You are on page 1of 6

BUOD NG IBONG ADARNA

Rangasa
Sa kaharian ng Berbania, namumuno si Doña Valeriana at Don Fernando. Mayroon silang tatlong
anak. Ang panganay ay si Don Pedro at sinundan siya ni Don Diego. Si Don Juan ang bunso at ang paborito
ng kaniyang ama.

Noong nagbinata ang tatlo, sila ay pinapili ng kanilang ama kung nais ba nilang maging prayle o
makuha ang korona at pinili nila ang korona. Tinuruan silang gumamit ng espada at natuto sila.

Napanaginipan ng hari ang pagkamatay ng bunso niyang anak at hindi siya makatulog. Nagkaroon
siya ng malubhang sakit at hindi masabi ng lahat ng manggagamot ang kaniyang karamdaman.

Sinabi ng kaniyang mga tagapayo na ang gamot ay ang pagkanta ng Ibong Adarna. Makikita ito sa
kahoy ng Piedras Platas sa bundok Tabor.

Inutusan ng hari si Don Pedro na hanapin at dalhin sa kaniya ang engkantadang ibon. Kahit hindi
niya lubusang alam ang daan, matagumpay niyang nakita ang ibong Adarna ngunit nahulugan siya ng tae
nito at naging bato.

Pagkalipas ng isang taon, pinadala naman si Don Diego at pareho lamang ang kanilang naging
kapalaran. Tatlong taon na ang nakalipas at kusang umalis si Don Juan kahit hindi payag ang kaniyang ama.
Nagbaon siya ng limang tinapay at kumain siya ng isa sa bawat buwan sa loob ng apat na buwan ng
kaniyang paglalakbay.

Binigay niya ang kaniyang huling tinapay sa nakita niyang leproso. Pinapunta siya ng leproso sa
bahay ng isang ermitanyong makakapagsabi sa kaniya ng tamang daan. Sinabihan siya na iwasan ang isang
kahoy na hapunan ng ibong Adarna. Ibabalik na sana ng leproso ang tinapay ngunit hindi pumayag si Don
Juan.

Umalis na siya at namangha sa sinasabing kahoy na dapat niyang iwasan. Bumalik sa normal ang
kaniyang pag-iisip at nakarating siya sa bahay ng ermitanyo. Pinapasok siya ng ermitanyo at nagsalo sila.

Magada
Napansin ni Don Juan ang tinapay na inilimos niya sa matanda na nasa lamesa ng ermitanyo.
Kinuwento ni Don Juan sa ermitanyo na hinahanap niya ang Ibong Adarna upang pagalingin ang kanyang
ama. Sinabi ng ermitanyo ang punong tirahan ng ibon. Binigyan niya si Don Juan ng pitong dayap at navaja
at sinabahang sa buwat kanta ng ibon ay dapat sugatan niya ang kanyang sarili at patakan ng dayap ang
sugat upang huwag siyang makatulog. Pagkatapos ay iwasan ang ipot ng ibon upang hindi maging bato.
Binigyan din niya ng gintong lubid ang prinsipe na panggapos sa ibon.
Dumating sa puno si Don Juan at dumating din ang Ibong Adarna. Nagbago ito ng anyo ng balahibo
na napakagandang tingnan. Umawit ang ibon at sinunod ni Don Juan ang payo ng ermitanyo. Pagkatapos
ay hinuli niya ito at dinala sa ermitanyo. Kinulong ng ermitanyo ang ibon sa magandang hawla. Binigyan
siya ng ermitanyo ng banga at pinabuhusan ng tubig ang dalawang bato sa puno ng Piedras Platas. Ginawa
naman ito ni Don Juan at lumitaw ang dalawang kapatid ni Don Juan. Nagpasalamat ang dalawa kay Don
Juan at bumalik sila sa bahay ng ermitanyo.
Ginamot ng ermitanyo ang sugat ni Don Juan at pinayuhan ang magkakapatid na umuwi na at
nagbiling uwag silang mag-aaway. Ngunit, kinumbinsi ni Don Pedro si Don Diego na patayin si Don Juan.
Pinagtulungan nila si Don Juan hanggang sa ito ay di makagalaw at iniwan sa daan. Kinuha nila ang hawla
at umuwi sa Berbania. Sinabi nilang hindi nila alam kung nasan si Don Juan at lumubha ang karamdaman
ng hari. Ayaw ding kumanta ng Ibong Adarna at ang balahibo nito ay napakapangit.
Samantala, si Don Juan ay walang nagawa kundi magdasal sa Birheng Ina. Nakiusap siya na
hugasan ang kanyang kaluluwa bago siya mamatay. Ngunit pagkatapos niyang magdasal ay may matandang
dumating at pinagaling ang kaniyang mga sugat. Bumalik si Don Juan sa Berbania at nagpakita sa haring
malubha na ang lagay nang panahong iyon. Agad na nagbago ng balahibo ang ibon at naging kulay ginto.
Pagkatapos ay inawit ng ibon ang nangyari kay Don Juan at ang pagatataksil ng dalawang kapatid sa
prinsipe. Sinabi rin ng ibon na dapat ipamana ng hari ang kaharian kay Don Juan.
Gumaling ang hari at hinatulan niya na ipatapon sa malayong lugar si Don Pedro at Don Diego.
Subalit tumutol dito si Don Juan at pinakaawan ang haring patawarin ang dalawa. Pinatawad sila ng hari at
inatasan ang tatl na maghalinhinan sa pagbabantay sa ibon. Dahil sa inggit ay pinagplanuhan ng dalawang
magkapatid na sabotahen si Don Juan. Nang makatulog si Don Juan sa sobrang puyat sa pagbabantay ay
pinakawalan ni Don Pedro ang ibon. Nang magising si Don Juan at nakitang wala nang laman ang hawla
ay natakot siya na baka magalit ang hari. Kaya’t agad siyang umalis ng kaharian upang hanapin ang ibon.

