You are on page 1of 20

7

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 8:
Datu Matu-Dula
Filipino – Baitang 7
Kwarter 1 – Modyul 8: Datu Matu – Dula mula sa Sulu at Lanao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Analiza P. Astillero
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng
modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Datu Matu-Dula mula sa Sulu at
Lanao

Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka? Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan! Sabik ka na ba
sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.
Sa gawaing ito, isa pang uri ng panitikan ng Mindanao ang iyong tutuklasin, ang
dula na pinamagatang Datu Matu. Upang higit mo itong maunawaan at
mapahalagahan ay pag-aaralan din natin ang tungkol sa pagsusuri ng
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari.

Sa modyul na ito, inaasahan na


nasusuri mo ang
pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari batay sa sariling
karanasan.

Layunin

1
Sa pagkakataong ito, tuklasin mo
kung may alam ka sa mga tradisyon at kaugalian ng mga
kapatid nating Muslim.

Basahin natin.

Alam mo ba na…

ang Pag-Islam ay kahalintulad ng pagbibinyag ng mga Kristiyano. Ito ay


kinapapalooban ng tatlong seremonya.
Una, pagkapanganak ng sanggol ay babasahan ng adzan (dasal ng
Muslim) upang ikintal sa bata na ipinanganak siyang Muslim at ang una niyang
maririnig ay pangalan ni Allah, ang kinikilala nilang Diyos.
Ikalawa, ang penggunting o pegubad, ginagawa ito pitong araw
pagkapanganak ng sanggol. Dito ay naghahanda ang magulang dahil sa
pagkakaroon ng anak.
Ikatlo ay ang Pag-Islam, na ginagawa kapag ang bata ay nasa pagitan
ng pito hanggang sampung taong gulang.Tampok dito ang pagtutuli sa mga batang
lalaki. Sunnah naman ang para sa mga babae. Ito ay ginagawa upang alisin ang
dumi sa kanilang pag-aari.

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Gawain – Piliin Mo!

Panuto: Piliin sa kolum B ang mga salitang hiram na tinutukoy sa kolum A.


Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A B
______1. Pag-Islam a) Dasal ng Muslim

2
______2. Adzan b) Ginagawa ng pitong araw
______3. Allah pagkapanganak sa sanggol
______4. Sunnah c) Pagbibinyag ng Muslim
______5. Pegubad d) Paglilinis sa mga batang
Muslim na babae
e) Kinikilalang Diyos ng Muslim
f) Babaeng Muslim

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong tukuyin ang mga


seremonyang isinasagawa kaugnay ng Pag-
Islam.

Halika, may inihanda pa akong babasahin para


sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Alam mo ba na…
ang dula ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan? Ito ay
naglalarawan ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o
malungkot.

3
May ilang paraan ng pagsasadula. Ang ilan sa mga ito ay ang dulang
panradyo at dulang pantanghalan.
Sa dulang panradyo ay hindi nakikita ang mga gumaganap. Sila ay
naririnig sa pamamagitan ng radio.
Samantalang ang dulang pantanghalan naman ay itinatanghal sa
entablado. Nakikita ang mga gumaganap sa isang dulang pantanghalan.

Basahin at unawain mo ang kasunod na


bahaging dulang “Datu Matu”. Ito ay
naglalarawan ng kaugalian ng ilang kapatid
natin sa Mindanao.

Kalilang
(Bahagi ng dulang Datu Matu)

Taumbayan:
(Awit at sayaw)
Tayo’y magsaya sa kalilang
Magtugtugan,magsayawan
‘pakita ang sagayan
Tugtugin ang kulintang
Paliparin ang sambolayan
Masaya ngayon!

Si Khalid, binata na
Panahon na, tuliin siya
Sa kalinisan pagpalain
Sa langit pakikinggan
Sa harap ni Allah at ng bayan

(Papasok si Datu Matu)


Si Datu Matu
Sa Gumbaran namumuno
Makapangyarihan, makatarungan
Sinusunod tinitingala
Sa kaniya umiikot mundo’t bayan
Buhay, ang gabay.

