You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sanagay ng Lungsod ng Mabalacat
MABALACAT NATIONAL HIGH SCHOOL
San Isidro Village, Brgy.Dau, Mabalacat, Pampanga
Pangalan _________________________________________________________ Iskor ______________
Pangkat at Bilang __________________________________________________ Petsa _____________
Panuto: Tukuyin ang angkop na sagot sa bawat bilang. TITIK lamang ang isusulat sa patlang
________1. Isang butihing asawa at mapagmahal na ama sa tatlong anak. Sino ang namumuno sa Kaharian ng Berbanya?
a. Don Pedro b. Haring Salermo c. Haring Fernando d. Don Juan
________2. Mapagmahal na ina ng Kaharian ng Berbanya.
a. Prinsesa Leonora b. Reyna Valeriana c. Donya Maria Blanca d. Reyna Valeria
________3. Unang naglabay sa magkakapatid para hanapin ang lunas sa sakit ng hari.
a. Don Pedro b. Don Juan c. Don Diego d. Mediko
________4. Sino ang nakatalos sa sakit ng hari?
a. Mediko b. Ermitanyo c. Ibong Adarna d. Lobo
________5. Sino ang tinulungan ni Don Juan sa ilalim ng balon na binabantayan ng Higante?
a. Prinsesa Leonora b. Prinsesa Juana c. Donya Maria Blanca d. Reyna Valeriana
________6. Ano ang nagbabantay kay Prinsesa Leonora?
a. higante b. pitong ulong serpyente c. lobo d. ibong adarna
________7. Ang Hari na nagbigay ng utos kay Don Juan upang masubok ang kaniyang pagmamahal kay Donya Maria Blanca.
a. Haring Salermo b. Haring Fernando c. Haring Pedro d. Haring Linceo
________8. Sino ang ikalawang anak na naglakbay para hanapin ang lunas sa sakit ng hari?
a. Don Pedro b. Don Juan c. Don Diego d. Don Diyego
________9. Babaeng labis-labis ang pagmamahal kay Don Juan at naghintay ng pitong taon kahit walang kasiguraduhan ang kanyang paghihintay.
a. Prinsesa Leonora b. Prinsesa Juana c. Donya Maria d. Donya Juana
________10. Sino ang nakita ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay para hanapin ang matatalos sa sakit ng hari?
a. Ermitanyo b. Matandang Leprosa c. Ikalawang Ermitanyo d. Ibong Adarna
________11. Ano ang ugali ng ibon pagkatapos ng pagkokoplas?
a. magbawas b. matulog c. kumain d. umihi
________12. Anong ginamit ni Don Juan sa paglalakbay para mahanap ang lunas sa sakit ng hari?
a. gumamit ng kabayo sa paghahanap ng lunas sa sakit ng hari
b. gumamit ng kabayo sa paglalakbay papuntang bundok tabor
c. hindi gumamit ng kabayo sa paglalakbay
d. sumakay ng Olikornyo para ihatid sa bundok tabor
________13. Anong ginawa ni Don Juan nang makita ang matandang Leproso?
a. hindi pinansin at nagpatuloy sa paglalakbay c. binigyan ng tubig at nakipagkuwentuhan
b. binigyan ng daladalang tinapay d. sinama sa paglalakbay
________14. Ano ang gamit ng labaha sa paghuli ng ibong adarna?
a. panghiwa ng dayap c. panghiwa sa palad laban sa antok
b. pangputol ng sintas d. panaksak sa ibong adarna
________15. Ano ang gamit ng pitong dayap?
a. pagkatapos hiwain ang palad ay hahawakan c. pagkatapos hiwain ang palad ay ipipisil
b. pagkatapos hiwain ang palad ay papatakan para hindi makatulog d. wala sa nabanggit
________16. Ano ang kinuha ni Don Juan sa palikuran ni Donya Maria Blanca?
a. damit b. suklay c. sabon d. wala
________17. Sa utos ni Donya Maria Blanca sa kanyang mga kawal ay, “sinoman ang kumuha ng kanyang damit ay_____?
a. ikukulong b. isusumpa c. ipapapatay d. aalipinin
________18. Sa utos ni Haring Salermo. “patagin ang bundok at itanim ang _______, kailangang maging tinapay na aagahan ni Haring Salermo.”
a. trigo b. harina c. pandesal d. kamote
________19. Kailangang paamuhin ang nagwawalang _________?
a. tupa b. toro c. baboy damo d. kabayo
________20. Si Donya Maria Blanca ay may angking itim na __________?
a. mahika b. buhok c. ipin d. sikreto
