You are on page 1of 4

Lingguhang Plano sa Pagtatasa

sa Asignaturang : FILIPINO 7
Linggo 4: IBONG ADARNA (Ikalawang Bahagi- Saknong 857-1372)
Petsa: Mayo 10-14,2021
Paksa/ Gawain dapat tapusin/ gawin Puntos Pangalan at Lagda ng magulang at Puna
Nilalaman/
Bahagi
TAYAHIN Basahin at unawain ang mga panuto. (Pasulat 25 pts.
na Gawain Blg. 4)

Sagutang Papel-Ikaapat na Markahan

Pangalan: __________________________ Baitang at Seksiyon: ____________

TAYAHIN
PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA TANONG. SUNDIN ANG MGA PANUTO.

I. PAGSUNOD-SUNURIN ANG MGA INIUTOS NG HARING SALERMO KAY DON JUAN. PAGSAMA-SAMAHIN ANG MGA
DETALYE NG UTOS NG HARI SA PAMAMAGITAN NG PAGSULAT NG MGA LETRA SA PATLANG. (15 pts.)

Unang Utos: _____ ______ _______ _______ _______


Ikalawang Utos: _____ ______ _______ ______ _______
Ikatlong Utos: _____ ______ ______ ______ ______
Ikaapat na Utos: ___________ ______ ______ ______
Ikalimang Utos: _____ ______ ______ ______ ______
Ikaanim na Utos: _____ ______ ______ ______ ______
Ikapitong Utos: _____ ______ ______ ______ ______

A.Ang mga kanyon nama'y magsisiputukan wari'y may digmaan.


B.Gumawa ng matuwid na daanang mayroong mga palamuti sa magkabilang panig nito, mula sa palasyo tungo satanggulang
nilikha.
C. Alisin ang kastilyo sa gitna ng karagatan at ibalik ang bundok na siyang dati nitong anyo.
D. Ang bundok ay ilagay muli sa tapat ng kanyang bintana.
E. Paamuhin ang kabayo.
F. Ninais ng hari na matagpuan ang singsing nito.
G. Ang bundok na mataas ay tibagin at patagin.
H. Kapag napatag na ay ikalat ang trigong.
I. Ang bundok na mataas ay iusog at itapat sa bintana ng hari upang matamasa nito ang sariwang hangin
J. Dapat mamasdan ito ng hari pagdungaw sa umaga.
K. Ang bundok ay itabon sa gitna ng karagatan at gawing kastilyo. Ang mga simboryo nito ay kailangang anyong bilog.
L. Ang muog nito'y tayuan ng gulod na pitong hanay kung saan nakalagay ang mga kanyong paglalagyan ng anim na batirya at ang
mga kawal ay dapat na nasa ayos pakikibaka.
M. Dapat magisnan ang kanyang singsing sa unan paggising ng kinaumagahan
N. Itanim ito at sa gabi ding iyon ay patubuin, pamungahin, anihin at gawing tinapay upang maging pagkain ng hari sa agahan.
O. Praskong iniingat-ingatan ng hari ay may nakapaloob na 12 negritong maliliit. Ang mga ito ay pakakawalan ng hari sa laot ng
karagatan. Dapat ang mga ito'y maisilid muli sa bote kundi'y mapapahamak siya pag may isang kulang o mapalitan.
P. Kailangang magisnan ito ng hari kinabukasan sa hapag na kanyang kinakainan.
II. Magbigay ng limang karanasan na pay paghahalintulad sa karanasan ni Don Juan sa mga kamay ni Haring Salermo.
Maging tiyak sa mga sagot, ilahad muna ang karanasan ni Don Juan at saka mo ilahad ang iyong sariling karanasan.
(10 pts.)