4
Datu Manu:
Assalamo. Allaikum.

Taumbayan:
Allaikum Assalam

Abu:
Datu. Si Datu Awalo ng Biwang.

Datu Matu:
Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo. Isang malaking karangalan.
Nawa’y maging simula ito ng pagbibigkis ng ating lakas.

Awalo:
Datu Matu, pagare aken. Wala akong ibang sadya rito kundi makiisa sa
pagdaraop ng ating mga palad at damdamin.

Datu Matu:
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang magkaibigan. Hindi
maiwasang nagkaalitan nang kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang
dahilan upang di maghilom ang naiwang sugat at muling maging
magkaibigan.

Taumbayan:
Datu Matu, Datu Matu
Tuldok sa gitna ng bilog
Taluktok ng aming bundok
Buhay sa iyo’y umiikot

Datu Matu: Ituloy ang kalilang.


Datu Manu, Datu Manu
Sinusunod, tinitingala
Iginagalang na pangulo
Mapalad ang aming bansa.

Datu Matu:
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-Islam ng aking binatang si
Khalid. Ngayon nama’y marangal kong ibabalita sa inyo ang pagdaraop ng
palad ng aking anak na si Tarintang at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk.
Magsisilbi itong tatak, mahigpit na pagkakaisa ng ating dalawang bansa.

Awalo:
Magkapatid tayo mula pa man. Lubos akong naliligayahan.

Datu Matu:
Ituloy ang kalilang.

Taumbayan:
Ang kuwento ni Bantugan habang hinahabol sa Lawanen, kuwento ni

5
Pilandok, tuso, laging panalo. Kuwento ng Indarapatra, mas malawak.
Kuwento ng Rajah Magandiri at ang mga tumulong sa kaniyang mga unggoy.

Abu:
Ang pakikipagsapalaran ni Pilandok upang makapon ang mga walang tuli na
dayuhang unggoy. (Magtawanan.) Da a orak.

Taumbayan:
Swer. Swer, swer. Swer….(Tawanan)

Bapa Salilang:
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao lalangoy matapos itaboy ni
Pilandok, isubok. (Mga reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig sa buwan.
May sinasabi ang buwan. (Katahimikan) O sige na, tumahimik ang lahat,
walang bibig na bubuka, walang matang kukurap, mga tenga’y iinat.
Aaaoomm..(Reaksiyon.)

Datu Matu:
Bapa! Handa na si Khalid sa ipa-tulod. Inaasahan na magiging isang
matapang
na mandirigmang magtatanggol ng bansa. At lalong inaasahan ang pagiging
tapat bilang isang ganap na Muslim, Allahu Akbar!
(Ipatulod) Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong
mga mandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.

Bapa Salilang:
O, tohan Ami. O, marina. Pangalagaan si Khalid, anak ni Datu Matu. Naririto
ang isang agimat upang madaling mahilom ang sugat, upang walang
masamang espiritu sa iyo sisilong, upang bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!

Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang Khalid lilinisin sa Pag-Islam Magsayawan,
magtugtugan. Onor ritmo’y pgsasaluhan Ipatulod nangangahulugang ganap.
(Mga tunog ng riple. Tunog ng tambol)
Mula sa: Filipinos: Writing Philippine From the Regions,p. 532-53

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

6
Ipagpatuloy mo.

Ayon sa dula, paano


magiging ganap na
Muslim sa Khalid?

Magbigay ng tatlong
katangian ni Datu Matu.

Anong gawain ang isinasagawa


kaugnay ng Pag-islam ang may
pagkamakatotohan batay sa
sariling karanansan?

Yehey!
nasusuri mo na ang
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay
sa sariling karanasan.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

7
Simulan mo na ang iba’t ibang
gawain.

Pagsasanay 1
___________________________________
Panuto: Piliin sa kolum B ang mga
salitang hiram mula sa dulang Datu Matu na
tinutukoy sa kolum A. Isulat sa sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.

