You are on page 1of 14

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna

AIRs - LM
Filipino 7 (Ibong Adarna: Isang Obra Maestrang Pambansa)
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Delia A. Estrada, Don Eulogio de Guzman Memorial NHS


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Isang maaliwalas at mahiwagang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral.


Ako’y lubos na natutuwa at nalampasan mo ang pag-aaral sa mga Panitikan mula
Luzon noong Ikatlong Markahan. Tiyak kong marami ka nang natutuhan sa iyong
paglalakbay sa mga nakalipas na markahan. Binabati kita sapagkat nakaabot ka na
sa Ikaapat na Markahan. Ngayon ay gagawin pa nating malaparaiso ang iyong
karanasan dito sa ating aralin.

Mahal na mag-aaral, dito sa Modyul 1 ay mapag-aaralan mo ang isa sa mga


tanyag na tulang romansa, maituturing na isang Obra Maestrang Pambansa – ang
Ibong Adarna. Mababatid mo rin ang pagkakaiba ng awit at korido at higit sa lahat
ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):

1. Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido. (F7PT-1Va-b-18)


2. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa
ng binasang bahagi ng akda (F7PB-1Va-b-20)
3. Naibabahagi ang sariling idea tungkol sa kahulugan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna. (F7PS1Va-b-18)
4. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay
ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-1Va-b-18)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nakikilala ang kahulugan ng tulang romansa.
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng korido at awit.
3. Nabibigyang-kahulugan ang di-pamilyar na salita mula sa akda.
4. Naisasalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
5. Napahahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna.
6. Nakapagsasaliksik ng mga impormasyong may kaugnayan sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

O minamahal kong mag-aaral, handa ka na ba? Kung gayon, maaari ka


nang magsimula sa mga gawaing makikita mo sa ating aralin. Narito lang ako
sa tabi mo kaya huwag kang matakot at ikaw ay aking gagabayan. Halina’t atin
nang lakbayin ang mundo ng Ibong Adarna.

1
Aralin
Kaligirang Pangkasaysayan
1.1 ng Ibong Adarna

Simulan

Alam kong nanabik ka nang pag-aralan ang ating aralin pero bago ‘yan
atin munang alamin at sagutin ang ilang mga katanungan sa ibaba na tiyak
na makatutulong ito sa pag-unawa sa bagong araling tatalakayin. Tara at
simulan na natin.

Gawain 1: Talakayin Mo!


Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan at pagkatapos ay isulat sa iyong
sagutang papel ang mga sagot.
1. Naniniwala ka ba sa mga kababalaghan?
___________________________________________________________________________
2. Anong mga kababalaghan ang nasaksihan, narinig at napanood mo?
Isalaysay ito sa 5-7 na pangungusap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano nakaapekto ang paniniwala mo upang mapatunayang totoo ang mga
pangyayaring hindi inaakalang nangyayari?
___________________________________________________________________________

Gawain 2: Hulaan Mo!


Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong pagkatapos isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.
1. Sino ang may-akda ng Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________
2. Saang bansa ito nagmula?
___________________________________________________________________________
3. Sino ang nagsalin sa wikang Tagalog o Filipino?
___________________________________________________________________________
4. Ano ang pinakapaksa ng Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________
5. Bakit kaya sinasabi nila na ito daw ang naging daan sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo? Magbigay ng patunay?
___________________________________________________________________________

Binabati kita sa napakahusay mong pagsagot. Matagumpay mong


nalampasan ang unang gawain Ngayon ay simulan na nating galugarin ang
bagong aralin huwag kang mag-alala lagi akong nandito para gabayan ka sa
iyong paglalakbay.

