You are on page 1of 8

Ibong Adarna BUOD NG TULA Sa kaharian ng Berbanya isang makatwiran at mahusay na hari ang nakatira si Haring Fernando at ang

kanyang mabutihing asawa si Reyna Valerina Namuhay silang tahimik at masaya kasama ng mga tatlo nilang anak na lalaki: Ang pinaka matanda principe ay si Pedro, siya ay likas na matalino at mahusay na mandirigma; ang pangalawang anak ay si Don Diego isang malumaanay na lalaki na sunod-sunuran lamang sa kanyang nakakatandang kapatid na si Don Pedro; at ang bunsong anak na si Don Juan, siya ay mabait at mapagmahal na anak at kapatid at ang pinaka paburitong anak nila Haring Fernando at Reyna Valerina dahil dito ay kinakaingitan siya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Don Pedro at Don Diego. Isang gabi ay nanaginip si Haring Fernando na ang kanyang bunsong anak ay pinatay ng dalawang tydor at dahil dito ay malubhang nagkasakit at ang tinig lamag ng Adarna ang pwedeng makapaggaling sa kanyag sakit. Ang ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon kung saan matatagpuan lamang sa bundok Tabor sa puno ng Piedras Platas. Ang unang sumubok na kunin ang Adarna ay si Don Pedro. Naglakbay si Don Pedro sa malayong lugar na nakaabot ng tatlong buwan hanggang nakarating na rin sa tuktok ng bundok. Sa paggot ni Don Pedro ay nagpahinga sa puno at pagsapit nga ng dilim ay dumating ang Adarna. Katulad ng hula ay kumata ang Adarna at sa pagkanta ng pitong beses ay nagiiba ang kulay ng balahibok niya. Pagkatapos ng kanyang pagkanta ay dumumi ang Adarna at napatakan si Don Pedro at siya ay naging bato. Nang hindi dumating si Don Pedro inutusan ni Haring Fernando si Don Diego na hanapin ang kapatid at hulihin ang Adarna. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at katulad ni Don Pedro ay napagod din si Don Diego sa paglalakbay. Nang makarating sa Tabor ay nagpahinga din ito sa pagod. Nang dumating ang gabi ay dumating

ang Adarna. Nagising si Don Diego at plano sana kunin ang Adarna pero kumanta ito kaya nakatulog si Don Diego at pagkatapos ng kanyang kanta ay dumumi ito at natalsikan si Don Diego kaya ito ay naging bato. Paglipas ng panahon ay gustong hanapin ang kapatid at Adarna. Nagpaalam si Don Juan sa ama at ito ay pumayag na maglakbay siya papunta ng Tabor. Nagdala siya ng limang tinapay na kakainin niya bawat nuwan sa pang apat na buwan at isang tinapay na lang ang natira. Natagpuan niya ang isang leprosoat tinulugan niya ito at binigay ang nagiisang tinapay. Natuwa ang leproso sa ginawa ni Don Juan at gusto itong tulungan. Binigyan ng babala ng taong leproso si Don Juan sapagkat mahirap hulihin ang Adarna. Pinapunta ng leproso si Don Juan sa isang Ermitanyo na nagbigay sa kanya ng isang labaha at ng Dayap para hindi daw ito makatulog. Dumating si Don Juan sa bundok Tabor at doon hinintay ang Adarna. Pagdating ng Adarna ay sinugatan ni Don Juan ang sarili at pinahiran ng dayap oara hindi ito makatulog sa pagkanta ng Adarna. Iniwasan ni Don Juan ang pagdumi ng Adarna at hinuli ito tapos ay binuhusan ng tubig si Don Pedro at Don Juan para mawala ang bisa ng pagiging bato nila. Nang patungo na sila sa Berbanya ay naisipan ni Don Pedro taksilan si Don Juan at kunin ang Adarna para hindi siya umuwing walang dala. Sinabi ni Don Pedro kay Don Diego ang plano pero ayaw pumayag ni Don Diego dahil hindi niya kayang patayin ang sariling kapatid. Umalama si Don Perdo at pumayag na lang na bugbugin at iwanan si Don Juan. Pagbalik ni Don Pedro at Don Diego sa Berbanya tinanong ni Haring Fernando kung nasaan si Don Juan pero nagsabi na walang alam sina Don Pedro at Diego. Nainipresenta ang Adarna sa hari ay nagmukhang pangit ito kaya pinagtakahan kung totoo nga ba ang Adarna an inipresenta. Samantala sugatan at walang pagasa nagdasal si Don Juan sa Panginoon nang makita siya ng isang matanda na tinulungan siya at ginamot. Pagbalik ng lakas ni Don Juan siya ay bumalik ng Berbanya. Pagbalik niya ay gumanada ulit ang balahibo ng Adarna

