You are on page 1of 8

REVISED

Republic of the Philippines


Central Mindanao University
COLLEGE OF EDUCATION
CMU LABORATORY HIGH SCHOOL
University Town, Musuan, 8710 Bukidnon
0
Filipino 7 – Ika-apat na Markahang Pagsusulit (T.P. 2016-2017)
Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin nang maiigi at sagutin nang maayos ang mga sumusunod na katanungan.
2. Itiman ng pabilog ang mga letra ng napiling sagot sa sagutang papel.
3. Gumamit ng sign pen o marker sa pagsagot sa sagutang papel.
Mahigpit na ipinababawal ang anumang pagbubura.
4. Rebyuhin nang maayos ang inyong mga sagot.
I. Unawain ang bawat katanungan at piliin ang tamang sagot.
A. Para sa bilang 1-18, piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Pagkaraan ng kasalan, nais ni Haring Fernando na isalin na ang korona at pamahalaan ang kaharian.
A. Ibalik B. Ilipat C. Ibigay D. Ibuwelta
2.
3. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nabubuwag, datnan man ng maraming pagsubok.
A. Dinurog B. Dumaan C. Dumatal D. Dumapo
4. Bumungad kay Don Juan ang pagal na pagal na hari.
A. Litong-lito B. Pagod na pago C. Lasing na lasing D. Kawawang-kawawa
5. Dumating siya sa oras ng kasal at naantala niya pansamantala.
A. Natutol B. Nasipat C. Natanaw D. Nagambala
6. Hindi siya nagpalupig sa galit at pighati.
A. Nahulog B. Nagpadala C. Nagpagapi D. Nagpahabol
7. Hindi siya nagpalupig sa galit at pighati.
A. Kagipitan B. Kataksilan C. Katangahan D. Kalungkutan
8. Sa paglalakbay ni Don Juan, nakasalubong niya ang marilag na si Donya Juana.
A. Marikit B. Maganda C. Kaakit-akit D. Katangi-tangi
9. Labis na nabagabag si Don Pedro sa kanyang nakita.
A. Namula B. Napagod C. Nag-Alala D. Nasindak
10. Ang Ibong Adarna ay Humahapon sa puno ng Piedras Platas.
A. Dumadating B. Dumudulog C. Dumadapo D. Dumadalaw
11. Sa pagpapahinga ni Don Pedro, hindi niya nabatid na nakatulog na siya.
A. Nalaman B. Nakuha C. Namalas D. Nasipi
12. Doon namalas ni Don Juan ang planong pagtataksil ng kanyang mga kapatid.
A. Nasipi B. Nakita C. Natamasa D. Natuklasan
13. Yumao ang kapit-bahay namin dahil sa kanyang sakit na cancer.
A. Yumuko B. Namatay C. Nabuhay D. Yumaman
14. Naalala na niya si Donya Maria! Waring nalagot agad ang sumpa.
A. Natigil B. Naputol C. Naudlot D. Nahinto
15. Kitang-kita ni Donya Maria na nahuhumaling pa rin ang kasintahan kay Leonora.
A. Interesado B. Nabibighani C. Nagagandahan D. Patay Na Patay
16. Nangahapo na ang dalawa sa paglalakbay at paghahanap.
A. Natulala B. Naantok C. Namayat D. Nangapos ng hininga
17. Lalo silang nanibugho sa ipinakitang kagitingan at katapangan ni Don Juan.
A. Nagalit B. Nainggit C. Nalungkot D. Nasiyahan
18. Ibinunyag sa hari ang totoong naganap sa paglalakbay ng mga anak niya.
A. Itinago B. Isiniwalat C. Ipinakita D. Ipinarinig

1
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng korido?
A. Panalangin B. Paumanhin C. Paghihintay D. Pakikipagsapalaran
20. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa tagpo at aksiyon na nagbibigay-kulay sa kuwento?
A. Pag-asa B. Pag-ibig C. Pagsubok D. Paghihintay
21. Ilang taon hinanap ni Don Juan ang Reyno de los Cristales?
A. Dalawa B. Tatlo C. Lima D. Pito
22. Dala nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna, ngunit nalungkot ang hari dahil hindi kasama si Don
Juan. Anong damdamin ang ipinapakita ng pahayag?
