You are on page 1of 7

Ang Mag-anak ni Haring Fernando

BUOD:
Ito ay tungkol sa kaharian ng Berbanya. Dito natin nakilala ang hari ng Berbanya na si Haring Fernando at
ang kanyang asawa na si Reyna Valeriana. Meron silang tatlong anak, si Don Pedro. Siya ang panganay. Si
Don Diego ay ang pangalawa at si Don Juan ang bunsong anak. Pinapili ni Haring Fernando ang tatlong
anak kung gusto nilang maging isang pari o hari. Pinili ng tatlo na maging hari.

Ang Panaginip ng Hari


BUOD:
Isang gabi napaniginipan ni Haring Fernando na may masamang mangyayari kay Don Juan at dahil dito,
nagkasakit si Haring Fernando. Tumawag sila ng doktor ng palasyo pero wala silang magawa sa kanyang
sakit. Sinabi ng isang manggagamot na ang makakapaggaling sa hari ay ang awit ng Ibong Adarna. Sinabi
nito na matatagpuan ang ibong ito sa Bundok Tabor at nakatira ito sa puno ng Piedras Platas. Agad inutos
ni Haring Fernando kay Don Pedro na kunin ang lunas sa Bundok Tabor.

Ang Paglalakbay ni Don Pedro


BUOD:
Isang gabi napaniginipan ni Haring Fernando na may masamang mangyayari kay Don Juan at dahil dito,
nagkasakit si Haring Fernando. Tumawag sila ng doktor ng palasyo pero wala silang magawa sa kanyang
sakit. Sinabi ng isang manggagamot na ang makakapaggaling sa hari ay ang awit ng Ibong Adarna. Sinabi
nito na matatagpuan ang ibong ito sa Bundok Tabor at nakatira ito sa puno ng Piedras Platas. Agad inutos
ni Haring Fernando kay Don Pedro na kunin ang lunas sa Bundok Tabor.

Ang Paghahanap ni Don Diego


BUOD:
Hindi nakabalik si Don Pedro sa Berbanya kaya inutusan ni Haring Fernando si Don Diego na pumunta sa
Bundok Tabor para hulihin ang Ibong Adarna. Si Don Diego naman ay naglakbay ng limang buwan. Mahirap
ang kanyang paglalakbay sa Bundok Tabor. Siya din ay namatayan ng kabayo papunta sa bundok.
Nakarating rin si Don Diego sa Bundok Tabor ngunit naaliw si Don Diego sa kanta ng Ibong Adarna kaya’t
nakatulog ito. Napatakan rin si Don Diego ng dumi ng Ibong Adarna kaya siya rin ay naging bato, tulad ni
Don Pedro.

Ang pakikipagsapalaran ni Don Juan


BUOD:
Dahil hindi pa bumabalik si Don Diego, nagpasya si Don Juan na siya na maghanap sa Ibong Adarna, ngunit
ayaw siyang pahintulutan ni Haring Fernando dahil natatakot ang Hari na mawala sa kanya ang huling anak.
Ngunit noong nagbanta si Don Juan na siya ay aalis ng palihim, siya ay tuluyang pinagayagang umalis.
Dala-dala ang baong limang tinapay, tumungo na si Don Juan sa Bundok Tabor. Habang nasa daan, siya ay
nakakita ng isang matandang leproso na humihingi ng pagkain. Kahit nag-iisa na lamang ang natitira sa
kanyang dala, masayang ibinigay ni Don Juan ang tinapay sa leproso.
Tinanong ng leproso kay Don Juan kung bakit siya naglalakbay at ikinuwento ito Don Juan.
Nagbigay ang matandang leproso ng instruksyon kay Don Juan kung paano pumunta ng Piedras Platas.
Binalik ng matanda ang pagkain pero hindi tinanggap ni Don Juan at umalis kaagad siya.