2
Lakbayin

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Alam mo bang…
➢ Ito ay isang epikong Pilipino
➢ Tungkol ito sa isang ibon na nagngangalang “Adarna” na nagtataglay ng
mahika na nakapagpapagaling ng anomang karamdaman sa pamamagitan ng
kaniyang tinig.
➢ Ayon kay Santillan-Castrence (1940) ang Ibong Adarna ay hango sa mga
kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Alemanya, Denmark,
Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.
➢ Ilan sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang sumusunod:
1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)
2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)
3. Mula sa Paderborn, Alemanya
4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati”
(1808)
5. Mula sa Denmark (1696)
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
7. Mula sa Malayo-Polinesyo ni Renward Brandsetter
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch
➢ Taglay ng Ibong Adarna ang motif ng cycle na matatagpuan sa mga kuwentong
bayan o folklore. Ito’y ang sumusunod: maysakit ang ina (isang reyna) isang
ama (isang hari) at kailangan ng isang mahiwagang bagay upang gumaling,
tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa. Maglalakbay
ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin)
na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang ermitanyo.
Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng
karangalan at magdaranas siya ng maraming hirap ngunit magtatagumapy
rin sa huli.
➢ Pasalaysay na tula tungkol sa pinagdaanan ng Tatlong Magkakapatid na Anak
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya.
➢ Sinasabing walang eksaktong petsa kung kelan ito ginawa ganundin ang may-
akda, ngunit may mga ilang naniniwala na ito daw ay sinulat ni Huseng Sisiw
na palayaw ni Jose de la Cruz.
➢ Binubuo ito ng 1,777 saknong at ang sukat sa bawat taludtod ay wawaluhin
at nagtataglay din ng isahang tugma
➢ Masasalamin sa akda ang pagtataglay ng kapangyarihan, pagmamahal at
pag-ibig, katapangan, katapatan at panloloko at kawalanghiyaan ng ilang
tauhan.
➢ Ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas
➢ Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at
‘di naglaon ay nakaabot sa Pilipinas kaya naman ito ay maituturing na
kuwentong-bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong may-
akda nito.
➢ Nagsimula itong maging popular sa Pilipinas nang ito ay isinalin sa
katutubong wika.

3
➢ At dahil sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil
sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong
Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

Ngayon ay sigurado akong handa ka ng sumagot sa ilang mga gawain


gamit ang kaligirang pangkasaysayan na katatapos pag-aralan.

Galugarin

Gawain 3. Hanap Salita


Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan, kasalungat, kahulugan at damdaming
nakapaloob sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

Gawain 4: Suriin Mo!


Panuto: Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna? Isulat sa sagutang papel
ang sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa


at pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin
ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
inaasahang awtput sa araling ito.

4
Palalimin

Gawain 5: Manaliksik
Panuto: Magsaliksik sa internet at sa iba’t ibang mga aklat tungkol sa iba pang ideya
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang buong
talata at isulat din sa ibabang bahagi ang pinagkunan o ang sanggunian.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput


1. Bagong Konsepto na Nakalap - 40 %
2. Pagkilala sa Sanggunian - 10 %
3. Kalinawan ng Paglalahad - 30%
4. Orihinalidad (Walang Hawig sa Kaklase) - 5%
5. Kaugnay sa Paksa - 15%

Aralin
Tulang Romansa
1.2 (Awit at Korido)

Simulan

Ang mga Pilipino ay mahiligin sa pagbabasa ng iba’t ibang anyo ng


panitikan gaya ng maikling kuwento, nobela, sanaysay at tula. Madalas na
ang binabasa nila ay tungkol sa paksang may kaugnayan sa pag-ibig at ito
ay mauuri sa tulang romansa.
Sa bahaging ito matutuhan mo ang tungkol sa Tulang Romansa kung
paano ba ito nakarating sa Pilipinas at ang dalawang uri nito. Handa ka na
ba? Ngayon simulan natin sa paunang gawain.

Gawain 1: Pagpapalawak ng Talasalitaan


A. Panuto: Magbigay ng mga susing salitang maaaring maiugnay ang salitang
nasa ibaba. Isulat ito sa bawat patlang na nasa concept map. Gayahin
sa sagutang papel.