A. Pagkapoot B. Pagkainggit C. Pag aalala D. Pagdududa
23. Kanino umibig si Don Pedro?
A. Donya Juana B. Donya Isabel C. Maria Blanca D. Donya Leonora
24. Sino ang pumatid sa lubid na ginamit ni Don Juan nang bumaba ito sa balon upang hanapin ang singsing
ni Donya Leonora?
A. Don Pedro B. Don Diego C. Donya Juana D. Donya Maria
25. Pang-ilang pinto ang dapat tandaan ni Don Juan upang makita ang kabayong pinakamagaling tumakbo?
A. Lima B. Anim C Pito D. Walo
26. Sino ang nagsaliksik upang mapaunlad at malaman ang mga panitikang umusbong sa Pilipinas?
A. Carlos Diaz B. Rodrigo del Bivar C. Dr. Damiana Eugenio D. Tablante de Ricamonte
27. Anong korido ang kinabibilangan ng Romeo at Juliet?
A. Constance saga B. Nobela ng Italya C. Iba pang salaysayin D. Romansang Klasikal
28. Anong korido ang mula sa Constance saga at ang kuwento ay umiikot sa isang dalagang nagkaroon ng
madrasta na labis siyang pinagmamalupitan at noong siya’y nanganak pinalitan ng kanyang madrasta ang
mga ito ng tuta?
A. Ibong Adarna B. Romeo at Juliet C. Maria Alimango D. Pagbagsak ng Troya
29. Anong korido ang kinabibilangan ng Pagbagsak ng Troya?
A. Constance saga B. Nobela ng Italya C. Iba pang salaysayin D. Romansang klasikal
30. Anong katangian ang ipinakita ni Don Juan upang mahanap niya ang Reyno de los Cristales?
A. Pagrespeto B. Pagsusumikap C. Pagkamatulungin D. Pagkamaaalalahanin
31. Anong ugali naman ang ipinakita ni Haring Salermo kay Don Juan sa korido?
A. Pagkatamad B. Pagkasuwail C. Pagkamalupit D. Pagkamatulungin
32. Sino ang nagdirihe sa unang palabas ng Ibong Adarna?
A. Manuel Conde B. Marcelo Garcia C. Nestor de Villa D. Vicente Salumbides
33. Sino ang unang nakasalubong ni Don Juan na humingi ng tinapay?
A. Ketongin B. Albularyo C. Ermitanyo D. Sumpungin
34. Ilang beses umawit ang ibon bago nakatulog si Don Pedro?
A. Anim B. Pito C. Walo D. Siyam
35. Sa anong salitang Mehikano binalbal ang salitang korido?
A. Corredo B. Qourido C. Occurido D. Occuredo
36. Alin sa sumusunod ang hindi paksain ng isang korido?
A. Kultura B. Mahika C. Paniniwala D. Paglalakbay
37. Bakit ayaw umawit ng Ibon?
A. Nagalit B. Nanghina C. Nagkasakit D. Nagdaramdam
38. Ano ang dahilan ng pagbanta ni Maria Blanca sa kaharian ng Berbanya?
A. Sobrang galit B. Sobrang inggit C. Sobrang suklam D. Sobrang paghihiganti
39. Anong katangian mayroon ang mga kapatid ni Don Juan
A. Mainggitin B. Mapang-api C. Mapagtaksil D. Mapag-unawa
40. Saang bundok nakita ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan?
A. Tabor B. Berbanya C. Armenya D. Reyno de los Cristales
41. Sino ang nagbunyag sa ginawang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan?
A. Lobo B. Adarna C. Prinsesa Leonora D. Donya Maria Blanca
42. Sino ang unang lumusong sa mahiwagang balon ng Armenya?
A. Don Juan B. Don Pedro C. Donya Juana D. Donya Maria Blanca

2
43. Anong klaseng ama si Haring Fernando?
A. Maawain B. Mapagbigay C. Mapagmahal D. Maaalalahanin
44. Sino ang nais pakasalan ni Don Juan?
A. Juana B. Donya Juana C. Donya Maria D. Prinsesa Leonora
45. Anong klaseng hari at reyna sina Don Juan at Donya Maria?
A. Modelo B. Masayahin C. Matulungin D. Mapagbigay
46. Sino ang pinagkakatiwalaan ni Haring Fernando sa pagdedesisyon ng magiging asawa ni Don Juan?
A. Pastor B. Arsobispo C. Don Pedro D. Haring Salermo
47. Sino ang may akda ng Salita at Buhay na pinagdaanan ni Don Rodrigo de Villas at ni Donya Jimena sa
kaharian ng Espanya?