Ang Ermitanyo
BUOD:
Noong naglalakbay siya, nakita niya ang Piedras Platas at naalala niya ang instruksyon ng matandang
leproso na dapat ituloy ang lakbay niya at hanapin ang isang bahay. Nakita niya ang bahay na sinabi ng
matanda. Kumatok si Don Juan pinapasok siya ng isang Ermitanyo. Pinakain ng Ermitanyo si Don Juan at
nagtanong ang Ermitanyo kung bakit siya naglalakbay. Sinabi ni Don Juan na kailagan niyang hulihin ang
Ibong Adarna upang gamutin ang haring ama. Nakita ng Ermitanyo ang kalinisan ng puso ni Don Juan at
sinabi niya ang dapat gawin upang mahuli ang Ibong Adarna. Nagbigay ang Ermitanyo kay Don Juan ng
pitong dayap, isang labaha at isang gintong sintas.
Sa Bundok ng Tabor
BUOD:
Noong lumalim na ang gabi, lumabas na si Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna. Nakita niyang
dumapo ang ibon sa Piedras Platas. Sinunod ni Don Juan ang instruksyon ng Ermintanyo na sa bawat
kanta, susugatin nya ang palad at pipigaan ito ng dayap. Noong natapos ang pitong kanta at pitong beses
ng pagpapalit ng balahibo ng Adarna, nagbawas siya. Hindi natamaan si Don Juan. Naghintay siya
hanggang natulog ang Ibong Adarna at hinuli niya gamit ang gitong sintas.
Bumalik si Don Juan sa bahay ng Ermitanyo na dala ang Ibong Adarna. Noong nagkita sila binigyan si Don
Juan ng tubig at sinabi sa kanya na: “Buhusan mo ang dalawang bato sa ibabaw ng Pedras Platas.”
Sinunod ito ni Don Juan at naging tao ulit sina Don Pedro at Don Diego. Bumalik sila sa Ermitanyo at
binigyan siya ng isang hawla. Noong umalis na ang mga kapatid, humingi si Don Juan ng bendisyon sa
Ermitanyo.

Ang mga Lilong Kapatid


BUOD:
Noong pabalik na sila, galit na galit at nagseselos si Don Pedro kay Don Juan. Siya ay nakakuha ng Ibong
Adarna at hindi si Don Pedro. Dahil dito, may masamang balak si Don Pedro kay Don Juan. May plano na si
Don Pedro na dapat patayin niya ang bunsong kapatid at kukunin niya ang Ibong Adarna. Sinabi ni Don
Pedro ang plano niya kay Don Diego pero hindi siya pumayag dahil sinabi niya magkakapatid pa rin sila.
Pagkatapos kumbinsihin ni Don Pedro pumayag na rin si Don Diego na bugbugin si Don Juan at kunin ang
Ibong Adarna. Binugbog nila si Don Juan at hindi lumaban si Don Juan dahil alam niyang di siya mananalo
at ayaw niyang saktan ang kapatid niya. Pagkatapos, kinuha ng dalawang mas matandang kapatid ang
hawla at umalis na sila pauwi ng kahariang Berbanya. Noong bumalik na ang makapatid sa Berbanya.
Tinanong ng hari kung saan ang bunso niya. Sinabi ng magkapatid na hindi nila alam. Dahil dito lalong
sumama ang pakiramdam ng hari dahil sa lungkot. Hindi kumanta ang Ibong Adarna at pumangit rin ang
balahibo niya dahil hindi nito nakita si Don Juan.

Ang Paghihinagpis ni Don Juan


BUOD:
Si Don Juan ay naiwang sugatan at hinang-hina sa daan. Sa gitna ng kanyang paghihirap, siya ay tumawag
sa Birheng Maria at humiling na sana ay gumaling na ang kanyang ama. Hiniling nya rin na sana’y
patawarin ang kanyang mga kapatid sa mga ginawa nilang kasalanan at magkakita-kita pa sila ng kanyang
pamilya.

