You are on page 1of 16

12

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Akademik )
Ikalawang Markahan – Modyul 4 :
PAGSULAT NG LAKBAY - SANAYSAY

NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dustin Kieth P. Jagunos


Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Ang ating mundo ay napakalawak. Ito ay lubhang napakalaki


upang libutin. Maraming mga magagandang tanawin na nakakaaliw sa
ating paningin, mga tao na nagpapasaya sa atin. Bilang isang mag-aaral,
ang bakasyon ang iyong pinakahihintay na sandal. Sa panahong ito
makakasama natin ang ating pamilya na mamasyal at puntahan ang mga
lugar na nais nating puntahan. Kadalasan bumibili tayo ng mga bagay-
bagay sa isang lugar na napuntahan natin upang hindi natin malimutan
ang lugar na yaon. Pero ang hindi malilimutan natin sa lugar na yaon ay
ang karanasan at mga tao sa paligid.

Sa modyul na ito, matutulungan ka sa pag-unawa,


pagpapahalaga at kung paano ikwento ang inyong mga karanasan sa
buhay.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang
pampaglalakbay.
CS_FA 11/12 PD-Om-o-89

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakasusuri ng mga elemento batay sa mga napanood/nabasang


sulating pampaglalakbay;
2. Nakapagbabahagi ng sariling likha ng isang organisado, malikhain at
kapani-paniwalang lakbay-sanaysay; at
3. Naisaalang-alang ang mga etika sa nilikhang lakbay-sanaysay.

1 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
SUBUKIN

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng


katotohanan at isulat naman ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

_________1. Sa pagsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay, nararapat


lamang na puntahan agad ang lugar na nais puntahan.
_________2. Ang lakbay-sanaysay ay pumapatungkol lamang sa isang lugar.
_________3. Hindi nangangailangan na planuhin pa ang organisayon ng lakbay-
sanayay.
_________4. Hindi tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay ang isang lakbay-
sanaysay.
_________5. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang sagutin ng manunulat
ang mga sumusunod na tanong: Ano? Saan? Bakit? Sino? Kailan?
at Paano?
_________6. Nangangailangan na nakatatawa ang tono ng sanaysay.
_________7. Upang maging mahusay ang isang lakbay-sanaysay gumagamit ito
ng mga malalalim na salita.
_________8. Gumamit ng mga cliché o gasgas nang paglalarawan habang
nagsusulat ng isang lakbay-sanaysay.
_________9. Iwasan din ang paggamit ng mga salita o pararilang hindi naman
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
_________10. Sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay.
_________11. Maaaring gumamit ng iba’t ibang estilo ng pagkakasulat ng
lakbay-sanaysay.
_________12. Sa paglalakbay nangangailangan na danasin ang lahat ng nasa
paligid.
_________13. Hindi isang popular na sulatin ang lakbay-sanaysay.
_________14. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mga mambabasa.
_________15. Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary.

2 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Mahusay! Binabati kita sapagkat
nasagutan mo nang mabuti ang mga
katanungan mula sa panimulang
pagtataya. Ngayon ay lilinangin pa ang
iyong kasanayan sa pang- unawa sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
nakadisenyong gawain sa susunod na
bahagi ng aralin.
Tiwala ako na matagumpay mong
maisasagawa ang iba pang mga gawain.
Halika na! Magsisimula na tayo sa
paggalugad ng mga bagong kaalaman.

TUKLASIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang isang lakbay-sanaysay. Pagkatapos ay sagutin


ang mga katanungan na makikita sa bahaging pagsusuri.

Kawasan Falls
Jan Moises Estrada

Maraming taong nagagandahan sa lugar na tinatawag na Kawasan Falls sa


Badian. Ano ba tagala ang meron sa lugar na ito? Bakit kaya dinarayo ito nang mga
dayuhan? Bakit tinatawag nila ito na Beautiful Natural Wonders sa Cebu? Paano
makakapunta sa Kawasan?

