You are on page 1of 12

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Ang Mga Tauhan ng Ibong Adarna

AIRs - LM
Filipino 7 (Ibong Adarna: Isang Obra Maestrang Pambansa)
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Mga Tauhan ng Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Florean V. Selibio, President Elpidio Quirino National High School


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Labis ang aking kagalakan sapagkat buong husay mong natapos ang mga
aralin sa nakaraang Modyul. Batid kong may paunang pang-unawa ka na sa Ibong
Adarna sa pag-aaral mo ng Kaligirang Pangkasaysayan nito. Ngayon hayaan mong
samahan kita sa isang paglalakbay sa isang malayong kaharian na puno ng mahika
at hiwaga.
Mapag-aaralan mo at makikita sa Modyul 2 ang mga hari, reyna, mga
prinsipe at mga prinsesa, mga ermitanyo at iba pa. Mga pangunahing tauhang
magbibigay ng kulay sa daloy ng koridong iyong mababasa.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) na:
1. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing
tauhan at mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVc-d-21)

Ngayon mahal kong mag-aaral, handa ka na ba? Kung gayon, maaari ka


ng magsimula sa mga gawaing makikita mo sa ating aralin.

Aralin
Ang Mga Tauhan ng Ibong
2 Adarna

Simulan

Bago ka maglakbay sa ating aralin nais kong gawin mo muna ang


sumusunod na gawain na aking inihanda para sa iyo. Huwag kang mag-alala
sasamahan at papatnubayan kita sa iyong paglalakbay.

Gawain 1: Ilarawan Mo!


Panuto: Gamit ang AKRONIM bigyang paglalarawan ang larawang nasa kahon.
Gayahin ang pormat at gumamit ng hiwalay na papel para dito.

A - ____________________________
D - ____________________________
A - ____________________________
R - ____________________________
N - ____________________________
A - ____________________________

https://gerilya.tumblr.com/post/182112114432/ibong-
adarna-painting-by-gerilya-gouache-on-paper
1
Lakbayin

Ngayon ating kilalanin ang mga tauhan at ang kanilang katangiang


ipamamalas sa koridong Ibong Adarna.

Ibong Adarna
Naninirahan sa punong kahoy ng Piedras Platas sa
kabundukan ng Tabor. Kapag umaawit, pitong ulit
nagpapalit ng iba’t ibang kulay ng balahibong ubod
rikit. Ang kanyang awit ay mabisang gamot sa may
karamdaman.

Haring Fernando
Ang maginoo at makatwirang hari ng Berbanya.
Tinitimbang ang lahat ng bagay at nililiming mabuti
ang kanyang mga balakin. Hinahangaan siya ng
kaniyang mamamayan maging sa labas ng kaharian,
maginoo man o dukha dahil sa mabuti niyang
pamamahala.

Reyna Valeriana
Kabiyak ng puso ni Don Fernando at reyna ng
Berbanya. May mabuting puso na kinagigiliwan ng
karamihan at naging gabay ni Don Fernando sa
pamamalakad sa kaharian.

Mga larawan mula sa https://www.slideshare.net/meihanuy/mga-tauhan-saibongadarna

2
Don Pedro
Panganay na anak nina Don Fernando at Reyna
Valeriana. Magiting na prinsipe na tagapagmana ng
kaharian subalit kapag nanaig ang inggit sa puso
handang pumatay kahit kapatid.

Don Diego
Pangalawang anak ng hari at reyna na may mahinang
loob. Naging sunod-sunuran sa kabuktutan ni Don
Pedro.

Don Juan
Pinakamamahal at bunsong anak ng hari at reyna.
Minana ang pagiging maginoo at makatwiran ng
kanyang amang hari. Hindi marunong magtanim ng
galit, laging pinaiiral ang pagmamahal.

Mga larawan mula sa https://www.slideshare.net/meihanuy/mga-tauhan-saibongadarna

3
Prinsesa Juana
Isang marilag na prinsesa na iniligtas ni Don Juan
sa isang mahiwagang balon sa pangangalaga ng
mabagsik na higante. Unang inibig ni Don Juan at
umibig din sa prinsipe.

Donya Leonora
Bunsong kapatid ni Donya Juana na nailigtas din
ni Don Juan sa kamay ng serpiyenteng may pitong
ulo.

Prinsesa Maria
Kaakit-akit na prinsesa ng Reino Delos Cristal na
umibig kay Don Juan. Ang tunay na pag-ibig ni
Don Juan.