Domondon
Napansin ng hari na nawawala ang ibong adarna kaya't pinatawag ang kanyang tatlong anak ngunit
dalawa lang ang dumating. Sinabi ni Don Pedro na si Don Juan ang nagbabantay sa ubon kaya't wag silang
sisihin sa pagkawala ng ubon. Inutusan sila ng hari na hanapin si Don Juan para malaman daw niya kung
sino ang may salang nagpakawala sa ibon. Narating nila ang bundok Armenia at nakita nila si Don Juan
ngunit napag-isipisip ni Don Diego na manatili na lang doon at kung babalik sila sa Berbania ay magagalit
ang kanilang ama.
Sila ay naglakbay at nakakita ng isang balon na may lubid sa ibabaw at gusto nila makita ang loob
nito kaya't nagpasiya si Don Juan na bumaba. Pinigil siya ni Don Diego at sabi niya na siya ang bababa
dahil mas matanda siya kay Don Juan ngunit satsat naman ni Don Pedro na mas matanda siya kaya't siya
ang bababa. Utos ni Don Pedro na hilahin pataas ang lubid kapag ito'y kanyang hinigit. Itinali si Don Pedro
at siya'y binaba ngunit dahil sa takot ay hinigit niya agad ito at dali dali hinila pataas ang lubid. Tinanong
nila si Don Pedro kung ano ang kanyang nakita ngunit ang sabi lang niya ay madilim kaya't wala siyang
nakita. Sumunod si Don Diego ngunit tatlong dipa lang ang kanyang naabot ay hinigit niya agad ang lubid
at ito ay hinila pataas. Wala rin daw siyang nakita kundi kadiliman.
Itinali at ibinaba naman si Don Juan at naabot niya ang ilalaim ng balon na isang daang dipa ang
lalim. May nakita siyang pinto na kanyang binuksan at bumungad sakanya ang palasyong napakarami ang
bulaklak. May nakita siyang prinsesa na hinikayat siyang umakyat para siya'y makausap kung tunay siyang
matapang. Sumunod si Don Juan at pagkarating doon ay ipinakita niya ang kanyang pag-aalala tubgkol kay
Doña Juana, ang prinsesa, dahil mayroong higante. Habang sila'y nag-uusap biglang dumating ang higante
at nagsalita siya mula sa hagdan na naaamoy raw niya na may kasama si Doña Juanang iba. Hinamon ito
ni don Juan at napatay niya rin at sinubukang sabihin kay Doña Juana na tumakas na. Di pumayag si Doña
Juana at ibinalita kay Don Juan na mayroon siyang kapatid na si Leonora na binabantayan ng isang
serpenteng may pitong ulo.
Nagpasiya si Don Juan na iwan muna si Doña Juana at puntahan si prinsesa Leonora. Naglakad
si Don Juan at nakakita siya ng isang bahay na kumikinang sa ginto. Nakita niya rito si prinsesa Leonora at
siya'y pinapanhik nito na siya namang sinunod. Sinabi ni Don Juan ang pakay niya na iligtas si prinsesa
Leonora at patayin ang serpente. Dumating ang serpente at nagsalita na may kasama raw na iba si prinsesa
Leonora. Sinagot iti ni Don Juan na papatayin niya raw ang serpente ngunit pag pinutol niya ang ulo nito
ay tutubo lang ito muli. Tinawag ni prinsesa Leonora si Don Juan at sinabing may mahal na balsamo na
kapag pinahid sa ulo ng serpente ay hindi na tutubuan muli ng ulo pag ito'y pinutol. Pinutol ni Don Juan
ang pitong ulo ng serpente at binuhusan ng mahal na balsamo at kaya't nakasigurado siya na patay na talaga
ang serpente.
Sabay-sabay umakyat ang tatlo at pagkarating sa taas ay napa-ibig naman agad si Don Pedro kay
prinsesa Leonora ngunit binanggit ni prinsesa Leonora na naiwan niya ang kaniyang diamanteng singsing
sa lamesa. Sagot ni Don Juan ay bababa muli siya at kukunin ito ngunit sabi ni prinsesa Leonora na siya ay
mag-aalala kung siya'y bababa mag-isa ngunit di rin ito nakapigil kay Don Juan. Nang siya'y pababa na
muli ay samoung dipa pa lang ang kanyang naaabot ay pinutol na ng kanyang dalawang kapatid ang lubid.