Ang Tulong ng Ermitanyo


BUOD:
Si Don Juan ay tinulungan at ginamot ng ermitanyo at siya ay mabilis na gumaling.
Dahil sa kabutihang ginawa sa kanya, itinanong ni Don Juan kung ano ang maari niyang iganti bilang
pasasalamat sa matanda at sinabi ng ermitanyo na ang kawanggawa ay gawain na hindi humihingi ng
kapalit. Sinabi din ng ermitanyo na kailangan nang umalis papuntang Berbanya ang prinsipe dahil ang
kanyang ama ay naghihintay sa kanya.

Nagsalaysay ang Ibong Adarna


BUOD:
Si Don Juan ay tinulungan at ginamot ng ermitanyo at siya ay mabilis na gumaling.
Dahil sa kabutihang ginawa sa kanya, itinanong ni Don Juan kung ano ang maari niyang iganti bilang
pasasalamat sa matanda at sinabi ng ermitanyo na ang kawanggawa ay gawain na hindi humihingi ng
kapalit. Sinabi din ng ermitanyo na kailangan nang umalis papuntang Berbanya ang prinsipe dahil ang
kanyang ama ay naghihintay sa kanya.
Pagbabantay sa Ibong Adarna
BUOD:
Inatasan ang tatlong magkakapatid na magbantay sa Adarna. Ang bawat isa ay magbabantay ng tatlong
oras sa ibon. Dahil sa inggit, umisip si Don Pedro ng paraan para siya ay magkaganti kay Don Juan.
Sinabihan niya si Don Diego na sabay silang magbantay sa Adarna, upang mapilitan si Don Juan na
magbantay, kahit hindi niya ito oras. Si Don Juan naman ay nagbantay kahit hindi pa nya ito oras. Dahil sa
antok at simoy ng hangin, hindi naiwasan ng prinsipe na makatulog.
Dali-dali pinakawalan ng dalawang nakakantandang magkapatid ang Adarna. Nang magising, nakita ni Don
Juan na nakawala na ang Ibong Adarna. Dahil sa takot, siya ay lumisan ng Berbanya. Nang magising ang
Hari, agad niyang napansin ang pagkawala ng Adarna at ipinatawag niya ang tatlong mgkakapatid, ngunit
si Don Pedro at si Don Diego lamang ang nagpakita. Sinabi nila sa Hari na hindi nila alam kung saan
napapunta si Don Juan. Pinahanap ng Hari si Don Juan kay na Don Pedro at Don Diego, ngunit hindi nila
mahanap ang kapatid. Pagkatapos ng mahabang paghahanap, nagtapuan nila si Don Juan sa bundok ng
Armenya.

Ang Bundok ng Armenya


BUOD:
Nagtapuan nila ang kapatid sa isang magandang pook na tinatawag na Armenya. Nagpasiyahan ng
magkakapatid na huwag ng bumalik sa Berbanya at doon na lamang maniharan.
Naging masaya at mapayapa ang pamumuhay ng magkakapatid sa bundok. Sila din ay nagkakaroon ng
salu-salo linggo-linggo.
Isang araw, dahil sa inip, sila ay nagpasya na libutin ang ibang parte ng bundok na hindi pa nila nararating.

Ang Bundok ng Armenya


BUOD:
Nang maakyat ang kabatuhan, may balon silang natagpuan. Ang balon ay nakakaakit sa kanilang tingin.
Sila’y nagtaka dahil napakalinis nitong balon. Dahil dito’y sila’y hindi sigurado kung walang nagmamay-ari
ng balon ngunit kahit saanman sila tumingin, walang bahay na namamasid.
Si Don Pedro ang unang pumasok subalit tatlumpung limang dipa lamang ang na-aabot ay sumuko na dahil
hindi niya natagal ang dilim sa ibaba. Si Don Diego naman ay sumunod. Nilakasan niya ang kanyang loob,
ngunit umahon pa rin ng takot dahil sa lalim na hindi masukat.
Ang huli at pangatlong pumasok sa balon ay si Don Juan. Natalagan niya ang dilim at ang lalim na hindi
matarok dahil sa kanyang pagpupursigi.