Ito ang isa sa lugar na napuntahan namin sa parte ng Badian. Para maka
punta sa Badian kailangan munang pumunta sa Cebu South Bus Terminal at
sumakay ng bus papunta sa Badian o Moalboal. Ipaalam lamang sa driver o sa
konduktor na ihihinto ka sa harap ng Matutinao Church. Mula roon, makakatagpo ka
ng Tour Guide na maaari kang samahan sa paglilibot ng Area Falls o matulungan
kang dalhin ang iyong bagahe. Ngunit kung minsan, nakakainis sila dahil pinipilit nila
kami na samahan kahit alam na naming ang daan. Pero masaya naman ako dahil
kasama ko ang aking mga kaibigan na masayang naliligo sa falls.

3 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Ang masasabi ko lang dito bilang isang dayuhan ay sobrang ganda talaga ng
mga tanawin dito sa Kawasan Falls. Sa paglakbay ko marami rin akong nakitang
magandang lugar tulad ng Moalboal isa din ito sa mga dinarayo ng mga dayuhan
katulad ko. At dito ko rin nalalaman ang lugar na Moalboal ay isang sikat na
atraksyong panturista. Natuklasan ko sa aking sarili habang ako ay naglalakbay na
dapat tangkilikin ang mga lugar na maipapagmamalaki natin sa iba

(Ang kabuuan ng nabasang lakbay-sanaysay ay mababasa mo sa link na


ito: https://bit.ly/33YZnxK)

Mga gabay na tanong:

1. Ano at sino ang tuon ng lakbay-sanaysay?


2. Bakit mas nakikilala ang lugar na pinanggalingan kapag malayo ka rito?
3. Bakit mahalagang mahatak ang atensiyon ng mambabasa sa simula pa lamang
ng lakbay-sanaysay?

SURIIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwarderno.

1. Ano ang napapansin mo sa Gawain 1?


2. Nagustuhan mo ba ang nabasang sulatin? Bakit?
3. May kaugnayan ba ang sulating ito sa bago nating talakayan?

PAGYAMANIN

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Kahulugan
Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa
paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao.
Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa
lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakisalumuha niya at higit sa lahat tungkol
sa kanyang sarili. Kung gayon, ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang paraan
ng pagkilala sa sarili.

4 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isusulat ang
lahat ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay.
Hindi ito record o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari.
Nangangailangan ang sulating ito nang malinaw na pagkaunawa at perspektiba
tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O’Neil, 2005).

Isa sa mga popular na sulating ang lakbay-sanaysay. Iba-iba rin ang estilo ng
pagkakasulat nito-may seryoso, may magang basahin, may nagpapatawa. Ang ilan
ay nagbibigay lamang ng impormasyon samantalang ang iba ay insight ang iniiwan
sa mga mambabasa. May mahuhusay ang pagkakasulat: impormatibo, nakaaliw at
puno ng inspirasyon. Ngunit may ilan din naming hindi mahuhusay ang
pagkakasulat: nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga tala,
gumagamit ng malalalim na salita, kulang sa repleksiyon at iba pa.

Tungkol Saan o Kanino ang Lakbay-Sanaysay?


Ang lakbay –sanaysay ay tungkol sa lugar na pinuntahan. Inilalarawan dito ang
mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at naramdaman sa lugar na pinuntahan.
Ito rin ay tungkol sa ibang tao. Kumusta ang mga tao sa iyong pinuntahan?
Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Anong karanasan mo sa
kanila? Sino-sino ang mga nakasama sa paglalakbay?
Higit sa lahat, ito ay tungkol sa sarili. Paano ka kumilos sa lugar na iyong
pinuntahan? Ano ang natuklasan mo sa sarili? Paano ka nabago ng iyong
paglalakbay? Ano ang natutuhan mo sa pagpunta sa ibang lugar? Paano
naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong pananaw sa buhay?

Pagsulat ng Lakbay–Sanaysay

Paano magsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay? Magsaliksik


tungkol sa lugar na pupuntahan. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito.
Magiging pamilyar sa politika, ekonomiya at mga tradisyon at relihiyon sa
pupuntahang lugar. Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na magagamit
kapag naglalakbay na.

Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng nasa paligid. Ngayon, paano mo


isusulat ang iyong naging karanasan sa paglalakbay? Maaaring gumamit ng mga
element ng katha upang bigyan ng buhay ang sulatin. Makatutulong ang paggamit
ng diyalogo, ritmo, imahen, mga eksena sa pagbibigay ng kulay sa sanaysay.
Ngunit, siguruhin pa ring wasto ang facts at huwag mag-imbento.

Gamitin ang unang panauhang punto de bista ngunit tiyaking diary ang
lakbay-sanaysay. Planuhin muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat.
Huwag itong limitahan sa paglalarawan at pagbibigay lamang ng impormasyon.
Kailangang maipakita sa mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa
ang naging paglalakbay.

5 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdotang naglalatag sa
pangkalahatang tono o mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng
mambabasa. Ito ay upang hindi sila bumitiw sa pagbabasa. Huwag simulant ang
sanaysay, halimabawa, sa pagsakay ng bus o sa eroplano. Magsimula agad sa
pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng mambabasa.

Iwasan ang cliché o gasgas nang paglalarawan tulad ng: “pagsasalubong ng


langit at dagat”, “sumilip ang araw sa likod ng mga bundok”, at iba pa. sikaping
bumuo ng orihinal na paglalarawan iwasan din ang paggamit ng mga salita o
pararilang hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Maging natural sa pagsulat. Huwag magpasikat. Iwasan ding magpatawa kung
hindi naman nakatatawa ang tono ng sanaysay.

(Ang kabuuang nilalaman nito ay maaaring mabasa sa aklat na “Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larangan: Akademik sa pp. 48-51, (Karapatang-ari 2016 ng DIWA LEARNING
SYSTEMS INC).

Mga Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na nakabatay lamang sa


lakbaysanaysay na iyong binasa na pinamagatang “Kawasan Falls” ni: Jan Moises
Estrada. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. Ano-ano ang mga elemento ng paglalahad ang iyong namasdan habang


binabasa mo ang mga episodyo o serye ng sulating pampaglalakbay?
2. Suriin ang bawat elemento na iyong namasdan (halimbawa: ang tema at
nilalaman, wika at istilo sa pagkasulat, anyo o estruktura ng sulatin)
habang binabasa mo ang mga serye ng sulating pampaglalakbay?
Gawing patalata ang iyong sagot.
3. Ano kaya ang gamit ng bawat elementong ito sa nasabing programang
pampaglalakbay? Suriin ito gamit ang tsart na makikita sa ibaba.

ELEMENTONG NAMASDAN GAMIT


1.
2.
3.
4.
5.
(Tandaan: Maaaring dagdagan ang bilang batay sa elementong iyong namasdan)

4. May naiisip ka bang kakaiba hinggil sa gawaing ito?

6 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
5. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong
pag-aaralan

ISAISIP

Ang lakbay -sanaysay ay isang sulating


hindi lamang naglalarawan sa
pinuntahang lugar kindi nagbibigay ng
malalim na pagkaunawa tungkol dito at
tungkol sa sarili.

ISAGAWA

Panuto: Upang mas lalong mahasa pa ang iyong kaalaman, sumulat ng isang
lakbay-sanaysay na pumapatungkol sa lugar na iyong napuntahan.

PAMAGAT

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
RUBRIK SA PAGBUO NA LAKBAY-SANAYSAY

Mamarkahan ang lakbay- sanaysay batay sa rubrik na nasa ibaba. Mainam


ito para sa iyo bilang gabay sa pagmamarka ng iyong ginawang pagsulat.

