You are on page 1of 16

KABANATA 2

ANG PANAGINIP NG HARI

Isang gabi, habang natutulog ang hari ay may


napanaginipan siyang masama. Ang panaginip niya ay pinaslang
ang kanyang pinakamamahal na anak na si Don Juan ng mga
hindi nakikilalang lalaki. Dahil sa kanyang napanaginipan
nagkasakit siya. Pinatawag lahat ng manggagamot upang
malaman kung ano ang kanyang nararamdaman at kung ano ang
lunas para dito. Ngunit walang makapagsabi kung ano ang sakit
ng hari. Hanggang sa may isang manggagamot na nagsabing ang
solusyon lamang sa sakit ng hari ay ang pitong kanta ng ibong
adarna. Ang ibon ay mahahanap sa punong Piedras Platas sa
bundok Tabor.
KABANATA 3
ANG PAGLALAKBAY NG DALAWANG PRINSIPE

Dahil nga kailangan nilang hanapin ang ibon, naglakbay si


Don Pedro patungo sa Piedras Platas. Pagkarating niya roon,
nagmasid siya at hindi niya nakita ang ibon kaya’t umidlip ito.
Hindi niya namalayan na nasa taas na pala niya ang ibon at
nadumihan siya nito kaya naging bato si Don Pedro. Sunod na
lumakbay si Don Diego nang hindi na bumalik si Don Pedro sa
kaharian. Sa paglalakbay niya ay namatay ang kanyang kabayo
sa pagod. Kaya’t naglakbay siya ng mag-isa na lamang. Pagdating
niya sa Piedras Platas ay hinanap niya ang ibon ngunit hindi niya
ito nakita. Kagaya ng nangyari kay Don Pedro, napatakan din ng
dumi ng ibon si Don Diego kay naging bato siya.
KABANATA 4
ANG PAGLALAKBAY NI DON JUAN

Lumipas na ang tatlong taon at hindi pa rin nakakabalik


sina Don Pedro at Don Diego sa kanilang paglalakbay. Kaya
nagdesisyon si Don Juan na siya na lamang ang maghahanap
ibon. Nagpaalam siya sa kanyang ama tungkol dito at hindi siya
pumayag. Pero pag hindi niya daw pinayagan si Don Juan, aalis
siya nang walang paalam kaya’t minabuti ng hari na payagan na
lang si Don Juan dahil baka tumakas pa si Don Juan ng hindi
nila alam kung hindi siya papayagan. Siya ay umalis nang walang
kasamang kabayo dahil ayaw niyang mahirapan ito. Hindi rin
siya nagdala ng maraming pagkain. Ang dala lang niya ay limang
tinapay.
KABANATA 5
ANG LEPROSO

Habang naglalakad si Don Juan, may nakita siyang


matandang sugatan. Nais niya itong tulungan at hindi siya
nagdalawang isip na ibigay ang natitira niyang tinapay sa
leproso. Pagkatapos niyang bigyan ng tinapay ang leproso,
pinayuhan ng leproso si Don Juan na magtungo sa dampa.
Pagkapunta ni Don Juan sa dampa, napansin niya na ang tinapay
na binigay niya sa leproso ay nasa dampa ng ermitanyo kaya’t
inisip niya na ang ermitanyo at ang matandang leproso na
tinulungan niya ay iisa lamang.

Pinayuhan ng ermitanyo na kumakanta ang ibon ng pitong


beses. Kailangan siyang mag-ingat at hindi makatulog upang
hindi ito mapatakan ng dumi ng ibon dahil kung napatakan man
siya ay magiging bato siya. Binigyan siya ng labaha at dayap
dahil kung kumanta man ang ibon, susugatan niya ang kanyang
kamay gamit ang labaha at papatakan niya ito (ang sugat) ng
katas ng dayap. Binigyang din si Don Juan ng gintong sintas
para panghuli sa ibon.
KABANATA 6
ANG PAGHULI SA IBONG ADARNA

Si Don Juan ay nagtungo na sa Piedras Platas upang huliin


ang ibon. Nagsimula itong kumanta at muntikan nang makatulog
si Don Juan. Kaya agad niyang sinugatan ang kamay at
pinatakan ng dayap. Mabuti’t hindi siya nakatulog at naiwasan
niya na madapuan ng dumi nito. Habang natutulog ang ibon nang
nakadilat ang mata, hinuli na ito ni Don Juan at dinala sa dampa
ng ermitanyo.
KABANATA 7
ANG PAGLIGTAS KAY DON PEDRO AT DON DIEGO

Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na buhusan ng tubig


sila Don Pedro at Don Diego upang mabuhay sila at matanggal
ang nakabalot na bato sa kanila. Nang binuhusan na sila, agad
silang nagyakapan ngunit napawi itong bigla sa pagkaalala sa
amang may sakit.
KABANATA 8
ANG PAGTATAKSIL

Naglalakad ang magkakapatid pauwi sa palasyo at si Don


Juan ang nasa harapan/unahan. Ang dalawang magkapatid sa
likod ay nagpaplanong paslangin si Don Juan. Kinukumbinsi ni
Don Pedro si Don Diego na siya ang magsasagawa ng kanilang
balak ngunit siya’y tumanggi. Kinalaunan, pumayag na rin ito na
paslangin si Don Juan. Pinag-isipan nila na huwag na lang nilang
papaslangin, bubugbugin na lang nila. Iniwan ang kaawa-awang si
Don Juan.
KABANATA 9
ANG SAKIM NA MAGKAPATID

