You are on page 1of 1

Learning Plan in Filipino 7 Q1 Week 1 Day 4

Prepared by: Milagros M. Saclauso


Gawain Bilang: 4
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sanaysay
Petsa: June ____2018
Layunin:
Naisusulat ang mga patunay na ang kwentong bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng
lugar na pinagmulan nito. F7PU-Ia-b-1
Nailalahad ang mga ahkbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng isang proyektong
panturismo. . F7EP-Ia-b-1
1. Nakakasulat ng sanaysay na nagpapatunay na ang kwentong-bayan ay salamin ng tradisyon
o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.
2. Natutukoy ang mahalagang impormasyon sa naisulat na sanaysay na nag-anyaya sa mga
turista na puntahan ang kanilang lugar o lugar na tinukoy sa sanaysay.

Sanggunian: Rex Interactive Supplemental Lesson, p.4.


Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kaugalian at tradisyon ng sariling bayan
I. Batayang Konsepto
Sanaysay – isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahayag ang sariling
kaisipan, kuru-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
Tatlong bahgi ng sanaysay:
1. Panimula
2. Katawan
3. Wakas
Halimbawa sa pagsisimula ng sanaysay:
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan
kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang
seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang
pagbibinyag ng mga Muslim. (mula sa Pagislam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim)
II. Learning for Understanding
A. Checking for Understanding
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng limang talata.
Rubrik sa Pagsulat :
1. Nasusunod ang panuntunang inilahad 1 2 3 4
2. May kaisahan 1 2 3 4
3. Nagamit ang kasanayan sa gramatikong napag-aralan 1 2 3 4
4. Kawili-wili/mag-anyaya ng mga turista 1 2 3 4
5. Nasusunod ang tamang bantas at Istruktura 1 2 3 4
KABUUAN 20 PUNTOS
B. Processing question
1. Ano- ano ang mga paraan sa pagbubuo ng panimula sa sanaysay?
2. Saang bahagi napapalawak ang ideya ng sanaysay?
3. Paano wawakasan ang sanaysay
III. Konklusiyon:
Batay sa inyong nasulat na sanaysay, anong mahalagang impormasyon mayroon ito na mag-
anyaya sa mga turista na puntahan ang inyong lugar. Isulat sa loob ng kahon;

You might also like