You are on page 1of 17

SJA LEARNING MODULE

SUBJECT AND GRADE LEVEL Filipino 7 TEACHER: Louis Alexis P. Vargas

QUARTER 1 WEEK 1 Title of the Module (Subject Description)
(Precise & clear)
CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.

PERFORMANCE STANDARDS: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang

proyektong panturismo.

FORMATION STANDARDS: (OP-Siena Graduate Attributes)

 Truth-seeker- One who seeks the TRUTH through assiduous study across disciplines.
 Community-builder- One who demonstrates the ability to work with a diverse group of
people for a common goal.

SOCIAL MEDIA PLATFORM: Zoom, YouTube, Google Classroom

I. NEED TO KNOW

INTRODUCTION

Sa araling ito ay mararanasan mong bumalik sa nakaraan sa panahon ni Usman, isang alipin
na nabuhay sa panahon ng isang malupit ng sultan. Samahan si Usman sa kaniyang buhay
at unawain ang mga kaugalian, at buhay ng mga tao sa sinaunang Maguindanao. Sama-
sama nating tuklasin ang kultura ng Maguindanao at isabuhay ang mga aral na ating
mahihinuha sa araling ito.

Table of the Lesson MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCS)

(Week of the Quarter) 1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng
lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan.
2. Nasusuri ang katangian at element ng mito, alamat,
st
Week 1 / 1 Quarter kuwentong-bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, kaisipanat
(3 meetings) mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 1

pamumuhay at iba pa)

● Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga

kaganapan sa iba pang lugar ng bansa
● Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng
tradisyon at akdang pampanitikan batay sa napanood
na kuwentong-bayan.
● Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na
pinagmulan ng alinman sa mga kuwentong-bayang
nabasa, napanood o napakinggan.
● Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay
salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito.

II. NEED TO CHECK

Pre-Test
A. Ilang araw pa mula ngayon ay tiyak na magkakaroon na kayo ng
pagkakataong pumili ng magiging pinuno o lider para sa inyong silid-aralan.
Mahalagang pumili kayo nang tama upang matiyak na magiging maayos ang
kalagayan ng inyong klase. Ano-ano ba para sa iyo ang mga katangian ng isang
mabuting pinuno o lider? Punan ang mga kahon at sa mga linya ay sumulat ng
maikling paliwanag sa bawat katangiang isasagot mo.

Para sa akin, ang isang mabuting pinuno o lider ay …

c
dahil ______________________________

dahil _______________________________

dahil ______________________________

dahil _______________________________

dahil ______________________________

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 2

Lesson Number: __1__ TOPIC/TITLE: Si Usman, Ang Alipin

LEARNING OBJECTIVES: (UNPACKED COMPETENCIES)

1. Nakapaglalarawan ng isang karapat-dapat na pinuno (PP7EP-la-1)

2. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga panyayari sa iba pang llugar sa
bansa (F7PB-la-b-1)

3. Naisusulat aang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o

kaugalian ng lugar na pinagmulan nito (F7PU-la-b-1)

4. Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap

(F7PT-Ia-b-1)

III. NEED TO CONNECT

A. Sino ang iyong paboritong pinuno o lider? Bakit mo siya hinahangaan? Sa tingin mo
ba ay taglay niya ang mga katangiang isinulat mo sa naunang gawain? Ilarawan mo ang iyong
paboritong pinuno o lider sa ibaba.

__________Ang Aking Paboritong Lider_________

_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

IV. NEED TO DISCOVER

Pagmasdan ang editorial cartoon na nasa ibaba. Suriin ang nilalaman ng
editorial cartoon. Tungkol saan ito? Ano ang sinisimbulo ng bawat karakter sa cartoon?
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol sa editorial cartoon.

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 3

 Ano ang maaaring maging resulta kung mali ang pinunong ating pinili?
_______________________________________________________________________

 Paano makaiiwas sa pagpili ng maling pinuno?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

V. NEED TO DISCUSS

Paglinang sa Talasalitaan

A. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa

pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.

a. pagdadabog c. pagkainis
b. pagmamakaawa d. pagsigaw

2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinansin ng ama.

a. pagsigaw c. panunuyo
b. pag-iyak d. pagkagalit

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 4

3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.
a. nagmamalaki c. galit nag alit
b. nanghihina d. nauupos

4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian.

a. nasaktan c. nahirapan
b. nasugatan d. namatay

5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang bago nilang sultan.

a. naitanong c. napagpasiyahan
b. nalaman d. napag-usapan

B. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin ayon sa

gamit nito sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot mula sa mga salita
sa hanay B at saka isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.

