You are on page 1of 7

BUOD NG IBONG ADARNA

Kabanata 1: Hiling ng Makata

Nagsimula na sumulat ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay Bireheng Maria.Sabi
ng manunulat si Birheng Maria ay nagbubukas ng kanyag pag-iisip para hindi siya magkaroonng
pagkakamali sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal lamang at ang katawan at isip niya aymahina.
Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bangkang naglalayag at nakarating sa isangbahagi ng dagat
kung saan hindi na niya kaya maglayag pa. Humingi siya ng gabay sa Inang Birhengpara magkaroon ng
patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din niya na sana ay pankinggan ngBirheng Maria ang kanyang
nilikhang korido.

Kabanata 2: Kaharian ng Berbanya

Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man omayaman.
Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay siDonya Valeriana.
Siya ay sobrang ganda at walang katulad sa bait. Mayroon silang tatlong anak: SiDon Pedro ang
panganay, si Don Diego ang pangalawa at si Don Juan naman ang bunso. Si DonPedro ay may
magandang tindig. Si Don Diego naman ay may pagkamahiyain at mahinahonmagsalita. Si Don Juan
naman ay napakabait at sobrang mapagmahal. Silang talo ay mahal namahal ng kanilang mga magulang.
Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gustonilang maging pagdating ng panahon.
Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari.Lahat sila ay nagnais na maging hari

kung kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.

Nagingmaganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring Fernando. Ngunit isang gabi
aynagkaroon ng masamng panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng
dalawangtao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa isang balon. Nagising
anghari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging mahina angpangangatawan.
Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari maliban sa isangmanggagamot. Ang sakit daw ng
hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip. Ang tangingmagiging kagamutan ay ang awit ng Ibong
Adarna na nakatira sa Bundok Tabor.Ito ay tumitigil saPiedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.
Agad na inutusan ng hari si Don Pedro namagpunta sa bundok at kunin ang ibon.

Kabanata 3: Hamon Kay Don Pedro

Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa loob ngtatlong
buwan para marating ang Bundok Tabor. Nakita niya ang isang punongkahoy, ang PiedrasPlatas, na
kumikislap na parang diyamate. Mayabong at bukod tangi ang mga dahon ng puno.Nagpahinga siya sa
ilalim ng puno kahit walang mga ibon na dumadapo sa puno. Noong nakatulogsiya dumating na ang
Ibong Adarna. Umawit ang Ibon Adarna ng pitong beses at nagbago angbalahibo ng pitong beses.
Dumumi ang ibon at napatakan si Don Pedro at naging bato ito.

Kabanata 4: Don Diego “Ako naman”.

Hindi dumating

si Don Pedro sa kaharian kaya’t inutusan ni Haring Fernando si Don Deigo na

hanapin ang Ibong Adarna at si Don Pedro. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at nakarating

siya sa Bundok Tabor at sa Piedras Platas. Nakita niya na walang ibon nagppupunta sa sanga ngPiedras
Platas. Humiga siya sa isng kakaibang bato na nasa ilalim ng Piedras Platas para maghintaysa Ibong
Adarna. Pagdating nag Ibong Adarna, kumanta ito ng pitong beses at nagbago ang balahibong pitong
beses. Nakatulog si Don Diego dahil sa kanyang kanta at dumumi ulit ang Ibong Adarna.
Napatakan ng Dumi si Don Diego kung kaya’t naging bato din ito tulad ni Don Pedro.

Kabanata 5: Hangad Makatulong

Hindi nakabalik sina Don Pedro at Don Diego kung kaya’t lalong nag

-alala ang hari at lumubha angkanyang sakit. Gustuhin man niyang ipadala si Don Juan ay natatakot siya
na baka hindi itomakabalik. Samantala ay masama naman ang loob ni Don Juan sa mga pangyayari. Hindi
na kasinakabalik ang kaniyang mga kapatid at malubha na ang sakit ng kanyang ama. Ayaw niyang

mamatay ang kanyang ama kung kaya’t humingi siya ng bendisyon sa magulang. Kung di daw siya

papayagan ay aalis siya ng walang paalam. Pinahintulutan siya ng magulang at binigyan ngbendisyon.
Naglakbay si Don Juan ng walang kabayo at may baon na limang pirasong tinapay.Nagdarasal din siya
palagi sa Inang Birhen para di siya mapahamak. Para hindi siya magutom,kumakain siya ng isang
pirasong tinapay kada isang buwan. Nakarating din siya sa bundok sa loobng apat na buwan. Doon ay
may nakita siyang isang lalakeng may sakit na ketong.