Sa sobrang alala ni prinsesa Leonora ay napalapit siya sa balon ngunit hinawakan siya ni Don Pedro
at sinabing "aanhin mo si Juan, nandito naman ako". Kahit ganoon ay nag-alala pa rin si prinsesa Leonora
kaya't pinakawalan niya ang kanyang lobo na may bilin na gamutin si Don Juan kung siya'y makikita at
hihintayin daw niya ito sa Berbania at saka sila umalis. Pagkarating nila sa Berbania ay ikwinento ng
dalawang magkapatid na hindi nila nakita si Don Juan ngunit nakita naman nila ang dalawang prinsesa na
kanilang sinagip sa higante at serpente. Natuwa ang hari at sila'y binendicionan ngunit nalungkot din siya
dahil hindi nakita si Don Juan. Kahit ganoon ay tinanong niya ang dalawang kapatid sino ang gusto nilang
mapangasawa at itinuro naman agad ni Don Pedro si prinsesa Leonora. Lumuhod naman si prinsesa
Leonora at sinabing bigyang siya mga pitong taon bago siya magpakasal at kung bibigyan siya ng isang
lihim na kwarto tutuparin niya ang kanyang pangako kaya't binigay ng hari ang kahilingan ng prinsesa.

Mangrubang

Sa itaas ng balon ay ipinipilit ni Don Pedro si Donya Leonora na siya na lang ang mahalin, ngunit
hindi pumayag si Leonora dahil si Don Juan pa rin ang iniibig niya. Naiwan si Don Juan sa ilalim ng balon
dahil pilit na binuhat ni Don Pedro si Leonora. Matapos nito ay umuwi sina Don Pedro at Don Diego kasama
ang dalawang prinsesa sa Berbanya.

Pagkauwi sa Berbanya ay nakita nila ang malungkot na haring si Haring Fernando. Nais ng hari na
makayakap muli si Don Juan ngunit ayon sa kwento nina Don Pedro at Don Diego ay ginawa na nila ang
lahat ngunit hindi nila nakita si Don Juan. Sinabi rin nila na nailigtas nila ang dalawang prinsesa mula sa
isang higante at isang serpente. Ninais ni Don Pedro pakasalan si Leonora ngunit hiniling ni Leonora na
manirahan ng mag-isa sa loob ng pitong taon. Pinagbigyan ng hari ang hiling ni Leonora, samantalang sina
Don Diego at Donya Juana ay ikakasal na. Ang mga tao ng Berbanya ay patuloy na nagdiriwang ng masaya
sa loob ng siyam na araw habang nanatili si Don Juan at nagdurusa sa Armenya.

Natagpuan ng lobo na sugatan at sira-sira ang buto ni Don Juan. Pinagaling ng lobo si Don Juan
gamit ang tubig na kinuha niya sa Ilog Herdan. Gumaling agad ang mga sugat ni Don Juan matapos
maipahid ang tubig sa kanyang balat. Umahon sila sa balon matapos nito, at pagkalabas ay napagod si Don
Juan. Nagpahinga si Don Juan, at nakita siya ng Ibong Adarna. Nagising muli si Don Juan sa kanta ng Ibong
Adarna. Isinalaysay ng ibon kay Don Juan kung paano siya nakalabas ng palasyo, at sinabihan rin na
kalimutan na si Leonora at maglakbay na lamang siya sa Reyno ng de los Cristales upang mahanap niya si
Maria Blanca.