A. Jose dela Cruz` B. Ananias Zorilla C. Rolando Carlomagno D. Jose Corazon de Jesus
48. Sino ang sumulat ng Korido na may pamagat na Salita at Buhay ni Juan de la Costa at ni Dalida na Naging
Alimango sa Reinong Ungria.
A. L. H. B. R. H. C. M.J. D. J.M.
49. “ Ama ko, nais kong hanapin ang lunas na inyong karamdaman. Ayokong Lumubha pa ang iyong
karamdaman”. Sino ang nagpahayag nito?
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan D. Donya Juana
50. “Labis na nagalak ang matanda ng ibinigay ni Don Juan ang kanyang natitirang tinapay”. Sino ang
tinutukoy sa pahayag na ito?
A. Ketongin B. Ermitanyo C. Sugatan D. Ugod-Ugod
51. Agad siyang pinalayas nang makita siya, ngunit nagpaliwanag ang prinsipe na naroon siya upang
magtanong lamang. Ano ang damdaming ipinapakita ng pahayag?
A. Inis B. Galit C. Lupit D. Bangis
52. Sino ang nagpakawala sa Ibong Adarna sa loob ng hawla?
A. Don Pedro B. Don Diego C. Don Juan D. Don Fernando
53. “Oh Birheng kaibig-ibig, ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip, nang sa layo’y di malihis”. Anong
nilalaman ng korido ito napabilang?
A. Imbokasyon B. Dedikasyon C. Pasasalamat D. Paghingi Ng Paumanhin
54. “Ang kaniyang mga utos at pasiya ay nararapat lamang para sa bayan; ang kaniyang hatol ay labis niyang
pinag-iisipan”. Sinong tauhan ang tinutukoy sa katagang ito?
A. Don Pedro B. Don Juan C. Haring Salermo D. Haring Fernando
55. Sino ang gumamot sa sugat ni Don Juan?
A. Ketongin B. Ermitanyo C. Sugatan D. Ugod-Ugod
56. Ano ang naging tugon ni Donya Leonora sa pakiusap ni Don Juan na si Donya Maria ang pakakasalan
niya?
A. Umiyak B. Tumutol C. Sumigaw D. Sumang-ayon
57. Saan lumabas ang dalawang negrito na inihanda ni Donya Maria?
A. Prasko B. Banga C. Bote D. Buslo
58. Anong daliri ang tumalsik at nawala kay Donya Maria?
A. Hintuturo B. Hinlalaki C. Hinliliit D. Palasingsingan
59. Unang pagsubok ay patagin ang bundok, ang pangalawa’y hulihin ang mga negrito sa dagat. Sino sa mga
sumusunod ang nagsakatuparan ng mga nabanggit?
A. Don Juan B. Donya Maria C. Haring Salermo D. Mahika Blangka
60. Hindi alintana ni Benjie ang hirap na natatamasa sa araw-araw para lang makatapos siya ng pag-aaral.
Ano ang kaugaliang ipinapakita ni Benjie?
A. Disiplinado B. Determinado C. Mabuting Asal D. Lahat ng nabanggit
61. Mga akda ng Korido pahalagahan; silang nagtanggol at nagtaguyod ng ating panitikan. Anong katangian
ang ipinapakita sa pahayag?
A. Pagkamabayan B. Pagkamaka-Diyos C. Pagkamakabansa D. Pagkamakatao
62. Ano ang ipiniga ni Don Juan sa kanyang palad matapos itong sugatan?
A. Dayap B. Dahon C. Dalandan D. Damo
63.Ilang taong hindi nakabalik sa kaharian sina Don Pedro at Don Diego?
