You are on page 1of 4

RO_MIMAROPA_WS_Filipino7_Q4

Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin: Ibong Adarna


MELC: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliranin mula
sa nabasang akda (F7PN-IVc-d-19)
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IV-c-d-21)

Susing Konsepto

Para sa isang matalinong pagsusuri ng mga pangyayari at pagbibigay


ng angkop na solusyon sa mga suliranin, tandaan ang mga
sumusunod:

1. Naiisa-isa ang sanhi at bunga ng isang pangyayari.


2. Nasusuri ang sarili kung tama o mali ang mga pag-uugaling
nabanggit.
3. Nakapagbibigay ng mga angkop na solusyon, batay sa mga
inilahad na suliranin.
IBONG ADARNA
(Sinopsis)
Nilabanan ni Don Juan ang naramdamang antok nang nagsimula ng
umawit ang Ibong Adarna, hiniwa niya ang palad at pinigaan ito ng dayap ng
makapitong ulit. Dahil sa sipag at tiyaga ay nagtagumpay si Don Juan sa
paghuli ng Ibong Adarna. Nang kanyang mahuli ay dinala ito sa Ermitanyo.
Iniutos ng Ermitanyo na sumalok ng tubig at punuin ang banga at ibuhos sa
mga kapatid niya na naging bato. Nang naging tao na ulit ang dalawa ay
nagyakap sila. Pinaghanda sila ng ermitanyo ng isang maliit na piging,
pagkatapos ay benindisyunan na ang magkapatid upang bumalik na sa
naghihintay nilang ama.

Naging masaya ang paglalakbay ng tatlong magkapatid subalit umiral


ang pagiging gahaman ng nakatatandang kapatid na si Don Pedro. Hindi
sang-ayon sa binabalak si Don Diego ngunit dahil sa takot ay napasunod
nalang ito. Inggit ang naghari sa dalawang kapatid kung kaya’t binugbog nila
ang kawawang si Don Juan. Lupaypay na iniwan sa kagubatan si Don Juan
na tila bangkay.

Ang dalawa ay bumalik na sa kaharian na dala ang Ibong Adarna.


Pinaawit nila ito subalit ayaw, sa halip ipinakita nito ang pangit nitong anyo.
Gusto ng ibon na tumulong ngunit wala si Don Juan na nagmamay-ari sa
kanya.

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino7_Q4

Samantala, si Don Juan ay naiwan sa kagubatan na lulugo-lugo,


matinding sakit ng katawan ang natamo. Sa kabila ng lahat ay hindi siya
nakalimot tumawag sa Mahal na Birhen, hindi niya sukat akalain na
mismong mga kapatid niya ang magtataksil sa kanya. Ipinabahala niya sa
Diyos ang lahat dahil totoo ang kasabihan na sinasagot ng Maykapal ang
matapat na panalangin.

Gawain 1
Panuto: Piliin ang naging solusyon sa sumusunod na suliranin mula sa akda.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa karamdaman ng hari?


A. gamot ng albularyo
B. mahika ng ermitanyo
C. awit ng ibon
D. himala ng Diyos

2. Ano ang ginawa ni Don Juan upang malabanan ang matinding antok ng
awit ng Ibong Adarna?
A. binusbos ang palad at pinigaan ng dayap
B. nagdasal sa Poong Maykapal
C. kinausap ang sarili
D. lahat ng nabanggit

3. Anong pamamaraan ang ginawa ni Don Juan upang muling


magkabuhay ang kaniyang dalawang kapatid na naging bato?
A. ginamitan ng mahika ng ermitanyo
B. biniyak ang bato
C. inawitan ng Ibong Adarna
D. binuhusan ng tubig mula sa mahiwagang ilog

4. Ano ang dahilan kung bakit naging pangit at ayaw umawit ng Ibong
Adarna?
A. sapagkat may dinaramdam ito
B. dahil sa pagod at labis na pananakit ng dalawang magkapatid
C. dahil hindi niya gusto ang mga taong nakapalibot sa kanya
D. dahil wala si Don Juan na nagmamay-ari sa kanya

5. “Naiwan sa kagubatan si Don Juan na lululugo-lugo, matinding sakit ng


katawan ang tinamo, may pilay ang tadyang at matinding gutom at
kauhawan ang naramdaman.” Sa kabila ng lahat ng sinapit ng Prinsipe,
ano ang isang bagay na hindi niya nakalimutang gawin?