Pagkabalik nila Don Pedro at Don Diego sa palasyo dala


ang ibon, agad silang niyakap ng hari at sobrang saya nito.
Ngunit napalitan din ang kanyang saya ng pag-aalala nang hindi
makita si Don Juan, ang kanyang paboritong anak. Labis itong
nalungkot dahil wala si Don Juan na gusto na lang niyang
mamatay. Ang ibon ay pumangit at nawalan ng boses dahil hindi
sila ang orihinal na nakahuli dito. Umaasa ang ibon na buhay pa
si Don Juan at malaman ng hari ang kataksilan ng dalawa.
KABANATA 10
PANAGHOY NI DON JUAN

Si Don Juan ay iniwang pagapang-gapang ng kanyang mga


kapatid na taksil. Kaawa-awa ang kanyang kalagayan sapagkat
pinagdarasal lamang niya na sana gumaling na ang ama kahit na
siya’y nabugbog at hindi niya iniisip ang kanyang sarili. Hindi
siya makapaniwala na pinagtaksilan siya ng sarili niyang kapatid.
Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung ‘yun ang
kanilang nais.
KABANATA 11
KALIGTASAN NI DON JUAN

May biglang nagpakitang ermitanyo at ginamot siya ulit


nito. Agad na gumaling ang kanyang mga sugat. Labis na
nagpasalamat ang prinsipe dahil sa pagtulong ng ermitanyo sa
kanya. Gusto niya sanang gantihan ang magkapatid ngunit ‘di
niya kaya dahil ayon sa kanya, masama daw gumanti sa kapwa.
Pinayuhan ng ermitanyo na magbalik na siya sa Berbanya at
agad naman siyang sumunod.
KABANATA 12
ANG PAGBABALIK NI DON JUAN SA BERBANYA

Nang nakabalik na siya sa Berbanya nagulat ang dalawang


magkapatid dahil akala nila ay namatay na siya. Niyakap ni Don
Juan ang hari at napalitan ang lungkot ng hari ng sayá. Bumalik
ang ganda ng ibong adarna at nagsimula itong kumanta tungkol
sa pagkahuli ni Don Juan sa ibon hanggang sa pagtaksil ng
dalawang prinsipe. Nalaman ng hari ang katotohanan at
inutusan ang mga kawal na ipatapon ang dalawang prinsipe. Pero
naki-usap si Don Juan na wag na silang ipatapon. Sinunod naman
ng hari ang utos ng anak at niyakap ni Don Juan ang mga
kapatid. Bumalik na ang sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng
hari.
KABANATA 13
ANG PANGALAWANG PAGTATAKSIL

Natuwa ang hari sa ibon at oras-oras niya itong tinitignan.


Nangangamba ang reyna sapagkat baka makawala ito.

Muling nagbalak sina Don Pedro at Don Diego ng masamang


balak laban kay Don Juan. Habang natutulog si Don Juan,
pinakawalan ng dalawa ang ibon.
KABANATA 14
MULING PAG-ALIS NI DON JUAN

Umalis si Don Juan ng madaling araw nang malamang


nawawala ang ibong adarna dahil baka magalit ang ama kung
nalaman niyang nawawala ito. Pinatawag ng hari ang tatlong
prinsipe, ngunit si Don Pedro at Diego lang ang dumating.
Nagsinungaling nanaman ang dalawa ngunit hindi naniwala ang
hari. Umalis din sina Don Pedro at Don Diego para ‘hanapin’ ang
nawawalang ibon. Naglalakbay sila’t hindi nila mahanap si Don
Juan. Sila ay nakarating na sa kabundukan ng Armenya.
KABANATA 0
PANALANGIN NG MAY AKDA

Sa kabanatang ito nanalangin si Jose Dela Cruz na sana


gabayan siya ng Birheng Maria na hindi siya mamali sa
pagkukuwento ng korido. Hiniling niya ng gabay sa kanyang
buhay. At sa huli, hiniling niya na sana marinig ang kanyang
panalangin.
Ibong Adarna
Tauhan:

Reyna Valeryana

Haring Fernando
KABANATA 1
SI HARING FERNANDO

Sa kabanatang ito ay pinakilala ang hari, kanyang asawa,


at ang kanilang mga anak. Si haring fernando ay ang hari ng
Berbanya na may asawa at tatlong anak. Siya ay mabait at
tinuturing niya lahat ng tao nang pantay-pantay. Si Reyna
Valeryana ang asawa ng hari. Siya ay maganda at mabait. Ang
tatlo nilang anak ay sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Si
Don Pedro ang panganay, siya ay makisig. Si Don Diego ang
pangalawa sa kanilang magkakapatid, kaibahan niya si Don
Pedro dahil si Don Diego ay malumanay at mahina. Si Don Juan
ang bunso. Siya ang paboritong anak ng hari dahil kung may
mangyari mang masama kay Don Juan ay hindi niya alam kung
ano ang gagawin niya. Kumbaga si Don Juan ang hangin sa
kanyang buhay dahil kung mawala ito, parang namatay na rin
ang hari.

You might also like