You are on page 1of 16

7

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 7:
Retorikal na Pang-ugnay
Filipino – Baitang 7
Kwarter 1 – Modyul 7 : (Retorikal na Pang-ugnay)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Analiza P. Astillero
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito.
Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka
ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan
na natin!

ii
Retorikal na Pang-ugnay

Panimula:

Magandang Araw! Kumusta ka? Hangad ko ang iyong


kaligtasan at kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! Umpisahan na natin.

Sa gawaing ito, magagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay


na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali at iba pa) sa paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang araw, samantala), at sa pagbuo ng
editorial na nanghihikayat ( totoo, tunay, talaga, pero/ subalit at iba pa).
O, ano kayang-kaya ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na nagagamit mo nang


wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit
sa akda (kung, kapag, sakali at iba pa) sa paglalahad
(una, ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang araw,
samantala), at sa pagbuo ng editorial na
nanghihikayat ( totoo, tunay, talaga, pero/ subalit at
iba pa). Layunin

1
Basahin mo at tandaan ang susing salita na
kailangan upang maunawan mo ang aralin sa
modyul na ito.

Talasalitaan

ay tumutukoy sa iba't ibang bahagi


ng pagpapahayag na nagpapakita
Retorikal na
ng ugnayan ng mga pangungusap o
Pang- ugnay
bahagi ng isang tekso. Kinakatawan
ang pang ugnay sa mga pang-
angkop, pang-ukol at pangatnig.

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Kapag magpatuloy Ano kaya kung


Kung nakapagtapos tayo sa ganitong magbagong
lang sana tayo ng gawain, malamang buhay na tayo?
pag-aaral disin malulugmok tayo sa Baka marami
sana’y hindi tayo kahirapan. pang oportunidad
naghihirap ng ganito. ang magbubukas
sa atin.

2
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pinag-uusapan ng tatlo?

2. Anong damdamin ng nagsasalita ang ipinahahayag sa pangungusap?

3. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa pahayag? ( Pangkasalukuyan,


Pangnagdaan o
Panghinaharap)

4. Pansinin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, anong mga salita ang nag-
uuugnay sa
saa pinag-uusapan ng bawat isa?

5. Paano nakatutulong ang mga salitang ito sa maayo na pagpapahayag ng


pangungusap?

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
O, diba kayang –kaya mong sagutin ang mga
katanungang magbibigay ng pagkaunawa sa
retorikal na pang-ugnay

Halika, may inihanda pa akong kuwento para


sa iyo.

Basahin mo.

Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak

Ano ang inyong palagay ukol sa kuwentong ito. May isang tao na may dalawang anak
na lalaki. Lumapit siya sa nakakatanda at sinabi, “ Anak, lumabas ka at magtrabaho
sa ubasan ngayon.”
“Ayoko po”, tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparaoon.
Lumapit din ang ama sa anak na bunso at gayon din ang kanyang sinabi. “Opo” tugon
nito. Datapwat hindi naman siya naparoon. Para saiyo, sino sa dalawa ang sumunod
sa kalooban ng kanyang ama?

4
Ipagpatuloy mo.

Anong salita ang ginamit


upang ipakita ang pagsunod ng
nakakatandang kapatid sa kabila ng
pagtangi nito sa utos ng ama?

Anong pahayag ang ginamit na


nagpapakita ng di pagsunod ng
nakakababatang kapatid sa utos ng
ama?

Ano ang iyong masasabi sa


ugaling ipinakita ng magkapatid?

Yehey! Sa pamamagitan ng iyong kasagutan, nasubukan mong

gamitin ang mga salitang retorikal na ginagamit na pang-ugnay sa mga


pahayag.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

5
Alam mo ba na…

Ang retorikal na pang-ugnay ay salitang nag-uugnay ng salita o pahayag


na nagsasaad nang walang katiyakan o pag-aalinlangan sa
pagkakaganap ng kilos o kondisyon?

Narito ang mga gamit ng Retorikal na Pang-ugay:

1. Baka – Nagsasaad nang walang katiyakan.


Halimbawa:Baka hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi
siya hinamon ng kaniyang ama.
2. Sakali – Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa: Sakaling hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang
magama ay patuloy na maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama.
3. Kung – Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay
matagumpay din sila.
4. Kapag – Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.
Halimbawa: Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan
kapag araw ng Linggo.
5. Disin sana – Nagsasaad ng kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana ay
nakasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama.

6
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap


sa ibaba.
___________________________________
Pagsasanay 1

Panuto:
Basahin at kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa iyong kuwaderno.
Pagkatapos, salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at ipaliwanag kung
paano ito ginamit sa pangungusap.

1. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga
kasamahan mo,” ang sabi ng amo sa katulong.

2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang pagkakautang.

3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo para
makapagsumbong.

4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.

5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi na
niya ito kinaawaan.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 12.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

7
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay,
heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.

Pagsasanay 2

Panuto:
Basahin at unawain ang kasunod na talata. Suriin ang mga retorikal na pangugnay na
ginamit sa pangungusap ng nasabing talata. Piliin sa kasunod na kahon ang angkop
na pang-ugnay at isulat ito sa sagutang papel.

Laging nauuna ang mga estudyante sa balita __________walang pasok. Abala sila
sa pagte-text sa kanilang mga kaklase at mga kaibigan _________ ano ang puwede
nilang gawin habang walang pasok. __________ may takdang-aralin na ibinigay ang
guro ay pinag-uusapan nila __________ ano ang kanilang gagawin upang wala na
silang maging problema. Marami ang masaya __________ walang klase pero para sa
iba mas nais nilang pumasok para may matutuhan silang bago. Nag-aalala ang iba
__________ magkaroon ng pasok ng ilang Sabado upang gawing pamalit sa mga
araw na walang klase. __________ ay pumasok na lamang sila kaysa mapalitan pa
ito sa mga araw na itinuturing nilang pahinga.

Baka sakaling kapag


Disin sana kung

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

8
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
Pagsasanay 3
pagsasanay.

Panuto:
Bumuo ng pangungusap gamit ang retorikal na pang-ugnay batay
sa isinasaad na gamit nito.

1. Nagsasaad ng walang katiyakan


2. Nagsasaad ng kondisyon
3. Nagpapahayag ng pag-aalinlangan
4. naglalaman ng di –katiyakang kondisyon
5. nagsasabi ng tiyak na kondisyon

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 12.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

9
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat
sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Isulat ang buod ng kuwentong “ Ang Reynang Matapat” na tinalakay natin
akda sa nakaraang talakayan. Isulat ito nang maayos at may kaisahan ang mga
pangungusap. Gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay. Isulat ito sa isang buong
papel.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 12.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

10
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto:
Magbasa ng isang maikling kuwento ng Mindanao. Isulat ang buod
nito. Sikaping mailahad ito nang maayos at may kaisahan ang
pangungusap.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

11
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 2


1. ang kanilang buhay 1. sakaling
2. paghihinayang 2. kung
3. pangnagdaan 3. kapag
4. disin sana’y, kapag, 4. kung
baka 5. kapag
5. nagbibigay linaw sa 6. baka
pahayag 7. disin sana

Pagsasanay 1

1. kung Pagsasanay 3
2. baka Ano man kasagutan ng bata ay
3. sakali maaaring tanggapin ng guro
4. kapag
5. kung Panapos na Pagsubok

Ano man kasagutan ng bata ay


maaaring tanggapin ng guro

12
Para sa iba pang tanong at puna, mangyaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like