Si Leonora ay nanatili pa rin sa Berbanya. Nakadarama siya ng lungkot dahil umaasa pa rin siyang
babalik si Don Juan sa tulong ng lobong inutusang gamutin si Don Juan. Habang si Leonora ay nasa
Berbanya ay hindi pa rin mahanap ni Don Juan ang daan papuntang De los Cristal. Hindi pa rin siya
nawawalang ng tiwala sa Diyos kahit na tatlong taon na siyang naglalakbay. Isang araw ay nakakita siya
ng isang matandang ermintaryo. Hiningan nito ng pagkain si Don Juan, at sa sobrang gutom ng ermintaryo
ay nagawa niyang kainin ang nangingitim na tinapay. Binigyan pa ang matanda ng inumin, at pinasalamatan
ng matanda si Don Juan sa kanyang ipinamalas na kabaitan. Itinanong ni Don Juan sa ermintaryo kung
alam niya ang daan papuntang De los Cristal. Sinabihan ng matanda si Don Juan na pumunta sa ikapitong
bundok upang mahanap ang isa pang ermintaryo na makakapagbigay ng isang piraso ng tela.

Si Leonora ay patuloy pa ring iniisip si Don Juan. Hinihikayat na ni Don Pedro si Leonora na
kalimutan na si Don Juan ngunit pinaninindigan pa rin ito ni Leonora. Hihintayin pa rin ni Leonora si Don
Juan kaya’t unti-unting napilitan rin si Don Pedro na maghintay sa pagdaloy ng oras na umabot ng pitong
taon.
Habang ipinaglalaban pa rin ni Leonora ang pagdating ni Don Juan ay naglalakbay naman si Don
Juan papunta sa ikapitong bundok. Inabot siya ng limang buwan upang makaabot dito at nahanap niya ang
isa pang ermintaryo. Ginusto ni Don Juan paalisin ang ermintaryo ngunit matapos matanong ng ermintaryo
kung ano ang nais gawin ni Juan doon ay pinakita ni Don Juan ang barong na ipinadala sa kanya ng
nakalipas na matandang ermintaryo. Sinabi ng kausap na ermintaryo na ito ay baro ni Hesus, at itinanong
ng ermintaryo kung ano ang kinakailangan ni Don Juan. Itinanong ni Don Juan kung alam niya ang daan
papuntang De los Cristal, at dito ay tinawag ng ermintaryo ang lahat ng hayop subalit walang nakakaalam
kung nasaan ito.