A. sumigaw at humingi ng tulong sa Ermitanyo


B. tumawag at nanalangin sa Mahal na Birhen
C. nagmakaawa sa dalawang kapatid
D. lumuhod at sumigaw ng “Bakit ninyo ako pinabayaan”?

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino7_Q4

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik sa patlang
bago ang bilang ng tamang sagot na bubuo sa angkop na solusyon sa mga
suliraning nabasa sa akda.

_____1. Ang solusyon sa ginawang kataksilan ng magkapatid na Don Diego at


Don Pedro sa kanilang bunsong kapatid na Don Juan, upang agawin
ang trono at mamuno sa kaharian ng Berbanya ay;
A. huwag mainggit sa karangyaan ng iba.
B. iwasang magkaroon ng lihim na sama ng loob sa kapatid.
C. huwag maging taksil sa sariling kadugo.
D. huwag makipagsabwatan sa iba.

_____2. Paano maiiwasan ni Don Juan ang pagkakaroon ng mabilis na pagtingin


sa mga prinsesang kaniyang nakilala sa paglalakbay?
A. huwag padalos-dalos sa mga desisyon.
B. huwag paglaruan ang pag-ibig.
C. matutong makuntento sa tunay na minamahal.
D. huwag ipagmayabang at pairalin ang gandang lalaki.

_____3. Piliin ang naaangkop na solusyon sa suliraning ipinahihiwatig sa


pahayag: “Ang pagiging sakim sa kapangyarihan ni Haring
Salermo, kung kaya’t ayaw niyang mapasakamay ng iba ang
kaniyang tatlong anak”.
A. maging isang mabuting pinuno ng kaharian.
B. huwag maging sakim at ibigay ang makapagpapaligaya sa mga
anak.
C. huwag maging gahaman sa kapangyarihan.
D. makuntento sa karangyaang tinatamasa.

____ 4. Dahil sa sipag at tiyaga ni Don Juan ay nahuli niya ang Ibong Adarna.
Kung ikaw si Haring Fernando, ano ang gagawin mo?
A. ipagmamalaki ko ang aking anak at bibigyan ng mamahaling
regalo.
B. ipamamana ko sa kaniya ang kaharian.
C magpapahanda ako ng isang magarbong piging para sa lahat.
D. ipagtatayo ko siya ng rebulto tanda ng kabayanihan.

____5. Ano ang maaaring gawin ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa
kakulangan nila ng pananampalataya, na sumubok sa kanila kung
kaya’t hindi sila nagtagumpay?
A. panatilihin at pag-igtingin ang pananampalataya sa Diyos
sapagkat Siya lamang ang ating maaasahan sa lahat ng bagay.
B. huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban
C. huwag matakot na lumapit sa Diyos
D. Ipaubaya na lang sa Diyos ang lahat ng problema at huwag
nang gumawang kahit na anong hakbang upang malutas ito.

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino7_Q4
Susi sa Pagwawasto
Gawain I Gawain II
1. C 1. C
2. A 2. C
3. D 3. B
4. D 4. B
5. B 5. A

Sanggunian
Supplemental Lesson Filipino Baitang 7(Ikaapat na Markahan)
SLM- Dibisyon ng Pasig, Ibong Adarna (Pinaikling Bersiyon)
Inihanda ni Ernesto Rivera, Interpretasyon ni Hanna M. Ocampo

Ihanda ni:
Ilene M. Moreno

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:


May M. Mortel

Sinuri ni:
CARMELITA T. SILVANO

For inquiries or comments, write or call:

Department of Education – MIMAROPA Region


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph
4

You might also like