Ang Natuklasang Hiwaga


BUOD:
Sa ilalim ng balong pinasok ni Don Juan, siya ay nakagtapgo ng isang pook. Ito’y napakarikit at mahiwaga.
At sa unang pagkakataon, nasilayan niya ang si Donya Juana. Nabihag ni Donya Juana ang puso ni Don
Juan dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Dahil sa pagmamahal ni Don Juan kay Donya Juana, nagawa
niyang sabihin na walang saysay at dapat nanjg tapusin ang kanyang buhay kung walang pag-sintang
nararamdaman sa kanya ang prinsesa.
Ibinigay naman ng prinsesa ang kanyang puso kay Don Juan, ngunit, siya ay nag-alala sa kaligtasan ni Don
Juan dahil sa higanteng nagbabantay at nag-aalaga sa kanya. Hindi natakot si Don Juan sa Higante at
silang dalawa ay naglaban hanggang sa napatay ni Don Juan ang Higante. Pagkatapos ay inalok ni Don
Juan si Donya Juana na umakyat paalis ng balon at pumuntang Berbanya, ngunit, ang prinsesa ay nag-
alangan dahil maiiwan ang kanyang kapatid na si Leonora.

Si Prinses Leonora
BUOD:
Si Prinsesa Leonora ay kapatid ni Donya Juana na binabantayan ng isang serpyenteng may pitong ulo.
Ipinakiusap ni Donya Juana kay Don Juan na sunduin ang kanyang kapatid sa kastilyo. Lumakad na
papunta kay Leonora si Don Juan, at nang makita niya ang prinsesa, siya ay muling nabihag ng
kagandahan. Tinanong ni Leonora kung sino si Don Juan at kung ano ang kanyang pakay. Winika ni Don
Juan naroroon siya upang magsilbi, ngunit siya ay pinapaalis ni Leonora dahil sa mapanganib na serpyente.
Hindi natinag si Don Juan sa kanyang hangarin, dahil dito, si Leonora ay napa-ibig na rin kay Don Juan.

Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan


BUOD:
Si Prinsesa Leonora’y nagsabi na may Serpyenteng nagbabantay sa kanya at dito’y walang hindi
namamatay.Pero nilabanan pa rin ito ni Don Juan. Sa simula, patas ang laban, walang lumalamang.
Tinulungan ni Leonora si Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng balsamo. Nang makita ito ng
Serpyente, ito’y kinilabutan at lalong nagalit. Sa huli, ang prinsipe’y nagwagi sa laban niya. Para matalo ang
Serpyente, ginamit niya ang kanyang liksi at ang balsamo. Nang matapos ang laban, sila’y umahon na at
inihayag sa dalawa ang mga pangyayari.
Nang makita ni Don Pedro ang magandang prinsesang Leonora, naakit siya sa kanyang ganda.
Nainggit siya kay Don Juan at pinasya niyang muling taksilan ang kanyang kapatid. Nang bumababa ulit ng
balon si Don Juan upang kunin ang nakalimutang singsing ni Leonora, Pinutol ni Don Pedro ang lubid na
ginagamit ni Juan at nahulog si Juan sa baba ng balon. Matindi ang mga sugat na dinaranas ni Don Juan
ngunit buhay pa siya. Si Don Pedro, akala na patay na si Juan, kinuha si Leonora at kasama ni Don Diego at
Donya Juana, ang apat ay nagtungo sa bayan ng Berbanya. Ngunit si Leonora, na ayaw kay Don Pedro ay
inutusan ang kanyang lobo na sabihin na sila’y napilitan lamang na umalis.

Ang Kahilingan ni Donya Leonora


BUOD:
Nagtataka si Haring Fernando kung na saan ang kanyang mga anak. Nagbabalik sina Don Pedro at Diego
kasama sina Donya Juana at Leonora. Sinabi nila na hindi nila nakita si Don Juan. Kinuwento ni Don Pedro
tungkol sa laban sa balon pero sinabi niya na siya at si Don Diego ang lumaban ngunit hindi nasiyahan
Fernando. Pagkatapos magkwento, sinabi na makakasal si Don Pedro kay Donya Leonora at si Don Diego
kay Donya Juana.
Hiniling ni Donya Leonora na huwag muna sila magkasal dahil naaalala niya si Don Juan.