• Ermitanyo 1 – Tumulong kay Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong
Adarna
• Ermitanyo 2- Gumamot ng mga sugat ni Don Juan
• Ermitanyo 3- May mga alagang hayop na nagturo kung saan matatagpuan
ni Don Juan ang Reyno Delos Cristal.

Mga larawan mula sa https://www.slideshare.net/meihanuy/mga-tauhan-saibongadarna

Ngayon ay sigurado akong handa ka ng sumagot sa ilang mga gawain


matapos mong makilala ang mga tauhan ng Ibong Adarna.

4
Galugarin

Gawain 2: Da Who?
Panuto: Tukuyin kung sino ang ipinakikilala ng sumusunod na pahayag. Hanapin
sa loob ng call outs ang tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel para
sa mga kasagutan.

Don Juan Maria Blanca Lobo

Don Diego Prinsesa Juana Higante

Don Pedro Donya Valeriana Ermitanyo

Don Fernando Haring Salermo Ibong Adarna

1. Reyna ng Berbanya _____________________________________________________


2. Prinsesa ng Reyno delos Cristales _______________________________________
3. Tusong ama na may taglay na itim na mahika ______________________________
4. Prinsipeng may mabuting pag-uugali ____________________________________
5. Isang ibong may magandang tinig _______________________________________
6. Haring may makatarungang pamumuno _________________________________
7. Pangalawa sa mga prinsipe ng Berbanya _______________________________
8. Panganay na anak ni Haring Fernando __________________________________
9. Pinaslang upang mailigtas si Prinsesa Juana ____________________________
10. Ang alagang inutusan upang hanapin at iligtas si Don Juan _____________

Ang galing mo! Natapos mo nang buong husay ang gawain. Magpatuloy
ka lamang sa kasunod pang mga gawain nang mapatibay pa ang iyong
pagkatuto. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong kasanayang
pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa
araling ito.

5
Palalimin

Gawain 3: Tauhan Tularan!


Panuto: Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong pumili ng iyong tutularan mula
sa tatlong prinsipe, Sino siya at bakit? Ipaliwanag ito sa iyong sagutang
papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 4: Idol Ko Guhit Mo!


Panuto: Pumili ng isang tauhan, pagkatapos iguhit ito, kung hindi mo kayang
gumuhit, gumupit na lamang nang isang larawan na aakma sa napili mong
tauhan. Ipaliwanag kung bakit siya ang idolo mo. Ilagay ito sa sagutang
papel.

Rubrik sa isasagawang awtput:


Kahusayan at kagandahan ng gawa 10 puntos
Kalinisan ng gawa 10 puntos
Kabuoan 20 puntos

Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Upang


matiyak kong may natutuhan ka sa Modyul na ito, ating tatayahin ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang
sagot. Gumamit ng hiwalay na papel para sa pagtatayang ito.

_____ 1. Siya ang pinunong makatarungan dahil nililimi niyang mabuti ang mga
bagay-bagay bago siya gumawa ng desisyon. Sino siya?
A. Don Diego C. Don Juan
B. Don Fernando D. Don Pedro

6
_____ 2. Sino ang butihing esposa ni Haring Fernando?
A. Reyna Juana C. Reyna Maria
B. Reyna Leonora D. Reyna Valeriana

_____ 3. Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana
na may pagkatuso, mainggitin at ganid sa kapangyarihan.
A. Don Diego C. Don Lukas
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 4. Siya ang kalawang sa sumisira sa bakal. Bahag ang buntot sa mga
pagsubok at matatakutin. Sino siya?
A. Don Diego C. Don Lukas
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 5. Sino ang anak ng mag-asawang hari at reyna na walang sariling


pagpapasya at parang maamong tupa na sumusunod sa mga utos ng
kapatid na si Don Pedro?
A. Don Diego C. Don Lukas
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 6. Pinakamamahal at bunsong anak siya ng hari at reyna. Minana niya


ang pagiging maginoo at makatwiran ng kanyang amang hari. Sino
siya?
A. Don Diego C. Don Martin
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 7. Sino siya na anak ng hari at reyna na sumisimbolo ng isang uliran at


masunuring anak sa magulang?
A. Don Diego C. Don Martin
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 8. Sino ang hari sa kaharian ng Reyno Delos Cristal na malayo sa


kaharian ng Berbanya?
A. Haring Fernando C. Haring Nasir
B. Haring Mago D. Haring Salermo

