You are on page 1of 16

7

WEEK 6

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Paglalakbay at Pagsubok
(Saknong 795-1096 ng Ibong Adarna)

AIRs - LM
Filipino 7 (Ibong Adarna: Isang Obra Maestrang Pambansa)
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Paglalakbay at Pagsubok
(Saknong 795-1096 ng Ibong Adarna)
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jenaliza D. Sanguir, Tubao National High School


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral. Kumusta ka na? Nasagot

mo ba nang maayos ang mga natapos mong modyul? Mahusay. Batid kong handang-

handa ka na ulit sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa ating susunod na aralin.

Magiging kapanapanabik ito sapagkat nalalapit na ang pagwawakas ng koridong

iyong sibubaybayan. Kung gayon, atin nang subukin ang iyong kakayahan sa

pagtuklas at pagsagot sa mga inihanda kong mga gawain sa iyo.

Ang Modyul 6 ay naglalaman ng kaalaman tungkol sa paglalakbay ni Don

Juan patungong Reyno delos Cristales at kung paano nagtagumpay sa mga

pagsubok ni Haring Salermo.

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan ang

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) na:

1. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at

pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda. (F7PS- IVc-d 21)

Tiyak na Layunin:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling salita mula sa akda.

Handa ka na ba? Kung gayon, maaari ka ng magsimula sa mga gawain at

aralin.

1
Aralin Panitikan: Paglalakbay at
6 Pagsubok (Saknong 795-
1096 ng Ibong Adarna)

Simulan

Bago mo tuluyang pag-aralan ang ating aralin, nais ko munang sukatin


kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin.
Gawain 1: I-share Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan pagkatapos ay sagutan ito sa iyong
sagutang papel.

1. Nakaranas ka na bang umalis o maglakbay nang walang paghahandang


ginawa? Ano-ano ang mga bagay na napatunayan ninyo hinggil sa nabanggit
na pangyayari?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Magiging masaya kaya ang mundo kung wala tayong mga pagsubok na
nararanasan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ba ang higit na dapat hangaan sa isang bagay o tao, ang panlabas na
anyo ba nito o panloob na katangian? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pananampalataya at determinasyon sa pagharap sa mga
hamon sa buhay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Naniniwala ka bang mas mainam ang magpatawad kaysa ang magtanim ng
galit o sama ng loob sa kapwa? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Nakaranas ka na rin ba ng matinding pagsubok sa buhay? Paano mo ito
napagtagumpayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2
Binabati kita sa iyong kahusayan sa pagsagot sa mga tanong at
gawain sa unang bahagi ng ating aralin! Ipagpatuloy mo ang iyong
magandang nasimulan.

Lakbayin

Alam mo bang…

Ang paglalakbay ng tao rito sa mundo ay tunay na mahiwaga. Marami tayong


mararanasan sa ating buhay na minsan ay hindi natin lubos na maunawaan. Tayo
man sa ating buhay, dumarating man ang mga pagsubok ay nananatiling buhay sa
ating mga puso ang magpatuloy sa paglalakbay lalo’t alam nating may mga taong
handang tumulong at magmalasakit sa atin.

Kaya halina’t basahin ang mga pangyayari sa saknong 795-1096. Ang


mga saknong na sakop ng ating aralin ay ibinuod na lamang upang mas lalo
ninyong maunawaan at masagot ang mga gawain pagkatapos ng ating
pagbabasa.