A. Tatlo B. Anim C. Pito D. Walo

3
64. Ano ang nais ipatayo ni Haring Salermo sa tapat ng kanyang bintana?
A. Moog B. Kubo C. Bundok D. Palayan
65. Ano ang bansag panulat ni Jose dela Cruz na pinaniniwalaang may-akda ng Ibong Adarna?
A. Huseng Itik B. Huseng Sisiw C Huseng Batute. D. Huseng Adarna
B. Para sa bilang 67-70, piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
66. Paghahanap sa Reyno de los Cristales.
I. Nadatnan ng lobo na sugatan at patang-pata si Don Juan.
II. Ipinahid ng lobo ang banal na tubig sa sugat ni Don Juan.
III. Tinulungan ng lobo si Don Juan na umahon mula sa balon.
IV. Kinuha ni Don Juan ang singsing na hiling ni Donya Leonora.
A. III, II, IV, I B. I, II, III, IV C. II, III, IV, I D. II, I, III, IV
67. Ang Tunay na Serpiyente
I. Napaslang ni Don Juan ang serpiyente. II. Naglaban si Don Juan at ang serpiyente.
III. Pinutol ni Don Juan ang ulo ng serpiyente. IV. Pilit na nilabanan ni Don Juan ang serpiyente.
A. IV, III, II, I B. IV, I, II, III C. IV, II, I, III D. II, IV, III, I
68. Sa Pag-awit ng Adarna.
I. Biglang umawit ang Ibong Adarna. II. Nasindak ang dalawa niyang taksil na kapatid.
III. Agad na dinulog ni Don Juan ang amang may sakit. IV. Lubos na natuwa ang kanyang ina.
A. I,IV,II,III B. IV, III, I, II C. IV,I,III,II D. IV,II,I,III
69. Ang Pangako ni Don Juan.
I. Nabigo ang dalawa at naging bato.
II. Si Don Juan ang nagligtas sa mga kapatid na naging bato.
III. Binugbog nila si Don Juan dahil nanaig ang inggit sa kanilang puso.
IV. Hindi umawit ang Adarna dahil labis na dinamdam ang nakapanlulumong sinapit ni Don
Juan.
A. IV,III,II,I,V B. IV,III,I,V,II C. III,I,IV,II,V D. I, II, III, IV
70. Sa Pag-awit ng Ibong Adarna.
I. Agad na pinulong ng hari ang kanyang mga kagawad.
II. Nagpayo ang Ibong Adarna na ipamana ang trono kay Don Juan.
III. Muling nagbalik ang kalusugan at kasiglahan ni Haring Fernando.
IV. Nilapitan at hinagkan ng hari ang ibon at ang bunsong si Don Juan.
A. II, III, IV, I B. II,IV,I,III C. IV,I,II,,III D. IV,II,I,III
C. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahalagang napapaloob sa korido sa bawat pahayag na makikita
sa bilang 71-75. Ang pagpipilian ay ang sumusunod;
A. Pagmamahal C. Pananampalataya
B. Determinasyon D. Pakikipagsapalaran
71. Tinuturuan nito ang mambabasa na tapusin ang nasimulan.
72. Tinuturuan nito ang mga mambabasa na pagyamanin ang karanasan.
73. Tinuturuan nito ang mambabasa na tumuklas ng mga bagong kaalaman.
74. Tinuturuan nito ang mambabasa na gawin ang lahat upang angkinin ang isang tao.
75. Tinuturuan nito ang mambabasa na magkaroon ng pananalig sa kabila ng mga nararanasan.
76. Kung ang Piedras Platas ay matatagpuan sa bundok Tabor, saan naman matatagpuan ang bahay ng
ermitanyo?
A. Sa paanan ng puno C. Sa paanan ng kubo
B. Sa paanan ng balon D. Sa paanan ng bundok
77. Paano nabuhay si Don Juan sa paglalakbay habang hinahanap ang Reyno de los Cristales?
A. Sa pamamagitan ng panlilimos C. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho
B. Sa pamamagitan ng pamamahala D. Sa pamamagitan ng pagmamakaawa
78. Bakit patuloy pa ring naghihinagpis si Donya Leonora sa pagkawala ni Don Juan?
A. Dahil sa kanyang pag-aalala C. Dahil sa kanyang pagkadismaya
B. Dahil sa kanyang pagkabahala D. Dahil sa kanyang nararamdaman
79. Ano ang nilalaman sa inawit ng Ibong Adarna?
A. Ang payo na limutin si Donya Juana C. Ang payo na limutin si Donya Valeria
B. Ang payo na hanapin si Donya Maria D. Ang payo na hanapin si Donya Leonora
4
80. Pinapili ni Haring Fernando ang kanyang tatlong anak, kung sila’y magpapari o mamumuno sa kaharian.
Anong kaugalian ang ipinapakita sa pahayag?
