You are on page 1of 4

Department of Education

ALILEM NATIONAL HIGH SCHOOL


Ikaapat na Markahang Pagsusulit
sa Filipino 7

Pangalan: ___________________________ Seksiyon: ________________ Marka: _________


A. Direksyon: Tukuyin ang katangian ng korido na hinihingi ng bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
__________1. Ilan ang bilang ng pantig na bumubuo sa isang taludtod ng korido?
a. siyam b. sampu c. walo d. labindalawa
__________ 2. Ano ang tawag sa himig na napakabilis sa pag-awit ng korido?
a. andante b. allegro c. headtone d. falsetto
__________3. Anong uri ng tula ang sumasaklaw sa korido at awit?
a. komedya b. epiko c. trahedya d. romansa
__________4. Alin sa mga sumusunod ang paksa ng isang korido?
a. mga bayani’t mandirigma
b. pananampalataya’t kababalaghan
c. larawan ng buhay at pag-asa
d. pagtataksil
__________5. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga tauhan sa korido maliban sa isa:
a. Makatotohanan at hango sa tunay na buhay
b. May kapangyarihang supernatural
c. Nahaharap sa pakikipagsapalaran
d. Nakakagawa ng kababalaghan
B. Direksyon: Ibigay ang mahahalagang detalye na tinutukoy ng bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
__________6. Ang dilag na binabantayan ng serp’yente.
a. Donya Leonora b. Donya Maria Blanca c. Donya Juana d. Donya Isabel
__________ 7. Ang sakit ng matandang nakasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay papuntang Tabor.
a. kanser b. ketong c. hika d. tigdas
__________ 8. Ang bagay na kinalalagyan ng mga munsing munsing na Negrito.
a. kahon b. prasko c. baul d. bote
__________9. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga kapatid ni Don Juan.
a. isang taon b. dalawang taon c. apat na taon d. tatlong taon
__________10. Ang ibong nagdala kay Don Juan sa pang anim na ermitanyo.
a. Ibong adarna b. agila c. olikornyo d. martines
__________ 11. Ang parte ng katawan ni Donya Maria na tumalsik nang siya ay tadtarin ni Don Juan.
a. daliri b. tainga c. ngipin d. balat
__________12. Ang sandatang ginamit ni Don Juan laban sa antok.
a. alak b. dayap at labaha c. kape d. kalamansi at kutsilyo
__________13. Ang nilalang na nagbabantay kay Donya Leonora.
a. higante b. kapre c. lobo d. serp’yente
__________14. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
a. namamatay b. nakakatulog c. nagiging bato d. nalulusaw
__________15. Ano ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panganib para sa ama?
a. kahihiyan ng pamilya kapag di sila kikilos para sa ama
b. wagas ang kanilang pagmamahal sa magulang
c. paghahangad sa kayamanang mamanahin
d. pagtalima para sa karangalan
_________16. Ano ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda?
a. likas na maawain at mapagkawang gawa si Don Juan
b. alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda sa kanya kaya tinulungan niya
c. hindi na kailangan ni Don Juan ang hinihingi ng matanda kaya binigay na lang niya
d. tumulong si Don Juan upang magpakitang gilas
__________17. Ang mensaheng taglay ng panananalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
a. mahina si Don Juan at takot sa susuongin niya
b. malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya
c. nais ni Don Juan na magabayan siya sa misyon niya
d. nais niyang ipakita na siya’y maka-diyos
__________18. Ang mga sumusunod ay iniutos ni Haring Salermo kay Don Juan maliban sa isa:
a. patagin ang bundok at tamnan ng trigo c. patayin ang kabayong diyablo
b. sisirin ang singsing na nawala sa karagatan d. ibalik ang mga Negrito sa kinalalagyan nila
__________19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliraning panlipunan na nakapaloob sa
ginawang pagtataksil ng mga kapatid ni Don Juan?
a. Ang pagsasamantala ng isang pinuno sa kanyang nasasakupan
b. Ang mablis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi
c. Ang pagiging masunurin sa kapatid
d. Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa
___________20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng “crab mentality”?
a. Isiping higit kang mahusay o magaling kaysa sa iba
b. Huwag ikompara ang sarili sa iba
c. Mainggit sa iyong mga kaibigang matagumpay na sa kanilang buhay
d. Gumawa ng kwentong makasisira sa buhay ng taong matagumpay na
C. Direksyon: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salitang may salungguhit sa mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. mahigpit na pagpulupot d. pinalitan g. nakatakda