Paglalakbay at Pagsubok
(Saknong 795-1096 ng Ibong Adarna)

Sa loob ng tatlong taong paglalakbay ni Don Juan sa parang at mga gubat


patungo sa Reyno delos Cristales, siya ay lalong napalayo at naligaw. May
natagpuan siyang isang matanda at dahil sa gutom ay humingi siya dito ng limos.
Binigyan ng matanda si Don Juan ng durog at bukbukin na sa itim na tinapay.
Dahil sa labis na gutom ay hindi na ito alintana ni Don Juan. Ngunit sa kaniyang
pagtataka ay napakalinamnam na parang bagong luto ang tinapay nang ito ay
kaniyang kainin. Binigyan din siya ng matanda ng pulot-pukyutan at inabutan ng
inumin sa bumbong. Muling nagtaka si Don Juan dahil sa kabila ng pag-inom nito
ay pansing hindi nababawasan ang tubig mula sa bumbong. Muling bumalik ang
lakas at sigla ni Don Juan. Nalaman din ng matanda ang pakay ng prinsipe na
hanapin at puntahan ang Reyno delos Cristales. Nagulat ito dahil sa isang daang
paninirahan dito doon ay hindi niya alam ang daan patungo sa reyno. Sa halip ay
ibinilin nitong pumunta ang prinsipe sa ikapitong bundok upang hanapin ang
isang ermitanyo. Nagbigay din ang matanda ng kapirasong baro upang marapatin
siyang paglingkuran ng ermitanyo. Bilin din nitong sabihin na ang kapirasong baro
ay galing sa isang matandang sugatan.
Habang si Don Juan ay patuloy sa paglalakbay, si Prinsesa Leonora naman
ay patuloy din sa pagtangis. Sa tuwing nalalaman niyang hindi si Don Juan ang
dumadalaw sa kaniya kundi si Don Pedro ay hindi nito pinagbubuksan ng pinto.
Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang laging sambit ng prinsesa. Nagbanta naman
si Don Pedro na may mangyayaring masama kung siya ay mabibigo sa pag-ibig
niya kay Prinsesa Leonora. Hiniling ni Don Pedro sa prinsesa na limutin na nito si
Don Juan dahil ito ay hindi na muling magbabalik sapagkat patay na.
Gayonpaman, tanging si Don Juan lang ang nasa puso’t isip ng dalaga. Sa kabila
ng tatlong taong paghihintay at pagtitiis ay hindi nito magawang pakasalan si Don
Pedro. Sa kabilang banda, nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan. Inabot pa siya

