You are on page 1of 4

Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School

Balagtas,Orion, Bataan

Mahabang Pagsusulit sa Filipino 7

Pangalan:_____________________________________ Taon at Pangkat:_______________

Panuto: Isulat kung ang dalawang salitang magkatambal ay A-magkasingkahulugan; B-


magkasalungat; at C-wala sa dalawa. Titik lamang.
1. Takipsilim- mag uumaga
2. Di-naino- di namalayan
3. Maagbawas- maligo

Panuto:Piliin ang kahulugan ng di-pamilyar na salitang may salungguhit na ginamit sa


saknong. Titik lamang ang isulat.
4. Sa laki ng kalumbayan a.kuwaderno
Di na siya napahimlay b.panaginip
Nalimbag sa gunamgunam c.isipan
Ang buong napanagimpam d.puso

5. Di umano si Don Juang a.binugbog


Bunso niyang minamahal b.nilinlang
Ay nililo at piñata c.hinilo
Ng dalawang tampalasan d.sinakal

6. Lahat dito’y pasaliwa a.alintana


Walang hindi balintuna b.katotohanan
Ang mabuti ay masama’t c.kabaliktaran
Ang masama ay dakila d.maganda

7. Ang korido ay nasusulat sa ____________ at inaawit sa mabilis na kumpas.


a.apat na pantig b.walong pantig c.labindalawang pantig d.pitong pantig

8. Ang sumulat ng korido ay di kaniwang naglalagay ng kanilang pangalan maliban kina _____
a. Lope k. Santos, Lose Lacaba, Amado V. Hernandez
b. Jose Dela Cruz, Anonias Zorilla at Francisco
c. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto
d. D. Arturo Cabunat, Clodualdo del Mundo, Teo S. Baylen

9. Ang ibong adarna ay isang mahabang tulanh nagsasalaysay ng buhay na pinagdaanan ng


tatlong magkakapatid na prinsipe ng kaharian ng ________
a.Albanya b.Armenya c. Berbanya d.Germanya

10. Lahat ng korido ay may paunang paghahandog o pag-aalay sa __________


a.magulang b.panginoong Diyos c.Sto papa d.mahal na birhen

Panuto: Basahin ang talataan at sagutin ng mga tanong na kasunod nito. Titik lang.

Sa Pagpapakababa Ikaw ay may Biyaya


Napakahirap magpakababa ! Subalit alam na ninyo na ang sinumang magpakababa ay may
biyayang tatanggapin mula sa Panginoon?
Ilang beses ka na bang hindi naging masaya dahil may ilang taong sa iyo ay nang iinsulto?
Katunayan ay may kasabihan ang Tsino na mas mainam kung ipagwawalang-bahala mo ang
insulto na sa iyo ay ginawa kaysa gumawa ng reaksyon sa ginawang insulto sa iyo.
Subalit hindi ito nangangahulugan na hahayaan mo na ikaw ay abusuhin. Narito pa ang isang
halimabawa ng pagpapakababa na ginawa ni Don Juan. Siya kasi ay maglalakbay at hahanapin ang
mga kapatid nang di magdadala ng kabayo. Bilang isang Prinsipe kasi dapat ay may dala siyang
kabayo, maraming pagkain at kasama ang dapat niyang baon-baon at dala-dala. Subalit sabi nga niya
ang lahat ng iyan ay di niya kailangan. Sa halip ay baon lamang niya ang limang tinapay at ang
patnubay ng Panginoon. Sabi pa niya di hamak ang magpakababa sapagkat alam niya ang biyaya ay
magiging maamo sa kanya. Nangangahulugan ito na matatagpuan niya ang kanyang kapatid.
11. Anong mgandang pagpapahalagang pangkatauhan ang itinuro ng binasang talataan?
a. pagpapatawad c. pagtitipid
b. pagtitiis d.pagpapakababa

12. May kasabihan sa Tsino na “Mas mainam kung ipagwawalang bahala mo ang insulto na sa
iyo ay ginawa kaysa gumawa ng reaksyon sa ginawang insulto sa iyo” Anong magandang
ugali ang itinuturo ng kasabihang ito?
a. Pagpapatawad c.Paggalang sa opinion ng iba
b. Pagiging masayahin d.Pagtitiis

13. Anong mahalagang kaisipan ang mahahango sa talata?


a. Matibay ang paniwalang di hamak ang magpakababa
Pagmatapat ka na nasa, umaamo ng biyaya.
b. Sa diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang
Kung ikaw ay pumanaw, tadhana ng kapalaran
c. Ang taong may kahinaan, ayaw man ng kasalanan
Nalilihis din sa kabutihan.
d. Ang buhay ay matalinghaga, matulog ka ng mahusay,
Magigising ka ng may lumbay.

Panuto: Piliin sa mga sumusunod na salita ang ipupuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng
talata.

Lalaki magpari mag-aral kaharian


Pagsilbihan mmapagmahal espada ama

Si Haring Fernando ay marangal, matalino at (14)_________ na ama. Tatlo ang kanyang


anak at pawang mga (15)_______. Hindi siya naniniwala na kapag mayaman ang tao, ay hindi na
kailangang(16)_______. Dumating ang panahon na pinapili siya ang tatlo kung
gustong(17)________o magsilbi sa kaharian. Dahil may mabubuting kalooban, pinili na
(18)_______ ang bayan. Kinakailangan kasi na marunong humawak ng (19)_______ kaya sila ay
pinaturuan ng hari. Madali naman natuto ang tatlo kaya’t sila ay nagpasalamat sa (20)______ .