A. Pantay na pagtingin C. Pantay na pagtrato
B. Pantay na pagmamahal D. Lahat ng nabanggit
81. Ano ang balak ni Haring Salermo upang hindi makatuluyan ni Don Juan si Maria Blanca?
A. Patayin si Don Juan C. Bigyan ng maraming pagsubok
B. Pagpapatapon kay Don Juan D. Ipakasal si Don Juan sa kapatid ng Hari
82. Alin sa mga ugaling pagpipilian ang ipinakita ng mga ermitanyo kay Don Juan?
A. Nagalit at nanloko C. Naging tapat at tumulong
B. Nahabag at nalumbay D. Nagsinungaling at nambastos
83. Nararapat ba ang mga ipinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan?
A. Oo, dahil anak niya ito C. Hindi, dapat tinanggap niya ito agad
B. Oo, kasi ayaw niya kay Don Juan D. Hindi, dahil sobra na ang pinapagawa niya
84. Alin sa mga pagpipilian ang dahilan bakit gustong tulungan ni Donya Maria si Don Juan?
A. Iniibig niya ito C. Likas na sa kanya ang tumulong
B. Naawa siya rito D. Gusto niyang pagtaksilan ang ama
85. Sino ang bagong hari at reyna sa kaharian ng Berbanya?
A. Don Juan at Donya Maria C. Don Pedro at Donya Leonora
B. Don Diego at Donya Juana D. Haring Fernando at Reyna Valeriana
86. Bakit sa perya karaniwang ipinagbili ang mga kopya ng korido?
A. Dahil sila ay palipat-lipat C. Sila ang marunong magbasa
B. Marami ang makababasa D. Sila ang may kayang makabili
87. Paano nalampasan ni Don Juan ang patibong ng ibon?
A. Sa pamamagitan ng pagtulog C. Sa pamamagitan ng determinasyon
B. Sa pamamagitan ng pagpaplano D. Sa pamamagitan ng pagiging matapang
88. Ano ang dahilan kung bakit napunta kay Don Pedro ang korona bilang bagong hari ng Berbanya?
A. Dahil siya ang karapat-dapat C. Dahil siya ang panganay na anak
B. Dahil sa kanya ibinigay ng hari D. Dahil hindi tinanggap ni Don Juan
89. Bakit lubhang nagkasakit si Haring Fernando?
A. Nag-alala sa anak C. Nangangailangan ng ibon
B. Nanaginip ng masama D. Nanghina dahil sa katandaan
90. Sino sino ang itinuturing na mga nilalang na sobrenatural, mala-bathala at maalamat ang katauhan?
A. Lobo at Ermitanyo C. Rolando at Carlomagno
B. Don Juan at Don Pedro D. Donya Juana at Prinsesa Leonora
91. Anong elemento ang hinggil sa mga pangyayari sa Tebes at Troy?
A. Elemento ng Pransya C. Elemento ng Romano
B. Elemento ng Britanya D. Elemento ng Klasikong Griyego
92. Ibinunyag ng Ibong Adarna ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Anong
kaugalian ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Walang pagkaka-isa C. Walang magawa
B. Walang pag-aalinlangan D. Walang ibang gusto
93. Ano ang sumibol sa Panahon ng Dakilang Alejandro?
A. Bibliya C. Espanya at Portugal
B. Kuwentong-bayan D. Edad Medya sa Europa
94. Kung ang dinadapuan ng Ibong Adarna ay isang puno, saan naman inihahalintulad ang korido?
A. Halaman C. Halamang namumunga
B. Halamang gumagapang D. Halamang namumulaklak
95. Bakit sinasabi na ang balon ay mahiwaga?
A. Dahl sa lalim nito C. Dahil sa nakatago nitong sikreto
B. Dahil sa gawa ito sa ginto D. Dahil sa tubig nitong singlinaw ng Kristal
96. Kung ikaw si Donya Maria, ano ang gagawin mo kung ibang babae ang pinakasalan ni Don Juan?
A. Magagalit at iiyak C. Magagalit at magwawala
B. Magagalak at lulundag D. Matutuwa at ipagbubunyi

5
97. Ano ang dahilan ng karamdaman ng hari?
A. Masamang pangitain C. Masamang hangin
B. Masamang panaginip D. Masamang kutob
98. Ano ang dahilan ng biglaang pagbaha sa loob ng kaharian ng Berbanya?
A. Matinding bagyo C. Matinding galit
B. Matinding pag-ulan D. Matinding kasiyahan
99. “Hindi alam ng mga taga Berbanya na naging bato na ang dalawa”, Sino ang mga tauhan na tinutukoy?