b. binantaan e. balisa
c. magsinungaling f. nagtaksil

____________21. Nakatadhana sa utos ang gawaing pagtatanod.


____________22. Sina Don Pedro at Don Diego ay nagsukab sa kanilang kapatid.
____________23. Nililingkis ng sawa ang kanyang biktima bago kainin.
____________24. Hindi hinalinhan ni Don Diego si Don Juan dahil sa utos ni Don Pedro.
____________25. Ang hari’y binalaan ang dalawang prinsipeng huwag siyang paglihiman.
____________26. Itong anak na suwail, magbulaan ay magaling.
D. Direksyon: Tukuyin ang damdamin o saloobing masasalamin sa mga pahayag ng mga sumusunod na tauhan.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
___________27. Noon niya napagsukat ang sa tao palang palad magtiwala ay mahirap, daan ng
pagkapahamak. (Don Juan)
a. Nawalan ng pag-asa b. nawalan ng tiwala c. nawala ang takot d. nawala ang saya
___________28. “Hindi kita kailangan, ni makita sa harapan, umalis ka’t manghinayang sa makikitil
mong buhay.” (Donya Leonora)
a. nag-aalala b. naiinis c. nananakot d. nanghihinayang
___________29. “O hindi ko natagalan ang dilim na bumalabal sa sindak at katakutan para akong
sinasakal.”(Don Pedro)
a. nagalit b. nahiya c. natakot d. nasiyahan
___________30. “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y
sumasamba. (Don Juan)
a. matinding paghanga b. matinding pagkalito c. matinding tuwa d. matinding lungkot
E. Direksyon: Ibigay ang tinutukoy na tauhan na nagwika sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
____________31. “Higanteng ito’y siya ngang sa akin ay may-alaga, sobrang bagsik, sobrang siba, taong datna’y
sinisila.”
a. Donya Leonora b. Donya Juana c. Donya Maria Blanca d. Donya Isabela
____________32. “Wala ka ring karapatan pagkat ako ang panganay nasa akin ang katwiran.”
a. Don Diego b. Don Juan c. Don Fernando d. Don Pedro
____________33. “Ang sa inyo ay magsukab, sa akin ay magbabayad.”
a. Don Juan b. Don Salermo c. Don Fernando d. Don Pedro
____________34. “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora, dito ay may lalalo pa sa karangalan at ganda.”
a. Don Pedro b. Donya Maria c. Donya Juana d. Ibong Adarna
F. Direksyon: Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na pahayag na binitawan ng mga tauhan sa akda. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang sagot.
____________35. “Giliw ko, ang singsing ko’y bayaan na, ang pagparoon mong mag-isa’y lubha
kong inaalala.” (Donya Leonora)
a. Nangangamba si Donya Leonora na sa muling pagbabalik ni Don Juan sa balon ay mapahamak
ang prinsipe.
b. Hindi na mahalaga kay Donya Leonora ang singsing sapagkat ang tanging nais niya ay makasama
si Don Juan.
c. Gustong samahan ni Donya Leonora si Don Juan sa pagbabalik nito sa balon.
____________36. “Kay Don Juan ano kaya ang ginhawang mapapala? Ang mamatay sa pagluha at mabuhay na
kawawa.” (Don Juan)
a. Ipinaliliwanag ni Don Pedro kay Leonora na limutin na si Don Juan sapagkat wala na ang prinsipe.
b. Ipinahihiwatig ni Don Pedro kay Leonora na tanging luha at pasakit lamang ang kanyang
mapapala kay Don Juan na masama.
c. Sinasabi niyang walang kwenta si Don Juan at di karapat dapat sa prinsesa.
____________37. “Di rin naming natagpuan ang bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito po ang
Natagpuan.” (Don Perdo at Don Diego)
a. Nag-ulat ang dalawa sa ama na dahil sa kapaguran ay hindi na nila kinayang hanapin pa ang
