaalang-alang ang paraan
ng paglalarawan sa kultura at bayani.
Narito ang pamantayan sa pagkakabuo ng kuwento sa talaarawan o diary:

A. Nilalaman------------------------------------------------------------------5 puntos
B. Orihinalidad---------------------------------------------------------------5 puntos
C. Gramatika-----------------------------------------------------------------5 puntos
D. Kaangkupan ng mga salitang paglalarawan--------------------------5 puntos

Kabuoan-----------------------------------20 puntos

II. PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT)


Panuto: Basahing mabuti ang nasa kahon ng Performance Task. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (D)


Naiisa-isa at napahahalagahan ang kulturang Asyano bunga ng nabasang mga akdang
pampanitikang Kanlurang Asyano.

SITWASYON:
Ipagpalagay mong dahil sa angkin mong hilig sa pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan sa Asya, kaya naman may tawag ka para paunlakan ang isang “Epic
Writer Challenge” ng inyong barangay para sumali sa pagbabahagi ng iyong talento sa
pagsulat ng isang akdang epiko na palulutangin ang kahalagahan ng mga kulturang
Asyano. Gaganapin ang pagsusulat sa plaza ng inyong barangay. Ito ay may temang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 16


“PAGPAPAHALAGA NG KULTURANG ASYANO BUNGA NG NABASANG
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG KANLURANG ASYA.” Kaya naman ikaw
ay gaganap na manunulat ng isang epiko.At ang iyong mga kabaranggay ang
magbabasa nito.Kailangan mong isaalang ang nilalaman, orihinalidad,kulturang
pinalutang sa akda at gramatika.

GOAL:
Nakasusulat ng isang epikong malinaw, kawili-wili at nagtataglay ng pagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga kultura ng isang Asyano.Ito ay base sa mga nabasang akdang
pampanitikan mula sa Kanlurang Asya.

ROLE:
writer/manunulat

PRODUCT:
Akdang epiko

AUDIENCE:
Mga kabaranggay

STANDARDS:
Mga Pamanatayan 4 3 2 1
Nilalaman
Orihinalidad
Pagpapahalaga ng kultura (pinalutang sa akda)
Gramatika
Kabuoan

Leyende:
4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Katanggap-tanggap
1 – Mapaghuhusay pa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 17


18 Filipino 9 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
1.b 2. a 3. a 4. c 5. d
Gawain 1,2,3,4,5
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba.
Gawain 6- Talasalitaan mo!Pagyamanin mo!
1. ikulong
2. bitag
3. hinila
Gawain 7- Subukan Mo
1. mayabang
2. kasinlakas
Pangungusap: 1. Ang sagot ay iba-iba.
2. Ang sagot ay iba-iba.
Gawain 8- Pangwakas na Gawain
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba.
Tayahin
1. d 2. a 3. c 4. b 5. b
Kabuoang Pagsusuri
--Creative Constructed Response Form
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba.
--Performance Task
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba.
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

A. Aklat
Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

B. Online Resources
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-melc/

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 19


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9

You might also like