________21. Ano ang sumpa ni Haring Salermo kay Don Juan at Donya Maria Blanca?
a. kapag naghiwalay si Don Juan at Donya Maria Blanca ay makakalimutan nito ang kanilang pagmamahalan
b. kapag umuwi si Don Juan sa Berbanya ay makalilimot sa mga naging paghihirap sa pagmamahalan nila ni Donya Maria Blanca
c. kapag tumingin sa ibang babae ay malilimutan ni Don Juan ang pagmamahal kay Donya Maria Blanca
d. kapag hindi umuwi sa Berbanya ay makakalimutan ni Haring Fernando si Don Juan
________22. Ano ang panaginip ni Haring Fernando dahilan ng kanyang pagkakasakit?
a. may dalawang tampalasan ang bumugbog sa kaniyang bunsong anak
b. may dalawang tampalasan na kumuha ng ibong adarna
c. may dalawang tampalasan na nagtaksil sa kanya
d. may dalawang tampalasan na nagnakaw sa kanilang kayamanan
Bilang 23-32. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita o pahayag na nakasalungguhit.
________23. Ang kampana ay kaniyang pinaangal upang ang lahat ng tao ay magsidating.
a. pinukpok b. hinampas c. pinasabog d. pinatunog
________24. Lahat ng panauhin ay nagsidatal upang mapakinggan ang mensahe ng hari.
a. nagsialis b. nagsidating c. nagsitayo d. nagsiupo
________20. Huwag mamangha sa anumang magaganap na pangyayari sa buhay na iyong babagtasin.
a. malumbay b. magulat c. mailto d. manahimik
________21. Sa pagdaan niya sa bundok at parang, siya ay lumakad nang hinay-hinay.
a. dahan-dahan b. unti-unti c. biglaan d. hindi inaasahan
________22. Nanirahan ang ermitanyo sa liblib na lugar may walong daang taon na ang nakararaan.
a. taong namumuhay nang mag-isa c. taong namumuhay nang
b. taong namumuhay nang masaya d. taong namumuhay nang may sakit
________23. Lubhang kasindak-sindak sa kanyang paningin na datnan ang isang matandang may mahabang balbas.
a. natutuwa b. kagulat-gulat c. naiiyak d. nagtatamo
________24. Nang ako ay kanyang nakita, siya ay pumiksi at nagtanong kung bakit ngayon lang ako dumating.
a. nahiya b. nalito c. nagulat d. napatanong
________25. Ngayon lang niya napaghulo na ang kaniyang pakay sa kapatid ay tunay at dalisay.
a. natutunan b. nalinis c. naguluhan d. nabatid
________26. Dahil sa hindi kanais-nais na balita, siya ay namanglaw dahil na matutuloy ang lakbay-aral.
a. nasiyahan b. naiyak c. nalungkot d. napatahimik
________27. Habang ang matanda ay nagsasalita, ang baba niya ay kumakapak at ang tuhod ay sumasakit.
a. nanginginig b. naninigas c. nanlalambot d. naparalisa
________28. Saknong 1012
Bayan ninyo ay nasapit
sa atas po ng pag-ibig
pusong lumagi sa hapis
ang hanap ay isang langit.
a. ang hangad ay maabot ang langit c. ang hangad ay isang dalagang maganda
b. ang nais ay isang tapat na pag-ibig d. ang hanap ay ang Panginoon
________29. Saknong 1013
Sa panagimpa’y natalos
naririto ang alindog,
talang wala nang paglubog
ito’y anak ninyong irog.
a. ang minamahal niyang anak c. ang kaisa-isa niyang anak
b. ang anak niyang nawalay sa piling d. ang alibughang anak
________30. Saknong 1029
Pasaring ng kalahatan
ano baga’t naisipang
pumarito itong hunghang
hinanap ang kamatayan.
a. dinaan ang pook ng kamatayan c. hinahanap ang sariling kamatayan
b. pinuntahan ang kakilalang namayapa d. hinahanap ang bumugbog sa kaniya
________31. Saknong 1035
Sa palasyo ay nanaog na
ang lahat nga ay tulog,
dinalaw ang kanyang irog
nang ang dusa ay magamot.
a. upang ang lungkot ay mapawi c. upang ang kalungkutan ay gumaling
b. upang maalala ang kanilang pagdurusa d. upang makalimot
________32. Saknong 1058
Gayunpama’y tingnan natin
sa bago kong hihilingin
sa bigat nito marahil
buhay niya’y makikitil
a. buhay niya ay magtatagal c. siya’y magdurusa
b. siya’y mamamatay d. siya’y nalumlumbay
para sa bilang 33-36

