You are on page 1of 5

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG TIBANBAN

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

PANGALAN:__________________________PETSA: ______________
BAITANG: ___________________________ ISKOR: ______________
Ang exam parang pag-ibig yan,
Wag kang titingin sa kaliwa, sa kanan at sa likuran
Kasi baka matukso ka,
Focus ka lang kung ano ang nasa iyong harapan
At makukuha mo rin ang kasagutan…
Ikaw din, baka sa kakatingin mo sa iba,
Mawala na lang bigla ang iyong nasa harapan
Masasayang lang lahat ang iyong pinaghirapan.

I. TALASALITAAN
PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit ayon sa
kontekstong paggamit sa pangungusap. Isulat ang nabuong salita sa sagutang
papel.

1. Mayroon siyang Inang matangkakal na nagbibigay sa kanya ng gabay sa


buhay.
M A W
2. Naging maulap ang kanyang pag-iisip ng mawala ang kanyang mga
magulang.
A G O
3. Nagpasya na lumayag si Don Pedro upang hanapin ang lunas para sa
hari.
M G L B
4. Nililo lamang nina Don Pedro at Don Diego ang bunsong kapatid upang
makuha ang trono.
N O K
5. Naghintay na dumangal ang panahon upang mailigtas si Don Juan.
D M N
6. Napawi ang pangamba ng hari nang makauwi si Don Juan.
A A L
7. Nahabag si Don Juan nang makita niya ang sugatang ermitanyo.
A W
8. Ang tatlong prinsipe ay nagpasyang magpisan sa bundok ng Armenya.
M G A
9. Umusbong ang pagkasiphayo ni Don Pedro nang ibigin ni Donya Juana
si Don Juan.
N G I
10. Hindi nasindak si Don Juan nang labanan niya ang Higante at
Serpyente.
N T O
II. PANITIKAN
A. Basahing mabuti ang mga tanong. Pillin ang titik wastong kasagutan.
Isulat ito sa guhit sa tabi ng bilang/ sagutang papel
_____ 1. Siya ay isang mapagmahal na tao na naghahari sa mapayapang kaharian ng
Berbanya.
A. Don Juan B. Don Pedro C. Haring Fernando D. Haring Salermo
_____ 2. Siya ang kabiyak sa puso ni Haring Fernando at ang nanay ng tatlong prinspe
na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
A. Donya Juana C. Donya Maria
B. Donya Leonora D. Donya Valeriana
_____ 3. Sino ang tagapag bantay ni Leonora na kinalaban ni Don Juan?
A. Agila B. Ibong Adarna C. Lobo D. Serpyente

_____ 4. Siya ang tumulong sa paglalakbay ni Don Juan.


A. Ermitanyo B. Negrita C. Pulubi D. Haring Alfonso
_____ 5. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng ___________
A. Korido B. Awit C. Sarsuela D. Maikling Kuwento
_____ 6. Sino ang tagapagbantay ni Juana na matatagpuan din sa ilalim ng balon?
A. Higante B. Ibong Adarna C. Lobo D. Serpyente
_____ 7. Sino ang panganay na anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana.
A. Diego B. Juan C. Pedro D. Clint
_____ 8. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?
A. Berbanya B. Albanya C. Atenas D. Babilonya.
_____ 9. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
A. Platas B. Piedras Platos C. Platas Piedras D. Piedras Platas
_____ 10. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?
A. Tabor B. Tralala C. Arayat D. Armenya
_____ 11. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
A. namamatay b. nakakatulog c. nagiging bato d. naglalaho
_____ 12. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe noong humarap sila sa panganib para
sa ama?
a. Wagas ng pagmamahal nila sa kanilang magulang
b. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari
c. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama
d. Kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan
_____ 13. Ano ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda?
a. Likas siyang maawain at mapagkawanggawa
b. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya ito
c. Nais ni Don Juan ng gabay sa kaniyang misyon
d. Maka-Diyos si Don Juan at mapalanginin
_____ 14. Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
a. Siya ay nanaginip c. May lumason sa kanya
b. May epidemya sa kaharian d. Siya ay isinumpa
_____ 15. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha
ang ibon?
a. binugbog b. itinali c. nilunod d. binitay
_____ 16. Ang sumusunod ay katangian ng ermitanyo maliban sa isa:
a. simpleng manamit c. nakatira sa malayong lugar
b. mahabang balbas d. nakasakay sa kabayo
_____ 17. Ilang taong naninirahan ang ermitanyong ang balbas ay abot hanggang
lupa?
a. Isang daang taon c. limang daang taon
b. Walong daang taon d. siyam na daang taon
_____ 18. Ano ang ginawa ni Don Juan nang makita si Maria Blanca sa paliguan nito?
a. Binati ng magandang umaga c. inalok ito ng pagkain
b. Kinuha ang damit at pinaghahalikan d. umawit para sa dalaga
_____ 19. Agad napaibig si Maria Blanca kay Don Juan sa kabila ng kalapastangan nito
dahil...
a. Mayaman si Don Juan c. may kakisigang taglay ang prinsepe
b. Matamis itong magsalita d. ngayon lang siya nakakita ng prinsepe
_____ 20. Ano ang unang pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Don Juan?
a. Gumawa ng tinapay mula sa isang supot ng trigo
b. Kumain ng makukulay na gulay
c. Hanapin ang nawawalang diyamante
d. Patayin ang mga kalaban ni Haring Salermo
_____ 21. Ilang negrito ang kailangang hulihin ni Don Juan?
a. 11 b. 12 c. 13 d. 14
______22. Ang sumusunod ay mg autos ni Haring Salermo kay Don Juan maliban sa
isa
a. Itapat ang bundok sa kanyang bintana
b. Gumawa ng kastilyo sa gitna ng karagatan
c. Hanapin ang nawawalang diyamanteng singsing
d. Paamuhin ang asong mailap
_____ 23. Sino ang tumutulong kay Don Juan upang mapagtagumpayan niya ang mga
pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo?
a. Prinsesa Juana c. Prinsesa Leonora
b. Prinsesa Maria Blanca d. Prinsesa Isabel
_____ 24. Saan nakatira ang pamilya ni Maria Blanca?
a. Berbanya c. Inglatera
b. Reyno delos Cristales d. Armenya
_____ 25. Sa wakas ng kwento ng Ibong Adarna, sino ang naging hari ng Reyno Delos
Cristales?
a. Don Pedro c. Don Juan
b. Don Diego d. Don Fernando
_____ 26. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong
matapos ang panata ko sa Panginoon.” (Donya Leonora)
a. maka-Diyos b. malungkutin c. mahilig mapag-isa d. masunurin
_____27. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y
kasalanan patawad mo’y aking hintay.” (Donya Leonora)
a. maawain b. mapagmahal c. mapagkumbaba d. maka-Diyos
_____ 28. “O Panginoong Haring Mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y
mahabag na, ituro yaong landas.” (Don Juan)
a. maawain b. mapamahiin c. matatakutin d. madasalin
_____ 29. “O kasi ng aking buhay, lunas nitong dusa’t lumbay, ano’t di ka dumaratal?
Ikaw kaya’y napasaan?”(Donya Leonora)
a. nangungulila b. nagagalit c. natatakot d. nayayamot
_____30. “Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin, dito ako’y hintayin,
ako’y agad babalik din.” (Don Juan)
a. mayabang c. mahilig sa pakikipagsapalaran
b. maalalahanin d. gagawin lahat para sa minamahal