Ferrer at Magada
Sinabihan si Don Juan ng agila na magtago mula sa mg prinsesang maliligo sa banyo. Naghintay si
Juan na makarating ang mga prinsesa. Nakita ni Don Juan si Maria Blanca at nabighani siya sa kagandahan
nito kaya kinuha niya ang damit ng prinsesa. Nagtago siya ulit at nagalit ang mga prinsesa. Nagpakita si
Don Juan paglipas ng isang oras. Sinabi niyang may gusto siya kay Maria at tatanggapin niya ang kahit na
anong parusa. Sinabi ng prinsesa na hindi na daw siya galit dahil gwapo ang prinsipe.
Tinanong ni Maria si Don Juan kung saang kaharian siya galing at sinabi ni Don Juan na nagmula siya
sa kaharian ng berbania. Sinabi ni Don Juan na kung ayaw sa kanya ni Maria ay wala ring kwenta ang
paglalakbay niya at mabuti pang mamatay na lang siya. Sinabi naman ni Maria na iniibig niya si Don Juan.
Tinuro ni Maria Blanca ang palasyo nila. Dapat daw makuha ni Don Juan ang loob ng ama ni prinsesa
Maria.
Inutusan niya si Don Juan na pumunta sa palasyo sa alas singko ng hapon at sabihin sa ama niya na
gusto niyang mag-asawa. Kapag tinanong siya ng hari kung gusto niyang mamanhikan sa palasyo ay dapat
tumanggi siya dahil mamamatay siya. Dapat daw isagot niya na nautusan lang siya ng emperador.
Pinangako ng prinsesa na tutulungan nila si Don Juan. Nagpaalam ang tatlong prinsesa at nagising ang
kanilang ama. Tinanong ng hari ang pakay ni Don Juan. Sinabi ni Don Juan na nais niyang alukin ng kasal
ang anak ng hari at susundin niya ang lahat ng utos ng hari. Sinabi ng hari na kung di niya magagawa ang
iuutos ay papatayin niya si Don Juan.
Binigyan niya ng trigo si Don Juan. Inutusan niya si Don Juan na gibain at patagin ang malaking
bundok, saka doon ikalat ang trigo. Sinabi niyang sa loob ng isang gabi ay dapat magpatubo, anihin at
gawing tinapay ni Don Juan ang trigo at ilatag sa kanyang hapag-kainan sa umaga.
Nang gabi na ay tumakas si Doña Maria at pinuntahan si Don Juan. Sinabi ng don kay Maria ang
inutos sa kanya ng hari. Pinagpahinga ni Maria si Don Juan. Gamit ang majica Blanca ni Maria ay napatag
ang bundok at nagkalat ang mga trigo. Agad na tumubo ang trigo at nang alas-5 ng umaga ay naging tinapay
na nga ito sa hapag-kainan.
Nanggilalas ang hari at consejero nang makita ito Sinabi ng hari na kahit nagawa nya ang unang utos
ay siguradong mamamatay na ito sa pangalawang utos. Tinawag ng hari si Don Juan.
Noong tinanong ng hari si Don Juan kung gusto niyang mamanhikan ay sinabi ni Don Juan na napag-
utusan lang siya ng emperador. Umalis ang hari kasama si Don Juan. Nagpakawala ang hari ng labing
dalawang negrito sa karagatan at hinamon niya si Don Juan. Dapat daw ay makolekta ni Don Juan lahat ng
negrito. Kapag hindi niya raw ito nagawa ay mamamatay siya. Nagawa ito ni Don Juan sa tulong ni Maria
Blanca.
Dinala ng prinsesa ang lalagyan na naglalaman ng mga Negrito sa palasyo at nilagay sa lamesa.
Binilang ito ng hari at nalamang kumpleto ang mga negrito. Nag-isip na agad ang hari ng ipapagawa niya
kay Don Juan. Inutusan niya si Don Juan na ilipat ang bundok sa tapat ng bintana. Tinulungan ulit siya ni
Maria Blanca.

Dimaculangan
Nang magising si Haring Salermo, natagpuan niya si Don Juan. Binanggit ni Don Juan ang kanyang
intensyon na mapangasawa ang isa sa mga prinsesa. Pumayag ang hari, sa kondisyon na masusunod ni Don
Juan lahat ng kanyang kautusan. Ang kauna-unahang utos ay ang pagpapatibag at pagpapapatag ng bundok
upang isabog ang tribo. Dapat niyang maani ito at magawang tinapay bago mag-almusal ang hari
kinaumagahan.
Noong tulog na ang lahat, nagkita si Don Juan at Doña Maria upang pag-usapan ang kautusan ng
hari at magawan ng paraan ng prinsesa. Nagulat ang hari nang may nakita siyang tinapay sa kanyang hapag-
kainan kinabukasan nang umaga. Ang sunod na utos ay ang pagpapahanap ng 12 negritong pinakawalan
ng hari. Kagaya ng unang kautusan, ginawan ito ng paraan ni Doña Maria, at napabalik ang lahat ng mga
negritong pinakawalan. Ang pangatlong utos ay ang ilagay ang bundok sa gitna ng dagat at gumawa ng
castilyo roon. Dapat ay may tuwid na daan na magdudugtong sa castilyo at palasyo.
Lahat ng kautusan ng hari ay natupad sa tulong ni Doña Maria. Nabanggit na sunod ng hari ang
kanyang singsing na nahulog sa dagat. Tinadtad ni Juan ang katawan ni Maria at siyang naging isda na
sumisid upang hanapin ang singsing. Ang bilin ni Doña Maria kay Don Juan ay huwag na huwag siyang
tutulog, ngunit nakatulog nga si Don Juan, kaya naman walang umabot ng singsing.
Tinadtad ulit ni Don Juan si Doña Maria, subalit mau tumalsik na daliri. Nahanap ni Doña Maria
ang singsing ngunit kulang ang kanyang daliri pagkaahon. Natagpuan ng hari ang singsing sa ilalim ng
kanyang unan pagkagising niya, patunay na natupad ang kautusan. Ngunit dahil hindi pa lubos na nasiyahan
ang hari, inutusan pa niya si Don Juan na paamuhin ang isa sa kanyang mga kabayo. Pinayuhan ni Doña
Maria si Don Juan na ang kabayo ay ang kanyang tatay mismo na nagbabalat-kayo lamang, at binigyan
niya si Don Juan ng mga payo upang mapaamo ang kabayo.

