You are on page 1of 13

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Kasakiman at Kaligtasan
(Saknong 226-442 ng Ibong Adarna)

AIRs - LM
Filipino 7 (Ibong Adarna: Isang Obra Maestrang Pambansa)
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Kasakiman at Kaligtasan
(Saknong 226-442 ng Ibong Adarna)

Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joralyn A. Magtoto, Aringay National High School


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Kumusta ka minamahal kong mag-aaral? Batid kong handang-handa ka na


sa pang-apat na modyul at tiyak kong hitik ka na sa mga kaalaman sa mga modyul
na pinag-aralan sa mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda
akong bagong modyul para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing
inihanda ko.
Hindi maikakaila kung bakit napako sa krus si Hesukristo. Ito ay dahil sa
isang taong taksil, si Hudas Escariote. Siya ay natukso sa tatlumpung pilak na
inialok sa kaniya ng mga taong tumututol at hindi naniniwala kay Kristo. Bakit kaya
may mga taong ang gusto ay makasakit ng kaniyang kapwa? Bakit kaya hindi nila
iniisip ang maaaring kahihinatnan ng pagtataksil? Tunay na iisa ang kanilang
layunin at ito ay ang pagnanais na sila ang bida at hindi nila nais na may makahigit
sa kanila.
Ganyang-ganyan si Don Pedro nang binubulungan si Don Diego na patayin
ang kapatid upang sila ay maging bida sa mata ng kanilang amang hari. Ito namang
si Don Diego bagama’t napaisip na dakila ang kapatid na Don Juan ay sumunod pa
rin kay Don Pedro. Tumino sa kanila ang inggit at selos sa kapatid. Hindi nila
matanggap na mas magaling si Don Juan sa kanila. Napakasama hindi ba?
Kung gayon mahal kong mag-aaral, sa Modyul 4 alamin natin kung paanong
paulit-ulit na pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang kapatid na si
Don Juan. Malalaman natin ang iba’t ibang mga kaganapan sa Saknong 226-442 ng
Ibong Adarna.
Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan ang
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) na:
1. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.
(F7PD-IVc-d-18)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nakikilala ang mga tauhan sa akdang binasa
2. Natutukoy ang damdaming ng bawat tauhan sa akdang binasa

Handa ka na bang magpatuloy mahal kong mag-aaral? Kung gayon


magpagtuloy ka na sa ating pag-aaral.

1
Aralin Panitikan: Kasakiman at
4 Kaligtasan (Saknong 226-
442 ng Ibong Adarna)

Simulan

Bago mo simulan ang modyul na ito ay alamin natin ang iyong


kaalaman na may kaugnayan sa ating aralin.

Gawain 1: Damdamin, Saloobin...Tukuyin


Panuto: Ibahagi ang sariling damdamin o saloobing namayani sa bawat larawan.
Bakit ito ang naging sagot? Isulat ito sa patlang sa baba nito.

Mga Larawan mula sa Ibong Adarna: Isang Korido (Campita et.al, 2008).

Napakahusay! Kahanga-hanga ang iyong galing at sigasig sa pagsagot


sa gawain sa itaas. Napakagaling ang pagbabahagi mo ng iyong sariling
saloobin o damdamin sa mga larawang aking ibinigay na may kaugnayan sa
atin paksa sa modyul na ito.

2
Lakbayin

Halika at sasamahan mo akong ipagpatuloy na tunghayan ang


pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe sa paghahanap at paghuli sa Ibong
Adarna na siyang nakakagamot sa sakit ng kanilang mahal na amang si
Haring Fernando. Basahin na natin!

Kasakiman at Kaligtasan
(Saknong 226-442 ng Ibong Adarna)