TULA

5
ROMANSA

B. Panuto: Mula sa mga salita na naisulat mo, bumuo ng sariling pakahulugan sa


Tulang Romansa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Napakahusay! Maayos mong naibahagi ang iyong kaisipan ngayon ay


dadako na tayo sa bagong aralin

Lakbayin

Alam mo bang ang….


Tulang Romansa ay tulang tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mahal na tao. Ito ay
palasak sa Europa noong Edad Media. Pinaniniwalaang nakarating sa Pilipinas
mula sa Mexico noong 1610 ngunit naging sikat lamang ito noong 18 dantaon ng
unang nakilala ng mga katutubo imprenta at ang alpabetong Romano. Ang mga
tulang romansa rin ay naging kasangkapan ng mga Kastila sa pagpapalaganap
ng kanilang relihiyon at itoy mababakas sa simula ng kanilang mga akda. Laging
nagsisimula sa mga panalabing sa pag-aalay sa mahal na Birhen o sa isang
santo.

Nagsanib din sa tulang Romansa ang dayuhan at katutubo. Ang ilan sa mga
dahilan kung bakit may impluwensiya ng dayuhan ay ang sumusunod:
1. anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundalong Kastila
2. ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang
dayuhan;
3. ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa ang
paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong
pampanitikang ito.
4. Narito naman ang mga dahilan na ito ay may bihis katutubo.
5. Katutubo ang wikang ginamit sa mga tulang romansa
6. ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig,
tulad ng bugtong, sawikain at iba pa
7. ang mga talinghagang likas sa wika
8. ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng
pagmamahal sa magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.

6
Ang tulang Romansa kung gayon ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa
katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at
prinsesang may mga dayuhang pangalan ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
pagpapahalagang katutubo.

Mayroon tayong dalawang anyo ng tulang romansa. Narito ang kanilang


pagkakaiba.

Korido
• Binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod
• Sadyang para basahin, hindi awitin
• Ang himig kapag inawit ay mabilis o allegro dahil maikli ang mga taludtod
• Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.
• Dahil dito ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa
tunay na buhay.
• Halimbawa nito ang Ibong Adarna

Awit
• Binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod
• Sadyang para awitin, inaawit sa pagtitipon
• Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante
• Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit
na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang
kapangyarihang supernatural ang mga bida.
• Maaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit
• Halimbawa nito ang Florante at Laura.

Ngunit sa bandang huli may iisang layunin ang awit at korido, ito ay ang
bumuo ng isang tauhan na maaring hangaan at pamarisan.

Upang matiyak kung lubos mong naunawaan ang aralin, subukan


mong gawin ang kasunod na gawain.

Galugarin

Gawain 2: Ihambing Mo!


Panuto: Gamit ang Comparison Chart, paghambingin ang Awit at Korido. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel.
Katangian Awit Korido
1. Sukat
2. Himig
3. Tauhan
4. Pangyayari
5. Paraan

7
Palalimin

Gawain 3: Likha-Tula
Panuto: Gumawa ng isang tulang tradisyonal sa sagutang papel batay sa
sumusunod na pamantayan.

1. Paksa – COVID 19
2. Sukat – wawaluhing pantig
3. Kailangang may tugma
4. Binubuo ng tatlong saknong at sa bawat sakong may tig-apat na taludtod

Rubric sa Pagbubuo ng Awtput:

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Mensahe na nakapaloob
5 puntos
sa tula
Kaayusan at kalinisan ng
5 puntos
pagkakasulat
Wastong pagbabaybay at
5 puntos
pagbabantas
Pagiging malikhain 5 puntos
Kabuoan 20 puntos

Malugod na pagbati sa iyo minamahal kong mag-aaral. Batid kong


marami kang natutuhan sa modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong
kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