Panuto: Tukuyin ang tauhang nagsasalita sa mga sumusunod na pahayag


Don Juan Don Diego Don Pedro Haring Fernando matandang leproso
matandang ermitanyo Prinsesa Leonora Haring Salermo Donya Maria

21. Wala ka ring karapatan pagkat ako ang panganay nasa akin ang katwiran.
22. Ang daliri ko ay kulang, ito’y iyong tatandaan sa aki’y pagkakilanlan.
23. Bati ko’y magandang hapon sa hari kong panginoon.
24. Hinihiling ko rin naman isang silid ako’y bigyan na sadya kong tutulungan.
25. Salamat na walang hanggan magandang hapon din naman.
26. Aanhin mo si Don Juan ako nama’y naririto umiibig din sa iyo.
27. Iyang iyong panukala tila mandin anong sama, alaming ang mawawala kapatid nating dakila.
28. Bunsong anak kong Don Juan, kung ikaw pa’y mawawalay ay lalo kung kalumbayan.
29. Maginoo maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan n.
30. Halika na aking giliw ilaw sana’y bitbitin.

Panuto: Piliin ang titik sa pangungusap ng bahaging may mali. Isulat ang E kung walang
nakitang mali.
31.Si Haring Fernando ang namumuno sa kaharian ng Berbanya at si Donya Valentina ang
A B C
kanyang kabiyak.
D
32. Dahil sa nabalitaan ni Haring Fernando na ang bunsong anak ay piñata, siya ay nagkasakit.
A B C D

33.Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa bundok ng Ermanya at siya ay humahapon sa puno ng


A B C
Piedras Platas.
D
34. Ugali ng hari na matapos ang pagkanta ay magbawas muna bago matulog sa sanga.
A B C D
35. Katulad din ni Don Pedro si Don Diego’y naging bato nang siya’y mapatakan ng dumi ng
A B C D
Adarna.
36. Ang ibon ay umaawit ng walong ulit at sa bawat awit ay nagpapalit siya ng balahibo.
A B C D
37. Pinabaunan ng Ermitanyo si Don Juan ng 7 dayap, labaha at gintong hawla para mahuli ang
A B C
ibon.
D
38. Nagtagumpay si Don Juan na mahuli ang Ibong Adarna at mabuhay muli ang dalawa niyang
A B C D
kapatid.
39. Sa galit ng Hari kay Prinsipe Juan pinagbantaan niya na dina muling patatawarin at sa halip
A B C
ay kamatayan ang parusang makakamit
D
40. Si Donya Juana ay kapatid ni Donya Leonora na natagpuan ni Don Pedro sa loob ng balon.
A B C D

Panuto:Ayusing mabuti ang mga ginulong salita upang makabuo ng isang kaisipan. Titik
lamang

41. buhay ang ay pakikipagsapalaran isang


A. Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran
B. Pakikipagsapalaran ay isang buhay
42. mamaluktot kumot matutong maiksi kapag ang
A. Matutong mamaluktot pag maiksi ang kumot
B. Kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot
43.may nilaga pag tiyaga may
A. Pag may nilaga may tiyaga
B. Pag may tiyaga may nilaga
44. sa magulang pagsunod ang marangal gawain ay na
A. Ang gawaing marangal ay pagsunod sa magulang
B. Marangal na gawain ang pagsunod sa magulang
45. ay darating pagkatapos ang liwanag kadiliman ng
A. Pagkatapos ng dilim ang liwanag ay darating
B. Darating ang liwanag pagkatapos ng dilim

Panuto:Piliin ang dapat gawin sa mga sumusunod na suliranin. Titik lang.

46.Hindi mo alam sino ang pipiliin mo sa dalawang lalaking nanliligaw sa iyo. Pareho mo kasi
silang gusto. Ano ang gagawin mo?

a. Sasagutin ko na lang silang pareho para enjoy.


b. Papipiliin ko ang kaibigan ko kung sino ang mas bagay sa akin.
c. Titimbangin ko ang damdamin ko kung kanino talaga ako masaya sa kanilang
dalawa.
d. Dadaanin ko na lang sila sa pagsubok.

47. Gusto ng mga magulang mo na maging doctor ka. Pero ang gusto magpari. Tutol ang mga
magulang mo sa gusto mo, pero mahal na mahal mo sila dahil nag-iisa kang anak nila. Ano ang
gagawin mo?

a. Ipagdarasal mo sa Panginoon ang tamang gawain upang makapagdesisyon ka ng


tama.
b. Sundin na lang ang mga magulang mo upang mapasaya sila.
c. Sundin ang sariling kagustuhan dahil buhay mo naman iyan
d. Wala sa nabanggit
48. Upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay tulad ng pagkatiwalag sa tungkulin ng iyong
ama o sinumang kumakalinga sa iyo, alin sa mga sumusunod ang dapat na pangibabawin sa isip at
damdamin?

a. Pananalig sa sariling kakayahan


b. Pananalig sa dakilang lumikha
c. Kapag may hirap, may ginhawa
d. Kapalaran ko may di hanapin, dudulog lalapit kung talagang akin.

49. Sa unang pagkakataon, pinayagan ka ng iyong mga magulang na sumamang magbakasyon sa


iyong kaibigan sa loob ng isang linggo sa kanilang lalawigan. Alin kaya sa mga sumusunod ang
susundin mong payo ng iyong mga magulang.

a. Makisama nang mabuti sa lahat ng taong daratnan doon.


b. Makibahagi sa anumang gugulin
c. Lahat ng nabanggit
d. Wala sa nabanggit

50. Sa unang pagkakita mo pa lamang sa isang babaing mag-aaral sa inyong paaralan ay nabighani
ka na sa kanya. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?

a. Lalapitan mo siya at magpapakilala ka.


b. Ipagtatanong mo siya sa iba at aalamin ang ugali.
c. Magpapasama ka sa kakilala mo at sasabihing ipakilala ka.
d. Magpapapogi ka sa kanya at magpapansin.

You might also like