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


Pamantayan
pa ng Kasanayan Puntos
4-5 puntos 2-3 puntos 1 puntos
Napakahusay ng Mahusay ng
pagkakabuo pagkakabuo
ng lakbay- ng lakbay- Maligoy ang
sanaysay. sanaysay. lakbay-sanaysay.
Malawak at Medyo Makalilito at hindi
marami ang mga malawak at tiyak ang mga
impormasyon at hindi gaanong impormasyon
Nilalaman
elaborasyon. marami ang
Nagbibigay ng mga
mga tiyak na impormasyon
datos. at
elaborasyon.
Ang mga
datos ay
katamtaman
lamang
Napakamahusay Mahusay ang
ang paraan ng paraan ng Hindi nakitaan ng
Estilo ng
paglalahad ng paglalahad ng kahusayan ang
Pagkakasulat
naisulat na naisulat na naisulat na lakbay-
lakbay- lakbay- sanaysay.
sanaysay. sanaysay.
Naipakita ang
organisasyon ng May
Organisasyon pagkakabuo ng organisasyon Malabo ang
(Kohirens, sanaysay at subalit hindi organisasyon
Kohisyon, at tinataglay nito gaanong kung mayroon
Kaisahan) ang lahat ng nasunod ang man.
sangkap sa mga sangkap
pagsulat ng sa pagsulat ng
talata. talata.

8 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Naipakita na
ang lahat ng May ilang Ang lahat ng
impormasyong impormasyong impormasyong
Pagkamakatotohanan
inilahad ay inilahad ay inilahad ay hindi
kapanipaniwala. kapanipaniwala. kapani-paniwala.

Kabatiran sa Napakahusay at Mahusay at Hindi nakitaan ng


Paggamit ng walang mali sa may ilang mali kahusayan at
Wikang Filipino paggamit sa paggamit nagkaroon ng
(Baybay at baybay at baybay at maraming mali sa
Gramatika) gramatika sa gramatika sa paggamit ng
wikang Filipino. wikang baybay at
Filipino. gramatika sa
wikang Filipino .

Kabuuan

KARAGDAGANG
GAWAIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwarderno.

1. Ano ang kahalagahan ng sarili sa lakbay-sanaysay?


2. Bakit kailangang magsagawa ng pananaliksik bago maglakbay?
3. Paano gagawing kawili-wili sa mambabasa ang lakbay-sanaysay?
4. Sang-ayon ka ba sa obserbasyong kailangan mong lumayo upang lubos na
makilala ang iyong pinanggalingan? Pangatwiranan ang sagot.

TAYAHIN

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng


katotohanan at isulat naman ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

_________1. Sa pagsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay, nararapat


lamang na saliksikin muna ang lugar na pupuntahan.

9 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
_________2. Ang lakbay-sanaysay ay pumapatungkol lamang sa lugar.
_________3. Ang lakbay-sanaysay ay parang isang diary.
_________4. Tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay ang isang lakbay-
sanaysay.
_________5. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang sagutin ng manunulat
ang mga sumusunod na tanong: Ano? Saan? Bakit? Sino? Kailan?
at Paano?
_________6. Hindi isang popular na sulatin ang lakbay-sanaysay.
_________7. Sa paglalakbay nangangailangan na danasin ang lahat ng nasa
paligid.
_________8. Iwasan ang paggamit ng mga cliché o gasgas na paglalarawan
habang nagsusulat ng isang lakbay-sanaysay.
_________9. Iwasan din ang paggamit ng mga salita o pararilang hindi naman
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
_________10. Nangangailangan ng paggawa-gawa o pag-imbento ng mga
impormasyon sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
_________11. Maaaring gumamit ng iba’t ibang estilo ng pagkakasulat ng lakbay-
sanaysay.
_________12. Upang maging mahusay ang pagkakasulat ng lakbay-sanayasay
gumagamit ito ng mga malalalim na salita ang isang lakbay-
sanaysay.
_________13. Nangangailangan na nakatatawa ang tono ng lakbay-sanaysay.
_________14. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mga mambabasa.
_________15. Hindi nangangailangang planuhin pa ang organisayon ng
lakbay-sanaysay.

10 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

11 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mar Anthony S. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang: Akademik.
Makati City. Diwa Learning System Inc. pp.48-51

Kawasan Falls ni Jan Moises Estrada (Accessed July 17, 2020).


https://froilanmorenodotblog.wordpress.com/.

12 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul4_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa :

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like