You are on page 1of 1

Chapter 1-13

1. Ibigay ang limang (5) pangunahing tauhan sa Ibong Adarna (5).


2. Bakit nagsisimula sa pagaalay ng dasal ang korido?
3. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?
4. Ano ang napanaginipan ng hari sa unang bahagi?
5. Bakit nagkasakit ang hari?
6. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
7. Saang bundok matatagpuan ang Ibong Adarna?
8. Sino ang paboritong anak ni Don Fernando?
9. Ilang buwan naglakbay si Don Pedro?
10. Ano ang pagkakapareho ni Don Pedro at Don Diego?
11. Ilang buwan naglakbay si Don Diego?
12. Ano ang dahilan kung bakit nabigo si Don Pedro sa paghuli sa Ibong Adarna?
13. Ano ang ugali ng Ibong Adarna kapag ito’y dumarapo sa Piedras Platas?
14. Ilang taon nang di bumabalik sina Don Pedro at Don Diego?
15. Ano ang ibinigay ng hari kay Don Juan bago ito maglakbay?
16. Ilang tinapay ang baon ni Don Juan sa paglalakbay?
17. Sino ang nasalubong ni Don Juan sa ika-5 buwang paglalakbay?
18. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
19. Ano ang naging payo ng matandang leproso kay Juan?
20. Ano ang ginawa ni Don Juan upang malabanan ang antok?
21. Ano ang gamit ni Don Juan upang magapos ang ibon
22. Paano nabalik sa dati sina Don Pedro at Don Diego
23. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
24. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang
ibon?
25. Ano ang sinabi nina Don Pedro at Don Diego sa hari noong sila ay bumalik?
26. Bakit naging malungkot ang Adarna pagdating sa kaharian?
27. Bakit binugbog nila si Don Juan kahit siya’y kapatid nila?
28. Kanino humingi si Don Juan ng tulong kapag siya ay nasa pagsubok?
29. Sino ang gumamot kay Don Juan pagkatapos siyang bugbugin?
30. Ano ang nangyari pagkatapos gamutin si Don Juan?
31. Ano ang inabutan ni Don Juan nang makabalik siya sa Berbanya?
32. Ano ang isinalaysay ng ibon nang ito ay umawit na?
33. Sino ang nagsalaysay ng tunay na nangyari sa Bundok ng Tabor?
34. Bakit hinatulan ng hari sina Don Pedro at Don Diego?
35. Sino ang ipinalagay ni Don Juan na kaawa-awa kung di sila mapapatawad?
36. Paano pinatunayan ni Don Juan ang pagmamahal sa mga kapatid niya?
37. Paano ang naging hatian ng magkakapatid sa pagbabantay sa ibon kapag
gabi?
38. Ano ang ginawa ni Don Pedro upang mapasama si Don Juan sa hari
39. Ano ang ginawa ni Don Juan nang makitang wala na ang Adarna
40. Dapat bang matakot si Don Diego? Bakit/Bakit hindi?

You might also like