1. Karanasan ni Don Juan:


Karanasan mo:
2. Karanasan ni Don Juan:
Karanasan mo:
3. Karanasan ni Don Juan:
Karanasan mo:
4. Karanasan ni Don Juan:
Karanasan mo:
5. Karanasan ni Don Juan:
Karanasan mo:

Lagda ng mag-aaral: ______________________________________________ Petsa: ___________


Pangalan at lagda ng magulang/tagapangalaga: ___________________ Petsa: ___________

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:


Rochelee T. Rifani Ma.
Joan D. Andayan
Guro ng Filipino
Punongguro

BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL


FILIPINO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN SY 2020-2021

I. PAKSA: IBONG ADARNA (Saknong (857-1372)


II. Kasanayang Pampagkatuto
F7PB-IVc-d-22 Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa

III. Layunin
a. Nasasagot ang mga tanong na ibibigay ng guro.
b. Nalilinang ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang
nagamit sa akda.
c. Nababasa nang may pang-unawa ang akda.

Basahin at unawain ang buod ng saknong 857-1372 ng Ibong Adarna.

Nagdaan pa ang limang buwan na paglalakbay at natapos na ang pitong ulit na paghihirap ni
Don Juan bago tuluyang nakarating sa dampa ng ermitanyo na sinasabi ng matanda.
Sa wakas ay nakita na rin ni Don Juan ang ermitanyo sa ikapitong bundok. Nagalit ang
ermitanyo dahil binulabog ito. Iniabot ni Don Juan ang barong nagmula sa matandang tumulong sa
kaniya. Nabatid ng ermitanyo ang pakay ng prinsipe.
Ngunit sa loob ng limang daang taon ng paninirahan ay hindi pa rin nito batid ang Reyno de los
Cristales. Pinatunog ng ermitanyo ang kampana at nagdatingan ang mga hayop sa Armenya subalit
wala pa ring nakakaalam kung nasaan ang reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at
inutusan ang olikornyo na ihatid ito sa bahay ng kapatid ng ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang isa
pang ermitanyo na may mahabang balbas na sayad sa lupa.
Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito. Inabot ni Don Juan ang ipinadalang baro ng
pinanggalingan nito. Nalaman din ng ermitanyo ang balak ng prinsipe. Ngunit sa walong daang taon
ng paninirahan nito ay di rin niya batid kung nasaan ang hinahanap na kaharian.
Pinatunog din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon, ngunit wala din sa mga ito ang
minsang nang nakarating sa nasabing kaharian. May isang higanteng agila ang biglang dumating.
Nagalit ang ermitanyo dahil kabilin-bilinan na kapag narinig na ang tunog ng kampana ay dapat
nakabalik na ang lahat ng ibon. Humingi ito ng tawad at sinabing nanggaling pa siya sa malayong
lugar, na kahit mabilis na ang kanyang paglipad ay hindi pa rin umabot ito. Sinabi ng ibon na siya ay
nagtungo sa Reyno de los Cristales. Ikinuwento ng agila kung gaano karikit ang kahariang gustong
puntahan ni Don Juan. Inutusan ng ermitanyo ang ang agila na dalhin doon si Don Juan. Sinabi ng
agila na ang paglalakbay ay aabutin ng mahigit isang buwan ng paglipad bago makarating sa banyo
ni Maria Blanca. Ipinasama din ng ermitanyo ang laksa-laksang ibon upang may tagadala ng mga
gamit at pagkain ni Don Juan.
Nakarating na rin sa wakas si Don Juan sa Reyno de los Cristales kahit na naubusan na sila ng
pagkain sa unang buwan pa lang ng paglalakbay. Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca.
Pinagkubli ng agila si Don Juan sa halaman upang hindi ito makita. Naaninag nila ang tatlong
magagandang dilag. Ngunit mas umangat ang mala-diyosang kagandahan ni Maria Blanca kung
kaya’t nabihag agad ang puso ni Don Juan. Naghubad si Prinsesa Maria Blanca at lumusong na sa
tubig. Sinamantala ni Don Juan ang pagligo ni Maria Blanca at agad kinuha ang saplot at hinalik-