nawalang kapatid.
b. Sa kanilang paghahanap sa kapatid ang kanilang nakita ay sina Donya Leonora at Donya Juana na
kapwa pumaslang kay Don Juan.
c. Nagsinungaling ag magkapatid sa ama na hindi na nila nakita ang bunsong kapatid na si Don Juan.
____________38. “Tibayan ang kalooba’t dagdagan ang kabaitan, taong nagpapakabanal huwag
pagmamalaswaan.” (Haring Fernando)
a. Hinabilinan ng Haring Fernando ang anak na si Don Pedro na matutong maghintay at huwag
gagawan ng masama si Donya Leonora.
b. Nagalit ang hari kay Don Pedro dahil hindi nito iginalang ang kahilingan ni Donya Leonora
c. Hiniling ng ama sa anak na si don Pedro na magpakabait at maging huwaran sa pagiging maginoo
sa kaharian.
_____________39. “Pag-asa ko, aking giliw, buhay ka at darating din, darating ka’t hahanguin si Leonora sa
hilahil.”(Donya Leonora)
a. Buo pa rin ang pag-asa ni Donya Leonora na ang minamahal na si Don Juan ay muling babalik at
papawiin ang kanyang kalungkutan.
b. Walang hangad si Donya Leonora kundi ang magbalik si Don Juan upang gamotin ang kanyang
malubhang karamdaman.
c. Tanging pag-asa ni Donya Leonora sa kanyang buhay si Don Juan na siyang lunas sa kanyang
pighati.
_____________40. “Manalig kang walang hirap na di-nagtatamong palad, pagmasdan mo’t yaong ulap hinahawi ng
liwanag.”( Ibong adarna)
a. Sinabi ng Ibong Adarna na huwag matakot si Don Juan sa anumang dadanasin niyang hirap
sapagkat nasa panig siya ng liwanag.
b. Binigyang payo ng Ibong adarna si Don Juan na patuloy na magtiis anumang hirap ang kanyang
harapin dahil tiyak na ang bagong pag-asa ay kanyang kakamtin.
c. Sa kanyang paglalakbay, nangako ang Ibong adarna na siya ay sasamahan at sa madilim na ulap
siya ang magsisilbing liwanag.
G. Direksyon: Pillin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita gamit ang naibigay na
kasalungat nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
Kasalungat
______________41. panatag- magulo
a. kalungkutan d. tunay
______________42. hilahil- kasiyahan
b. kaibigan e. mapahamak
______________43. mautas- maligtas c. payapa
______________44. katoto- kalaban
H. Direksyon: Suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
______________45. “Sa aki’y ipahintulot mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang panata ko sa
Panginoon.” Si Donya Leonora ay:
a. maka-Diyos b. malungkutin c. mapagkumbaba d. masunurin
______________46. Kapwa kami mayro’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang
kaharian.” Si Don Pedro ay:
a. mayaman b. mapagmahal c. mayabang d. mapagpakumbaba
______________47. “Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako’y agad babalik
din.” Si Don Juan ay:
a. mayabang c. mahilig makipagsapalaran
b. maalalahanin d. gagawin lahat para sa minamahal
______________48. Ano ba’y gagayunin ang bunso kong ginigiliw, ito nama’y di salarin na dapat pagbayarin.” Si
Haring Fernando ay:
a. malupit b. matatakutin c. nagpapahalaga sa katarungan d. mainitin ang ulo
______________49. “O kasi ng aking buhay lunas nitong dusa’t lumbay ano’t di ka dumaratal ikaw kaya’y napasaan?”
Si Donya Leonora ay:
a. nangungulila b. nagagalit c. natatakot d. nayayamot
______________50. “O, Panginoong haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na ituro yaong
landas.” Si Don Juan ay:
a. maawain b. mapamahiin c. matatakutin d. madasalin

You might also like