at ito ay kumanta. Pagkatapos ito kumanta sinabi ng Adarna kay Haring Fernando ang tunay na nangyari kay Don Juan. Sa galit ng hari gusto niyang ipalayas sina Don Pedro at Don Diego ngunit hindi pumayag si Don Juan at gustong patawarin na lamang ng hari. Pumayag ang hari sa kundisyon na hindi na na nila ulit gagawin ang pagtataksil. Nagustuhan nang hari ang Adarna kaya pinabantayan ito sa kanyang tatlong anak . Tigtatalong oras kada gabi. Sa pagbabantay nila tatlo, naisip ni Don Pedro kasabuat si Don Diego na ipahamak at ipahiya si Don Juan. Sa ika-sampong gabi ay ginising nila si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay at dahil dito nakatulog si Don Juan habang binabantayan ang hawla ng Ibong Adarna. Samantala, habang natutulog si Don Juan sina Don Pedro at Don Diego ay pinakawalan ang hawla ng Adarna at ito ay nakawala. Nang paggising ni Don Juan ay nakita niya ang hawla na bukas at ang Ibong Adarna ay wala na. Sa takot ay umalis ito ng palasyo. Nang malaman ng hari na nawawala ang Adarna tinanong niya ang dalawang nakakatandang anak kung sino ang may kasalanan. Ang sagot ng dalawa ay si Don Juan. Nang tinanong kung nasaan si Don Juan ay hindi alam nila Don Pedro at Don Diego, kaya inutusan ng hari na hanapin si Don Juan. Naghahap at naghanap si Don Pedro at Don Diego hanggang makaabot sa Bundok ng Armenya. Pagdating sa Armenya, nakita nila Don Pedro at Don Diego ang ganda ng Armenya. Nalaman din nila na dito nagpunta si Don Juan. Sa Armenya sila na buhay ng payapa at masaya. Habang naglalakad sa Armenya, nakakita silang tatlo ng isang balon kung na ubod ng lalim at dilim. Sa kagustuhan nilang tatlong malaman kung ano ang nasa ilalim ng balon, naunang bumam si Don Pedro subalit napaka dilim ng balon at siya ay umakyat din kaagad. Sumunod ay si Don Diego, pakababa niya ng balon ay natakot siya sa dilim nito kaya umakyat din siya kaagad. Ang huli ay si Don Juan na may tiwala sa sarili at bumaba ng walang takot sa balon haggang makarating sa pinaka ibaba kung saan

nakita niya ang isang palasyo na yari sa ginto at pilak. Doon sa palasyo nakakita si Don Juan ng isang magandang babae na ang pangalan ay si Donya Juana. Nabighani si Don Juan ng kagandahan ni Donya Juana at gusto itong isama paalis ng palasyo. Ang problema ay binabantayan si Donya Juana ng isang higante kaya hinamon ni Don Juan ng walang takot ang higante at ito ay kanyang napaslang. Pagkatapos ng laban ay aalis na sana sina Don Juan at Donya Juana pero gusto sana ni Donya Juana na isama ang kanyang kapatid na kaparehas din niya na may nagbabantay na halimaw na serpyente. Humiling si Donya Juana nailigtas ang kapatud at oumayag si Don Juan. Pagdating niya sa palasyo kung saan nandoon si Donya Leonora ay nakita niya ang kagandahan ng palasyo at ni Donya Leonora at si Don Juan ay nabighani sa kagandahan niya. Biglang dumating ang pitong ulong serpyente at kinalabanan ito ni Don Juan. Nahirapan labanin ni Don Juan ang serpyente dahil kahit pugutan ng ulo ang serpyente ito ay ulit-ulit na tumutubo. Binigay ni Leonora ang balsamo kay Don Juan para magapi ang serpyente. Tinanong ni Don Juan kung pwede bang mahalin siya ni Leonora at pumayag naman si Leonora, kaya silang dalawa ay umalis ng palasyo. Kasama si Donya Leonora ay umakyat sila pataas ng balon. Pagdating doon ay naghihintay at inip na inip sina Don Pedro at Don Diego. Pagkakita kay Don Juan at Leonora ay kinuwento ni Don Juan ang nangyari at dahil dito naingit si Don Pedro. Nang napansin ni Donya Leonora na nawawala ang kanyang sinsing. Pumayag si Don Juan na bumaba at kunin ito ulit, ngunit nang siya ay bumababa ng balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid at nahulog si Don Juan sa ilalim ng balon. Tinawag ni Donya Leonora ang kanyang lobo para gamutin si Don Juan. Sa iababaw ng balon ay gusto ni Don Pedro na piliin na lamang ni Leonora siya kaysa kay Don Juan pero ayaw pumayag ni Leonora kay pinilit ni Don Pedro na dinala pauwi ng Berbanya.