A B
______1. Datu a)sumasainyo ang kapayapaan
______2. Rajah b) Si Allah ay dakila
______3. Assalamo Allaikum c) sumasainyo rin ang
______4. Allaikum Assalam kapayapaan
______5. Allahu Akbar d) tawag sa pinuno sa Mindanao
e) Kinikilalang Diyos ng Muslim
f) nangangahulugang hari

Kamusta ang unang pagsasanay?


MADALI ba o MAHIRAP?
15.
Tingnan ang sagot sa pahina ____.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa
pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay
MAHUSAY! Maaari mo nang gawin ang
Pagsasanay 2
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang
hindi mo nakuha at pag-aralang muli at
pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

8
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay
ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Dula sa kasalukuyan

A-Panuto: (Dula sa kasalukuyan)


Isulat sa sagutang papel kung ano-anong pangyayari sa
dulang Datu Matu na sa kasalukuyan ay ginagawa pa rin ng kapatid
nating Muslim.Magbigay ng tatlo.

1._________________________________________________
2._________________________________________________
3._________________________________________________

B- Panuto:Ihambing ang Pag-Islam sa pagbibinyag ng mga katoliko o


iba pang pangkat ng pananampalatayang Kristiyano.Magbigay ng
dalawang sagot sa sagutang papel.

Binyag sa ibang
PAGISLAM pangkat ng
pananampalataya

PAGKAKATULAD

9
Sagot:
4.____________________________________________________
____________________________________________________
5.____________________________________________________
____________________________________________________

Ang galing-galing mo!


Natapos mo ang Pagsasanay 2
Saang pagsasanay ka nahirapan?
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong
tagumpay!

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain


upang masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Alam mo ba na…
ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian. Hindi ito nagbabago at maaaring alamin ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga
babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pangyayari,
higit na pinahahalagahan ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang
manunulat ay obhetibo. Nagpapakita ang tauhan ng pagbabago o
ugnayan ng tauhan sa kaniyang kapaligiran o kalikasan o maging ng
kaniyang pag-unlad.

10
Ang kasunod na akda ay larawan ng mga
kaganapan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Panuto: Basahin ang akda sa sunod na pahina at suriin ang mga


pangungusap.

Mindanao Isang Paraiso


Sa likod nang hindi magagandang balita sa mga pangyayari sa ilang
lugar sa Mindanao, maituturing na isa pa rin itong paraiso. Maraming magaganda
at makasaysayang lugar doon na tunay na dinarayo ng mga turista local man o
banyaga. Ayon sa ulat ng kagawaran ng Turismo sa ibat ibang rehiyon sa
Mindanao,tumaas nang mahigit 20% noong 2016 ang dumarayong mga turista.
Napakaganda ng Mindanao dahil sa mga lugar na mapupuntahan,
malabuhangin kalikasan, mayamang kultura na nagpapakilala ng identidad ng mga
taong naninirahan doon. Higit sa lahat, makahulugang pamumuhay ng mga taong
naninirahan doon. Halika na sa Mindanao at nang makita ang isang PARAISO.

Gawain:A- Batay sa akdang binasa isa-isahin ang mga pahayag / pangungusap na


nagsasaad ng katotohanan.

1.______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________

4. Ipaliwanag kung bakit nagpapahayag ang mga ito ng katotohanan.


Sagot: ___________________________________________________________
__________________________________________________________________

5.Nakatutulong ba ito sa pagpapahayag ng pagkamakatotohanan ng mga


pangyayari? Patunayan.
Sagot:___________________________________________________
________________________________________________________

11
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo
lahat na pagsasanay.
Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa
pahina 15.
Anong naramdaman mo matapos
malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa


mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Mula sa dulang Datu Matu,basahin at suriin ang pagiging makatotohanan ng
sumusunod na pangyayari mula sa mga pahayag batay sa iyong sariling
karanasan o karanasan ng ibang kakilala. Gawin ito iyong sa sagutang papel.