Ang Lobo
BUOD:
Nakita ng lobo na bali-bali ang mga buto ni Don Juan at ang dugo ay lumalabas sa ulo. Kumuha ng tatlong
boteng tubig ang lobo galling sa Ilog Herdan. Ipinahid niya sa buong katawan ni Don Juan ang tubig na
nakuha sa Ilog Herdan at si Don Juan ay gumaling. Niyakap ni Don Juan ang lobo dahil sa paggagamot niya
kay Don Juan.
Sa tulong ng lobo, mabilis silang nakaalis sa balon, at nagpaalam kaagad ang lobo at pumunta na sa
kagubatan. Nagdasal rin si Don Juan sa Diyos natulungan siya at iligtas sa panganib.
Pagkatapos niya magdasal, naglakbay si Don Juan, ngutin napagod siya at nagpahinga sa ilalim ng puno.
Nakita niya ang Ibong Adarna at ito ay umawit. Inawit ng Ibong Adarna kung paano siya nakaalis sa hawla,
at inawit din niya na kalimutan na niya si Leonora at magpatuloy sa Reyno de los Cristales para hanapin si
Maria Blanca.

Ang Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan


BUOD:

Si Don Juan ay natamo ng maraming sugat at malapit ng mamatay. Dahil siya ay sadyang
pinutulan ng lubid ni Don Pedro nang pababa siya sa balon upang hanapin ang singsing ni
Leonora. Ang lobo ni Donya Leonora ang tumulong kay Don Juan. Kumuha ng tubig ang lobo sa
Ilog Herdan at ito ang siyang nilagyan at pinahiran sa buong katawang sugatin ni Don Juan
hanggang sa gumaling ito. Naging malusog nanaman si Don Juan. Nakalabas siya ng balon at
nagpaalam na ang lobo sa kanya. Handa na si Don Juan bumalik sa Berbanya. Ngunit sa
pagpapahinga niya sa daan habang nakatulog, nakita siya ng Ibong Adarna. Nagising si Don
Juan sa magandang awit ng ibon at pinayuhan siya ng Adarna na ikalimutan na si Leonora at
tumuloy na lang siya upang hanapin ang Reyno de los Cristales at doon niya matatagpuan si
Maria Blanca na siyang mas maganda pa kay Loenora.
Ang Paghihinagpis ni Leonora
BUOD:
Nalulungkot na si Donya Leonora dahil iniisip niya na sana buhay pa si Don Juan, at bakit hindi pa
bumabalik ang lobo na inutusan niya para gamutin si Don Juan. Habang sya ay araw-gabing tumatangis, si
Don Juan nama’y ‘di na sya ang irog kundi si Maria Blanca.

Ang Paglalakbay ni Don Juan


BUOD:
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang kalimutan ni Don Juan si Leonora at hanapin ang iniibig nyang si
Maria Blanca na nasa kaharian ng Delos Crystal. Sa paghahanap nya sa palasyo siya ay naligaw, at sa
gubat may nadatnan siya ritong isang matandang sugatin. Humingi siya rito ng pagkain at ibinigay ng
matanda ang durog-durog nyang tinapay. Laking gulat naman ni Don Juan nang pag-kagat ay parang
bagong luto ang tinapay. Namangha ulit siya dahil nang simutin nya ang tubig na sa bumbong, punong-puno
pa rin ito at tila di nabawasan. Humingi ng si Don Juan sa kanyang pagpunta sa Delos Crystal ngunit ang
sagot ng matanda ay hindi nya ito alam. Binigyan siya ng Barong at inutusan siyang mag-punta sa ikapitong
hanay ng bundok at doon ay may makikita raw siyang Ermitanyo. Ibigay raw ang barong at sabihin raw na
galing ito sa matandang sugatin.