Ferrer
Bumalik si Haring Salermo at Don Juan pagkatapos magawa ni Don Juan ang mga ibingiay na hamon
ng hari sa kanya. Pinapili ng hari si Don Juan ng mapapangasawa niya sa tatlo niyang anak sa isang
kondisyon. Hahawakan lamang niya ang hintuturo ng mga prinsesa at pipili siya ng mapapang asawa niya
doon. Napili niya si Maria Blanca dahil alam niyang putol ang daliri ng prinsesa. Nalaman ng prinsesa na
gusto silang papuntahin sa inglaterra kaya sinabi niya ito kay Don Juan at nagtanan sila. Pinakuha niya kay
Don Juan ang ikapitong kabayo mula sa pintuan ngunit sa sobrang pagmamadali ay ikawalong kabayo ang
nakuha niya. Nang makita ng prinsesa ang kabayo ay binalaan na niya si Don Juan na mapanganib ang
kanilang magiging paglakbay.
Nagkatotoo ang sinabi ni Doña Maria nang habulin sila ng Haring Salermo. Noong maabutan na sila
nito ay naghulog siya ng karayom na naging malaking bakal na harang at naharangan ang hari. Nang
nakakahabol na ulit ang hari naghulog naman siya ng sabon na naging bundok. Naharangan muli into si
Don Juan. Makalipas ang ilang sandali ay nakakahabol na naman ang hari kaya hinulog ng prinsesa ang
coje niya na naging karagatan. Dahil hindi na makasunod ang hari, sinumpa niya si Maria.
Sinabi ng hari na makakalimutan ni Don Juan si Maria pagdating niya sa Kaharian ng Berbania at
magpapakasal si Don Juan sa ibang babae. Namatay ang hari pagkatapos dahil sa sobrang lungkot. Sa labas
ng Villa ay umalis na si prinsess Maria at sinabi kay Don Juan na wala dapat babaeng lalapit sa kaniya dahil
pag may lumapit sa kanya ay makakalimutan niya si Maria. Pagdating ni Don Juan sa kaharian ay agad
lumapit si Leonora kaya nalimot niya si Maria. Sinabi ni Leonora na gusto niyang pakasalan si Don juan.
Noong sinabi ito ni Leonora sa hari ay nagtaka ang hari dahil dapat nga ikakasal na si Leonora kay
Pedro. Bagamat ito ang iniisip ng hari ay pumayag ang hari pero gusto niyang malaman ang sikreto ni
Leonora. Pinasabi kay Maria na ikakasal sina Leonora at Don Juan. Naghanda ng sobra si Prinsesa Maria
at nagdamit emperatris, naghanda ng magagandang kabayo at karosang ginto. Nang makita ng hari ang
ginting karosa ni Maria ay pinatigil niya ang kasal dahil baka daw manonood ang emperatris at umoo ang
lahat sa sinabi niya.
Sinabi ni Maria na na is raw niyang panoorin ang kasal pero mukhang tapos na it. Pinaliwanag ng
hari na itinigil ang kasal para kay Maria. Nagpasimula ng laro para sa ikakasal na si Leonora at Don Juan.
Narinig ito ni Maria at nilabas niya ang kanyang dyamanteng singsing. Humingi siya ng tubig na may
negrito at negrita at corong musico. Nakapagtataka lang ang hawak na suplina ng negrita. Natuwa ang lahat
sa pagsayaw ng negrito at negrita. Pinatigil ni Maria ang musika at tinanong ang Negrita kung kilala niya
si Doña Maria ngunit hindi ito kilala ng Negrita.
Talaga
Ilang beses pinatigil ni Doña Maria ang musika upang itanong sa negrita kung kilala siya at ikinwento
ni Maria ang mga pinagdaanan nila ni Juan upang makabalik sa Berbania. Pagkatapos nito, nagkwentuhan
si Leonora at Maria kung paano nila nakilala si Juan.
Nang dumating si Juan, sinabi niya na ang pipiliin ni Juan ay si Doña Maria, kaya si Doña Leonora ay
sabay na ipinakasal kay Don Pedro. Naglakbay pabalik ng de los Cristal sina Juan at Maria upang
matagpuan itong walang hari, kung saan naging hari at reyna si Don Juan at Doña Juana.

You might also like