You are on page 1of 44

GAWAING

PAGKATUTO
BILANG 26
Layunin:
• nasusuri ang mga pangyayari sa akda na
nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon
(F7PB-IVc-d-21); at
• nailalahad ang sariling saloobin at
damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad
sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18)
Ang Pagkahuli ng Ibong
Adarna at Ang Pagtataksil
kay Don Juan
ANG GANTIMPALA NG
KARAPAT-DAPAT
(SAKNONG 162-196)
Sa kasabikang masilayan ang bahay ng Adarna,
nawala ang pagod at hirap na naramdaman ni
Don Juan. Binilisan niya ang kanyang
paglalakad, pinuntahan niya ang lugar ayon sa
biling ibinigay ng matanda. Hindi nga siya
nabigo dahil sa wakas matapos ang mahabang
panahong paglalakbay narating din niya ang
tahanan ng mahiwagang ibon. Tunay ngang
kabigha-bighani ito upang mapako ang tingin ng
binata sa malalagong dahon ng puno.
Hindi ito
kokopyahin
Ngunit bigla niyang naalala
ang tugon ng matanda kaya
dali-dali niyang hinanap ang
bahay na tinutukoy na
siyang magbibigay-gabay sa
paghuli niya sa Adarna.
Hindi ito
kokopyahin
Walang sinayang na sandali si Don Juan,
agad niyang kinatok ang pinto ng bahay,
hindi naman siya nabigo nang pinagbuksan
siya ng ermitanyo. Walang pag-
aalinlangang pinatuloy at inalok ng pagkain
si Don Juan ngunit laking gulat at
pagtataka ng prinsipe dahil ang tinapay na
ibinigay niya sa matandang leproso ang
siya namang inihain ng ermitanyo.
Hindi ito
kokopyahin
Isinalaysay ni Don Juan ang tunay niyang
pakay kaya pinayuhan siya ng ermitanyo
kung paano hulihin ang mahiwagang ibon.
Isang babala ang sinabi ng ermitanyo sa
binata upang hindi mahulog sa patibong ng
mahiwagang ibon. Isang labaha ang
ibinigay ng ermitanyo kasama ang pitong
(7) pirasong dayap na hinog na.

Hindi ito
kokopyahin
Kailangang sugatan ni Don Juan ang sarili sa
tuwing kakanta ang ibon nang sa ganoon
malabanan ang mararamdamang antok.
Kasabay ng pagkanta ng ibon ay pitong beses
namang nagbibihis ng balahibo ang Adarna, ibig
sabihin pitong beses na susugatan ni Don Juan
ang sarili upang hindi siya magaya sa kanyang
mga kapatid na nakatulog at napatakan ng
dumi ng ibon kaya naging buhay na bato sina
Don Pedro at Don Diego. Maliban sa labaha’t
dayap binigyan din si Don Juan ng sintas upang
maging pantali sa ibon. Hindi ito kokopyahin
Gabay sa Pag-unawa:
1. Anong nakita ni Don Juan sa
dampa na nag-iwan ng
malaking tanong sa kanya?
2. Kung ikaw ang matanda,
paano mo kaya ibabalik ang
kagandahang-loob na ipinakita
ni Don Juan?
Mabilis na nagpaalam si
Ang Bunga ng Don Juan sa ermitanyo
upang marating agad ang
Pagpapakasakit Tabor, pagdating sa lugar
(saknong 197-231) ay diretsong hinanap ang
punongkahoy na tahanan
ng ibon. Matiyaga
namang naghintay ang
prinsipe sa pag-uwi ng
Adarna.

Hindi ito kokopyahin


Hindi nagtagal napansin na ng prinsipe ang
mahiwagang ibon na tila ba pagod at galing
sa malayong lugar. Maya-maya pa’y
nagsimula na itong kumanta at nagbago na
ang bihis. Natutukso nang matulog si Don
Juan kaya’t labaha ay dinukot at pinigaan
ng dayap. Nawala ang antok ni Don Juan
dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman.
Tiniis niya ito ng pitong beses hanggang
matapos ang pag-awit ng Adarna.
Hindi ito kokopyahin
Nang matiyak na tulog na ang ibon
dahan-dahang umakyat sa puno
ang batang prinsipe at agad
sinunggaban ang paa ng Adarna,
Ginapos niya ito gamit ang sintas na
ibinigay ng ermitanyo at buong
galak na ipinasok ang ibon sa
hawla.
Hindi ito kokopyahin
Pagkatapos nito, inatupag naman ng
prinsipe ang dalawang kapatid. Sinunod
niya ang utos ng ermitanyo na punuin ng
tubig ang banga at ibuhos ito sa batong
nakapuntod. Nagising ang dalawang
prinsipe at laking pasasalamat nila sa
bunsong kapatid. Walang mapaglagyan ang
kasiyahan nina Don Pedro at Don Juan
nang masilayan si Don Juan.