3
ng limang buwan na paglalakbay. Pitong bundok ang kaniyang binagtas bago
tuluyang makarating sa dampa ng ermitanyo.
Sa ikapitong bundok ay nasilayan ni Don Juan ang ermitanyo na hanggang
baywang ang balbas. Ibinigay niya sa ermitanyo ang kapiraso ng baro na noo’y
binigay ng matanda na nagpalimos ng pagkain at inumin sa kaniya. Nalaman ng
ermitanyo ang pakay ni Don Juan ngunit sa loob ng limang daang taon na
paninirahan ay hindi nito nababatid ang Reyno delos Cristales. Pinatugtog nito
ang kampana sa kaniyang pinto hudyat ng pagdating ng mga hayop sa Armenya
ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang
kapiraso ng baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo na ihatid ang prinsipe
sa bahay ng kapatid nito na kapwa ermitanyo. Nang makarating ay nakita niya
ang ermitanyo na sayad hanggang lupa ang balbas. Muling ibinigay ni Don Juan
ang kapiraso ng baro na siyang binigay ng naunang ermitanyo. Nalaman din ng
ermitanyo ang pakay ni Don Juan ngunit sa loob ng walong daang taon na
paninirahan nito ay hindi din niya batid ang kahariang hinahanap ni Don Juan.
Pinatugtog niya ang kampanang nasa pintuan at nagsidatingan ang laksa-laksang
ibon. Ngunit wala sa mga ito ang nakakaalam sa kinaroroonan ng kaharian.
Huling dumating ang higanteng agila na tila pagod na pagod. Nagalit ang
ermitanyo dahil mahigpit na bilin nitong sa oras na marinig ang tunog ng kampana
ay kailangang makauwi agad ang mga ibon. Humingi ito ng paumanhin at
nagpaliwanag na siya ay galing pa sa napakalayong lugar. Bagama’t napakabilis
ng kaniyang paglipad ay nahuli pa rin ito sa pagdating dahil sa kalayuan. Ang
higanteng agila ay nagmula pa sa kaharian ng Reyno delos Cristales. Isinalaysay
ng agila kung gaano kaganda at kasagana ang lugar na nais puntahan ni Don
Juan. Nagalak naman ang prinsipe dahil sa wakas ay mararating na niya ang
kahariang matagal na niyang hinahanap. Ipinag-utos ng ermitanyo na ihatid ng
agila si Don Juan sa kaharian. Ayon sa agila ay aabutin ng isang buwang paglipad
bago marating ang banyo ni Donya Maria Blanca. Ipinasama na rin ng ermitanyo
ang iba pang ibon upang dalhin ang mga gamit at pagkain ni Don Juan at ng agila
sa paglalakbay. Sumakay si Don Juan sa likod ng higanteng agila at nagsimulang
lumipad nang mataas.
Gaya ng inaasahan, nakarating ang agila at si Don Juan sa banyo ni Maria
Blanca pagakatapos ng isang buwang paglipad. Hindi tumigil sa paglipad ang agila
at naubos din ang kanilang baon na pagkain. Nang makarating sa banyong
paliguan ni Donya Maria Blanca ay bumaba si Don Juan mula sa likod ng
higanteng agila. Siya ay nagkubli sa likod ng halamanan. Ganap na alas-kuwatro
ng madaling araw ay dadating ang dalaga kasama ang kaniyang dalawang kapatid
upang maligo. Malalaman niya kung sino sa tatlo si Maria Blanca dahil natatangi
ang kaniyang kagandahan. Nagbilin din ang agila na magtago at hintayin ang
pagdapo ng tatlong kalapati sa puno ng peras. Naiwan si Don Juan at naghintay.
Sumapit ang alas-kuwatro ng madaling araw at dumapo ang tatlong kalapati sa
puno ng peras. Nakita ng prinsipe si Maria Blanca at nabihag nito ang puso niya.
Mas lalong nahaling ito nang maghubad ng damit nito. Lumusong si Maria Blanca
sa tubig at naligo. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinuha ni Don Juan ang
damit ng dalaga at pinaghahalikan ito.
Natapos nang maligo ang magkakapatid at naiwang mag-isa si Donya Maria
Blanca. Nabigla ang prinsesa nang makitang wala ang kaniyang damit at nagbanta
na papatayin ang sinomang kumuha ng mga ito. Lumapit si Don Juan sa prinsesa
at humingi ng tawad. Inihanda niya ang kaniyang sarili para sa kaparusahan na
ibibigay sa kaniya ng prinsesa. Napawi naman ang galit ng dalaga nang makita
ang maamong mukha ng prinsipe. Maging ito ay nabihag na rin dahil sa kakisigang
taglay ng binata. Nagpakilala ito bilang bunsong anak ni Don Fernando na
nagmula sa kaharian ng Berbanya. Binalaan ni Donya Maria si Don Juan na tuso