Pagdating sa Berbanya ay malungkot ang hari sapagkat ang sabi ng dalawang principe ay hindi nila nakita si Don Juan kung di ang dalawang princesa na niligtas nila sa higante at serpyente. Hiniling ni Don Pedro na ikasal kay Leonora ngunit hindi ito pumayag dahil sa pangako sa ina na hindi siya magpapakasal hanggang pitong taon, kaya si Donya Juana at Don Diego na lang ang nagpakasal. Samantala, nakita ng lobo si Don Juan na sugatan at bali- bali ang buto. Ginamot niya ito tulong ng tubig na galing sa ilog Herdan. Kasama ng lobo ay nakaalis sila ng balon. Nagsimulang maglakbay si Don Juan nguni napagod ito kaya siya ay nagpahinga. Biglang dumating ang Adarna at kumanta. Nagising si Don Juan at dito sinabi ng Adarna ang katrydoran na ginawa sakanya ng dalawa niyang kapatid. Sinabi ng Adarna na kalimutan na ni Don Juan si Leonora at pumunta na lamang sa Reyno de los Crisales a hanapin si Donya Maria Blanca. Sa paglalakbay ni Don Juan para maagpuan ang Reyno de los Crisales ay mahirap. Pagod a gutom ang inaabot niya sa kanyang paglalakbay nang makakita siya ng isang matanda na hinigian ng pagkain a ito ay binigyan niya. Tinanong ni Don Juan ang matanda kung saan makikita ang Reyno de los Cristales pero hindi alam ng matanda. Pinapuna si Don Juan sa isang ermitanyo sa kabilang bundok para magtanong at binigyan ng barong para ipakita sa ermitanyo. Samantala, sa Berbanya ay pinagdarasal ni Donya Leonora ang pagdating ni Don Juan nang dumating si Don Pedro na pinipilit si Leonora na kalimutan na si Don Juan at magpakasal na lang sa kanya. Hindi pumayag si Leonora at pinipilit pa rin ang paghihintay ng pitong taon para hintayin si Don Juan. Naglakbay si Don Juan patungo ng kabilang bundok kung saan pinakita niya ang barong na ibinigay sa kanya g matanda. Sa ermintanyo niya tinanong kung saan makikita ang Reyno de los Cristales pero kahit kaninong hayop na tinanong ng ermitanyo ay

hindi nila alam kaya pinpunta ng ermitanyo si Don Juan sa isa pang ermitanyo na nakatira sa kabilang bundok. Nang makarating siya doon ay pinakita niya ang barong ulit sa ermitanyo at tinanong kung nasaan ang Reyno de los Cristales. Tinanong ng ermitanyo lahat ng ibon at isang agila ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang lugar. Ginabay niya si Don Juan patungo sa lugar. Dinala ng agila si Don Juan sa paliguan ni Donya Maria Blanca kung saan kasalukuyang naliligo si Donya Maria kaya kinuha ni Don Juan ang kanyang damit. Pagkaahon sa tubig at nakitang nawawala nag kanyang damit ay galit na galit si Donya Maria. Sa huli ay binigay din ni Don Juan ang kanyang damit at nagpaliwanag kung bakit niya io kinuha. Habbang sila ay naguusap ay umibig na pala sila sa isat isa. Nakita ni Don Juan ang hari kung saan hiningi niya ang kamay ni Donya Maria. Ang hari ay pumayag kung magaganpanan ni Don Juan ang kanyang ibibigay na utos. Sa unang utos ay ilagay ang labing dalawang negro sa prasko. Sa tulong ni Donya Maria ay nagampanan ni Don Juan ang unang utos. Ang ikalawang uos ay iurong ang bundo sa harapan ng palasyo. Sa tulong ni Donya Maria nagampanan ulit ni Don Juan ang utos. Habang naglalakad ang hari ay sinadya niyang hulugin ang kanyang singsing sa dagat. Sa tulong ulit ni Donya Maria, hinati-hati ni Don Juan ng pirapiraso si Donya Maria para magging isda nang mahanap ang singsing ay hinagis niya ito kay Don Juan pero nakatulog ito kaya hindi niya agad nakuha ang sinsing. Pinaperaso ulit ni Don Juan si Donya Maria at kinuha ulit ni Donya Maria ang sinsing na naiabot kay Don Juan. Ngunit pagbalik ni Donya Maria sa kanyang kanyuan ay nawawalan siya ng isang daliri. Ang huling pagsubok ni Haring Salermo ay sumakay sa isang kabayo ngunit hindi alam nila Donya Maria at Don Juan na ang kabayo pala ay si Haring Salermo. Kahit anong gawin nila ay hindi masakyan ni Don Juan ang kabayo kaya ang naisip ni Donya Maria ay paluin ito hanggang mapagod. Ito ay ginawa ni Don Juan at tuluyan niyang napagot ang kabayo at ito ay kanyang nasakyan. Sa galit ni Haring