Hindi ito kokopyahin


Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang kakaibang katangian
ang nakita ni Don Juan sa
tirahan ng Adarna?
2. Paano napagtagumpayan ni
Don Juan ang paghuli sa
Adarna?
Hindi ito kokopyahin
ANG BUNGA NG INGGIT
(SAKNONG 232-274)
Puno ng kasiyahan ang tatlong
prinsipe nang sila’y papauwi na,
bitbit ang Adarna at ang pag-
asang gagaling na ang kanilang
ama ngunit dahil sa inggit ni
Don Pedro kay Don Juan may
plano itong masama laban sa
kanya. Hindi ito kokopyahin
Nagpahuli si Don Pedro sa paglalakad upang
sabihin kay Don Diego ang masamang balak
nito laban sa kapatid na si Don Juan, at iyon ay
patayin. Nang malaman ni Don Diego ang balak
ni Don Pedro hindi niya ito sinang-ayunan
subalit tumutol man siya ay wala rin siyang
magawa dahil sa takot na mapahamak siya
bagkus nagbigay na lang ng mungkahi si Don
Pedro na sa halip na patayin ay bugbugin na
lang ang nakababatang kapatid.

Hindi ito kokopyahin


Kaya, gaya ng napagplanohan
walang-awang binugbog ng
dalawang prinsipe si Don Juan
hanggang sa mawalan ito ng malay.
Iniwan nilang gulapay at halos hindi
na humihinga si Don Juan, saka
dali-daling kinuha ang hawlang
pinaglalagyan ng ibon.
Hindi ito kokopyahin
Masayang ibinalita nina Don Pedro
at Don Diego na dala na nila ang
Adarna. Ikinatuwa ito ng hari sa
narinig na balita ngunit napansin
niyang wala ang bunsong anak kaya
inusisa niya ang dalawang prinsipe.
Ikinalungkot ni Haring Fernando
ang ibinalita ng dalawa.
Hindi ito kokopyahin
Ang kaligayahan ay napalitan
ng kalungkutan. Itinuon ang
atensiyon ng Hari sa dalang
ibon, nagtaka siya dahil
kabaliktaran ang hitsura nito sa
sinabi ng mediko at higit sa
lahat ayaw nitong kumanta.
Hindi ito kokopyahin
Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano na naman ang nabuong
plano ni Don Pedro laban kay
Don Juan?
2. May naidudulot bang
masama ang inggit? Ano ito?

Hindi ito kokopyahin


Samantala, nagising na si
Ang Dalangin ng Don Juan, mahina at
nananamlay, maga ang
Bunsong Anak sa buong katawan, may bali
Gitna ng ang tadyang at
Paghihirap dinaramdam ang gutom
at sobrang uhaw. Pilit
(saknong 275-317)
niyang nilakasan ang
sarili, ginapang niya ang
damohan at sinubukang
humingi ng saklolo.
Hindi ito kokopyahin
Tanong sa sarili kung sino kaya ang
makatutulong sa kanya gayong
malayong-malayo siya sa palasyo.
Sa kawalan ng pag-asa, tanging ang
Diyos lamang ang mahingian niya
ng tulong kaya taimtim na nagdasal
ang kaawa-awang si Don Juan.

Hindi ito kokopyahin


Hiniling niya sa Mahal na Birhen na
kahabagan ang kanyang kalagayan
at kahit nahihirapan sa kanyang
sitwasyon kapakanan pa rin ng ama
ang inaalala niya. Hindi rin niya
lubos maisip kung bakit
pinagtaksilan siya ng kanyang mga
kapatid.
Hindi ito kokopyahin
Humingi pa ng kapatawaran ang binata
sa ginawang kasalanan nina Don Pedro
at Don Diego. Huminto saglit sa
pagdarasal si Don Juan dahil sa
sobrang kirot na nararamdaman at
saka ipinako ang paningin sa
kalangitan. Sinambit niya ang mga
bituing nasa langit upang tingnan ang
kaawa-awa niyang kalagayan.
Hindi ito kokopyahin
Bumabalik sa kanyang alaala ang
larawan ng Berbanya at higit sa lahat
ang pinakamamahal niyang ina.
Tinatawag niya ito na parang kausap
lang ang ina, pilit na isinusumbong ang
lahat ng kanyang nararamdamang
paghihirap at pasakit.