Kabanata 6: Gantimpala ng Kabutihang Loob

May nakita si Don Juan sa paglakbay niya isang matanda nanaghihingi ng pagkain. Agad niyabinigyan ang
tinapay niya. Nagpasalamat ang matanda at dahil sa pagbigay ng pagkain tinura niyakay Don Juan kung
paano ihuli ang Ibong Adarna. Pagkatapos ng pag-usap nila umalis si Don Juansa Piedras Platas upang
matagpuan ang Ibong Adarna at ang mga kapatid niya.Nahanap ni DonJuan ang bahay ng ermitanyo na
tinutukoy ng matanda. Bumigay siya ng babala kay Don Juan nawala pang tao na nakahuli sa Ibong
Adarna pero di nakinig si Don Juan at lumabas apara ihuli angIbong Adarna.

Kabanata 7: Ang Karapat-dapat

Nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas. Nakita na ni Don Juan ang Ibong Adarna. Kumanta angIbong
Adarna at inantok si Don Juan pero dahil sa sinabi ng matanda, hiniwa niya ang kanyang paladat pinatak
ng dumi at kagyat. Dahil sa sobrang matindi ng sakit nagising si Don Juan. Pagalipas ngpitong ulit dumimi
at natulog ang Ibong Adarna. Nung natulog ang Ibong Adarna agad niyang tinaliang paa at dinala sa
ermitanyo Liangay niya ang Ibong Adarna sa isang hawla. Pagkatapos bumaliksi Don Juan sa Piedras
Platas at ibinuhos niya nag tubig na galing sa ermitanyo at bumalik ang mgakapatid na galing sa bato at
muling magkasama ang tatlong magkapatid.

Kabanata 8: Bungan g Masamang Gawa

Sama-sama ang mga magkapatid pagbalik sa Berbanya. Habang bumabalik ang magkapatid nag-isipsi
Don Pedro ng masamang plano kay Don Juan. Sinabi ni Don Pedro ang plano niya kay DonDiego .
.Natakot si Don Diego kaya sinabi niya na bugbugin si Don Juan at wag nalang patayin. Binugbog nilasi
Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna. Dumating ang dalawang magkapatid si Don Pedro at si DonDiego
at agad silang pumunta sa ama nila. Nakita ng hari ang dalawang anak at ang Ibong Adarnapero wala si
Don Juan. Naging malungkot ang ibong kasi wala si Don Juan kaya pumangit ang mgabalahibo at di
nagkakanta ang ibon

Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na Dasal

Iniwan si Don Juan na bugbug at halos patay ng mga magkapatid. Kahit bugbog at halos patay siDon Juan
nagdasal si Don Juan. Nagdasal siya na gumaling ang ama niya sa sakit niya at mabuhay.Narinig ng dasal
ni Don Juan ng isang matanda na malapit sa bundok. Ginamot ng matanda ang mgasugat ni Don Juan.
Nung nagising si Don Juan nagpasalamat siya sa matanda at bumalik sapaglakbay pabalik sa Berbanya

Kabanata 10: Ang Katotohanan ay lalabas

Bumalik na si Don Juan punta sa Berbanya na magaling at buhay pa. Masaya ang mga tao sapagbalik ni
Don Juan pero may tao din na hindi. Ang mga kapatid ni Don Juan sila Don Pedro at siDon Diego ay na
surpresa na bumalik si Don Juan Pagkaita ng Ibong Adarna si Don Juan bumalikang ibon sa dati niyang
anyo at kumanta ng paglakbay ni Don Juan at pagtaksil ng mga kapatid niya.Nang marining ito ng hari
nagalit at binigyan ng parusa pero si Don Juan ay humiling ng tawad parasa dalawa. inigyan ng hari ang
dalawa ng babala at kapag inulit ito papatayin niya sila

Kabanata 11: Inggit ang Sanhi

Pagbalik ni Don Juan sa Kaharian ng Berbanya pagkatapos pagtaksilan ng kanyang dalawang

kapatid. Humingi si Don Juan ng kapatawaran kay Don Fernando para kina Don Pedro’t Don

Diego.Inatasan ni Don Fernando ang mga magkakapatid na bantayan ang Ibong Adarna. Isang
gabi,pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi paniya
oras magbantay. Habang nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating nanaman angdalawang
taksil. Pinkawalan nilang dalawa ang ibon at umalis. Pagkagising ni Don Juan ay nawalana ang Adarna.
Siya ay nabahala at sinisi ang sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin angibon. Kinaumagahan,
hindi na nakita ni Don Fernando ang ibon. Nagalit siya at tinanong kung sinoang huling nagtanod. Sinabi
ng dalawang taksil na si Don Juan at kaagad-agad siyang pinahanap sadalawa niyang kapatid. Umabot
sila sa Kabundukan ng Armenya.