Tuwang-tuwa si Don Juan nang mahuli ang ibong Adarna. Nang kaniyang
mahuli ay dinala niya ito sa ermitanyo at nagpasalamat. Nabanggit ni Don Juan
na nais niyang ibalik sa dating anyo ang dalawang kapatid kaya’t pinasalok siya
ng tubig sa banga at dahan-dahang niyang ibinuhos sa batong nakapuntod.
Muling bumalik sa dating anyo ang dalawa kaya’t sila ay nagyakap. Pinayuhan
sila ng ermitanyo na magkasundo at walang dapat magtaksil.
Masayang-masaya ang tatlo nang sila ay papauwi na subalit hindi
nalalaman ni Don Juan na may masamang balak si Don Pedro sa kaniya.
Binulngan ni Don Pedro si Don Diego na patayin ang kapatid at kung patay na ay
iwan at dalhin ang ibon sa amang maysakit. Bagama’t nagulat si Don Diego, siya
ay pumayag na rin makatapos makapag-isip. Sinimulan na nila ang masamang
balak kay Don Juan. Sinuntok at tinadyakan nila ito hanggang sa hindi na matayo
ang kapatid na bunso.
Ipinagyabang ng magkapatid ang dala nilang ibon sa ama subalit nangiti
lang ang huli. Nang hinanap si Don Juan ng ama, ang naisagot lamang nila ay
ewan, Nananabik ang hari na ang ibon ay umawit subalit hindi man lamang ito
nagparinig kahit himig. Naalala na naman ang bunsong anak kaya lalo siyang
nalungkot subalit umaasang ang prinsipe ay buhay pa. Hindi maunawaan ni Don
Juan kung bakit siya ay pinagtaksilan ng kaniyang mga kapatid. Subalit nasabi
niya na ang nangyari ay kalimutan na lamang sapagkat ang mahalaga ay nakuha
na ang ibon upang gumaling ang kanilang ama. Umaasa si Don Juan na ang ibong
Adarna ay nasa kamay na ng kanilang ama.
Isang matanda ang nakakita sa kaniya at siya ay pinagpala. Ang kaniyang
mga sugat ay gumaling at himalang nanumbalik ang dating lakas ng katawang
nalamog. Siya ay pinauwi na sa Berbanya ng matanda upang abutan pa ang
kaniyang ama. Dumating na si Don Juan sa kaharian na umaasang ang ama ay
magaling na. Ang dalawang taksil ay gulat na gulat sapagkat hindi nila akalaing
darating ang kapatid at buhay pa.
Dito na nagsimulang magpasikat ang ibong Adarna. Isinalaysay niya ang
buong pangyayari mula sa paghihirap ni Don Juan sa pagkuha sa kaniya
hanggang sa pagtataksil ng dalawang kapatid at ang pagtulong ng ermitanyo sa
kaniya.
Hiniling ni Don Juan sa ama na kahit malaki ang pagkakasala ng mga
kapatid sa kaniya ay patawarin na sila. Pinagbigyan naman ng ama ang hiling ni
Don Juan subalit sa oras na sila ay umulit ay hindi na sila pagbibigyan. Naging
masaya muli ang kaharian. Pinabantayan ng hari ang ibon sa kaniyang mga anak
dahil baka makawala o mamatay ito. Bawat anak ay nagbabantay ng tatlong oras.

3
Subalit itong si Don Pedro ay muling nakaramdam ng inggit at kinasapakat na
naman si Don Diego. Sinabi niya sa kapatid na kapag siya na ang nagbabantay ay
gigisingin si Don Juan at kapag naroon na ay pagbantayin muli at huwag
halinhan. Pinakawalan nila ang ibon. Hindi ito namalayan ni Don Juan sapagkat
siya’y kulang sa tulog. Natakot si Don Juan nang malaman ang nagyayari kaya
siya ay umalis sa palasyo upang mapagtakpan ang totoong nagkasala. Nagalit ang
hari kinabukasan ng malaman ang pagkawala ng ibong kaniyang alaga. Pinatawag
ang tatlong anak na prinispe.
Agad na dumating sina Don Pedro at Don Diego. Napansin ng hari ang
pagkawala din ng bunsong anak na si Don Juan. Ayon sa dalawang
nakakatandang anak ay nawawala daw si Don Juan ay dahil baka ito ang may
kagagawan sa pagkawala ng ibon. Nagalit ang hari at inutusan ang dalawa na
hanapin ang bunsong si Don Juan. Ipinangako ng dalawa na hindi sila babalik
hangga’t hindi mahanap ang kapatid na bunso.