Pangyayari Sariling Karanasan

1)
Si Khalid, binata na
Panahon na, tuliin siya
Sa kalinisan pagpalain
Sa langit pakikinggan
Sa harap ni Allah at ng bayan.

12
2)
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati
nang magkaibigan.Hindi maiwasang nagkaalitan
nang kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang
dahilan upang di maghilom ang naiwang sugat at
muling maging magkaibigan.

3)
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa
PagIslam ng aking binatang si Khalid, Ngayon
nama’y marangal kong ibabalita sa inyo, ang
pagdaraop ng palad ng aking anak na si Tarintang
at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk. Magsisilbi
itong tatak, mahigpit na pagkakaisa ng ating
dalawang bansa.

Pangyayari Sariling Karanasan

4)
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao
lalangoy matapos itaboy ni Pilandok, isubok. (Mga
reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig sa
buwan. May sinasabi ang buwan. (Katahimikan) O
sige na, tumahimik ang lahat, walang bibig na
bubuka, walang matang kukurap, mga tenga’y iinat.

5)
Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap
ang ritwal, mga mandirigma sa kilos ng sagayan sa
paligid.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang
araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa
pahina 15.
Ilang bituin kaya ang iyong
matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagawa
 3 pataas hindi nagawa

13
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa mga akda at impormasyon
nabasa sa mga naunang Gawain.

1.Sa kabuuan, gaanong pagpapahalaga ang ginugugol ng mga Muslim sa


PagIslam?Ipaliwanag.
Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2.Paano nakatutulong ang dula sa pagpapalaganap ng pagpapahalaga sa


kaugalian ng ilang kapatid nating Muslim sa Mindanao?
Sagot:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

14
Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 3
Panimulang
Pagsubok Bilang 1-3 (Pagpipiliang Sagot)
1. c - Maraming magaganda at makasaysayang lugar
2. a - tunay na dinarayo ng mga turista local man o banyaga
3. e - Ayon sa ulat ng kagawaran ng Turismo,tumaas nang
4. d mahigit 20% noong 2016 ang dumarayong mga turista
5. b - dahil sa mga lugar na mapupuntahan, malabuhangin
kalikasan, mayamang kultura
Pagsasanay 1 - nagpapakilala ng identidad ng mga taong naninirahan
doon
1. d - makahulugang pamumuhay ng mga taong naninirahan
2. f doon.
3. a 4. Dahil gumagamit ng mga salitang tunay, ayon sa at iba
4. c pa.
5. b 5.Opo, dahil ito ay nagbibigay ng patunay o
pagkamakatotohanan ng pahayag.
Pagsasanay 2
Panapos na Pagsubok
(Pagpipiliang sagot sa 1. Makatotohanan- lahat ng mga lalaki dumaraan sa
blg.1-3) pagtutuli
2. Makatotohanan – Maraming mga bayan o bansa ang
1. Pagtutuli nagkaroon ng digmaan pero ngayon ay magka-alyansa
2. Pagbati sa kapatid na.
na Muslim 3.Makatotohanan- ginagawa pa rin sa kasalukuyan ang
3. Paggalang sa pagbibinyag, pagtutuli at pag- iisang dibdib ng dalawang
kanilang Pinuno nagmamahalan.
4. Di-makatotohanan –walang hayop o buwan na
4.Pagbibinyag bilang nagsasalita
patanggap sa kanilang 5. Makatotohanan – ang pagpapatuli ay simbolo ng
Diyos pagbibinata
5.Paghahanda ng pagkain
o pagkakaroon ng
pagdiriwang

Karagdagang Gawain

1.Ito ay umaabot ng 7 hanggang 10 taon, simula sa pagkapanganak ng isang


sanggol hanggang sa pagpapatuli nito.

2. Nakatutulong ang dula sa pagpapalaganap ng


pagpapahalaga sa kaugalian ng ilang kapatid nating Muslim sa Mindanao tulad ng
pagtutuli, pag-iisang dibdib at pagkakaibigan ng dalawa o higit pang tribu.

15
Sanggunian:

LM (Panitikang Rehiyonal 7), pahina 56-65

16
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like