halikan nito. Nagalit ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang saplot at nagbanta na papatayin niya
ang sinuman kumuha nito. Galit na galit na hinanap ni Maria Blanca ang lapastangang kumuha ng
saplot niya. Agad na inilantad ni Don Juan ang sarili at agad na humingi ng tawad. Dahil sa amo ng
prinsipe ay humupa ang galit ng prinsesa. Agad na nagkaibigan ang dalawa. Ipinakilala ni Don Juan
ang sarili habang si Maria Blanca naman ay agad na binalaan ang prinsipe na tuso at matalino ang
ama niyang si Haring Salermo. Dagdag pa niya, ang sinumang nabigo sa pagsubok ng kanyang
ama sa mga nanliligaw ay nagiging bato. Agad na inihanda ni Don Juan ang sarili.
Kinaumagahan ay nakita ni Haring Salermo si Don Juan. Batid na din ng hari ang pakay nito.
Pinatuloy ng hari si Don Juan ngunit magalang na tumanggi ito at naghintay ng ipag-uutos.
Inutos ng hari kay Don Juan na itanim ang isang salop ng trigo na kakaani pa lang at dapat ito
ay mamunga kinabukasan upang may maihain sa almusal. Tuwang-tuwa ang hari dahil mayroon na
naman siyang mabibiktima. Malungkot na tumungo si Don Juan sa prinsesa at sinabing hindi niya
magagawa ang pagsubok. Inutos ni Maria Blanca na magpahinga at matulog na lamang si Don Juan
dahil siya ang gagawa ng pagsubok. Gumamit si Maria Blanca ng mahika kung kaya’t agad na
tumubo ang trigo at namunga. Ipinaluto niya ito sa mga intsik at kinaumagaha’y ipinahain sa hari.
Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan sa hardin, inilabas ng tusong hari ang isang prasko
na may labindalawang negrito sa loob. Ikinalat ito ng hari sa karagatan at nais niyang ipahuli kay
Don Juan bilang isang pagsubok. Kailangan ay makita ng hari kinaumagahan ang prasko na
kumpleto ang nasa loob upang makaligtas sa kamatayan. Malungkot na namang lumapit si Don
Juan kay Maria Blanca dahil sa pangambang hindi niya mahanap lahat ang labindalawang negrito
dahil sa lawak ng karagatan. Inutos muli ni Maria Blanca kay Don Juan na siya’y pumayapa dahil
siya na ang bahala. Pinagdala niya ng ilaw si Don Juan at nagtungo sila parehas sa dagat pagsapit
ng ikaapat ng madaling araw. Iniutos niya sa mga negrito na bumalik sa prasko kung hindi ay
matitikman nila ang galit ni Maria Blanca. Nagmadaling umahon ang mga negrito at agad na bumalik
sa loob ng prasko. Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa lamesa ang praskong may labindalawang
negrito. Naiinis ang hari dahil hindi niya mapatay-patay si Don Juan.
Muling nagkita sina Haring Salermo at Don Juan sa hardin. Para sa susunod na pagsubok, nais
ng hari na mailipat ang bundok sa mismong tapat ng durungawan ng kanyang palasyo dahil gusto
niyang makalanghap ng sariwang hangin. Dapat ay magawa niya ito bago sumapit ang
kinaumagahan. Muling lumapit si Don Juan kay Maria Blanca na malungkot. Pinawi ng prinsesa nag
kalungkutan at sinabing siya na ang bahalang gumawa ng pagsubok. Nagtungo ang prinsesa sa
bundok. Gamit ang napakalakas na hangin, pinalakad nito ang bundok malapit sa palasyo.
Papasikat na ang araw ng buksan ni Haring Salermo ang durungawan nito. Hindi akalain ni Haring
Salermo na magagawa niyang muli ang pagsubok.
Iniutos ni Haring Salermo na itabon ang bundok sa gitna ng karagatan at tayuan ito ng kastilyo.
Ipinagkaloob kay Don Juan ang mga kasangkapang gagamitin sa pagbuo ng kastilyo gaya ng
palataw at bareta, piko, kalaykay, maso, at kutsara. Muling nagkita sina Maria Blanca at Don Juan.
Inutos ni Maria Blanca na magpahinga na lang muli ito dahil siya na ang bahala sa pinag-uutos ng
ama. Pinaandar niya ang bundok patungo sa gitna ng dagat at ito ay naging isang moog. Muling