Mga Mahahalagang Panyayari sa Aralin…


➢ Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa ibong Adarna, sinunod niya lahat ang
bilin ng mahal na ermitanyo upang bumalik sa dating anyo ang kaniyang
dalawang kapatid.
➢ Pagkatapos ng salosalo, sinabi ng ermitanyo na madaliing umuwi ng tatlong
prinsipe upang abutan pang buhay ang kanilang ama. Binilin silang pairalin
ang pagmamahal at huwag sanang maisipang magtaksil sa isa’t isa.
➢ Habang nasa daan pauwi umiral kay Don Pedro ang inggit sa bunsong kapatid.
Hinikayat niya si Don Pedro na sumang-ayon sa maitim nitong balak. Pumayag
naman ito kahit na siya’y may pag-aaalinlangan.
➢ Pinagtulungan ng dalawa na bugbugin si Don Juan hanggang sa ito’y hindi na
makakilos at iniwan ito sa gitna ng kagubatan.
➢ Dala ng dalawang taksil na sina Don Pedro at Don Diego ang ibong Adarna pauwi
sa Berbanya. Ayaw kumanta ang ibon at pumangit bunga nito, lalong lmala ang
sakit ng hari.
➢ Samantala tinulungan ng isang matanda si Don Juan at ginamot ito, gumaling
si Don Juan sa isang iglap lamang. Lubos ang pasasalamat nito sa matanda.
➢ Umuwi si Don Juan sa Berbanya na ikinagulat ng dalawa niyang kapatid.
Umawit na ang Adarna pagkakita sa tunay na nagmamay-ari sa kaniya.
➢ Ikinwento ng Adarna ang lahat na naranasan ni Don Juan sa paghuli sa kaniya
at ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa pamamagitan ng pag-awit at
pagpapalit-palit ng kulay ng balahibo.
➢ Pinatawan ng hari ng parusa ang dalawang taksil pero dahil sa pakiusap ni Don
Juan, pinatawad ng hari ang ginawa ng dalawa.
➢ Pinabantayan ng hari ang ibon, salitan ang magkakapatid. Muling nanaig sa
puso nina Don Pedro at Don Diego ang kataksilan kaya pinakwalan ang ibon
habang si Don Juan ang bantay. Umalis si don Juan upang mapagtakpan ang
muling pagtataksil ng mga kapatid.

Mahusay! Maayos mong binasa ang mga saknong. Alam kong lubos
mong naunawaan ang mga pangyayaring nakapaloob sa binasang teksto.
Madali lang di ba? Ngayon ay magpatuloy ka na sa susunod na gawain.

4
Galugarin

Upang lubos mo pang maunawaan ang ating aralin, basahin at sagutin


ang sumusunod na pagsasanay. Tara na alam kong kayang kaya mo iyan!

Gawain 2: Pagpapaunlad ng Kaalaman


Panuto: Batay sa binasa mong buod ng aralin, sagutin ang sumusunod na tanong
sa iyong sagutang papel.

1. Sino sino ang nagtaksil kay Don Juan? Bakit kaya nila ito nagawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ilarawan ang ginawang pambubugbog ng nakatatandang kapatid kay Don
Juan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang naging itsura ng ibon pagkabigay sa hari? Bakit ayaw nitong umawit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong damdamin ang namayani kina Don Pedro at Don Diego nang dumating
si Don Juan sa palasyo na buhay pa? Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ano ang nagbunsod kay Don Juan na ihingi ng tawad ang ginawa ng kaniyang
mga kapatid? Magagawa mo din ito? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Totoo? O Di-totoo…


Panuto: Isulat ang sa sagutang papel kung ang isinasaad ng pangungusap ay
totoo at X kung hindi totoo.

_____ 1. May masamang balak si Don Pedro kay Don Juan.


_____ 2. Gusto niyang patayin si Don Juan upang umuwi nang marangal sa
kaniyang ama.
_____ 3. Hindi na nag-isip si Don Diego sa ibinulong ng kapatid.
_____ 4. Inihambing si Don Diego kay Bernardo Carpio dahil kasinlakas siya
nito.
_____ 5. Sinabi ni Don Diego kay Don Pedro na ang kapatid nilang bunso ay
dakila.
_____ 6. Hindi man lang nagalit si Don Juan sa ginawa sa kaniya.
_____ 7. Lumaban si Don Juan sa mga kapatid.
_____ 8. Nang gulapay na si Don Juan, sila’y nagtungo sa Armenya.
_____ 9. Dinala nila ang ibong Adarna sa Berbanya.
_____ 10. Halos hindi na humihinga si Don Juan nang iwan siya ng mga kapatid.

5
Gawain 4: Dugtungan
Panuto: Pagdugtungin ang mga kaisipang magkakaugnay sa HANAY A at HANAY B.
Isulat ang titik sa patlang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Biglang sumaya at umawit ang a. kaya’t pinatawad sina Don
Ibong Adarna Pedro at Don Diego.
_____ 2. Nang malaman ni Don b. ng pagbabantay sa ibong
Fernando ang totoong Adarna.
pangyayari c. pagkakita sa nagmamay-ari
_____ 3. Isinalaysay ng ibong Adarna sa kaniya.
ang mga paghihirap d. ni Don Juan sa hari.
_____ 4. Binigyan ang magkakapatid ng e. napagpasyahan niya na
takdang oras ipatapon ang dalawang anak
_____ 5. Nangingibabaw ang na nagkasala.
damdaming bilang kapatid ni
Don Juan.