1. O, Birheng kaibig-ibig 3. Malimit na makagawa ng 5. Kaya, Inang mapagmahal


Ina naming nasa langit, hakbang na pasaliwa, ang Ako’y iyong patnubayan,
liwanagin yaring isip tumpak kong ninanasa Nang mawasto sa pabanghay
nang sa layo’y di malihis. kung mayari ay pahidwa. Nitong kakathaing buhay.

2. Ako’y isang hamak lamang 4. Labis yaring pangangamba 6. At sa tanag nariritong


taong lupa ang katawan, na lumayag na mag-isa, Nalilimping maginoo,
mahina ang kaisipan baka kung mapalaot na Kahalinga’y dinggin ninyo
at maulap ang pananaw. ang mamangka’y di makaya Buhay na aawitin ko.

________33. Ano ang nais ipabatid ng may-akda?


a. siya ay tao lamang at nakagagawa ng mali c. siya ay manunulat na kaunti ang kaalaman
b. gabayan siya sa kakathing buhay upang hindi magkamali d. lahat ng nabanggit
________34. Ano ang nais ipabatid ng ikatlong saknong?
a. tao lamang ito at hindi perpekto kaya nakagagawa ng pagkakamali c. hindi epektibo ang kaniyang pagsulat ng ibong adarna
b. hindi tama ang kaniyang ginagawang paglikha ng kuwento d. madalas magkamali sa pagsusulat ng kuwento
________35. Ano ang nais ipahiwatig ng unang saknong?
a. bigyan ng kalayaan sa pagsulat ng kuwento c. bigyan ng inspirasyon sa pagsulat ng kwento
b. gabay sa pagsulat ng kwento d. panalangin nang wasto ang isusulat na kwento
________36. Sino ang humihingi ng gabay sa una hanggang sa ika-anim na saknong?
a. ang may-akda b. Don Juan c. Haring Fernando d. Don Pedro
________37. Bakit hindi gumamit ng kabayo si Don Juan sa kaniyang paglalakbay sa paghahanap ng lunas sa sakit ng hari?
a. kailangang paghirapan ang lahat c. kailangang dumaan sa mga pagsubok
b. kailangang maglakad sa paghahanap d. walang masakyan si Don Juan
________38. Ano ang kayang gawin ni Don Juan para sa kaniyang pamilya?
a. kayang magparaya para sa mga nakatatandang kapatid
b. para sa ikasasaya ng kanyang pamilya
c. gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang pamilya
d. lahat ng nabanggit
________39. “Kung hindi mo pinagpaguran, hindi mo pahahalagahan”. Ano ang ipinapabatid sa kabataan?
a. lahat ng bagay na ginagawa ay kailangang paghirapan
b. hindi sa lahat ng pagkakataon ay ibibigay ang iyong pangangailangan bagkus ito ay kailangang pagpawisan
c. madaling mawala ang hindi pinaghirapan
d. kayang waldasin ang hindi pinaghirapan
________40. Ang pitong taon na paghihintay ni Prinsesa Leonora ay tanda lamang nang?
a. wagas na pag-ibig c. kamartiran sa pag-ibig
b. paghihintay sa wala d. panloloko kay Don Pedro
________41. Ano ang kayang gawin ni Donya Maria Blanca sa ngalan ng pag-ibig kay Don Juan?
a. lahat ay gagawin para makapiling ang taong minamahal maging sanhi nito ay paglisan sa minamahal na ama
b. lahat ay isasakripisyo para sa taong minamahal
c. suwayin ang kagustuhan ng ama para sa pag-ibig
d. lahat ng nabanggit
________42. Gaano man karami ang ginawang pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan, patuloy paring __________ ni Don Juan ang
nakatatandang kapatid.
a. pinapatawad b. pinagbibigyan c. minamahal d. a at c
________43. Bilang isang kabataan paano mo isasabuhay ang iyong natutunan sa Ibong Adarna?
a. huwag magtanim ng galit sa kapwa tao c. mahalin ang pamilya
b. paghirapan lahat ng mga bagay d. lahat ng nabanggit
________44. Sila ang maaring nag-impluwensya sa Ibong Adarna sa ating bansa.
a. Espanyol b. Amerikano c. Hapon d. Aeta
________45. Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop?
a. kapangyarihan b. budhismo c. kristiyanismo d. pagkain
________46. Tulang romansa na may supernatural at kababalaghan.
a. awit b. korido c. sanaysay d. maikling kuwento
________47. Ano ang dalawang uri ng tulang romansa?
a. maikling kuwento at sanaysay c. pabula at korido
b. awit at korido d. awit at maikling kuwento
________48. Ito ay nasa himig na mabilis.
a. andante b. alegro c. fliptop d. balagtasan
________49. Ito ay nasa himig na mabagal.
a. andante b. alegro c. fliptop d. balagtasan
________50. Ito ay tulang romansa na tungkol sa totoong nangyayari sa buhay
a. awit b. korido c. sanaysay d. maikling kuwento

You might also like