Sa Kabila ng Pagsubok
BUOD:
Walang ginawa si Prinsesa Leonora kundi tumangis sa kanyang silid. Naiisip nya na baka patay na si Don
Juan. Si Don Pedro naman ay ipinipilit ang kanyang gusto na pakasalan na siya ni Leonora dahil hindi na
babalik si Don Juan. Kahit anong pilit nito, hindi pumapayag ang prinsesa. Umalis na lang siya sa harap ng
silid nito na masama ang loob.

Si Donya Maria ng Reyno De Los Cristales


BUOD:
Ibinaba siya nang agila sa banyo ni Donya Maria. Sinabi sa kanya
nang agila na sa ikaapat nang madaling-araw nalilgo si Donya
Maria. Naghintay si Don Juan at nagtago nang mabuti upang hindi
makita nang mabuti. Nang dumating si Donya Maria , si Don Juan ay nabihag sa kanyang kagandahan. Sa
sobrang pagkabihag ni Don Juan, ninakaw niya ang damit ni Donya Maria habang ito’y naliligo. Pagkatapos
ni Donya Maria maligo, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang damit. Galit na galit ang prinsesa at
sinabing paparusahan kung sino man ang magnanakaw. Sa huli, ibinalik din ito ni Don Juan. Katagalan ay
hindi na galit si Donya Maria kay Don Juan. Siya ay umiibig na rin kay Don Juan. Sinabi ni Donya Maria kay
Don Juan kung ano ang nangyari sa mga manliligaw o umiibig sa kanya. Sinabi niya na lahat nang nakita
niyang bato ang mga manliligaw niya.

Unang Pagsubok ni Haring Salermo


BUOD:
Ipinakilala ni Don Juan ang kanyang sarili sa ama ni Maria Blanca, si Haring Salermo. Sinabi niya ang pakay
sa bunso nito at binigyan siya ni Haring Salermo ng utos. Utos ng Hari kay Don Juan na patagin ang
bundok, itanim ang trigo, patubuin ang trigo sa gabi at sa umaga’y gawin itong tinapay. Hindi alam ni Don
Juan kung paano ito gagawin, mabuti na lamang at si Donya Maria ay may alam na mahika blanka. Gamit
ito, pinatag nya ang bundok, ipinunla ang trigo, pinatubo ang trigo, ginawang tinapay bago gumising ang
hari. Humanga ang Hari kay Don Juan ngunit mayroon pa itong mga utos.

Sa Marami Pang Pagsubok


BUOD:

Binigyan ni Haring Salermo ng maraming pagsubok si Don Juan. Una, inutusan niya siya na ibalik and mga

ita sa loob ng prasko bago dumating ang umaga. Sinabi ni Don Juan kay Donya Maria at ginamit niya ang

kanyang mahika para matakot ang mga ita. Dahil dito, bumalik sila lahat sa prasko. Pagkatapos nito,

pinaurong ng hari ang bundok para maramdaman niya ang sariwang hangin sa umaga. Gumamit ulit si

Donya Maria ng mahika niya para iurong ang bundok. Hiningi din ni Haring Salermo na takpan ng lupa ang

dagat para gumawa ng malaking palasyo. Ang susunod n autos ng hari ay kukunin ang kanyang singsing na

nahulog sa dagat. Sa pagsubok na ito, nahirapan si Donya Maria dahil tinulugan siya ni Don Juan. Dahil

dito, naputulan siya ng daliri. Ang huling utos sa kanya ni Haring Salermo ay ipahinahon ang kabayo. Sinabi

ni Donya Maria ang lahat ng kailangan gawin at sinunod lahat ni Don Juan.