inutos ng hari na alisin ang kastilyo at ibalik ang lahat sa dati. Ang lahat ng ito ay muling nagawa
dahil sa mahika ni Maria Blanca.
Ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan na hanapin umano ang nahulog na singsing sa
ilalim ng dagat. Pumalaot sina Don Juan at Maria Blanca sa gitna ng karagatan. Inutos ni Maria
Blanca na tadtarin siya ng pinung-pino at ihulog sa tubig upang maging isang isda. Kailangan
ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso ng kanyang katawan dahil hindi na ito maibabalik
kapag nabuo na ang prinsesa. Habang sumisisid ang prinsesa ay nakatulog si Don Juan. Kaya
walang kumukuha ng singsing kapag lumilitaw ang prinsesa. Sinubukan ulit nilang gawin ito dahil sa
sunud-sunod na kapabayaan ni Juan. Tinadtad niyang muli si Maria Blanca ngunit dahil sa
pagmamadali ay tumalsik ang dulo ng daliri nito. Nakuha na ang singsing ngunit nagkulang ang dulo
ng hintuturo nito. Bilin ng prinsesa na tandaan iyon bilang palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan.
Kinaumagahan ay namangha ang hari dahil nakita niya ang singsing sa ilalim ng unan.
Muling tinawag ng hari si Don Juan upang bigyan ng panibagaong pagsubok. Hinamon niyang
paamuhin ang isang kabayong mailap at malupit. Batid ni Maria Blanca na ang kabayong iyon ay
ang kanyang ama. Tinuruan ni Maria Blanca si Don Juan ng mga paraan ng pagpapaamo ng
kabayo. Nagawa ni Don Juan ang lahat ng sinabi Maria Blanca at nagtagumpay itong paamuhin ang
kabayo.
Nakaratay ang hari kaya si Don Juan na lang ang papapasukin sa palasyo. Maaari nang
makapasok sa loob ng palasyo si Don Juan dahil sa wakas ay natapos na ang panganib na
nagbabadya dito. Muling pinapasok ng hari si Don Juan at ibinalita na panahon na raw upang
papiliin kung sino sa mga anak niya ang nais nitong pakasalan. Mayroong tatlong silid na kung saan
nandoon ang tatlong prinsesa at ang mga hintuturo lamang nito ang nakalabas. Nilagpasan ni Don
Juan ang una’t pangalawang silid. Pinili niya ang ikatlong silid dahil sa palatandaan niya ang naputol
na hintuturo ni Maria Blanca. Nagulat ang hari ng napili ni Don Juan ang bunso nitong anak. Wala
itong nagawa kundi pasamahin ang bunsong anak sa prinsipe subalit ito ay may ibang binabalak.
May kautusang nagsasad na ipapadala sa Inglatera si Don Juan upang mapangasawa ang bunsong
kapatid ng hari. Nagbanta si Haring Salermo na papatayin niya si Don Juan kung lalabagin ang
kautusang ito. Nalaman ni Maria Blanca ang lihim na plano ng ama kung kaya’t nagpasiya silang
tumakas ni Don Juan. Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kunin ang kabayong sasakyan sa
pagtakas sa ikapitong pinto, ngunit nagkamali ito at nakuha ang kabayo sa ikawalong pinto. Wala ng
panahon upang magtalo ang dalawa dahil kinakailangan na nilang tumakas.
Ginamit ni Maria Blanca ang kaniyang mahika ng mapansin na hinahabol siya ng hari.
Naghulog siya ng ng mga karayom na agad naging bakal na tinik. Hindi makalabas si Haring
Salermo dahil sa tinik na nakaharang. Dalawang araw niyang hinawan ang mga ito upang
ipagpatuloy ang paghabol sa dalawa. Muling ginamit ni Maria Blanca ang kanyang mahika. Inilaglag
ng prinsesa ang kanyang sabon at naging bundok ang magandang daan.
Humanap ng ibang daan ang hari para tuluyan na itong mahuli. Ngunit sa huling pagkakataon
ay ginamit na naman ni Mari Blanca ang kaniyang mahika. Inihulog ng prinsesa ang dala niyang
kohe upang maging isang karagatan ang tuyong lupa. Hindi na naabutan ng hari ang dalawa ngunit
isinumpa ng hari ang kanyang anak. Isinumpa niyang makakalimot at magtataksil si Don Juan sa
oras na makarating ito ng Berbanya.
Nagkasakit ang hari dahil sa matinding sama ng loob at tuluyan ng namatay.

You might also like