A. Don Juan At Don Diego C. Don Diego At Don Pedro
B. Don Pedro At Don Juan D. Don Pedro At Don Fernando
100. Paano ipinagunita ng dalawang negrito ang ginawang tulong ni Donya Maria kay Don Juan?
A. Sa pamamagitan ng paglalaro C. Sa pamamagitan ng pakikipanayam
B. Sa pamamagitan ng paglalaban D. Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan
101. Walang panghihinayang na sinuong ni Jake ang baha nang mag-isa makarating lang sa bahay-tuluyan.
Anong katangian ang ipinapakita ni Jake?
A. Sobrang Bilib Sa Kanyang Sarili C. Wala Nang Maisip Na Paraan
B. Matapang Ang Loob D. Lahat Ng Nabanggit
102. Kung ang labaha ay ginamit sa paghiwa ng palad, ano naman ang itinali ni Don Juan sa Adarna?
A. Matingkad na lubid C. Matingkad na sintas
B. Matingkad na kwintas D. Matingkad na sinturon
103. Kusang lumayo si Don Juan upang pagtakpan ang kaliluhan na ginawa ng kanyang dalawang kapatid,
Ano ang ipinapakitang kaugalian sa pahayag?
A. Pagpaparaya C. Pagpapakalayo
B. Pagpapakumbaba D. Pagpapasawalang bahala
104. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa pag-ibig?
A. Nagbibigay kulay sa buhay ng tao C. Nagbibigay kahulugan sa buhay ng tao
B. Nagbibigay pag-asa sa buhay ng tao D. Nagbibigay ng agam-agam sa buhay ng tao
105. Bakit namatay si Haring Salermo matapos niyang binulalas ang sumpa?
A. Dahil sa paglisan ng anak C. Dahil sa ginawa ng anak
B. Dahil sa kanyang labis na pagkatuwa D. Dahil sa kataksilan ng anak
106. Sino ang nagsilbing taga-aliw ng mga bisita sa kasalan nina Don Juan at Prinsesa Leonora?
A. Dalawang negrito C. Apat na negrito
B. Tatlong negrito D. Limang negrito
107. Paano gumaling si Don Juan nang pagtulungang bugbugin ng dalawa niyang kapatid?
A. Sa tulong ng Lobo C. Sa tulong ng dayap
B. Sa tulong ng Ibong Adarna D. Sa tulong ermitanyo
108. Ano ang gagawin mo kung sakaling ang mahal mo ay mahal ka ngunit humahadlang ang pamilya niya?
A. Itatanan siya para makasama C. Lahat ng sagot ay tama
B. Haharapin ang magulang niya D. Iwanan na siya para walang gulo

109. Kung ikaw si Don Pedro, gagawin mo rin ba ang magsinungaling kay Haring Fernando para sa iyong
pangalan?
A. Oo, dahil kailangan ito upang hindi makasakit.
B. Hindi, dahil walang kuwenta ang pagsisinungaling.
C. Hindi, dahil masama ang magsinungaling sa nakatatanda.
D. Oo, dahil kailangan kong ipaglaban ang aking minamahal.
110. Kung ikaw si Don Juan, susundin mo rin ba ang utos ng Ibong Adarna na piliin si Maria Blanca?
A. Hindi, dahil sinungaling ang ibon.
B. Hindi, dahil walang karapatan ang ibon.
C. Oo, dahil mapagkakatiwalaan ang ibon.
D. Oo, dahil mabait ang mahiwagang ibon.
111. Bakit naunang tumungo sa kaharian ng Berbanya si Don Juan?
A. Upang makita si Donya Leonora.
B. Upang pakasalan si Donya Juana.
C. Upang ihanda ang pagdating ni Donya Maria.
6
D. Upang humingi ng kapatawaran sa amang hari.

112. Tama ba ang ginawang paninilip ni Don Juan kay Donya Maria Blanca habang naliligo?
A. Oo, dahil mahal niya ito.
B. Hindi, dahil kasalanan ito sa mata ng lahat.
C. Oo, kasi kailangan niya itong bantayan at makausap.
D. Hindi, kasi kasalanan ito at kailangan niyang respetuhin ito.
113. Anong aral ang makukuha sa kabanatang “Mga Kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Don Juan”?
A. Maging totoo sa ginagawa.
B. Huwag magpaloko sa ibang tao.
C. Determinasyon at pagtitiis para sa taong mahal mo.
D. Sumusunod sa inuutos ng taong nagpalaki sa mahal mo.
114. Ano ang mas malapit na pagkakaintindi sa pangungusap na ito? “ Walang bagay na hindi kayang gawin
ng taong nagmamahal ng taimtim.”
