You are on page 1of 4

Filipinio 7

Aralin 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Ibong Adarna


(Saknong 7-161, pagkatapos sagutan ang mga gawaing naitala sa ibaba.

IBONG ADARNA
Buod ng saknong 7-161

Ang kahariang Berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna


Valeriana kasama ang tatlong prinsipe na sina Don Pedro, Don Diego at ang bunsong si Don
Juan ay nagkaroon ng mabigat na suliranin dahilan ito sa pagkakasakit ng hari sa hindi
malamang dahilan, nagsimula ito nang managinip ang hari tungkol sa knayang bunsong anak na
pinatay ng mga masasamang loob at inihulog sa malalim na balon. Ito ang naging dahilan kaya’t
hinanap nila ang mahiwagang ibon sapagkat ito lamang ang tanging makapagbibigay lunas sa
karamdaman ng hari.
Umalis si Don Pedro sakay ng isang kabayo sa loob ng tatlong buwang
paglalakbay namatay ang kabayo kaya’t napilitan siyang maglakad kahit mahirap upang
matagpuan ang kinaroroonan ng mahiwagang ibon. Nakita niya ang bundok Tabor at siya ay
namangha dahil sa taglay nitong hiwaga. Kaya’t siya’y nakatulog ng mahimbing. Di niya
namalayan ang pagdating ng mahiwagang Ibong Adarna, inihanda ang sarili sa pitong ulit na
pag-awit at pitong ulit na magpapalit ng kulay, bago siya tuluyang matulog siya ay magbabawas,
sa kasamaang palad bumagsak ito kay Don Pedro at tuluyang naging bato.
Si Don Diego naman ang inutusang sumunod sa kanyang kapatid, kaya’t ito’y naghanda sa
gagawing paglalakbay. Narating din niya ang bundok Tabor na kanyang pakay. Sa tabi ng puno
napansin niya ang isang bato na tila siya ay inaayayahang doon magpahinga. Di nagtagal
dumating sa Piedras Platas ang ibon at sinimulan ang kanyang pag-awit sa lambing ng kanyang
tinig si Don Diego ay unti-unting napapikit at tuluyang nakatulog, pitong awit, bawat awit
balahibo’y nag-iiba ng kulay. Tulad ng dati siya’y nagbawas at kay Don Diego ito bumagsak
kaya’t siya’y naging bato na rin.
Sa loob ng tatlong taon hindi pa rin bumabalik ang kanyang mga kaptid kaya’t
ninais ni Don Juan na hanapin na ang mga ito. Bindesyon ng ama ang tanging baon nito upang
masigurong ligtas sa gagawing paglalakbay. Wala siyang dalang anuman maliban sa limang
tinapay. Hiniling sa Poon na siya ay gabayan at matagpuan ng ang hinahanap. Sa tuwing siya ay
nakakaramdam ng pagod tumatawag siya sa Birheng Maria upang mapawi ang kanayang agam-
agam sapagkat nagiging panatag na muli ang kanyang pakiramdam. Sa kanyang patuloy na
paglalakbay nakita niya ang isang matanda sugatan, ang matanda ay may sakit na ketong na
parang lumpo pa. Humingi ito ng makakain at agad na iniabot ni Don Juan ang natirang tinapay
na kanyang baon. Nagpasalamat ang matanda sa kabutihan ng kanyang kalooban. Kaya’t
tinanong ng matanda kung ano ang kanyang sadya sa lugar na iyon, sinabi nito na hinahanap
niya ang mahiwagang Ibon gayundin ang kanyang mga kapatid. Sinabi ng matanda na marami pa
siyang hirap na pagdaraanan. Kaya’t ang payo sa kanya ay lubos na mag-ingat upang hind
maging bato. Sinabi rin ng matanda na sa unahan ay may makikita siyang bahay at ito ang
makapagtuturo kung saan matatgpuan ang kanyang pakay.
Ibinalik din ng matandang ermitanyo ang tinapay na bigay nito, nasaktan Si
Don Juan sa ginawa ng matanda sapagkat mula pagkabata gawain na niya ang paglilimos sa mga
nangangailangan. Pilit din itong ibinalik sa matanda at tuluyang umalis upang ipagpatuloy ang
kanyang paglalakbay.

(Pinagkunan: Ma. Rosario Benedicta, Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga,
Quezon City: ISA-JECHO Publishing , Inc.,2014,1-8.)
Pangalan:____________________
Petsa:___________________
Baitang/ Seksyon:_____________
Iskor:____________________

Gawain 1
Panuto: Tukuyin sa pangungusap kung sino ang gumawa ng kilos Piliin sa hanay B ang sagot
para sa hanay A

Hanay A Hanay
B
1. Nanaginip siya ng masama at naging dahilan ng kanyang A. Don Pedro
misteryosong sakit na ikinabahala ng buong kaharian.
2. Siya ang ikalawang naglakbay upang hanapin ang mahiwagang ibon B. Don Diego
na naging bato rin katulad ng kanyang kapatid na panganay.
3. Makapitong ulit na pag-awit at makapitong ulit na pagpapalit ng C. haring Fernando
kulay ng balahibo.
4. Nakasalubong niya ang matandang ermitanyo at binigyan siya nang D. Ibong Adarna
babala na huwag masisilaw sa kinang ng mahiwagang ibon.
5. Siya ang unang naglakbay upang hanapin ang kinaroroonan ng E. Don Juan
mahiwagang ibon, sa kasamaang palad Siya rin ang unang naging bato.

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa sumusunod batay sa akdang tinalakay.