________1. Matapang, malakas, mataas, at a. makulong

kayumanggi ang binatang si Usman b. malayo
c. malupit
________2. Nais ng sultan na maglaho sa d. maputi
kaharian ang lahat ng binatang nakahihigit sa e. mamalagi
kanya sa kakisigan.

________3. Gumawa ng paraan ang mag-

kasintahan upang makalaya sila mula sa
bilangguan.

________4. Dahil sa pagkakakulong ay higit na

naging malapit sa isa’t-isa ang mag-kasintahan.

________5. Nakita ng mga mamamayang

mapagmalasakit pala sa mga nangangailangan
ang kanilang sultana.

C. Basahin at suriin ang sumusunod na mahalagang kaisipan.

“Ang anumang kakulangan

o kapintasang taglay mo,
hindi dapat maging hadlang
sa iyong pagiging maabuting tao.”

Ano sa tingin mo ang kahulugan ng mahalagang kaisipan na iyong binasa? Sumasang-

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 5

ayon ka bas a kaisipang ito? Ipaliwanag ang iyong naintindihan at sagot sa ibaba.

______________________________________________________________________

Pagbasa ng Kuwentong-Bayang “Si Usman, Ang Alipin”

Basahin ang kuwentong-bayan ng Mindanao na pinamagatang “Si Usman, Ang Alipin”

Intindihing mabuti at sagutin ang mga tanong ukol sa kuwento. Maaari ring pakinggan
ang pagsasalaysay ng kuwentong-bayang ito sa pamamagitan ng YouTube link sa
ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI

“Si Usman, Ang Alipin”

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampulna,
isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang

nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang
nananahanan siya sa malayong sultanato at
isa siyang alipin. Matapang, matas at
kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita

sa palengke malapit sa palasyo ng
namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y
malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo,
nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang
anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang
mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig
kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay
patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama
siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta
sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 6

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang
anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit
hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng

lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga
guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon,
nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos
na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina
Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan
para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa
dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook.
Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang
biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan.

Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang
tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si
Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si

Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at
Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si
Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay
naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa

buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 7

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan Batay
sa Pagkakagamit sa Akda

Makabuluhang Pangungusap

ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

D. Isulat sa angkop na hanay sa ibaba ang mga bagong salita o salitang hindi mo alam
ang kasingkahulugan mula sa binasang kuwentong-bayan. Pag-isipan ang
kahulugan ng mga salitang ito batay sa pagkakagamit sa binasa. Isulat sa angkop
na hanay ang kahulugan nito at saka gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Pagpapalalim
Ang mga kuwentong-bayan tulad ng “Si Usman, Ang Alipin” ay mula pa sa
mga sinaunang henerasyon ng ating mga ninuno. Ang mga ito ay ipinapasa
sa sumusunod na heneerasyon gamit lamang ang pagsasalaysay. Ang
mga kuwentong-bayan ay sumasalamin sa kultura ng lugar kung saan ito
nanggaling. Sinasalamin nito ang mga ideya, kaugalian at kalagayang
panlipunan ng mga tao sa pinagmulang lugar.

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 8

E. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang mga sagot sa MS Word at gamitin ang sumusunod na pormat sa

pagsulat.

Pormat ng Pagsusulat:
Font Style: Times New Roman
Font Size: 12
Page Layout: Letter

Ilagay ang iyong buong pangalan, baitang at seksyon sa kaliwang-itaas na bahagi

ng dokumento. Ipadala ang file sa Google Classroom ng inyong klase.

1. Ano-ano ang mga katangian ni Usman? Bakit kahit wala naman siyang nagawang
kasalanan ay ipinabilanggo siya ng sultan?

2. Paano mo ilalarawan ang sultan bilang isang pinuno? Ano kaya ang mangyayari sa
isang pamayanan kung katulad niya ang magiging lider o pinuno? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

3. Bakit nagmakaawa si Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan, upang pakawalan
si Usman?

4. Sa halip na pagbigyan ang anak, ano ang ginawa ng sultan?

5. Paano mo siya ilalarawan bilang ama?

6. Paano nakaligtas ang magkasintahan sa tiayak na kamatayan?

7. Kung ikaw ang anak ng sultang ito, ano-ano ang mga gagawin mo upang mapag-
isipan ng iyong ama ang maling ginagawa niya at baka sakaling magkaroon ng
katahimikan hindi lamang sa inyong tahanan kundi maging sa kahariang kanyang
nasasakupan?