4
at matalino ang kaniyang ama na si Haring Salermo. Ang mga nagtangkang umibig
sa prinsesa ay nagiging batong palamuti sa hardin ng palasyo. Alam ni Don Juan
na dadaan siya sa matinding pagsubok ni Haring Salermo. Kailangang sundin ng
prinsipe ang bawat ipag-uutos ng hari. Habang sa gabi naman ay magkikita sila
ni Maria Blanca upang ipaalam dito ang unang pagsubok na kakaharapin.
Kinabukasan ay nagkita sina Don Juan at Haring Salermo sa hardin.
Pinapatuloy ng hari sa loob ng palasyo si Don Juan ngunit ito ay tumanggi sa halip
ay naghintay ng ipauutos ng hari. Nag-utos ang hari sa kaniyang tauhan na
kumuha ng isang salop ng trigong kakaani pa lang at ibinigay iyon kay Don Juan
upang itanim. Tuwang-tuwa ang hari dahil ang pag-aakala niya ay may
mabibiktima na naman siya. Si Don Juan naman ay umuwi nang malungkot dahil
batid niyang malabong mangyari na tumubo agad ang trigo at makapaghanda ng
tinapay para sa hari kinabukasan. Pinawi ng prinsesa ang pag-aalala ng prinsipe.
Sinabihan ng dalaga na magpahinga at matulog na lang dahil siya na ang bahala.
Ginamit nito ang kaniyang mahika blangka para tuparin ang utos ng hari. Sa
kailaliman ng gabi ay isinabog ni Maria Blanca ang trigo at agad din itong tumubo
at namunga. Pagkapos ay inani niya ang mga bunga at dinala ito sa lutuan ng
tinapay. Bago muling sumikat ang araw ay namasa na ng mga Intsik na
tagapaggawa ng tinapay ang mga trigong inani. Namangha ang hari dahil siya ay
hinainan ng tinapay na may iba’t ibang kulay at hugis mula sa isang supot ng
trigo lamang.
Nagkita si Don Juan at Haring Salermo para sa ikalawang pagsubok.
Habang nasa hardin ay may inilabas na isang prasko na may lamang
labindalawang negrito at pinakawalan nito sa karagatan. Utos ng hari na hulihin
ang lahat ng iyon at muling isilid sa prasko. Nais ng hari na makita iyon
kinaumagahan upang makaligtas sa kaparusahang kamatayan. Malungkot na
nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca dahil sa pangambang hindi niya
makumpleto ang labindalawang negrito dahil sa lawak ng karagatan. Pinayapa ni
Maria Blanca si Don Juan at inutusang kumuha ng ilaw. Nang sumapit ang
ikaapat ng madaling araw ay nagtungo ang dalawa sa tabing dagat. Ginamit ng
prinsesa ang kaniyang mahika at inutusan ang mga negrito na bumalik sa prasko
kung ayaw nilang matikman ang kaniyang galit. Kinaumgahan ay nakita ng hari
ang prasko at ang labindalawang negrito sa loob nito. Nagalit ang hari dahil hindi
niya magawang kitilin si Don Juan katulad ng ginawa niya sa ibang mga
nagtangkang manligaw sa kaniyang anak. Umisip ito ng mas mabigat na
pagsubok.

Mahusay mahal kong mag-aaral! Binabati kita sa matagumpay mong


pagbabasa sa ating aralin. Batid kong handang-handa ka sa pagsagot sa
mga inihanda kong mga gawain. Kaya’t halika ka na at magsimula.

Gawain 3: Pagpapayaman ng Talasalitaan


A. Panuto: Punan ng nawawalang titik ang patlang upang makuha ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Hindi ko napansin na bukbukin na pala ang kahoy na nabili ko.
B ___ L ____ K

2. Patuloy niyang binagtas ang kagubatan upang makarating nang maaga sa


patutunguhan.
N I ___ ___ K B _____ Y

5
3. Nababatid kong malapit na niyang makamit ang mga pangarap niya sa
buhay.
____ A L _____L ___ M ____N
4. Mabilis siyang nagkubli sa takot na makita siya ng mga pulis na kaniyang
tinatakbuhan.
N ____ G ____ A G ____

5. Agad pinawi ng prinsesa ang kalungkutang kaniyang nadarama dahil sa


pagsubok ng hari.
T ____ N A _____ _____ G _____ L

B. Panuto: Bumuo ng kaugnay na mga salita mula sa mga salitang nasa loob ng
kahon. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
1. 2.

PAGLALAKBAY PAGSUBOK

Gawain 4: Ilahad Mo!


Panuto: Gamit ang pictomap, ilahad ang naging paglalakbay ni Don Juan sa
paghahanap sa Reyno delos Cristales. Gayahin ang pormat sa sagutang
papel.

5 2

4 3

Gawain 5: Himayin Natin!


A. Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang pahayag sa
bawat bilang. Pilin sa kahon ang kasagutan at isulat sa sagutang papel.

1. Nang makita ni Don Juan ang matanda, una niyang hiningi ang
_______________.
2. Sa ____________daw ng mga bundok matatagpuan ang Reyno delos Cristales.
3. Nagtiis ng kalungkutan si Leonora sa loob ng ______________.

6
4. “O Don Juan, bakit nga ba hanggang ngayon ay wala ka?” Ang damdaming
ipinapahiwatig ng tauhan ay _______________.
5. Ang ____________ay nakaaalam ng kinaroroonan ng hinahanap na kaharian.
6. Ang pagpunta sa Reyno delos Cristales ay aabutin ng ____________________.
7. Ang ibinilin ng agila kay Don Juan bago umalis upang makatiyak ng
tagumpay ay __________.
8. Sa tatlong magkakapatid, si _______________ang pinakamaganda.
9. Itinulad ang magkakapatid sa ______________binusilak.
10. Ang sinapit ng mga taong naparusahan ng hari ay naging mga ___________.

higanteng agila ikapitong hanay pag-aagam-agam


kalapating pagkain mahigit tatlong taon
tibayan ang kaniyang dibdib tubig isang buwan
Donya Maria paghihinakit bato

B. Panuto: Batay sa binasang buod, sagutin nang may kahusayan ang sumusunod
na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit naglakbay si Don Juan patungong Reyno delos Cristales?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Naging madali ba para kay Don Juan ang kaniyang ginawang paglalakbay?
Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang may ugnayan o relasyon ang tatlong ermitanyong
tumulong kay Don Juan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bakit dapat humingi agad ng kapatawaran sa mga mali o kasalanang
nagawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Nakaranas ka na rin ba ng matinding pagsubok sa buhay? Paano mo ito
napagtagumpayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Napakahusay mo! Ipagpatuloy mo ang iyong magandang nasimulan.


Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga iba pang Gawain

7
Galugarin

Gawain 6: Suriin Mo!


Panuto: Iguhit ang ❤ sa sagutang papel kung ang sumusunod na kaisipan ay
matatagpuan sa ating aralin at ★ kung hindi.
_____ 1. Pagtitiwala’y tulad ng salamin, kapag nabasag hindi na mabubuo pang
muli.
_____ 2. Ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan, isang malakas na
pwersang hindi kayang ipagwalang bahala, puno ng katwiran, sadyang
masalimuot at dakila dahil ito ang pinakamagandang handog sa atin
ng Diyos.
_____ 3. Mahalin mo’t igalang ang iyong mga magulang.
_____ 4. Ang taong mapangahas asahan mo’t isang duwag.
_____ 5. Ang pagsubok ay isang instrumentong maituturing na daan upang
higit na maging matibay at matatag ang isang tao.

Gawain 7: Magagawa Natin!


Panuto: Mula sa buod ng akdang binasa ay masasalamin natin ang maraming
magagandang katangian ni Don Juan na naging dahilan kung bakit
napagtagumpayan niya ang mga hirap at sakit na kaniyang naranasan sa kaniyang
matagal na paglalakbay patungong Reyno delos Cristales. Sa pamamagitan ng
graphic organizer sa ibaba ay isa-isahin ang katangiang ito na kaniyang ipinamalas.
Sa nakalaang espasyo ay iyong tukuyin kung alin-alin sa mga katangiang ito ang
nais mong mahubog sa iyong sarili at bakit. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Mga
Katangiang
Ipinamalas
ni Don Juan

Ano-anong mga katangiang itinala mo sa itaas ang nais mo ring mahubog sa


iyong sarili? Bakit?
______________________________________________________________________________
Bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga katangiang ito sa pagharap
sa mga pagsubok na iyong mararanasan?
______________________________________________________________________________

8
Gawain 8: Read and React
Panuto: Sa pamamagitan ng estratehiyang Read and React ay ipahayag ang iyong
saloobin o karanasan kung ano ang iyong gagawin upang masolusyonan
ang sumusunod na pagsubok sa dumarating sa buhay ng isang tao o
pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.
Read
Laging nag-aaway ang iyong magulang dahil sa madalas umuwi
nang lasing ang iyong ama. Mayroon ding mga gabing hindi siya makauwi
sa inyong tahanan. Apektado kayong magkakapatid dahil laging mainit
ang ulo ng iyong ina.