1. Pagtulong sa nangangailangan
2. Pananalangin tungkol sa oras ng kagipitan.
3.Pagmamahal sa pamilya

Gawain 3
Panuto: Iayos ang tula ayon sa pagkakasunod-sunod ng saknong mula sa bilang 1 – 3.
to ay binubuo ng 12 pantig may tatlong saknong. Isulat ito sa nakalaang ispasyo sa ibaba.

A B C

Buhay inialay para sa pamilya Oh Don Juan ikaw’y ulirang Sa mga kapatid naramdaman ay
Kapahamakan mo ay di alintana kapamilya awa
Makita lamang lunas na ninanasa Pagmamahal mo ay di kayang Sa halip na pagkamuhi sa nagawa
Mabuting kalooban hatid ay tumbasan Kaya buong kaharian ay
ligaya Nang kahit na sino pa mang natuwa .Tagumpay ay ibinahagi sa
mga nilikha iba.
Na sa mundong ito ‘kaw ang Ating
pinagpala.

Gawain 5

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Sa buhay natin mahalaga ang 1. __________________ sapagkat sila ang
nagbibigay sa atin ng pagmamahal at gabay sa pagtahak sa tamang landas. Sa pagkakasakit ni 2.
___________________ asawa at mga anak ang naging liwanag niya. Naunang umalis si Don
Pedro upang hanapin ang kinaroroonan ng mahiwagang ibon ngunit siya’y nabigo at naging 3.
_______________. Sumunod na umalis ay si Don Pedro subalit siya’y nabigo rin at naging bato.
Ipinagkaloob ang 4. __________________ ng ama upang baunin nito sa kanyangIpaglalakbay.
Hindi siya nabigo sapagkat nasa kanya ang patnubay ng 5. _____________ sa matagal at
mapagod na paglalakbay.

Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat ang tamang sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

_______1. Ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panaganib para sa ama.


A. Wagas ang pagmamahal sa kanilang magulang.
B. Paghahangad sa kayamanang mamanahin sa magulang.
C. Kahihiyan ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama
D. Upang makapamasyal sa malayog kabundukan at kaparangan.

_______2. Ang mensaheng taglay ng panalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
A. Mahina at takot sa susuongin panganib sa paglalakbay.
B. Malakas pero may kahinaang taglay ang kanyang kalooban.
C. Nais niya na siya ay gabayan sa kanyang gagawing paglalakbay.
D. Napipiltan lamang siya sa kanyang gagawing misyon kaya bumubulong.

_______3. Ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matandang Ermitanyo ay:
A. Likas na siya ay maawain, matulungin at mapagkawanggawa sa lahat ng tao
B. Maaari siyang tulungan sa kanyang misyon kaya niya ito tinulungan.
C. Hindi na niya kailangan kaya ibinigay na lamang niya sa matanda.
D. Wala siyang magawa sapagkat pinagbawalan siyang pumasok sa gubat.

_______4. Ikinalungkot ng kaharian ang pagkakasakit ng hari. Ano ang nais ipahiwatig ng
kanyang mga nasasakupan?
A. May bagong hari na papalit C. Wala na silang magiging hari
B. Mahal nila ang kanilang hari D. Maghihirap na ang kanilang kaharian.

_______5. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw sa kinang ng mahiwagang


puno. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Gusto ng matanda na ilihis siya ng daan
B. Nais angkinin ng matanda ang mahiwagang puno
C. Ayaw ng matanda na Makita ni Don Juan ang mahiwagang puno
D. Ayaw ng matanda na mapahamak si Don Juan dulot ng mahiwagang puno

________6. Ang mga sumusunod ay aral na maaari nating matutunan lalo na sa buhay ni
Don Juan maliban sa:
A. Pagtulong sa mga nangangailangan.
B. Pagiging maka-Diyos
C. Mapagmahal sa pamilya
D. Paghahangad ng ikapapahamak ng kapwa

________7. Makikita sa pamilya ni Haring Fernando ang pagmamahalan. Ano ang nais
ipahiwatig nito sa atin?
A. Mahalaga ang pagmamahalan, pagbibigyan, pagsusunuran sa pamilya
B. Maging masaya kung ano ang naibibigay ng magulang
C. Ipagdamot kung ano ang meron ka sa iyong kapamilya
D. Makontento lamang sa mga bagay na meron tayo
________8. Sa pag-alis ni Don Juan sa Kaharian, ang tanging dala nito ay limang tinapay
lamang. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Bibili na lamang siya ng pagkain sa mga tindahan
B. Kakain na lamang siya sa kainan na kanyang madadaanan
C. May inutusan na siya para maghanda ng kanyang pagkain
D. Nagtitiwala siya sa Diyos na siya ang magbibigay ng lakas na kailangan niya

________9. Para maging matagumpay sa isang misyon o Gawain, ano ang dapat nating
gawin?
A. Iasa sa ibang tao ang ating tagumpay
B. Maging matiyaga at magkaroon ng tiwala sa sarili
C. Gumawa ng masama laban sa ating kapawa upang magtagumpay
D. Magsinungaling at sabihing nagawa mo na ang dapat mong gawin

________10. Ang mga sumusunod ay pahiwatig sa naging kilos nina Don Pedro at Don Diego
nang gumamit sila ng kabayo sa kanilang paglalakbay. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. Tamad silang maglakad ng malayo
B. Mabilis na marating ang pakay sa bundok
C. Wala silang paang magagamit sa paglalakad
D. Makabalik kaagad sa kanilang kaharian

LTArguelles

You might also like