Hindi ito kokopyahin


Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang naging dasal ni Don
Juan sa gitna ng kahirapan?
2. Kung ikaw si Don Juan, kaya
mo pa bang patawarin ang iyong
mga kapatid? Bakit?

Hindi ito kokopyahin


May biglang sumulpot na
matanda sa gitna ng gubat
Ang Awit ng at tinulungan ang prinsipe.

Ibong Pinahiga niya nang maayos


at ginamot ang mga sugat.
Adarna Nagising ang binata na
wala nang nararamdamang
sakit at kirot, naayos na rin
(saknong 318-399) ang butong nabali at
bumalik na sa dati ang
lakas ng pangangatawan ng
prinsipe. Hindi ito kokopyahin
Laking pasasalamat ni Don Juan sa
tulong na ginawa ng matanda. Isang
malaking himala ang manumbalik ang
lakas ng katawan at mawala ang lahat
ng mga sugat at pasa. Pinayuhan siya
ng matanda na umuwi na kaagad sa
Berbanya dahil sa kalagayan ng
kanyang ama. Matulin sa paglalakad
ang prinsipe na waring isang ibong
lumilipad. Hindi ito kokopyahin
Nang masapit ni Don Juan ang palasyo
walang mapagsidlan ang kaligayahan ng
kanyang mga magulang. Lumuhod siya sa
nakaratay na ama upang humalik sa
kamay. Magkagayo’y ang Adarna ay
namayagpag na mula sa hawla at ang
balahibong pangit ay napalitan na. Umawit
nang matamis ang ibon, isinalaysay nito
ang pakikipagsapalaran ni Don Juan upang
mahanap siya at kung paano siya nahuli.
Hindi ito kokopyahin
Ikinuwento rin ng ibon kung paano iniligtas
ni Don Juan ang mga kapatid at higit sa
lahat ibinunyag niya ang kataksilang
ginawa nina Don Pedro at Don Diego.
Sobrang dinaramdam ni Haring Fernando
ang kapighatiang sinapit ng bunsong anak.
Pagkatapos umawit ng Adarna ay bigla na
lang itong bumangon na para bang hindi
nagkasakit. Muling nanumbalik ang dating
lakas at nilapitan niya ang Adarna at
niyakap si Don Juan. Hindi ito kokopyahin
Galit na binalingan ang dalawang anak,
pinalayas niya ang mga ito sa kaharian at
tinanggalan ng karapatan. Kinamumuhian
niya ang mga ito dahil sa kataksilang
ginawa sa mismong kapatid nila ngunit
sadyang may maamong puso at mabuting
kalooban itong si Don Juan, pinakiusapan
niya ang Hari na huwag ng parusahan
dahil kapatid pa rin niya ang mga ito.

Hindi ito kokopyahin


Dagdag pa niya kalimutan na lang ang
lahat ng mga pangyayari dahil wala ring
nababago sa kanilang samahan. Dininig
naman ng Hari ang hiling ng anak pero
nagbanta ito na kung uulitin pa nila ang
pagpapahamak kay Don Juan kamatayan
nina Don Pedro at Don Diego ang magiging
hatol nito.

Hindi ito kokopyahin


Gabay sa Pag-unawa:
1. Paano tinulungan ng
matanda si Don Juan sa tiyak
na kapahamakan?
2. Paano nalaman ng hari ang
kataksilan ng kanyang mga
anak sa bunso nilang kapatid?
Hindi ito kokopyahin
Lagyan ng tsek ()
GAWAIN ang mga kahon
kung ang mga
A. suliraning ito ay
nakita sa binasa.
Ekis (X) naman ang
ilagay kung hindi.
Ang pagiging bayolente,
pananakit, o paggamit ng
dahas labansa kapwa.
Ang kawalan ng sariling
paninindigan at pagiging
sunod-1 sunuran sa
masamang impluwensiya ng
iba
Ang paggawa ng masama
para lang mapagtakpan ang
isang kabiguan o kahihiyan

Ang malabis na
pagpapahalaga sa
kayamanan o salapi
Sagutin ang mga
GAWAIN sumusunod na
katanungan batay
B. sa napanood na
video.
I-scan ang mga QR Code na nasa
ibaba at panoorin ang mga bidyong
makikita.
1. Paano nasira ang magandang
samahan ng kambal sa
pinanood na bahagi ng
teleserye?
2. Ano ang ibinunga ng
saradong isipan at kawalan
ng pang-unawa ng isa sa
kanila?
3. Sino sa kambal ang
maihahambing kina Don Pedro
at Don Diego? Sino naman ang
maihahambing mo kay Don
Juan? Ipaliwanag.

You might also like