8. Paano nagbago ang kaharian nang sina Usman at Potre Maasita na ang naging
sultan at sultana?

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page 9

VI. NEED TO GENERALIZE

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

10
A. Pangganyak na Katanungan
Ang kuwentong-bayang “Si Usman, Ang Alipin” ay hindi lamang tungkol sa pagiging
mabuting pinuno, tungkol rin ito sa pagtrato ng maayos sa mga taong nasa paligid mo.
Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sumusunod na katanungan ukol sa binasang
kuwentong-bayan. Isulat ang iyong sagot sa mga inilaang linya.

1. Anong mga katangian ni Usman ang dapat na taglayin ng isang mabuting pinuno
o lider?
_______________________________________________________________

___________________________________

2. Bakit mahalagang igalang at bigyang-halaga ang bawat tao, anuman ang

kalagayan o katayuan niya sa lipunan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

B. Ugnayan ng Tradisyon at Akdang Pampanitikan

Ang panitikan ay sumasalamin sa tradisyon ng isang lahi. Suriin ang ugnayan

ng tradisyon sa binasang akdang pampanitikan. Punan ang mga linya ng
hinihinging kasagutan sa sumusunod:

Paano ipinakita ni Potre Maasita ang

Sa tradisyong Muslim, tradisyong ito sa pakikitungo niya sa
napakalaking respeto ang kanyang ama? _____________________
iniuukol sa kanilang mga __________________________________
pinuno at nakatatanda.
__________________________________
__________________________________
Sa tradisyong Muslim, ang
Ano-ano ang ginawa ni Sultan Zacarias sa
anumang uri ng pang-
kanyang anak na si Potre Maasita na
aabuso sa kababaihan
nagpakitang hindi siya sumunod sa
tulad ng pang-aabusong
tradisyong ito? _____________________
emosyonal, pisikal, at
__________________________________
sikolohikal ay
__________________________________
ipinagbabawal.
__________________________________
__________________________________
Sa tradisyong Muslim, ang Paano naiugnay ang tradisyong ito sa
babae ay may karapatang ginawang pagpili ni Potre Maasita kay
tumanggap o tumanggi sa Usman para maging asawa niya?
alok na kasal. Hindi siya __________________________________
maaaring piloting __________________________________
magpakasal nang hindi __________________________________
ayon saVII. NEED TO
kanyang APPLY/ VALUES INTEGRATION/ LIFE EXPERIENCE
__________________________________
kagustuhan. __________________________________

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

11
Paglalagom

A. Baon ang kaisipang ito, ano ang gagawin mo kapag nalagay ka sa sitwasyong
magbibigay-diin sa isang kakulangan? Isulat sa inilaang espasyo ang iyong
sagot.

 Medyo kulang ka sa tangkad. Naiisip mong kung matangkad ka lang sana ay mas
marami ka pang puwedeng gawin tulad ng pagsali sa basketball team ng paaralan o
pagsali sa mga patimpalak pampagandahan. Ano ang magagawa mo para maging
makabuluhan pa rin ang iyong buhay kahit pa hindi mo magawa ang mga karaniwang
nagagawa ng mga taong matatangkad?
_____________________________________________________________________

 Ang iyong magulang ay laging umaakyat sa entablado sa tuwing matatapos ang taon
para magsabit ng medalya sa iyong mga kapatid. Tanging ikaw lang sa inyong apat
ang hindi nakapag-uuwi ng medalyang nagpapakita ng pangunguna sa kalse. Kahit
hindi pang-medalya ang mga numero sa report card mo tiyak na may magagawa ka
para maging proud din sa iyo ang magulang mo. Ano ang puwede mong gawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

 Ordinaryong empleyado ang iyong maga at maybahay naman ang iyong ina. Sapat lang

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

12
ang kita nila para sa mga pangangailangan ng pamilya ninyo kaya hindi ka nila
naibibili ng lahat ng gusto mo. Ano ang maggawa mo para hindi maging hadlang sa
pagtatagumpay mo ang kakulungang ito ng inyong pamilya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

VIII. NEED TO ASSESS

A. Sagutin Natin
Maghinuha sa kaugalian aaaat kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan sa kuwentong
“Si Usman, Ang Alipin”. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan.

Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay…
a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
c. katatagpuan ng kayamanan aat mahahalagang pilak.
d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman

2. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang
lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.
Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa
pahayag na ito na…
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. kinatatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
d. masipag at mapagmalaki ang sultan

3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin
nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay…
a. matigas ang kalooban c. mapagtimpi
b. mapaghiganti d. matalino

4. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

13
ng lalaking labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na…
a. matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok.
b. mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan.
c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa balita.
d. malakas ang kanyang loob at hindi siya basta ssumusuko.

5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugaar ay hindi nag-\dalawang isip

sina Usman at Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang
bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mahihinuhang ang
taumbayan ay…
a. naggalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit
na pinuno.
b. nag-aalala nab aka ang susunod na pinuno ay malupit ding tulad ng nauna.
c. namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang
hitsura.
d. nagbabakasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang
mayaman ang bawat isa sa kaharian.

B. Sagutin Natin B
May ilang pangyayari sa binasang maaaring iugnay sa mga pangyayari sa iba pang
lugar sa bansa. Mag-isip ng maaaring iugnay sa sumusunod na mga pahayag at saka
isulat sa mga linya.

1. Isang makapangyarihang sultan ang nagpapatupad ng mga kautusang hindi

makatarungan at sinusunod naman ng kanyang mga tauhan.

Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.

2. Ang kalikasan na ang gumawa ng paraan upang maputol ang kasamaan ng isang
makapangyarihang pinuno o lider.

Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

14
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________

3. Nang magkaroon ng lindol sa kanilang lugar, hindi nagdalawang-isip sina Usman at

Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta.

Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Kahit na hindi sang-ayon si Potre Maasita sa malupit na utos ng sultan na ikulong si

Usman, hindi siya nagalit basta basta at nakipag-usap ng maayos sa sultan.

Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Nang malamang may mabuting kalooban ang bago nilang sultan at sultana ay labis
itong ikinasiya ng mga taumbayan..

Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

15
IX. NEED FOR MORE ACTIVITIES

Ang mga kuwentong-bayan aay mahalagang bahagi ng ating kultura. Sinasalamin kasi nito
ang tradisyon o kaugalian sa lugar na pinagmulan nito. Pumili ka ng isa sa mga kuwentong-
bayang nakatala sa ibaba at saka sundin ang sumusunod na mga panuto:

 Mga Kuwentong-Bayang Tagalog

o Si Mariang Makiling
o Si Malakas at Maganda
o Mga Kuwento ni Juan Tamad
 Mga Kuwentong-Bayan sa Bisaya
o Ang Bundok ng Kanlaon
o Ang Batik ng Buwan
 Mga Kuwentong-Bayan sa Mindanao
o Si Manik Buangsi
o Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy
o Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama, at ang Munting Ibon

1. Maghanap ka sa inyong aklatan o sa Internet ng sipi o kopya ng napili mong kuwentong-

bayan.
2. Basahin at unawain mo itong Mabuti.

3. Mula sa iyong binasa ay magbigay ka ng mga patunay na ang kuwentong-bayan ay

sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

__________________________________________________________________________

4. Pagkatapos mong maisulat ang mga patunay ay maaaring naiisip mon a ang kahalagahan
ng pagpapanatiling buhay sa mga kuwentong-bayan. Maglahad ka sa ibaba ng limang
paraan upang mapalaganap at mapanatiling buhay ang mga kuwentong-bayan lalo na sa
mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

 ______________________________________________________________________
 ______________________________________________________________________
 ______________________________________________________________________
 ______________________________________________________________________

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

16
 ______________________________________________________________________

⮚ Answer Key (Assessment)

Paglinang sa Talastasan (A) Paglinang sa Talastasan (B)
1. b 1. d
2. b. 2. e
3. c 3. a
4. d 4. b
5. b 5. c

Sagutin Natin (A)

1. A
2. B
3. A
4. D
5. A

Learning References

o Stewart, James. “Maguindanao.” Encyclopedia.com 1996. Accessed June 25,

2020. http://www.encyclopedia.com/doc/1G2-3458000839.html.

o “Women in Islam.” WhyIslam. Accessed June 25, 2020. http://www.whyislam.org?

on-faith/status-of-women/ .

o Baisa-Julian, Ailene, Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, and Alma M.

Dayag. Pinagyamang PLUMA 7 (Teachers Wraparound Edition). 2nd ed. Quezon
City: Phoenix Publishing House INC., 2018.

SJA Gr. 1 English Module: Ms. Maria Kristina P. Rosales Page

17

You might also like