Gawain 5: Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin ang damdaming inilarawan ng mga pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pananamapalataya Pagkasuklam
Mapagpatawad Nagmamakaawa
Pasasalamat Paalala

___________________ 1. “O, Birheng Inang Marilag, tanggulan ng nasa hirap,


kahabagan di man dapat ang aliping kapus-palad.”
___________________ 2. “Ito’y di naman pagsisisi o pagsumbat sa sarili;
salamat kung makabuti, ang munti kong naisilbi.”
___________________ 3. “Sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain;
kung ako man ay tinaksil kamtan nila ang magaling.”
___________________ 4. “Kaila kaya sa inyo na rito ang mga tao,
kapatid man at katoto ay lihim na kaaway mo?”
___________________ 5. “Dalangin kong taimtim kay Bathalang maawain,
ang sakit mo ay gumaling datnan kitang nasa aliw.”

Gawain 6: Ugnay-teleserye
Panuto: Gayahin ang pormat sa sagutang papel, isulat sa pangalawang kolum ang
pangyayari at pamagat ng teleserye o telenobelang may hawig sa pangyayari
sa unang kolum. Tukuyin ang damdamin / o saloobing nangingibabaw at
isulat ito sa pangatlong kolum.

Pangyayari sa Aralin Kaugnay na pangyayari Damdamin /


sa napanood na saloobing
teleserye / Pamagat nangingibabaw
1. Pagplanong pag-aagaw ng
magkapatid na Don Pedro at
Don Diego sa Ibong Adarna
2. Paghingi ng tulong ni Don
Juan sa Birheng nasa Langit
3. Pagbugbog kay Don Juan

6
4. Pagsusumbong ng Ibong
Adarna sa ginawang
pagtataksil ng dalawang
prinsipe kay Don Fernando.
5. Pagpapatawad ni Don Juan
sa ginawang kasalan ng
kaniyang dalawang kapatid

Palalimin

Wow! Napakahusay. Kaunting tiyaga pa at makakamit mo na ang


tagumpay. Natitiyak ko na kayang-kaya mo nang sumulat ng maikling liham
na naglalaman ng iyong saloobin at damdamin at paghingi ng tawad sa mga
nagawa mong pagkakamali sa iyong mga magulang.

Gawain 7: Liham Para sa Magulang


Panuto: Sumulat isang liham sa iyong magulang na humihingi ng paumanhin sa
mga nagawa mong kasalanan. Sundin ang rubrik sa paggawa ng awtput

Mahal kong Magulang,

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Nagmamahal na Anak,

RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM:


Katamtamang Di-gaanong Hindi
Kategorya Napakahusay Mahusay
husay mahusay Mahusay
10 9 8 7 6
Pagkabuo ng Nilalaman
/ katawan ng liham
Paggamit ng wika
Mekaniks (bantas,
palugit, gamit ng
malaking titik)
Paggamit ng wastong
gramatika
Maayos at malinis ang
pagkakasulat ng liham
KABUOAN:

7
Sukatin

Malugod na pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral! Napakahsay mo.


Kaunting sandali na lamang. Tiyak na handa ka na para sa isang pagtataya.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Sino ang tunay na nakahuli sa ibong Adarna?
A. Don Diego C. Don Juan
B. Don John D. Don Pedro

_____ 2. Sino ang inihalintlad kay Don Diego?


A. Bernard Corpus C. Bernie Campo
B. Bernardo Carpio D. Bernardino Castro

_____ 3. Ano ang binalak nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan?
A. takbuhan C. sundin
B. pagtaksilan D. tulungan

_____ 4. Ano ang ayaw gawin ng mahiwagang ibong Adarna?


A. lumipad C. pumunta sa kulungan
B. ibuka ang pakpak D. umawit

_____ 5. Ano ang dahilan ng kalungkutan ng ibong Adarna?


A. pag-aalala kay Don Juan C. pagpunta sa Berbanya
B. pagsasama kay Don Juan D. pagputol sa kaniyang balahibo

_____ 6. Sino ang kakantahan ng ibong Adarna?


A. Don Fernando C. Don Juan
B. Reyna Valeriana D. Don Pedro

_____ 7. Sino ang sumuri sa mahiwagang sakit ni Don Fernando?


A. ermitanyo C. mediko
B. kawal D. Reyna Valeriano

_____ 8. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa bunsong kapatid?
A. niligaw C. tinulungan
B. pinatay D. binugbog