Kabanata 12: Di Husto ang Tangan

Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang kapiligiran. Nahanap din nina Don

Pedro’t Don Diego si Don Juan at kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa bumalik sa

Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa, Kabundukan ng Armenya, silamaninirahan.
Pumayag si Don Juan at doon na sila ay nagsaya. Araw-araw sila nangingisda athumhuli ng ibon. Bawat
lingo naman ay nagsasalo-salu sila. Naging Masaya ang kanilang buhaydoon

Kabanata 13: Tagumpay at Tatag ng Loob

Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakitasilang
isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agadnanagtaka si
Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyangbumababa. Nagboluntaryo
si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siyaang panganay. Sinubukan ng
dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit siDon Juan lang ang tumagumpay.
Pagdating niya sa baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa

ginto’t plaka.

Kabanata 14: Walang Dambuhalang Kalaban

Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita siyang babae. Ang pangalan ay Donya Juana. Nahulogkaagad
ang kalooban ni Don Juan kay Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan niya. Natatakotsi Donya
Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang dumating ang higante, hinamonito ni Don Juan
sa isang laban. Nagwagi si Don Juan at papaalis na sila. Subalit biglang natandaan niDonya Juana ang
kanyang kapatid na si Donya Leonora kaya pinuntahan ito ni Don Juan.

Kabanata 15: Kahit Pito Ulo ng Serpyente

Pumasok si Don Juan sa palasyona gawa sa ginto’t plaka. Nakita niya si Donya Leonora at muling
napaibig. Nangtiningan muna sila at biglang tinanong ni Donya Leonora kung bakit nandoon si DonJuan.
Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Muli, naglabansi Don
Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay tumutubo ulit ito. Inabot niDonya
Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa bawat putol. Hindi na rin tumubo angulo ng ahas
at nakatakas na sila Don Juan at si Donya Leonora.

Kabanata 16: Muling Pagtataksil

Pagkataas ni Don Juan at Donya Leonora ng balon, sila ay nakukuwentuhan. Dahil dito, naingit siDon
Pedro sa kanilang pagmahal. Nagustuhan din niya si Donya Leonora, samantalang ayaw niLeonora si Don
Pedro. Sinabi bigla ni Donya Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing sa ilalimng balon tapos sinabi
ni Don Juan na siya ang bababa ng balon at kukunin ulit. Tumanggi si DonyaLeonora na iiwan nalang
pero sabi ni Don Juan na bababa na siya. Habang bumababa si Don Juan,Pinutol ni Don Pedro ang tali at
iniwan nila si Don Juan. Inilabas ni Donya Leonora ang kanyang loboat ito ang nagtulong kay Don Juan

Kabanata 17: Hanggang Kailan

Ipinahanap ni Don Fernando ang nawawala niyang bunso na si Don Juan. Itinanong niya si DonPedro at
Diego kung anong nahanap nila. Lahat daw ay pinuntahan nila at wala naman sila nakitakundi ang
dalawang prinsesa. Hiningi din ni Don Pedro na kasalin siya ni Donya Leonora. Ayaw ni Donya Leonora
kasi mahal pa rin niya si Don Juan. Samantalang si Don Diego and Donya Juana ayikakasal na.

Kabanata 18: Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo

Napagaling ng lobo si Don Juan at idinala ito paakyat. Nagkitaan sila ng Ibong Adarna at sinabi ngIbong
Adarna kung ano nangyari. Pagkatapos, sinabi ng Ibong Adarna na puntahan nalang angReyno de los
Cristales upang hanapin si Maria Blanca.

Kabanata 19: Ang Ganti sa Mapagkumbaba

Malungkot si Donya Leonara dahil hindi padumarati Si Don Juan sa Berbanya. Habang si Don Juannaman
, naglalakbay parin papunta sa Reyno de los Cristales. Sa kanyang paglalakad , nakakita siyanang
matanda na sugat sugat. Nilimusan niya ang matanda para sa tubig at pagkain. Binigyan naminng
matanda nang maitim at lumang tinapay. Nagulat si Don Juan dahil kahit luma na , masarap parinpara
sakanya ang lasa. Pagkatapos neto , uminom na siya nang tubig. Nagtanong na siya kung alamnang
matanda kung saan ang Reyno de los Cristales. Hindi ito alam nang matanda ngunit sabinalang neto na
dalhin itong baro at pumunta sa ikapitong bundok at may makikita siyang matandangErmitanyo.

Kabanata 20: Magpakailan Pa Man

Buod : Sa kabanata na ito nagaaway sina Donya Leonora at Don Pedro. Ang tanging mahal parin niDonya
Leonara ay si Don Juan. Tuwing binibisita ni Don Pedro si Donya Leonora , sila aynagaaway. Pinipilit
naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Donya Leonara ngunit ayaw talaga nito.Sa huli , umalis si Don
Pedro na may sakit sa dibdib dahil sa pagkabigo.