A. Kaya mong magpakatanga para sa minamahal mo.
B. Kaya mong magpakabait sa minamahal mo kahit nahihirapan na.
C. Kaya mong tiisin lahat ng sakit at paghihirap kung mahal mo ang isang tao.
D. Kaya mong hindi kausapin ang taong mahal mo kung hindi kayo nagkakaunawaan.
115. “Ang tunay na pag-ibig ay hindi nadidiktahan at hindi napipilit.” Ano ang pakahuhulugan nito?
A. Ang pag-ibig ay may sariling desisyon.
B. Ang pag-ibig ay may nakagagawa ng hindi inaasahan.
C. Ang pag-ibig ay hindi nagpapakatanga sa katotohanan.
D. Ang pag-ibig ay darating ng hindi inaasahan, hindi ito namimili.
116. “Ang pag-alam sa panitikan ng bansa ay daan sa pagbuo ng diwang makabansa.” Ito ay
nangangahulugang?
A. Sa pamamagitan ng pantikan, umusbong ang isang bansa.
B. Sa pamamagitan ng panitikan, naging makata ang isang bansa.
C. Sa pamamagitan ng panitikan, naging maalam ang isang bansa.
D. Sa pamamagitan ng panitikan, nayabong ang pagkakilanlan ng isang bansa.
117. Nalaman mong hindi na pumapasok sa paaralan ang iyong nakatatandang kapatid. Pinakiusapan ka nito
na huwag isumbong sa iyong magulang. Ano pinakamainam gawin sa natuklasang lihim?
A. Hihintaying ang magulang ang makatuklas ng lihim.
B. Hahayaan mo nalang sapagkat hindi mo naman buhay iyon.
C. Sasabihin ito sa magulang kahit na ikagagalit pa ito ng iyong kapatid.
D. Maghihintay na sabihin ng iyong kapatid ang totoo kung kailan niya gusto.
118. Isinugod sa ospital ang iyong ama dahil sinumpong ito ng kanyang sakit. Pinoproblema mo ang mga
gastusin sa ospital dahil wala kang sapat na kinikita. Nagkataong nakakita ka ng isang pitakang punong-
puno ng pera na nahulog ng isang ale. Ano ang gagawin mong hakbang?
A. Ibabalik ang pitakang napulot at hihingi ng kapalit.
B. Hindi na ipapaalam sa lahat na nakapulot ka ng pitaka.
C. Ibabalik ang pitakang napulot at hihingi ng tulong sa may-ari.
D. Kukunin ang pitakang nahulog at gagamitin sa panggastos sa amang may sakit.
119. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama tungkol sa lobo?
A. Tinulungan ng lobo si Don Juan.
B. Ang lobo ay nagtungo sa kagubatan.
C. Nadatnan ng lobo na sugatan at patang-pata si Don Juan.
D. Matagal na nakaahon mula sa kailaliman ng balon si Don Juan dahil sa lobo.
120. Maliban sa isa, Ano ang dapat sundin ni Don Juan sa puso niyang nalilito?
A. Piliin niya ang babaeng mahal siyang talaga.
B. Piliin niya kung ano ang gusto ng nakararami.
C. Piliin niya ang babaeng nakasama niya ng matagal.
D. Piliin niya ang babaeng nagdulot sa kanya ng masayang ala-ala.
---------------------------------------------------------------------Nawa’y Pagpalain tayo ng Poong Maykapal.--------------------------------------------------------------------------

Inihanda ng mga: Binusisi at winasto ni: Sinang-ayunan ni: Pinagtibay ni:

7
Grade 7 Student Teachers MARBETH G. ARINGAY CARMELA L. BALASICO DENIS A.TAN, Ph
Gurong Tagapag-Ugnay Kalihim ng CMULHS CMULHS
Punongguro

You might also like