_____ 9. Ano napansing pagbabago ng mediko sa ibong Adarna?


A. gumanda C. maliksi
B. pumangit D. nawala ang kulay

_____ 10. Ano ang katangiang umiral kina Don Pedro at Don Diego.
A. maalalahanin C. mapamintas
B. mapagpanggap D. magaling

8
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdamin o saloobin na nais ipahiwatig ng
ng mga sumusunod na pangyayari / bahagi mula sa napanood na
teleserye. Isulat lamang ito sa patlang.
Pananamapalataya Pagkasuklam
Pagmamahal sa pamilya
Nagmamakaawa
Pasasalamat Pag-aalala
hindi nawawalan ng pag-asa

_____ 1. “Alam ko po Diyos ko na nasa langit na ho ang aking anak, pero miss
na miss ko na ho siya, alam ko po na imposible pero sana po kahit
sandali lang makasama ko po siya muli.”
Kadenang Ginto (18:59)
https://youtu.be/WFWnldlW3iw
_____ 2. “Akala ko nga pera ang magiging solusyon sa mga problema natin para
maging masaya tayo, pero hindi eh! Hindi ko kailangan ang pera o ng
korona para maging masaya kasi ang totoong korona ko, si Nanay, si
Tatay, si Mamita, ikaw at si Lenlen.”
Primma Donnas: Sisters Until the End Ep. 231
https://youtu.be/nzKvSoWa2NM
_____ 3. “Magpasalamat? Ginawa mo iyon para sa iyong sarili at hindi para sa
akin! Makasarili kang tao!”
Encantadia (4:10)
https://youtu.be/uaRrMLQvE78
_____ 4. “Dulce, a-alam mo? mapopromote na ako sa farm. Magkakapera na
ako, magpapakasal na tayo, kaya huwag mo akong ilayo sa mga anak
ko, Dulce please naman.”
Babawiin ko ang Lahat: Episode 1 (2:10)
https://youtu.be/kr0smQiod7A
_____ 5. “Mira hindi ko maipapangako na tuloy-tuloy na ang aking pagnanais
na na magbago. Kailangan ko pa rin ng tulong ninyong lahat, kailangan
niyo pa rin akong bantayan, kaya tulungan mo ako anak. Tulungan mo
ako ng sa gayon di ako bumalik sa dati. Nakikiusap ako sa iyo bigyan
mo ako ng pagkakataong magbago. Huwag tayong mawalan ng pag-asa
anak”
Encantadia:
https://youtu.be/caBhgM6Dm8

Magaling! Mahusay ang ginawa mo kaibigan!


Nagawa mo ang lahat ng mga gawain at
naunawaan mo ang ating paksa sa modyul na
ito. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili para
sa susunod na modyul – Modyul 5: Hiwaga at
Pagtataksil (Saknong 443-794 ng Ibong
Adarna).

9
10
ARALIN 4: (Panitikan: Saknong 226-442 ng Ibong Adarna)
SIMULAN
Gawain 1: Damdamin, Saloobin...Tukuyin Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 2: Pagpapaunlad ng Kaalaman Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Totoo? O Di-totoo…
1. 6.
2. 7. x
3. X 8. x
4. x 9.
5. x 10.
Gawain 4: Dugtungan
1. C
2. E
3. D
4. B
5. A
Gawain 5: Tukuyin Mo!
1. nagmamakaawa
2. pasasalamat
3. mapagpatawad
4. pagkasuklam
5. pananampalataya
Gawain 6: Ugnay-teleserye Iba-iba ang sagot.
PALALIMIN
Gawain 7: Liham Para sa Magulang Iba-iba ang sagot.
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. C 1. pananampalataya
2. B 2. pagmamahal sa pamilya
3. B 3. pagkasuklam
4. D 4. nagmamakaawa
5. A 5. hindi nawawalan ng pag-asa
6. A
7. C
8. D
9. B
10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 228

Campita, V. O. et.al (2008). Ibong Adarna: Isang Korido. Manila: Vicarish Publication
&Trading,Inc.

Baisa-Julian, A.G, et al (2015). Pinagyamang Pluma 7(K to 12). Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

Candelario, M.T, et. al (2009). Obra Maestra 1: Ibong Adarna. Manila: Rex Book Store,
Inc.

Internet

https://youtu.be/WFWnldlW3iw

https://youtu.be/nzKvSoWa2NM

https://youtu.be/uaRrMLQvE78

https://youtu.be/kr0smQiod7A

https://youtu.be/caBhgM6Dm8

11

You might also like