Kabanata 21: Bungan g Pinaghirapan

Buod : Sa Kabanata na ito makikita natin ang pagpapatuloy nangpaglalakbay ni Don Juan papunta
siReyno De Los Cristales.Pagkatapos siya utusan ng matanda na ibigay ang barong sa Ermitanyo ngang
balbas ay hanggang baywang. Ngunit nangkanyang ibigay, nagulat ang Ermitanyo atnagpasalamat sa
Diyos.Sinubukan na tulungan ng Ermitanyo si Don Juan. Tinawag nang Ermitanyoang mga hayop ng
Armenya at tinanong sila kung alam nila kung saan ang Reyno De Los Cristales.Sumagot ang mga hayop
na hindi nila alam kung nasaan ito. Ngunit sinabi ng Ermitanyo na pumuntasiya sa ikapitong bundok at
hanapin ang isang matanda. Pumunta siya dito gamit ang Olikornyo napinahatid nang Ermitanyo.
Pagkadating nila sa bundok , nakita ni Don Juan ang Matanda na maybalbas na abot sa lupa. Nagulat din
siya sa kanyang natanggap na barong. Bilang kabayaran ,tutulungan na niya si Don Juan. Tinawag niya
ang mga hayop at tinanong kung alam nila kungnasaan ang Reyno De Cristales. Ang tanging nakakaalam
ay ang Agila dahil kakapunta lang niyadoon. Inutusan na nang matanda na ihatid nang Agila si Don Juan
sa kanyang pupuntahan. Sabinang Agila na ibaba niya si Don Juan sa banyo ni Donya Maria.
ANG BUOD NG IBONG ADARNA

Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don Fernando,ang
kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang pinakamatanda aysi Don
Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.Isang gabi, samantalang natutulog si
Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang panaginip atsya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip
ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isangbalong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan,
ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanyaupang gamutin ang hari, ngunit walang
makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo angdumating at nagsabi na ang tanging
makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng IbongAdarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa
puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang
hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay siDon Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa
paghahanap sa Ibong Adarna. Dahilsa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na
kumikislap ang mga dahon na parangdiamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi
ito ay umaawit at pagkatapos ayumiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang
prinsipe, sila'y naging bato.Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe,
dahil dito natakot si DonFernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka
magkatotoo ang kanyangpanaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong
Adarna.Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin
nahumingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya angkanyang
kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan syang ketongin
kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit nabahay malapit sa
bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ngkaalaman kung papano
mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syanghihimlay sa isang puno na kaiga-
igaya ang anyo.At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay
ng ermitanyoat inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa
kanya ayang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo
at angketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha,
at gintongsintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang
kanyangkatawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din
nyangumiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya
angIbong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.Naging
matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda.Dinala nya ang
Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon.Kanya ring nailigtas ang
kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ngermitanyo. Ngunit sa kabila ng
mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay DonDiego ang kanyang masamang balak
kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balakng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si
Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha ninaPedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito
sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindihumuni at umawit ang ibon.Samantala, nagdasal si Don
Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mulasa dalawang kapatid. Isang
matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling.Dagli-dagli syang umuwi at
sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon atbigla itong umawit. Ang kanyang
pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kayDon Juan, na doon din gumaling
ang hari.

Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay DonJuan,
nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.Ngunit isang gabi na
nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan napinakawalan nina Pedro at
Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya.Ipinasya ni Juan na umalis at
magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya angpagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit
sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid.Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don
Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isangaraw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba
doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sapondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang
napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakitadin niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at
Leonora, nguni't sila ay binabantayan ngserpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang
higante at ang serpente. Dahil doon,sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon,
nguni't naiwan ni Leonora angkanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing,
nguni't sampung dipa palamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid.
Nahulog si Juan saibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang
alagang loboupang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.Nang makarating sa
Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay huminging pitong taon bago
magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon satulong ng lobong alaga
ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik nasa Berbanya, nakatulog sya
sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't syaay nagising at nirinig ang awit ng
ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blancana anak ni Haring Salermo ng kaharian
ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya nahanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't
hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya saikapitong bundok upang hanapin ang isang
ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ngermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya
ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitongbundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad
na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyanni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng
agila, sya'y dapat magtago kung angtatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni
Juan ang damit ni Donya Maria atpagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit
paglipas ng isang oras aynagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa
prinsesa. Gayunpaman,hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay
makita ni HaringSalermo.Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na
ibinigay ni Haring Salermokay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at
pagtatanim ng trigona kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan
at maibibigaysa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo
ay angpaglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina-
alisang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap
ayang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria
upanghanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman,
laginitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni
DonyaMaria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang
napilini Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol
nadaliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo
namatagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si DonyaMaria.
Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.Dagling umalis sila Juan at Maria
patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharianng Berbanya pansamantalang
iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malaman niLeonora na dumating na si Juan,
sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doonitinakda ang kasal nila Leonora at Juan,
nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong

kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan
angkanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo
angnegrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-
ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay
Pedro.Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari
atReyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos
napamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.

You might also like