_____ 9. Pinahihirapan niya ang sinomang taong gustong hingin ang kamay ng
isa sa tatlong anak niyang prinsesa. Sino siya?
A. Haring Fernando C. Haring Nasir
B. Haring Mago D. Haring Salermo

_____ 10. Siya ay nagtataglay ng kapangyarihan ng mahika negra na ginagamit


niya kay Don Juan para masubok kung hanggang saan ang kanyang
itatagal. Sino siya?
A. Haring Fernado C. Haring Nasir
B. Haring Mago D. Haring Salermo

_____ 11. Sino ang prinsesang nailigtas ni Don Juan mula sa isang higanteng
nag-aalaga sa kanya?
A. Prinsesa Juana C. Prinsesa Maria Blanca
B. Prinsesa Leonora D. Prinsesa Teresa

7
_____ 12. Bunsong kapatid ni Donya Juana na nailigtas din ni Don Juan sa
kamay ng serpyenteng may pitong ulo.
A. Prinsesa Juana C. Prinsesa Maria Blanca
B. Prinsesa Leonora D. Prinsesa Teresa

_____ 13. Siya ang pinakamaganda sa tatlong prinsesang anak ni Haring


Salermo. Sino siya?
A. Prinsesa Juana C. Prinsesa Maria Blanca
B. Prinsesa Leonora D. Prinsesa Teresa

_____ 14. Sino ang tunay na pag-ibig ni Don Juan?


A. Prinsesa Juana C. Prinsesa Maria Blanca
B. Prinsesa Leonora D. Prinsesa Teresa

_____ 15. Sino ang ermitanyong tumulong kay Don Juan at nagturo kung paano
hulihin ang Ibong Adarna?
A. Ermitanyo 1 B. Ermitanyo 2 C. Ermitanyo 3 D. A at B

_____ 16. Siya ang ermitanyong gumamot sa mga sugat ni Don Juan. Sino siya?
A. Ermitanyo 1 B. Ermitanyo 2 C. Ermitanyo 3 D. B at C

_____ 17. Sino ang ermitanyong may mga alagang hayop na nagturo kung saan
matatagpuan ni Don Juan ang Reyno Delos Cristal?
A. Ermitanyo 1 B. Ermitanyo 2 C. Ermitanyo 3 D. A at C

_____ 18. Ito ay naninirahan sa punongkahoy na kung tawagin ay Piedras Platas.


A. Ahas B. Ibong Adarna C. Maya D. Martin

_____ 19. Saan matatagpuan ang Piedras Platas?


A. Bundok ng Apo C. Bundok ng Makiling
B. Bundok ng Arayat D. Bundok ng Tabor

_____ 20. Ano ang gamot sa karamdman ni Haring Fernando?


A. Awit ng Ibon C. Awit ng Maya
B. Awit ng Ibong Adarna D. Awit ng Martin

Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga


mong pagsama sa pagtalakay natin sa Mga
Tauhan ng Ibong Adarna. Nalinang at
naipakita mo ang iyong mga kasanayan nang
buong husay…binabati kita! Ihanda mo
ngayon ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 3: Karamdaman at Lunas
(Saknong 1-225 ng Ibong Adarna).

8
9
ARALIN 2: (Ang Mga Tauhan ng Ibong Adarna)
SIMULAN
Gawain 1: Ilarawan Mo! Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 2: Da Who?
1. Donya Valeriana 6. Don Fernando
2. Maria Blanca 7. Don Diego
3. Haring Salermo 8. Don Pedro
4. Don Juan 9. Higante
5. Ibong Adarna 10. Lobo
PALALIMIN
Gawain 3. Tauhan Tularan! Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Idol Ko Guhit Mo! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. B 6. B 11. A 16. B
2. D 7. B 12. B 17. C
3. D 8. D 13. C 18. B
4. D 9. D 14. C 19. D
5. A 10. D 15. A 20. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 228

Ang Pinaikling Bersiyon Ibong Adarna Inihanda ni Ernesto Rivera

Patnubay sa Pag-aaral ng Ang Ibong Adarna ni Mario “Guese” Tungol Merriam &
Webster, Bookstore, INC. Manila, Philippines

Hanguang Elektroniko
Mga Tauhan ng Ibong Adarna

10

You might also like