React

2.
Read
Natanggal o nawalan ng trabaho ang iyong ama. Tatlo kayong nag-
aaral na magkakapatid sa pribadong paaralan. Tiyak na hindi sasapat
ang perang kinikita ng inyong ina upang masuportahan ang inyong pag-
aaral.

React

3.
Read
Napasama sa masamang barkada ang iyong matalik na kaibigan.
Alam ng kaniyang magulang na pumapasok siya sa paaralan araw-araw
ngunit ang totoo ay madalas siyang liban sa klase dahil kasama siya ng
kaniyang mga kabarkada.

React

Gawain 9: Kaya Mo!


Panuto: Bigyang-kahulugan ayon sa sariling karanasan ang sumusunod na
kaisipang mahahango sa ating aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kapag may tiyaga, may nilaga.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ang pagtitiwala tulad ng pagpapatawad ay hindi madaling ibigay sa isang tao
higit kung ito’y unang pagkakataon mo pa lang nakita’t nakaharap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
3. Ang pagsasabi ng tapat ay ang pagsasama nang maluwat.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 10: Pahalagahan Mo!


Panuto: Magtala ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan naranasan mong
tumulong sa isang tao, kaibigan o kakilala na lubos na nangangailangan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang isang pangyayari sa aking buhay kung saan naranasan kong tumulong
sa taong nangangailangan ay nangyari noong…
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ano ang iyong nadama nang matapos kang makatulong sa iba?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Palalimin

Gawain 11: Simbolo, Iguhit Mo!


Panuto: Gumuhit ka sa loob ng kahon ng simbolong maglalarawan sa mga
katangian ng taong madalas mong lapitan upang hingan ng payo o
tulong sa tuwing ikaw ay nakararanas ng pagsubok sa buhay. Sa
nakalaang espasyo ay itala ang iyong mga sagot sa dalawang tanong
na binanggit. Ilagay sa coupon bond.

Ang taong madalas kong lapitan sa tuwing nakararanas ako ng pagsubok ay


_____________________________dahil________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Rubrik sa Pagguhit ng Simbolismo

Mga Pamantayan Marka


1. Ang larawan ay tunay na kahali-halina dahil sa akmang
disenyo, kulay, anyo, tono, hugis, laki, at linis.
2. Akma sa hinihinging tema ang mensaheng isinasaad ng
simbolismong napili.
3. Ang larawan ay nagpapakita ng mataas na antas ng
pagiging malikhain at husay ng gumuhit.
4. Mararamdaman ang emosyon sa iginuhit dahil malinaw
na naipararating ang mensahe ng larawan.
5. Natapos ito sa takdang oras.
KABUOANG PUNTOS ( 10 pts. )

Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak


marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ilang taon nang naglalakad si Don Juan sa paghahanap sa Reyno delos
Cristales?
A. apat na taon C. tatlong taon
B. dalawang taon D. limang taon

_____ 2. Ano-ano ang ibinigay ng matanda kay Don Juan bilang pamatid ng
gutom at uhaw?
A. kanin at tubig C. tinapay at gatas
B. tinapay at prutas D. tinapay at tubig

_____ 3. Ano ang ginamit ng dalawang ermitanyo upang tawagin ang kanilang
mga hayop?
A. tambuli C. pito
B. kampana D. usok

_____ 4. Ito ang naging reaksyon ng ikalawang ermitanyo nang hindi kaagad
nakarating sa kabundukan ang agila.
A. nagalit C. natakot
B. natuwa D. nag-alala