Salermo at sa pagiwan ng kanyang anak sa kanya ang naging kadahilanan kung bakit siya ay nagkasakit at bago mamatay ay nagbigay ng isang makapangyarihan na mahika kung saan pagkadating ni Don Juan sa Berbanya ay kakalimutan niya si Donya Maria. Sa huli ay namatay si Haring Salermo. Pagkabalik ng Berbanya ay iniwan na muna ni Don Juan si Donya Maria sa isang bayan malapit sa Berbanya habang nauna siyang umuwi sa palasyo para ihanda ang buong palayso sa pagdating ni Dona Maria. Pinapangako ni Donya Maria si Don Juan na pagdating niya sa Berbanya na huwag siyang kalimutan. Pagdating ng palasyo ay sinalubong siya ng lahat at dito ay sinabi ni Leonora ang kataksilan na ginawa ng mga kapatid kay Don Juan. Naggalit ang hari kay Don Pedro at Don Diego ngunit pinatawad ito ni Don Juan. Inanunsiyo ng hari na magpapakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Samatala, tatlong araw ang nakalipas at naisip ni Donya Maria na nakalimutan na siya ni Don Juan at siya ay nagbalak ng paghihiganti. Ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika at nagdamit siya bilang Emperatris. Malugod na itinangap ng hari si Donya Maria kung saan ito ay gustong maghandog ng isang palabas na ikasasaya ng mga tao at ang ikakasal. Pinakita ni Donya Maria ang isang negrito a negrita kung saan tinatanong ng negrita kung natatandaan ba ng negrito siya pero ang laging sagot ay hindi. Sa kada sagot ng negrito ay hinhampas ng negrita and negrito kung saan si Don Juan ang nakakaramdam ng sakit. Sa huli ay hindi pa rin maalaala ni Don Juan si Donya Maria. Kinausap ng harap-harap ni Donya Maria si Don Juan at dito naandaan ni Don Juan ang pagibig niya kay Donya Maria. Humingi ng paumanhin si Don Juan Kay Donya Maria a hiningi sa hari na ikasal siya kay Donya Maria sapagkat siya ang kanyang tunay na minamahal. Nagsalita si Leonora at pinaalala ang mga naging pagsubok na hinarap nila ni Don Juan at sinabi din ni Donya Maria ang mga naging pagsubok na hinarap nila ni Don Juan laban sa

amang Haring Salermo. Tinanong ng ni Haring Fernando and Arsobispo at ang sagot niya ay ang dapat ikasal kay Don Juan ay ang nauna na si Donya Leonora. Sa galit ni Donya Maria ay hinagis niya ang prasko kung saan nabalot ang kaharian ng tubig at untiunting nalulunod ang mga tao. Napakiusapan ni Don Juan si Donya Maria at sinabing siya lamang ang mahal at ang gustong pakasalan. Huminahon so Donya Maria at sinabi ni Don Juan kay Leonora na patawarin siya pero magpakasal na lamang siya kay Don Pedro. Pumayag ang hari kaya si Don Juan ay nagpakasal kay Donya Maria ngunit hindi pumayag si Leonora na magpakasal kay Don Pedro kay umalis ito kasama ng kanyang kapatid na si Donya Juana. Si Don Juan at Donya Maria ay umalis ng Berbanya at bumalik sa Reyno de los Cristales para mamuhay bilang hari at reyna. KABUUAN NG STORYA Ang storya ng Adarna ay nagbibigay simbolo sa mga suliranin na nakikita pa rin ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Binigyan ng ediya ang mga tao na sa lahat ng masamang gawin ay walang mananalong tao sa huli ng lahat dahil dadating pa rin ang karma sa buhay. Ang mga ipekto ng mga pangyayari sa buhay nila Don Pedro, Don Diego at Don Juan ay maihahantulad mo sa mga taong gumawa ng masama o nakanakit ng kapwa. Ang kaibahan lang ay hindi ganon kadali ang pagpatawad sa mga kasalanan na ginawa ng mga taong nakanakit ng iba. Ang storya ay nagbibigay ng mensahe na sa buhay maraming mga taong pwedeng gumawa ng masama sa kapwa kaya mara hindi mangyari ang mga bagay na ito ay dapat pantay- pantay lang dapat lahat ng tao at ipairal ang disiplina.

You might also like