Sa Ngalan Ng Pag-ibig
BUOD:

Nagalit na si Donya Maria kay Don Juan kasi hindi siya maalala nito. Sinubukang basagin ni Donya Maria
ang prasko upang sirain ang buong reyno. Pagkasabi ni Donya Maria nito biglang natandaan ni Don Juan
ang mga nangyari sa nakaraan at niyakap niya si Donya Maria. Pagkatapos ay humingi siya ng kapatawaran
kay Donya Maria. Sa sobrang kalungkutan ni Donya Leonora ikinuwento niya ang kanyang nakaraan.
Nagmakaawa si Don Juan na itigil na ni Donya Maria ang balak niya kasi mahal na mahal ni Don Juan si
Donya Maria at walang makakapagpabago nito. Sinabi ni Don Juan sa lahat ng tao na ang mahal niya ay si
Donya Maria. Inihahandog niya na din si Donya Leonora kay Don Pedro kasi ayaw niya na mag-away. Gusto
ng hari na ipakasal kay Juan si Leonora ngunit ayaw ni Juan dahil magiging mas tahimik ang Berbanya
kapag si Don Pedro ang makakasal ni Donya Leonora. Nagpasalamat din si Don Juan kay Donya Leonora
kasi iniligtas niya siya.

Sa Pagbabalik sa Berbanya
BUOD:

Papunta na sina Don Juan at Maria Blanca sa Berbanya. Iniwan muna ni Don Juan si Donya Maria sa isang
bansa at nauna na si Don Juan sa Berbanya para ihanda ang lahat. Pinangako ni Don Juan na babalik siya
at hindi siya kakausap ng babae kasi pag may nakausap siya makakalimutan niya si Maria Blanca dahil sa
curse na inilagay ng kanyang ama kay Don Juan. Pag dating ni Don Juan sa Berbanya at nalaman ni
Leonora sinabi ni Leonora ang tutoong nangyari sa balon at ang mga kasalanan na ginawa ng dalawang
kapatid. Kinausap ni Leonora si Don Juan at nakalimutan na niya si Maria Blanca at ikakasal na ni Don Juan
si Donya Leonora. Nalaman ni Maria Blanca ang lahat tulong ng kanyang karunungan na nakalimutan na
siya ni Don Juan at hindi niya tinupad ang pangako niya at dahil dito nagalit siya.

Ang Paghaharap

BUOD:
Sa araw ng kasal dumating si Donya Maria sa Berbanya gamit ang mahiwagang singsing. Nagbihis siya
bilang isang emperatris at lahat ng kanyang hiniling ay natutupad. Itinigil ang kasal para ipakilala ang
dumating. Bilang regalo may presentasyon hinanda si Donya Maria.Sa loob ng prasko ay isang negrito and
negrita at kinukwento nila ang lahat na dinaan nila Don Juan at Maria Blanca at pano sila nag mahalan pero
hindi parin naala ni Don Juan.Nag labas ng suplina ang negrita at hinahampas ang negrito pero hindi ito
nasasaktan kasi si Don Juan ang nasasaktan. Sa lahat na iyon hindi parin naaalala ni Don Juan ang lahat.
Pagkatapos ng palabas nawala ang negrito at negrita naiwan lng ang isang praskong balot ng pilak at ang
laman ay tubig.

Pagkatapos ng Lahat

BUOD:

Pumayag ang hari at ang arsobispo na ikakasal ni Don Juan si Maria Blanca. Si Leonora naman ay ikakasal
ni Don Pedro. Pumayag ang hari dahil sa isang karangalan na maging manungang si Maria Blanca. Ipinili ni
Haring Fernando ang papalit sakanya at si Don Juan ang pinili niya dahil sa lahat ng ginawa niya pero
tumanggi si Maria Blanca dahil si Don Juan ay may sariling reynong pamumunuan at ibigay nalng ang
korona kay Don Pedro.Umalis ng Berbanya ang dalawa at pumunta sa Reyno De Las Cristales at si Don
Juan ang naging hari at mapayapa ang lahat. Noong namatay na sina Don Juan at Maria Blanca lumungkot
ang mga tao at sila ay nag alay.

You might also like