Sukatin

Ang husay mo kaibigan! Binabati kita dahil alam kong marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo
ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat tanong o pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng tulang romansang korido na may
__________ na pantig.
A. Wawaluhin C. Lalabindalawahin
B. Lilimahin D. Aanimin

8
_____ 2. Ano ang paksa ng Ibong Adarna?
A. Pangkalikasan C. Pansarili
B. Pangkultura D. Panrelihiyon

_____ 3. Ang salitang korido ay hango sa salitang Espanyol na “occurido” na


nangangahulugang ______________.
A. Nagbalik C. Nangyari
B. Nagwala D. Genre

_____ 4. Isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihan na karaniwang mga maharlikang tao ang gumganap.
A. Humanista C. Romansa
B. Klasiko D. Eksistensyalismo

_____ 5. Ang tulang romansa ay nakaratig sa Pilipinas mula sa Mehiko noong


_________ dantaon.
A. Ika-17 C. Ika-19
B. Ika-16 D. Ika-18

_____ 6. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


A. Sukat C. Indayog
B. Tugma D. Persona

_____ 7. Ilang saknong ang bumubuo sa Ibong Adarna?


A. 1777 C. 1787
B. 1667 D. 1877

B. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang


“Tama”, kung wasto ang pahayag at “Mali” kung hindi.
_____ 8. Ang mga tauhan sa tulang romansa ay pinangungunahan ng mga
prinsesa at prinsipe.
_____ 9. Mababakas sa tulang romansa ang dayuhan at katutubong anyo ng
panitikan.
_____ 10. Ang mga pangyayari sa isang korido ay maaring maganap sa tunay na
buhay.
_____ 11. Ang awit ay may himig na allegro.
_____ 12. Ang awit at korido ay parehong nagpapakilala ng mga tauhan na
puwedeng tularan ng mga mambabasa.
_____ 13. Ang mga tauhan sa Awit ay nagtataglay ng pambihirang kapanyarihan.
_____ 14. Ang korido ay may himig na andante.
_____ 15. Ang Ibong Adarna ay naging daan sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.

9
C. Panuto: Ipaliwanag mo ang tanong. Ilagay sa papel ang sagot. (5 puntos)

Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang Ibong Adarna? Mayroon


ba itong naidudulot na mabuti? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Napakahusay mo! Binabati kita sa


matiyaga mong pagsama sa paglalakbay at
pagtalakay natin sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. At
gayondin sa dalawang uri ng tulang
Romansa – ang Awit at Korido. Alam kong
nakapapagod maglakbay ngunit sulit
naman dahil matagumpay mong natutuhan
ang mga dapat mong malaman. Ihanda mo
nagyon ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 2: Ang Mga Tauhan ng
Ibong Adarna.

10
11
ARALIN 1.1: (Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna)
SIMULAN
Gawain 1: Talakayin Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Hulaan Mo! Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 3. Hanap Salita Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Suriin Mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Manaliksik Iba-iba ang sagot
ARALIN 1.2: (Tulang Romansa - Awit at Korido)
SIMULAN
Gawain 1: Pagpapalawak ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 2: Ihambing Mo!
Katangian Awit Korido
1. Sukat 12 8
2. Himig andante Allegro
3. Tauhan Walang kapangyarihan May kapanyarihan
4. Pangyayari Nagaganap sa tunay na Di nagaganap sa tunay
buhay na buhay
5. Paraan Inaawit Binabasa
PALALIMIN
Gawain 3: Likha-Tula
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. A 6. A 11. M 16-20.
2. D 7. A 12. T Iba-iba ang sagot
3. C 8. T 13. M
4. C 9. T 14. M
5. B 10. M 15. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 228

Baisa-Julian, A. et.al (2017). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma . Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc.

Villaverde,Sharon A. (2015) Daluyan Modyul sa Filipino 7. Malabon City:


JIMCZYVILLE PUBLICATIONS

Supplemental sa Filipino 7

Baisa-Julian, A. et.al (2014). Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix


Publishing House, Inc.

12

You might also like