B. PANUTO: Ihanay ang paglalarawan mula sa kolumn A sa kolumn B. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.

SAGOT HANAY A HANAY B


1. ___ 1. Tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran a. Sukat
2. ___ at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng b. Larawang-diwa
3. ___ mga prinsipe at prinsesa. c. Ibong Adarna
4. ___ 2. Elemento ng tula na nagpapakita ng mga salita d. Korido
5. ___ na may pare-parehong tunog sa pagbigkas e. Tugma
6. ___ 3. Bilang ng pantig sa bawat taludtud f. Awit
7. ___ 4. Isang grupo sa loob ng tula na binubuo ng mga g. Florante at
8. ___ linya/taludtud Laura
9. ___ 5. Tulang romansa na binubuo ng 8 taludtud h. Tulang romansa
10. ___ 6. Tulang romansa na sayda para awitin i. Saknong
7. Elemento ng tula na nagpapahiwatig ng j. Talinghaga
matatalinghagang salita
8. Elemento ng tula na nagbibigay ng malinaw na
larawan sa mambabasa dulot ng pandamang
karanasan
9. Halimbawa ng Korido
10. Halimbawa ng Awit

C. Panuto: Suriin ang mga pahayag sa Ibong Adarna. Iguhit ang like kung ang
pahayag ay naganap sa akda o dislike naman kung ang pahayag ang hindi
naganap sa akda.

1. Umibig si Don Juan sa tatlong prinsesa.


2. Ang nakahuli sa Ibong Adarna ay si Don Diego.
3. Nagbigay ang ermitanyong sugatan nang mga payo kay Don Juan upang mahuli
ang Ibong Adarna.
4. Napadpad si Don Juan sa Armenya upang magsimula ng panibagong buhay.
5. Sa paglalakbay ng tatlong prinsepe sa Armenya, nakarating sila sa mahiwagang
balon.
6. Ang serpyenteng may pitong ulo ay hindi namatay nang labanan ito ni Don Juan.
7. Maraming pagsubok ang ibinigay ni Haring Salermo para kay Don Juan.
8. Namatay si Haring Fernando dahil sa pag-aalala kay Don Juan.
9. Naging hari ng Reyno delos Cristales si Don Juan.
10. Patuloy pa rin ang pagtatangis ni Prinsesa Leonora sa kanyang minimahal na si
Don Juan dahil hindi pa ito bumabalik sa Berbanya.

“Ito na ang siyang wakas


Ng Korido kong sinulat
Sa kataga kung may linsad
Ang hingi ko ay patawad.”
-Saknong 1717

[WAKAS]
“Wala dito si Kiko, wala dito si Chito, wala dito si Gloc-9, pero magbabagsakan na dito,
in 5, 4, 3, 2, 1!!!

You might also like