You are on page 1of 3

Pangalan: _______________________

Pangkat : _______________________

Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe

Sa kaharian ng Berbanya ay may isang haring kilala dahil sa kanyang kahusayan at katapatan
sa pamumuno. Siya ay si Haring Fernando na may ulirang kabiyak na nagngangalang Donya
Valeriana. Sila ay biniyayaan ng Maykapal ng tatlong Makikisig na anak na lalaki-sina Don
Pedro, Don Diego at ang bunsong anak na si Don Juan. Pawang mahuhusay at magagaling sila
sa larangan digmaan kaya ang kaharian ay lalong naging mapayapa, matatag at tahimik.
Ngunit isang araw ay biglang nagkasakit si Haring Fernando dahil sa isang malagim na
panaginip na pinaslang si Don Juan ng dalawang taksil. Labis itong pinangambahan ng hari
kung kaya’t siya ay dinapuan ng malubhang karamdaman. Agad na nagpatawag ng
manggagamot sa kaharian at dito natuklasan na ang tanging makagagamot sa sakit ng hari ay
ang awit ng Ibong Adarna na nanahan sa isang punungkahoy na kung tawagin ay Piedras
Platas.
Sa labis na pagmamahal ng mga prinsipe sa kanilang ama, sila ay nagpasyang
makipagsapalaran upang hulihin ang Ibong Adarna. Naunang lumakad ang panganay na si
Don Pedro kung saan tumagal ang kanyang paglalakbay nang tatlong buwan. Hindi
nagtagumpay sa misyon si Don Pedro at sa kasawiang-palad ay naging bato pa siya nang
mapatakan ng dumi ng Ibong Adarna. Sumunod naman si Don Diego na naglakbay ng limang
buwan. Katulad ng kapatid na panganay, nabigo at naging bato rin si Don Diego at hindi na
nakabalik sa kaharian. Ito ang naging hudyat upang suungin ni Don Juan ang hamong mahuli
ang Ibong Adarna. Sa kabila ng pagtutol ng magulang ay lumakad pa rin siya upang mahanap
ang ibong magdudulot ng kagalingan sa ama at upang mailigtas din ang kanyang dalawang
kapatid sa kapahamakang kanilang kinahantungan.
Nagsimulang maglakbay si Don Juan baon ang bendisyon ng kanyang mga magulang at dala
ang limang pirasong tinapay na kakainin sa paglalakbay. Minabuti niyang maglakad lamang at
hindi magdala ng kabayo sapagkat naniniwala siyang hindi kakayanin ng kabayo ang
mahabang paglalakbay at dahil na rin sa kanyang busilak na layunin ay magtatagumpay siya.
Sa kanyang paglalakbay ay hindi niya nakalimutang tumawag sa Diyos na siyang naging
pangunahing sandata niya upang marating ang Bundok Tabor. Dahil sa busilak niyang puso
at pagiging maawain sa isang ermitanyong nakatagpo niya sa kabundukan tinulungan at
ibinigay niya ang natitirang tinapay sa nagugutom na matandang ketongin. Ang misteryosong
matanda ang nagbigay-payo sa kanya upang makaiwas sa panganib sa balak niyang paghuli
sa mailap at mahiwagang Ibong Adarna.
A. Panuto: Ayusin ang mga pantig na nakakahon upang mabuo ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa piling saknong sa akda. Isulat sa patlang ang sagot.

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
A. namamatay C. nakakatulog
B. nagkakasakit D. nagiging bato

_____2. Sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.


A. kanser C. ketong
B. hika D. lagnat

_____3. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
A. salapi o yaman C. pagkain at tubig
B. bendisyon D. kabayo

______4. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong.


A. tubig C. kanin
B. prutas D. tinapay
_____ 5. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga
kapatid ni Don Juan.
A. isang taon C. dalawang taon
B. tatlong taon D. apat na taon

C. Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad ng pahayag. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_____________1. Makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas.
_____________2. Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
_____________3. Pangalan ng bundok kung saan mahahanap ang puno na tinitirhan
ng Ibong Adarna.
_____________4. Alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan sa Kaharian
ng Armenya.
_____________5. Malaking ahas na may pitong ulo.

D. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Gamitin ang titik A-E.


_______1. Sina Don Diego at Don Pedro ay naging bato.
______ 2. Huling naglakbay si Don Juan at nagbigay siya ng limos sa matandang
leproso.
______ 3. Nanaginip ang Haring Fernando na pinatay si Don Juan ng dalawang
lalaki kaya siya nagkasakit.
_______ 4. Ang kaharian ng Berbanya ay pinamumunuan nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana.
______ 5. Ayon sa manggagamot ang tanging makagagamot sa sakit ng hari ay ang
awit ng Ibong Adarna
E. Panuto: Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Ibigay ang
mga tauhan at mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

F. Panuto: Sagutin ang tanong.

1. May mga problema na bang dumating sa inyong pamilya? Paano niyo ito
sinulusyonan ? ( 10 points )

Pagsubok sa aming pamilya…. Solusyon na aming ginawa …..

Prepared by: Checked

RIZA V. MARQUEZ JENNY D. ESPINOSA


Teacher III Head Teacher - I

Noted:

MARYLENE I. ANTALAN,EdD.
Principal IV

You might also like