You are on page 1of 2

Asignatura : FILIPINO 7

Petsa: Abril 3 , 2024


Ikaapat na Markahan/Unang Linggo : Paksa – Buod ng Ibong Adarna

BUOD NG IBONG ADARNA


Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang
masamang panaginip. Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong
ang bunso niyang anak na si Don Juan at pagkatapos ay inihulog ito sa balon. Ayon sa isang
medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang makakapagpagaling ng
karamdaman ng hari. Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na magtungo
sa bundok Tabor at hanapin ang puno ng Piedras Platas dahil dito dumadapo ang Ibong
Adarna. Nabigo itong mahuli ang Ibong Adarna dahil naging bato ito nang mapatakan ng
dumi ng ibon. Sunod na inutusan ng hari si Don Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang
siya sa sinapit ng panganay na kapatid. Huling inutusan ni Haring Fernando ang paborito
niyang anak na si Don Juan. Sa kaniyang paglalakbay ay tinulungan siya ng isang
matandang ermitanyo kaya nailigtas niya ang kaniyang mga kapatid na naging bato. Nang
pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.Binugbog
nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay umuwi sa kaharian dala ang ibong
Adarna. Muling tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya. Nagalit
si Don Fernando nang malaman ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego. Napatawad
naman ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan.

Dahil sa angking ganda ay nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay
inutusan niya ang tatlong anak na magbantay. Nakatulog si Don Juan habang nagbabantay
sa ibon at pinakawalan ng dalawang magkapatid ang Ibong Adarna. Dahil sa takot na baka
maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay hanggang sa makarating sa Armenya
upang doon manirahan. Doon ay sinundan naman siya ng kaniyang mga kapatid. May
natuklasan sila doon na mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang bumaba ngunit si Don
Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa pinakailalaim na bahagi. Nang maabot ang
kailalimang bahagi ay natuklasan niya ang isang lugar na mala-paraiso sa ganda.

Nakilala niya doon sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang mga tagapag-
bantay ng mga prinsesa katulad ng higante at serpyente na may pitong ulo. Inilabas niya ang
mga magkapatid sa balon ngunit biglang naalala ni Prinsesa Leonora ang naiwang singsing.
Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kunin ang singsing. Nang makarating sa baba ng
balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid. Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang
lobo upang iligtas si Don Juan. Nang makaligtas at gumaling ang kanyang mga sugat ay
muling nagkita si Don Juan at ang Ibong Adarna. Inutusan ng ibon na pumunta ang prinsipe
sa Reyno delos Cristales. Ginabayan siya ng mga ermitanyo at inihatid siya ng isang
olikornyo papunta sa reyno. Inabot siya ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang
makarating sa banyo na paliguan ni Maria Blanca, isa sa mga prinsesa ng Reyno delos
Cristales na anak ng tusong hari na si Salermo. Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang
pagsubok ni Haring Salermo upang payagan na mapasakanya ang anak na si Maria Blanca.
Sa huling pagkakataon ay naisahan ng hari si Don Juan. Nalaman ni Maria Blanca ang plano
ng ama kaya tumakas siya kasama si Don Juan. Dahil sa galit ay isinumpa ni Haring Salermo
na makakalimot si Don Juan at pagtataksilan si Maria Blanca. Nang makabalik sa kaharian ng
Berbanya ay nakalimot nga si Don Juan at inibig si Prinsesa Leonora. Hindi ito matanggap ni
Maria Blanca kung kaya’t nagpanggap siya bilang emperatris na panauhin sa kasal nina Don
Juan at Prinsesa Leonora. Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa prinsipe ang mga
pagsubok na napagdaan at ang pag-iibigan nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan
kay Prinsesa Leonora. Paglaon ay muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng
tawad. Nangako ito na hindi na muli magtataksil. Ipinamana kay Don Pedro at Prinsesa
Leonora ang kaharian ng Berbanya samantalang si Don Juan at Maria Blanca naman ang
namuno sa Reyno delos Cristales.

Mga Pangyayari sa Ibong Adarna Kaugnay na pangyayari sa


kasalukuyan.

1-2. Si Haring Fernando ay isang makatarungan, dakila at


mahusay na pinunong iginagalang at sinusunod ng
kanyang nasasakupan.
3-4 Nagdasal at humingi ng gabay si Don Juan bago siya
sumuong sa kanyang misyon.
5-6 Ang hari ay dinapuan ng karamdamang nagdulot ng labis
na kalungkutan sa kanyang pamilya at sa buong kaharian.

7-8. Si Don Pedro at Don Diego ay naakit sa kinang at ganda


ng puno ng Piedras Platas kaya’t sila’y nabiktima ng taglay
nitong ganda at naging batong buhay sa ilalim ng punong
ito.
9-10. Sa tatlong prinsipe ang bunsong si Don Juan ang
nakahuli sa Ibong Adarna na lunas sa sakit ng kanilang
ama. Dahil dito, nakaramdam ng inggit si Don Pedro at
nagbalak ng kataksilan. Niyaya niya si Don Diego at
pinagtulungang bugbugin at halos patay na ng iwan ang
bunsong kapatid upang ang Adarna ay kanilang dalhin at
sila ang pupurihin.

You might also like