_____ 5. Sa anong bahagi ng Reyno delos Cristales ibababa ng agila si Don


Juan?
A. sa loob ng reyno C. banyo ni Donya Maria
B. kuwarto ni Haring Salermo D. sa hardin ng reyno

11
_____ 6. Saang bahagi ng bundok sumulpot ang matandang hiningan ng tulong
ni Don Juan?
A. gitna C. batis
B. libis D. kakahuyan

_____ 7. Ano ang bagay na kinuha ni Don Juan kay Donya Maria?
A. suklay C. damit
B. tuwalya D. sabon

_____ 8. “Walang matigas na tutong sa taong gutom.” Tumutukoy ito sa taong


_____.
A. makulit C. palapintasin
B. matakaw D. gutom na gutom

_____ 9. Sino-sino ang inutusan ni Donya Maria na nagluto sa tinapay na mula


sa trigong ibinigay kay Don Juan?
A. Amerikano C. Intsik
B. Hapon D. Pilipino

_____ 10. Ano ang ikalawang pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan?
A. Pagpapatag ng kabundukan sa loob ng buong magdamag
B. Paglilipat ng bundok sa tapat ng bintana ng hari
C. Pagpapatubo ng trigo sa loob lamang ng buong magdamag
D. Pagkukulong muli sa mga Negrito sa loob ng prasko

B. Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang sumusunod na
pahayag. Isulat ang sagot sa papel.

11. Nagagalit si ___________dahil inip na inip na siyang mapasakaniya ang puso


ni Prinsesa Leonora.
12. Ibinilin ng matanda kay Don Juan na ibigay ang kapirasong baro sa
__________.
13. Ang prutas na kinain ng agila nang ito’y mapunta sa Reyno delos Cristales ay
_____________.
14. _________taon nang naninirahan ang ikalawang ermitanyo sa kabundukan.
15. Ang hayop na kahalintulad ni Don Juan nang siya’y humingi ng tawad kay
Donya Maria ay _______________.

Napakahusay mo! Binabati kita sa matiyaga


mong pagsama sa paglalakbay at
pagtalakay natin sa ating aralin. Alam kong
nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman
dahil matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman. Ihanda mo ngayon
ang iyong sarili sa kasunod na modyul –
Modyul 7: Tagumpay at Pangako (Saknong
1097-1425 ng Ibong Adarna).

12
13
ARALIN 6: (Panitikan: Saknong 795-1096 ng Ibong Adarna)
SIMULAN
Gawain 1: I-share Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Ipaliwanag Mo! Iba-iba ang sagot
LAKBAYIN
Gawain 3: Pagpapayaman ng Talasalitaan
A. B. Iba-iba ang sagot
1. BULOK
2. NILAKBAY
3. NALALAMAN
4. NAGTAGO
5. TINANGGAL
Gawain 4: Ilahad Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 5: Himayin Natin! Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 6: Suriin Mo!
1. ❤
2. ❤
3. ★
4. ❤
5. ★
Gawain 7: Magagawa Natin! Iba-iba ang sagot
Gawain 8: Read and React Iba-iba ang sagot
Gawain 9: Kaya Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 10: Pahalagahan Mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 11: Simbolo, Iguhit Mo! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. C 6. B 11. don Pedro
2. D 7. C 12. ermitanyo
3. B 8. D 13. limandaang taon
4. A 9. C 14. peras
5. C 10.D 15. tupa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 228

Filipino 7 Supplemental Lessons para sa Mag-aaral. Rex Bookstore

Elma M. Dayag et.al Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House

Supplemental Lesson Plan sa Ikaapat na Markahan Baitang 7 Ibong Adarna-Isang


Obra Maestra

Kayumanggi Baitang 7. Leo Ross Publications

Ibong Adarna: Isang Interpretasyon

Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 (with Talasalitaan)


https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/

14

You might also like